Fil 11 Summative Q3 Week 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 3 /2nd SEMESTER, WEEK 3

Pangalan:__________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: _FILIPINO 11 Guro: ____________________________Petsa: ______

I. Pamagat ng Gawain: Pangkalahatang Pagsusulit

II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit
( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

III.MELC: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang


teksto. (F11-WG-IIIc-90)

IV. Layunin ng Pag-aaral:


a. Nasusukat ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa Kohesyong Gramatikal.
b. Natutukoy kung anong kohesyong gramatikal ang ginamit sa pangungusap.

V. Sanggunian:
Print Material/s:
 Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik). Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. p.10-19, at
p. 21-22

VI. Pangkalahatang Pagsusulit:

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay mga bahagi ng pananalitang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw o anumang bagay
na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
a. pang-uri at pandiwa c. pang-abay at pangngalan
b. pang-uri at pang-abay d. pang-abay at panghalip
2. Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay at
pangungusap.
a. panghalip c. pang-abay
b. pandiwa d. pang-ugnay
3. Tatlo ang bahagi ng pananalitang itinuturing na pang-ugnay. Alin sa mga
sumusunod ang hindi pang-ugnay?
a. pang-abay c. pang-angkop
b. pangatnig d. pang-ukol

1
4. Sa kohesyong gramatikal na reperensiya, anong bahagi ng pananalita ang
ginagamit dito upang malaman kung anapora o katapora ang pahayag?
a. pangatnig c. panghalip
b. pandiwa d. pangngalan

5. Sa kohesyong gramatikal na ito ay may binabawas na bahagi ng


pangungusap subalit inaasahang maiintindihan pa rin ng mambabasa ang
pahayag.
a. substitusyon c. reperensiya
b. pang-ugnay d. ellipsis

B. Panuto: Tukuyin kung anong kohesyong gramatikal ang ginamit sa mga


sumusunod na pahayag. Isulat ang
a—kung ito ay reperensiya
b—kung ito ay substitusyon
c—kung ito ay ellipsis
d—kung ito ay pang-ugnay
e—kung ito ay kohesyong leksikal

6. Natapon ni Angela ang “milk tea” mo. Oorder na lang ako ng iba.
7. Sila ang mga bagong bayani na nagbubuwis –buhay para sa kapakanan ng
karamihan. Ang mga “frontliners” ay nagsusumamo na gampanan din natin
ang ating mga tungkulin.
8. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nababagot na dahil hindi sila
makagala dulot ng pandemya.
9. Isang napakalupit na virus ang COVID19. Walang pinipili—mayaman man o
mahirap, bata man o matanda, may pinag-aralan man o wala.
10. Maraming nasirang ari-arian sa NCR gayundin sa Cagayan.
11. Ang mga magulang ay nagsasakripisyo para matuto ang kanilang mga anak.
Sila ay nagpapakahirap para matustusan ang pangangailangan ng mga bata.
12. Kahirapan ang isang sanhi ng karamihang krimen sa kasalukuyan. Ito ay
matinding pasanin at nag-uudyok sa mga tao na gumawa ng kasamaan.
13. Dahil sa pandemya, maraming buhay ang nawala.
14. Nakapagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Namumunga na ang talong,
okra, kamatis at nakakadagdag-kita rin para sa pamilya.
15. Namili si Rita ng limang kahong facemask at si Vanessa nama’y tatlo.

You might also like