Unang Digmaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL
Esperanza, Sultan Kudarat
THIRD QUARTER

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

Petsa: Pebrero 29-04, 2024


Seksyon: MERCURY,PLUTO, URANUS
Oras: 9:50-10:50 AM, 10:50-11:50, 3:30-4:30 PM

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga dahilan/ pangyayari na nagbigay-daan sa pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya;
2. Natatalakay ang mga dahilan at pangyayari na nagbigay-daan sa pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya;at
3. Natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya.

II. PAKSANG ARALIN


Unang Digmaang Pandaigdig ( 1914-1918)
Batayang Aklat: ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Pahina: 230-233
Kagamitan: Laptop, PPT, pirasong papel

III. PAMAMARAAN
A. Panalangin/Pagbati
B. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
C. Pamantayan sa klase
D. Drill (Indibidwal)
“JUMBLED LETTERS”
Panuto:Ayusin ang mga ginulong na letra (Jumbled Letters) upang makuha ang tamang
kasagutan.
1. HINIUDSMO - HINDUISMO
2. DBUDIHSMO -BUDDHISMO
3. RISTKIYATISMON -KRISTIYANISMO
4. JUDAOMIS -JUDAISMO
5. MALSI -ISLAM
E. Balik-aral
“I VOLUNTEER”
Panuto: Pipili ng dalawang estudyante para magbahagi ng kanilang leksyon sa nakalipas
na talakayan.
F. Pagganyak
“REAKSYON MO, IPAKITA MO”
Kapag nakakarinig kayo ng putukan, ano ang inyong magiging reaksyon?

G. Talakayan
“Video Presentation”
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mga bansang kabilang sa Central Powers? ang Allies?
2. Ito ang naging masidhing dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang?
3. Paano nasangkot ang bansang India sa Unang Digmaan? Ano ang koneksyon nila ng mga
Allies?
4. Sa pagkatuklas ng mga kanluraning bansa sa mina ng langis sa kanlurang asya, nagtatag sila ng
isang sistema upang pamahalaan at kontrolin ang mga ito lalo na sa aspeto ng pang ekonomiya.
Ano ito?
5. Ano ang ibig sabihin ng Balfour Declaration?
6. Ano ang naging papel ng League of Nations sa Pagwawakas ng Unang Digmaan?
H. Pagsusuri
Kanino nag-ugat ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig? Ano ang kanyang
rason sa paggawa nito?

I. Pagpapahalaga
May maganda ba o masamang epekto ang digmaan sa buhay ng tao?

J. Paglalahat
Ano ang masasabi niyo sa paksang tinalakay natin ngayon?

IV. EBALWASYON
I. Basahin ang mga pahayag at sagutin ang mga sumusunod. (Oral)

_______1. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pag-aalyansa
ng mga bansang Europeo. Anong grupo ang binubuo ng Germany at Austria-Hungary?
_______2. Napabilis ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagpatay kay
Francis Ferdinand na tagapagpama ng trono ng anong bansa?
_______3. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naging daan ng pansamantalang pagkakasundo
ng mga Hindu at Muslim sa India. Anong bansang Kanluranin ang kanilang sinuportahan sa
digmaan?
_______4. Naapektuhan din ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Kanlurang Asya. Anong
sistema ang ipinatupad ng mga Kanluranin sa mga bansa rito?
_______5 Anong bansa sa Kanlurang Asya ang nakipag-alyansa sa Russia at Great Britain upang
magsagawa ng pag-atake sa Ottoman Empire?

II. Basahin ang mga pangungusap. Sagutin ito ng Ar kung TAMA at Pan kung MALI ang
sumusunod na pahayag.

__________1. Ang patuloy na paglalaban ng mga Muslim at Hindu sa India ay naganap sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
__________2. Nagkaroon ng pagkakasundo sa mga Jew at Muslim pagkatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
__________3. Ang agarang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay dahil sa pagpatay sa
tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary
__________4. Ang Russia, France, at England ay ang mga bumubuo sa Allies noong Unang
Digmaang Pandaigdig.
__________5. Ang mga naganap na mga Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng pagkakaisa sa
paghingi ng kalayaan ng mga kolonya.

V. Kasunduan
1. Ibigay ang mga Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya.

You might also like