Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Laban Kababaihan!

Babae kami at hindi basta babae

Kami ba ay nabubuhay lamang upang maging sunod-sunuran?

Ang pagiging babae ba ang sukatan ng kakayahan?

Kami ba ay kawangis ng kahinaan?

Tama bang sabihin palagi ang mga katagang: “Sapagkat, ika’y babae lamang”?

Andaming katanungan, iisang kasagutan

Ang mga babae noon pa man ay tila walang halaga

Ngunit sa kasalukuyan ito ay naiba na

Mayroon nang makikitang pagkapantay-pantay

Pagkakataong pang-ekonomiya

Makikita natin ang mga kababaihan sa mundo ng negosyo

Ang mga kababaihan ay kumakatawan sa malaking pang-ekonomiyang kapangyarihan

Sa karapatang pampolitika naman

Ang mga kababaihan ay may pantay na karapatang bumoto, humawak ng pampublikong katungkulan, at
lumahok sa lipunang sibil.
Ang mga kababaihan ay may malaking silbi!

Tayo ay babae! Hindi basta basta babae lng!

You might also like