Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 58

May Jane L.

Gregorio

BSED-III/Filipino

MODYUL 1

Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, kailangan mo munang isagawa ang panimulang
gawain. Handa ka na ba?
1. Ano ang tula?
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin at
saloobin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Ang tula ay nagtataglay rin ng
tugma, na maaaring tugmang ganap o tugmang di-ganap o isang malayang taludturan.

2. Ano ang pagkakaiba


MGA at PILING
pagkakatulad
TULA ng SA
mga tula saBANSAAng
IBANG Pilipinas sa mga
mga tula
tula sa ibang bansa?
Ilahad ang iyong kasagutan
namangamit angbansa
sa ibang venn diagram.
ay binubuo ng mga tulang liriko ito
ay ang mga tulang oda at elehiya. Ang oda ay tulang
Ang mga tula sa pumupuri
Pilipinas ay ang bugtong,
at dumarakila sa salawikain,
isang indibidwal o isang bagay.
tanaga, at mayroon tayong iba‟t ibang uri ng awiting-
Karaniwan itong itinatanghal na may kasamang
bayan tulad ng ambahan, laji, oyayi, kundiman, at
instrumentong musikal. Ang elehiya iba pa. sa modernong
Gayun din ng tulangpanulaan
naratibo ay o tulang
kilala pasalaysay
hindi sa anyo gaya
nitongkundi sa laman na
mga epiko na nagtatanghal ng mga
karaniwang kagila-gilalas
imiinog sa usapinnang pamimighati at
pakikipagsapalarankamatayan.
ng ating mga bayani. Awit
Kilala sa mga makataat korido
na gumagawa nito ay
na parehong inaawit ngunit magkaiba ang bilang ng mga
sina Sappho at Pindar mula sa Gresya. Sina Horace,
pantig at taludtod, at ang pasyonatna
Catallus, nagpapaksa
Ovid naman aynaman sa
mga kilalang makata na
buhay at kamatayansumusulat
ni Kristo.ng Mayroon din tayong tulang
tulang liriko mula sa Roma. Nagsusulat din
pangtanghalan o tulang itinatanghal
ng ganitong uri ng sa Pilipinas.
tula mula sa Ito ay
sinaunang India at Tsina.
ang pag-arte, sayaw, musika o awit.
Maituturing namang tulang lirikal ang haiku ng mga Hapon
at maging ang mga soneto na isinulat ni Shakespeare.
Mayroon ding Villanelle ang ibang bansa ito ay tulang may
19 na taludtod na may limang triplet (o berso na may
tatluhang taludtod) at may quatrain bilang pagtatapos.

Ang pagkakatulad ng mga tula sa Pilipinas sa mga tula mula sa ibang bansa ay parehong may nilalapatan
ng musika ang ilang uri ng mga tula gaya ng ambahan at iba pa mula sa Pilipinas at oda naman mula sa
ibang bansa. pareho ring itinatanghal ang mga tula natin mula sa Pilipinas at mga tula ng mga taga ibang
bansa. Dagdag pa rito mayroon ding pagkakatulad ang mga paksain ng tula ng Pilipinas sa mga paksain
ng mga tula ng ibang bansa. Ilan sa mga paksaing ito ay tungkol sa kamatayan, papuri at iba pa. Pareho
rin itong kapupulutan ng aral ng sinumang makaririnig o makababasa nito.
Dumako na tayo ngayon sa mga katanungan upang lubos mong maunawaan ang mga nakapaloob
na detalye sa modyul na ito.

Basahin nang may pag-unawa ang sumusunod na tanong. Ilahad ang sagot nang maikli subalit
makabuluhan.

1. Bilang tulang tradisyonal, ano-ano ang mga pinapaksa ng mga tanaga batay sa mga naging
halimbawa sa aralin?
Ang mga pinapaksa ng mga tanaga batay sa mga naging halimbawa sa aralin bilang paksang tradisyonal
ay tungkol sa karanasan sa buhay na maaaring kapulutan ng aral. Nagpapakita ito ng magagandang
katangian gaya ng kabutihang-asal, kababaang loob at iba pa na maaaring tularan ng mga mambabasa.

2. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang maitala at matalakay ang mga tulang laji at ambahan?
Ang dahilan kung bakit mahalagang maitala at matalakay ang mga tulang laji at ambahan ay
upang malaman ang mga katangian at mga karaniwang paksain nito upang sa ganoon ay maging pamilyar
ang mga mag-aaral tungkol dito. Gaya ng laji na karaniwang nagpapaksa ng 1) pag-ibig at kasal; 2)
panlipunang protesta, pagkaawa sa sarili, panawagan; 3) papuri sa isang tao; 4)katalinuhan; 5)
panlipunang awit, pamamaalam o pasasalamat; 6) kamatayan at pagdadalamhati; 7) ritwal; 8) siste o
pangangantiyaw; 9) pag-inom; at 10) relihiyosong awitin. Sa kabilang banda, ang ambahan naman ay
may sumusunod na mga katangian: 1) kalipunan ng mga pahayag na patula; 2) may sukat na pipituhin; 3)
may dulong tugma; 4) inihahayag sa paraang paawit; at 5) walang kaalinsabay na instrumentong musikal.

3. Paano naiiba sa paksa at anyo ang tulang tradisyonal sa tulang moderno? Ano-ano ang mga
pinapaksa sa mga tulang tradisyonal? Sa tulang moderno?
Naiiba sa paksa at anyo ang tulang tradisyonal sa tulang moderno sapagkat mas mahigpit ang
tulang tradisyonal pagdating sa sukat at tugma. Bukod pa rito'y mas matalinghaga at matayutay ang mga
tulang tradisyonal kumpara sa tulang moderno. Ang kadalasang pinapaksa ng tulang tradisyonal ay
tungkol sa tradisyon at kultura nating mga Pilipino noon. Samantalang sa tulang moderno naman ay
tungkol sa kasalukuyang nagaganap ngayon o sa mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid na ating
nararanasan ngayong moderno na ang panahon.

4. Ano ang silbi ng tula sa yugto ng mga kasaysayan sa lipunang Pilipino?


Ang silbi ng tula sa yugto ng mga kasaysayan sa lipunang pilipino ay nagsisilbi itong patunay o
ebidensya na ang ating mga ninuno ay may taglay ring kakayahan o kahusayan pagdating sa paglikha ng
mga tula. Sa pamamagitan ng mga likhang tula o iba pang mga panitikan ng ating mga ninuno ay
malalaman natin ang uri ng kanilang pamumuhay noon. Gayondin ang kanilang tradisyon, kultura at
paniniwala. Dito natin nalalaman ang ating pinagmulan at kung papaano ito umuunlad sa paglipas ng
panahon. Dagdag pa rito ang mga tulang ating nililikha ngayon ang siya namang magiging batayan ng
mga susunod na henirasyon kung ano ang uri ng ating pamumuhay, kultura at iba pa sapagkat marami
rin tayong uri ng tula ngayon na nagpapaksa sa tradisyon at kulturang meron tayo.

5. Ilan ang bilang ng tulang soneto? Ano ang kaibahan ng tulang Petrachan sa tulang
Shakespearean?
Ang bilang ng tulang soneto ay may 14 na taludtod o linya na may pormal at sistematikong
tugmaan. Nagpapahayag ito ng iba‟t ibang aspekto ng isang ideya, o damdamin na karaniwang nilalagom
sa pinakahuling linya. Ang kaibahan ng tulang Petrachan sa tulang Shakespearean ay ang sonetong
Petrarchan o Italian ay may octave, o saknong na may walong taludtod at sestet, o saknong na may anim
na taludtod. May dalawang quatrian o saknong na may apat na taludtod, ang octave na may tugmang
abba, abba. Ang unang quatrian ay nagpapahayag ng tema at pauunlarin ito ng ikalawa. Ang sestet ay
maaaring may magkakaibang tugma na inayos nang cdecde o cdcdcd, o cdedce; ang unang tatlong linya
ay nagmumuni ukol sa tema at ang huling tatlong linya ay naglalagom sa nais sabihin ng tula.
Samantalang ang sonetong Shakespearean o English naman ay naiiba sa pagkakahati nito sa tatlong
quatrain. May iba‟t iba itong tugma na may couplet (dalawang magkasunod na taludtod na may tugma) sa
dulo na may ibang tugma sa nauna. Epektibo nitong ipinahahayag ang rurok ng tula. Ang sistema ng
tugma at abab, cdcd, efef, gg.

6. Ano ang kahalagahan ng paglinang ng mga tulang nasa ating wika ngunit nasa anyong banyaga?
Ang kahalagahan ng paglinang ng mga tulang nasa ating wika ngunit nasa anyong banyaga ay masusubok
natin ang ating kakayahan sa paglikha ng tula anuman ang uri o anyo nito. Sa ganitong paraan mas
mapapaunlad natin ang ating Panitikang Pilipino, dagdag pa rito ang ating pakikiisa o pakikibahagi sa
tinatawag na Globalisasyon.

7. Saan nagmula ang tulang tuluyan? Paano nito naimpluwensiyahan ang mga tula ni Mike
Bigornia?
Nagmula ang tulang tuluyan noong ika-18 dantaon sa Pransiya bilang paghihimagsik sa mga
tulang tradisyonal. Ang tulang tuluyan o tulang prosa ay uri ng tula na may estruktura ng prosa subalit
ang estilo at wika ay tulad ng sa tula. Itinuturing nga itong alanganin, at may dugong “French.” Ayon kay
Virgilio Almario, si Baudelaire, ang dakilang ama ng pandaigdigang modernismo, ang nagbinyag nito sa
kaniyang serye ng mga tulang poemes en prose noong 1855. Naimpluwensiyahan nito ang mga tula ni
Mike Bigornia dahil isa siya sa naging mapaghimagsik o eksperimental pag dating sa pagtula.

8. Bakit tinawag na tulang kongkreto ang tula ni Gigantoca na “Sayang”?


Ang tulang "Sayang" ni Gigantoca ay tinawag na tulang kongkreto sapagkat ang taludtod ng
tulang ito ay nagpapakita ng hugis o kongretong imahen ng isang gripo na may tumutulong tubig. Sa
Imahen palang na nabuo ng taludtod ay makikita na agad na ang paksang tinatalakay ay tungkol sa maling
pag-gamit ng gripo o pagsasayang ng tubig kaya naman pinamagatan itong "Sayang"ni Gigantoca.

Paglinang sa Pagkamalikhain

1. Suriing mabuti ang sukat ng tanaga. Gumawa ng isang tanaga na may paksang tradisyonal.
Tradisyonal na panliligaw
Ang tinig at gitara
Ang gamit na sandata
Nang tuluyang makuha
Ang puso ng dalaga

2. Suriing mabuti ang ginawang tanagang tradisyonal. Gumawa ng isang tanagang moderno na
taliwas sa paksang tinalakay sa tanagang tradisyonal

Pag-ibig sa social media


Madaliang usapan
Madaliang ligawan
Madaliang ibigan
Uso sa kabataan

3. Suriin at tingnan kung paanong nagiging katawa-tawa ang tono ng isang awit na pinalitan ng
subersibong mensahe. Gumawa rin ng sariling parodya ng isang tanyag na sulatin. Tiyaking may
tinuturol na ideya o tesis ang iyong parodya.

"Ang magandang Christmas tree"


Bago sumapit ang pasko
Namimili ang mommy ko
Ng mga pangregalo
Para sa araw ng pasko

At itong aking daddy


Gumagawa ng christmas tree
Sasabitan ko naman
Ng mga laruan at mga candy

Sa iba't ibang kulay


Nitong ilaw ng christmas tree
Lalo lang nagniningning
Pagsapit ng gabi

Ang magandang christmas tree


Natutuwa ang marami
Lalo na't patay sindi
Ang ilaw ng christmas tree
Ang ilaw ng christmas tree

"Ang bahay ni Lolo Pablo"


Bago sumapit ang bagyo
Lumilipad ang mga yero
Lalo na kung walang pako
Ang bahay ni Lolo Pablo

At itong karpintero
Gumagawa ng panibago
Upang tumibay naman
Ang bahay ni Lolo Pablo

Sa ibat ibang kulay


Nitong kulay ng kanyang yero
Lalo lang nililipad
Pagsapit ng bagyo

Ang makulay na yero


Tinatangay lagi ng bagyo
Lalo na't walang pako
Ang bahay ni Lolo Pablo
Ang bahay ni Lolo Pablo

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang
mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul. Tapos na tayo sa modyul na ito.

Sa mga kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan ng aralin at maging ang iyong
naging pagninilay.
Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay ang iba't ibang uri ng mga tula. Ang katangian at
kahalagahan ng mga tulang ito. Ito may ay tula mula sa Pilipinas o tulang banyaga o mga tula mula sa
ibang bansa. Nalaman ko rin kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tulang sariling atin sa
mga tulang likha ng mga taga ibang bansa, gayun din ang pagkakaiba ng tulang tradisyonal at tulang
moderno. Sa modyul na ito natutuhan ko ring lumikha ng aking sariling tula gaya ng tanaga dahil na rin
sa mga aktibidad na nakapaloob dito.
Mula sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong pag-aralan,
tangkilikin, mahalin at pagyamanin ang ating literatura o sining gaya ng mga tula at awiting bayan
sapagkat ito ay isa sa ating pagkakakilanlan at batid nating lahat na napakalaki ng tulong o ambag ng
literaturang ito sa ating kasaysayan. Kaya nararapat lamang na mas higit nating ipagmalaki ang ating mga
sariling akda at pagyamanin pa ito gamit ang ating sariling wika. Napagtanto ko rin bilang isang
OLSHConian na tungkulin kong mas pag-igihan pa ang aking pag-aaral upang sa ganoon ay walang
anuman pandemya o sakuna ang maging hadlang upang makamit ko ang aking mga pangarap o mithiin sa
buhay.

MODYUL 2:TALINGHAGA

Panuto:Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na matalinghagang pahayag:

a. bantay –salakay - Traydor

b. alilang-kanin - Taong hindi sinusuwelduhan

c. balitang-kutsero - Impormasyong walang katotohanan o "fake news".

d. natutulog sa pansitan - Napaglilipasan ng panahon o nagpapalipas oras.

e. maanghang ang dila - Bastos magsalita

f. matigas/makapal ang mukha - Walang hiya

g. kidlat sa bilis - sobrang bilis o napakabilis

h. halang ang kaluluwa - masamang tao

i. makati ang dila - madaldal

Bago mo basahin ang susunod na detalye, gusto kong maging tapat ka sa iyong sarili sa pagsagot sa
katanungang ito na hindi nakabatay sa nilalaman ng modyul.Ano ang Pagwawangki o Simile?
Isulat ang iyong sagot sa kasunod na kahon.
Ang Pagwawangki o Simile ayon sa aking natatandaan na kahulugan nito ay isa itong uri ng
tayutay na kung saan pinagtutulad o pinaghahambing ang dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito
ng mga salitang gaya ng, parang, tulad ng, at iba pa. Halimba nito ay "ang dalagang si Anna ay parang
isang bulaklak." Ibig sabihin ang dalagang si Anna ay nagtataglay ng kagandahan kaya naman
inihambing sya sa isang bulaklak.

Batay sa tulang iyong binasa, tukuyin mo kung ano ang mga bahagi nito na nagtataglay ng
pagwawangki o simile. Ilahad ang iyong sagot sa kasunod na kahon.

Batay sa tulang aking nabasa na may pamagat na (A)lamat ng Alaala ni W.P. Ortiz ang unang
dalawang taludtod ng kanyang tula ang nagtataglay ng Pagwawangki o Simile. Ito ay ang linyang:
Tulad ng salamin
Ang (a)lamat ng alaala
Pinaghambing ang "salamin" at "alaala" sa mga linyang ito at gumamit ng panghambing na tulad kaya
naman ito ay nagpapakita o nagtataglay ng pagwawangki o simile.

Batay naman sa tulang ito, tukuyin mong muli kung ano ang mga bahagi nito na nagtataglay ng
pagwawangki o simile. Ilahad ang iyong sagot sa kasunod na kahon.

Batay naman sa tulang may pamagat na "Salamin" ni Jema Pamintuan ang mga bahagi na
nagtataglay ng pagwawangki o simile ay ang unang taludtod sa ikalawang saknong. Ito ay ang linyang:
Tulad ng mga mata mong nagniningning.
Sa linyang ito ipinaghambing ng may akda ang "salamin" na "tulad ng mga mata mong nagniningning."
Gumamit siya ng panghambing na tulad kaya naman ito ay nagpapakita at nagtataglay ng pagwawangki o
simile.

Narito muna ang ilang katanungan ukol sa tulang iyong binasa.

1. Ano-ano ang sinisimbolo ng dilaw sa tula?


Ang sinisimbolo ng dilaw sa tula ay ang pagiging dalisay ng persona sa tula. Dilaw ang kulay ng unang
kapote ng persona at ang kulay dilaw naman ay iniuugnay ng mga sikologo na isa sa maliliwanag na
kulay na may positibong damdamin: kagalakan, tawa, at kaligayahan. Ayon sa mga linyang nasa loob ng
tula, isinasalaysay ng persona ang kanyang karanasan tungkol sa kanyang unang naging kapote at Ito nga
ay kulay dilaw. Patunay lamang na ang nais sabihin o ikuwento ng persona ay ang tungkol sa kanyang
kamusmusan kung saan wala pa siyang kamuwang muwang sa mundo at puro positibo lamang ang
kanyang nakikita sa paligid.

2. Bakit kaya dilaw ang napiling kulay ng may-akda? Ipaliwanag.


Kaya dilaw ang napiling kulay ng may-akda sa tula, ay dahil ang makata ay nagtataglay ng positibong
damdamin at kadalisayan. Dadag pa rito ang kulay dilaw ay sumisimbolo rin sa kaenosentehan o pagiging
musmos ng isang tao o ng mga bata na kung saan puro positibo lamang ang nakikita sa mundo.

3. Paano mo ilalarawan ang persona sa loob ng tula?


persona sa loob ng tula ay isang taong may gulang na, na isinasalaysay ang kanyang nakaraan o ang
kanyang pagkabata, noong siya ay isang musmos pa lamang. Sa loob ng tula, isinasalaysay niya ang
kanyang naging karanasan sa kanyang unang kapote at sinabing tandang tanda nya pa na ito ay kulay
dilaw.

Ano ang maaaring maging kongkretong simbolo ng lungkot? Pumili ng isang salitang maaaring
maging simbolo nito at ilarawan ang salitang ito na gagamitin sa paglikha ng mga taludtod.Ilahad
ang iyong sagot sa kasunod na kahon.

Halimbawa:

Ang lungkot ay apoy

Mainit ang lagablab

Pumapaso sa balat

Lumulukob sa katauhan

Ang Lungkot ay ahas


kamandag ang lakas
Tutuklaw ng marahas
Sasaktan ka ng wagas

Ngayon naman ay gumamit ka ng bahgai ng katawan upang ilarawan ang nais sabihin. Sinekdoke
ang gamiting talinghaga.Halimbawa, “Kailangan ko ng mga mata upang magmasid sa mga
babala.”

Punan ang sariling talinghaga:

Kailangan ko ng pusong dalisay upang maging payapa ang aking kalooban at masaya ang aking buhay

Narito muna ang ilang katanungan ukol sa tulang iyong binasa.

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng Sodoma‟t Gomora?


Ang ibig ipahiwatig ng Sodoma‟t Gomora ay isa itong lugar na naging pugad ng kasalanan o
kasamaan. Ang Sodoma‟t Gomora ay ginamit na metonomiya ng kalaswaan, kapalaluan, at imoralidad
ng lungsod. Isang lungsod na nawasak, at tila sumpa na wala na raw lunas dahil sa ito ay punong-puno
ng kadiliman o kasamaan kaya't may kaakibat na kaparusahan ang sinumang nagkasala.

2. Ipaliwanag ang ibig ilarawan ng mga linya/taludtod sa ibaba.


Nais kong lumagok ng lunas sa bukal
Na banal na sentro ng birhen mong gubat
Ang ibig ilarawan ng mga linya/taludtod na "Nais kong lumagok ng lunas sa bukal, na banal na sentro ng
birhen mong gubat ay tila naghahanap ang persona ng isang banal na bukal na magpapabalik sa kaniya
ng malusog na puso at utak. Sapagkat ang kaniyang puso ay malaon nang may “karbon” at ang utak ay
may “pasa.” Ayon pa sa mga linyang ito parang nais nang persona na magkaroon ng himala dahil sa
kagustuhang niyang bumalik sa dati.

Ngayon naman ay dumako tayo sa susunod mong gagawain. Ano-ano ang mga katagang maaaring
gamitin upang tukuyin ang isang kilalang lugar? Gumamit ng metonomiya.

Halimbawa, sa pamahalaan: Nasa Malacañang ang puno ng bansa. Ano ang lugar na maaaring
sumagisag sa kasakiman? Sa kalungkutan?

Sa kasakiman:
Nasa China ang pinagdamot na yaman ng bansa
Sa kalungkutan:
Nasa Simenteryo ang luha ng mga tao

Bago tayo muling magpatuloy, naritong muli ang ilang katanungan ukol sa binasa mong tula.

1. Ano ang kumakatawan sa salitang “mesa”? Ipaliwanag.


kumakatawan sa salitang "mesa" ay ang matatag at matibay na pamilya, sapagkat ang mesa ang
nagbubuklod sa isang pamilya upang magsama-sama sa hapag kainan at upang magkaroon din sila ng
pagkakataon na magkuwentuhan at magkamustahan. Sa kanilang pagsasalu-salo maaari nilang ibahagi
ang kanilang mga karanasan sa buong araw nila, o sabihin sa bawat isa ang mga bagay na nais nilang
sabihin. Dahil dito nagkakaroon sila ng "bonding" o nakapaglalaan sila ng oras sa bawat isa na siyang
nakatutulong upang mas lalong tumibay at tumatag ang kanilang pamilya.

2. Paano mo ilalarawan ang pamilya sa loob ng akda? Ipaliwanag.


Mailalarawan ko ang pamilya sa akda na isang matibay, matatag at masayang pamilya, sapagkat
mapapansin sa mga linya ng tula ang lagak at sayang nararamdaman ng persona sa tula habang
isinasalaysay kung paano nakibahagi ang mesa, mga pinggan, kubyertos, at baso sa kanilang pagsasalu-
salo. Representasyon ang mesang ito ng mahigpit ding ugnayan ng persona at ng kaniyang pamilya na
itinuturing na mahalaga ang pagsasalu-salo sa tuwing kainan. Sa relasyon ng pamilyang ito, hindi lamang
personal na ugnayan ang pinag-uusapan kundi maging mga isyung panlipunan. Nakapagpapabungisngis
man o nakagigimbal ang pinag-uusapan sa hapag-kainan, nagsisilbi itong pambigkis sa loob ng pamilya
ng persona.

Ngayon naman ay gumamit ka ng personipikasyon upang higit na maging kongkreto ang


inilalarawang emosyon o damdamin. Bumuo ng apat na paglalarawan ukol sa kaligayahan na tulad
ng paglalarawan sa isang taong maligaya.

Halimbawa, kumakaway ang ligaya; ngumingiti sa balana; humahalik sa umaga. Ilahad ang iyong
sagot sa kasunod na kahon.

Lumalagablab na pagsinta
Humahalakhak na ligaya
Yumayakap na tuwa
Lumilipad sa saya

Narito muli ang ilang katanungan bago tayo magpatuloy sa susunod na akda.

1. Ano ang naging ambag ni Scott sa ating kasaysayan kung kaya‟t gayon na lamang ang papuring
ibinigay ng makata?
Ang naging ambag ni Scott sa ating kasaysayan ay lubhang napakalaki sapagkat siya ay kilala sa
pagiging mahusay sa larangan ng pananaliksik kaya naman ganoon na lamang ang mga papuring
ibinibigay sa kaniya. Siya ay isang iskolar at historyador noong panahong pre-kolonyal at nagsagawa
rin ng pag-aaral ukol sa Cordillera. Ang kaniyang mga naging ambag sa kasaysayan ay ang kaniyang mga
akda na nagpapatibay ng sandigan ng ating pagiging magiting na lahi bago dumating ang mga
mananakop. Nakilala si Scott sa kasaysayan hindi lamang dahil sa pagiging mahusay nito sa pananaliksik
kundi maging sa kaniyang paglahok sa buhay at kultura ng mga Pilipino. Kaya nararapat lamang na siya
ay bigyang papuri at ikarangal ng ating bansa.

2. Ano ang ibig ipakahulugan ng “pangat”?


Ang ibig ipakahulugan ng “pangat” ay ang pagiging tagapamagitan ng kasaysayan ni Scott. Sapagkat
kung ating babalikan ang tula mapapansing natin ang paulit-ulit na taludtod sa mga saknong na “O
pangat ng aming historya.” Ang ganitong pag-uulit-ulit ng mga salita sa umpisa ng pahayag ay tinatawag
na anaphora.

Naritong muli ang ilang katanungan para sa binasa mong akda.

1. Ano ang turing ng persona sa Ilog? Bakit?


Ang turing ng persona sa ilog ay tila ba'y isang Diyos dahil ang kadakilaan nito ng ay kakayahan
magbigay ng buhay sa lahat ng tao-bata man, matanda o binata, at ang kapangyarihang kumitil ng buhay
ng tao, gaya ng Diyos Kaya naman manghang-mangha ang persona sa ilog na ito.

2. Ikaw, ano naman ang itinuring mong dakila? Bakit?


Ang itinuturing kong dakila ngayong panahon ng pandemya at mga sakuna ay hindi lamang ang mga
frontliners kundi maging ang ating pangulong Rodrigo Duterte, sapagkat gaya ng mga frontliners siya rin
ay nagsasakripisyo na gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang magampanan ang kanyang tungkulin
sa bayan. Batid natin lahat na ang pagiging pangulo lalo na ng isang bansa ay hindi basta basta. Ito ay
isang mabigat na responsibilidad at mahirap na tungkulin, dagdag pa ang mga problemang kinahaharap
ngayon ng ating bansa. Hindi lamang sa pandemya kundi maging sa mga sakuna at kalamidad. Kaya
Naman ako'y labis na humahanga at nagpapasalamat dahil pinilipit niya maging matatag para sa ating
lahat at para sa bansang Pilipinas. Kaya naman para sa akin Pangulong Rodrigo Duterte ika'y tunay na
dalika.

Narito muli ang ilang katanungan ukol sa akdang ito.

1. Ano ang nais ipahiwatig ng makata sa mambabasa?


Ang nais ipahiwatig ng makata sa mambabasa ay; Sa pag likha ng isang tula ay dapat naroon ang puso o
interes mo ng isang manunulat. Sapagkat ang paglikha ng tula ay hindi dapat ginagawa ng basta basta ng
walang katuturan sa halip ay ginagawa ito upang ipahayag ang damdamin at saloobin ng manunulat at
upang magbigay aral sa mga mambabasa nito.

2. Sa mga binanggit na tauhan ng may-akda, sino sa kanila ang maituturing na totoong makata?
Bakit?
Sa mga binanggit na tauhan ng may-akda. Ang maituturing kong totoong makata ay ang lalaking
makatang ketongin sapagkat sa lahat ng kinapanayam siya lamang ang tanging taong hindi pinagmalaki
ang kaniyang pagiging makata. Patunay na siya ay may kababaang-loob at nagpapakita ng labis na
pagmamahal at pagpapahalaga sa tula at hindi naghahangad ng anumang kasikatan o papuri mula sa
iba.

Narito ang ilang katanungan na kailangan mong sagutin bago ang pagpapatuloy sa sumusunod na
akda.

1. Ano-ano ang mga linya sa loob ng tula na nagpapakita ng pagmamalabis? Ilahad ang mga ito.
Ang mga linya sa loob ng tula na nagpapakita ng pagmamalabis ay ang sumusunod;
“ginugugol ko ang lahat ng libong liwanag-taon ng buhay”
“kahapon pa ako namatay”
“naubos ang lahat ng hangin”

2. Ano ang sinisimbolo ng pamagat ng tula? Ipaliwanag.


Ang sinisimbolo ng pamagat ng tula na "Garapon" ay isa itong sisidlan ng pangako, na Kung saan hindi
ito natupad kaya naman ang persona sa tula ay isang bigo sapagkat ang mga pangakong binitawan sa
kanya ay hindi natupad kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang dismaya at kahit masakit ay
tinanggap na lamang niya na ang mga pangako sa kaniya ay kailanma'y hindi na matutupad pa.
Ano ang pinakamatindi sa lahat ng pagmamalabis na ginamit sa tula? Ano ang ipinahahayag ng
persona dito? Ilahad ang iyong sagot sa kasunod na kahon.

Ang pinakamatindi sa lahat ng pagmamalabis na ginamit sa tula ay ang paggamit ng mga salitang “sisirin
mo ako hanggang buto.” Ipinahahayag ng persona ang kaniyang pagiging “bukas” sa kaniyang
mangingibig upang higit siyang kilalanin nito, hindi lamang sa panlabas na kaanyuan o pisikal ngunit
hanggang sa sinasabi ng persona ang kaniyang kahalagahan bilang isang babaeng nag-iisip at may mga
opinyon na kailangang marinig at limiin ng kaniyang kausap. Kung gayon, wala sa pisikal na anyo at
balat lamang ang sarili ng persona kung hindi nasa utak din. Nasa buto at utak ang laman, ang pinakabuo
ng persona at hangga‟t hindi ito naaabot ng kaniyang kausap, hindi niya makikilala nang husto ang
pagiging babae at kabuoan ng pagkatao ng persona. Ibig sabihin binigyan ng babae ang kanyang
mangingibig ng pahintulot upang siya ay kilalanin ng lubos. Hindi lamang sa pisikal na anyo nito kundi
maging ang kanyang ugali at mga katangian.

Ngayon naman ay gumamit ka ng pagmamalabis upang tukuyin ang karanasan ng gutom o


pagkauhaw. Makatutulong sa paglalarawan ang pag-iisip ng karanasan ng mga taong nagugutom
sa ating lipunan.

Pagkagutom
Nagwawala na ang aking mga alaga rito sa aking sikmura
Pagkauhaw
Tigang na ang aking lalamunan

Ano ang nakapaloob na parikala sa tula? Ilahad ang iyong sagot sa kasunod na kahon.

Ang nakapaloob na parikala sa tula ay hindi nakatatawa sapagkat ipinahahayag nito ang kahungkagan at
kawalan ng mga manggagawa sa loob ng mga usong coffee shop. Sa umpisa ng mga taludtod, tila
inaasahan natin na may magandang buhay ang serbidora sa loob ng coffee shop na naghahatid ng
kaniyang mga isinisilbi sa paraang “magiliw.” Madetalye rin ang paglalarawan ng mga pagkaing isinisilbi
ng serbodora at tila nakatatakam din ang mga ito na sinuhayan pa ng mga salitang “ngangatain” at
“nanamnamin.” Sa huli, malalaman ng mambabasa na ang serbodorang tagasilbi ng masagana, mabango at
mainit-init pang mga pagkain ay kumakain ng “malamig at matigas na pandesal/na isasawsaw sa kapeng
walang walang asukal.” Matindi ang parikala ng tula na nagpapakita ng hindi pagkakapantay-pantay ng
tao sa loob ng ating lipunan.
Sa pang-araw-araw na buhay, maraming parikalang makikita sa ating lipunan.

Halimbawa,mga karpinterong walang bahay, mga batang nagsasaya sa gitna ng baha at kawalan
ng tirahan, mga taong nagtitinda ng sapatos ngunit may sirang sapin sa paa. Magmasid; ano pa
ang mga parikalang makikita sa lipunan? Matapos ang pagmamasid, isulat ito bilang mga taludtod
ng tula.

Taong asal hayop


Kapus na mapagbigay
Komedyanteng malungkot
Sundalong bahag ang buntot

Maganda na pangit
Pangit na maganda
Bata na asal matanda
Matanda na asal bata

Ngayon naman ay dumako tayo ilang gawain pampinali. Isagawa ang sumusunod:

1. Ang buwan ay lagi nang ginagamit na talinghaga sa ating lipunan at maging sa ibang bansa.
Tinatawag nga itong arketipo o mga imaheng paulit-ulit na nakikita sa ating mga sining. Gamitin
ang talinghaga ng buwan sa pagsulat ng tula, kasama ang katagang karagatan.

Halimbawa: “Ang buwan ay ikaw, tanglaw sa karagatan ng aking isipan.”

Ang buwan ay ilaw, at gabay na magsisilbing liwanag sa karagatan balot ng kadiliman.

2. Ihambing ang isang mahal sa buhay sa isang bagay na may katulad na katangian sa minamahal.
Bigyan ito ng pagpapaliwanag kung bakit gayon ang ginamit na kataga upang ihambing ang
minamahal.

Halimbawa: Ikaw ay tila tinik, sugat, kalamnan, laman ng aking isipan.

Ikaw ay tila bituin, rosas sa aking paningin, laman ng aking isipan.

Bituin ang katagang aking ginamit na maihahambing ko sa aking Ina sapagkat tulad ng mga bituin sa
langit na nagsisilbing tanglaw sa dilim ganoon din ang aking ina, siya ang nagbibigay o nagsisilbing
liwanag namin sa dilim. Tunay nga na ang mga ina ang syang ilaw ng tahanan sa pamilya.

3. May mga tao o bagay na dinarakila. Isipin ang mga tao o bagay na ito at gawin ang sumusunod:
a. Sumulat ng isang tula upang dakilain ang isang taong matagal nang hindi nakikita o
namayapa na.

Lolo naming mahal

Sipag na iyong taglay, sa ami'y inialay


Angkin mong kabutihan, nagsisilbi naming gabay
Katulad mo ay kailangan, upang maging kaagapay
Lahat ng pagsasakripisyo'y ginawa mo, noong ika'y nabubuhay

Liwanag kang aming gabay patungo sa'ming tagumpay


Ang lahat ng payo ninyo'y dadalhin habang buhay
Isa kang kahanga-hangang tao, isang bayaning tunay
Kaya naman isang pagpupuri saiyo, aming iniaalay

Lolo naming mahal, nagsisilbi naming tanglaw


Mananatili ka sa puso, kahit ikaw ma'y pumanaw
Ang lahat ng alaala mo'y aki'y binabalik tanaw
Para kang isang butuin, maliwanag parang ilaw

Nasaan ka man ngayon, sana kami ay gabayan


Patuloy na ingatan, patuloy mong protektahan
Buhay man o hindi, 'di ka namin makalilimutan
Dahil ikaw ang nagturo sa'min Kung paano ang lumaban
b. Sumulat ng isang tula upang dakilain ang isang bagay tulad ng dagat, buwan o bituin na
tila kausap lamang at kaharap. Maaari rin namang isang paboritong alagang hayop na namayapa
na. Tiyaking mailalarawan ang mga katangian ng mga ito.

Ang Tubig

Ang tubig ay mahalaga satin


Hindi dapat na sayangin
Huwag nating aksayahin
At atin din itong mahalin

Ikaw ang pumapawi sa uhaw


ikaw ang babasa sa tuyo Kong lalamunan
ang kailangan ko sa pang-araw-araw
Upang ako'y sumigla at ganahan

Ang tubig na mahalaga


Ang tubig na nagbibigay sigla
Ang tubig na malinaw
Pumapawi sa'king uhaw
Ikaw ay laging nandyan sa hapag kainan
Aking kailangan upang hindi mabulunan
Maging sa aking pagligo ikaw ang kailangan
Upang hindi bumaho ang aking katawan

Tunay nga na ikaw ay makapangyarihan


Ikaw ang nagbibigay buhay sa mga halaman
Ang alon sa dagat na masarap pakingan
At Ang mga talon, na magandang pagpasyalan.

Sa Kakaiba mong katangian ako'y namamangha


Hindi ka man mahawakan, ika'y aking damang-dama
Kaya naman ikaw ang isang bagay na maituturing kong dakila
Dahil sa mga kakayahang nagagawa mo na kamangha-mangha

Tapos na tayo sa modyul na ito. Sa mga kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan
ng aralin at maging ang iyong naging pagninilay.

Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay hindi lamang ang paglikha ng isang tula, kundi pati na rin
ang magbigay papuri sa isang bagay o mga taong pumanaw na. Dito ko nakita ang kanilang halaga at
nalaman kung gaano sila kaimportante para sa akin. Natutuhan ko rin sa modyul na ito ang paggamit ng
iba't-ibang uri ng tayutay, katulad ng paghahambing ko sa aking ina na tila ba'y isang bituin sa langit
dahil sa liwanag na dulot nito sa aking buhay. Gayundin natutuhan ko ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng sukat at tugma ng isang tula at nalaman ko Rin Ang tunay na katangian ng isang mahusay na makata.
Ito ay ang pagmamahal at interes sa pagtula, hindi upang makatanggap ng papuri Mula sa iba bagkus,
upang ilahag Ang kaniyang damdamin at saloobin at magbigay aral o leksyon buhay ng mambabasa.
Mula sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong magbigay
halaga sa mga tao at mga bagay na nasa aking paligid. Napagtanto ko Rin kung gaano ako kapalad dahil
mayroon ako ng mga bagay na ito. Gaya ng buhay, pamilya, edukasyon at marami pang-iba.

MODYUL 3: PERSONA

Narito ang ikatlong modyul na gagabay sa iyo sa iyong lubusang pag-unawa tungkol sa
Persona. Ito ay magiging sandigan mo upang magkaroon pa nang mas malalim na kaalaman na
makatutulong upang mapagyaman mo ang iyong kakayahan sa mga bagay-bagay na maaari mong
magamit sa iyong sariling pag-unlad.
Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, kailangan mo munang isagawa ang paunang gawain.
Bigyang ng kahulugan ang bawat titik na bumubuo sa salitang Persona.

P- Persona ang tawag sa nagsasalita sa loob ng tula.


E- Emosyon ng makata, siya ang nagpapakita
R- Representasyon siya ng damdaming nais ipadama
S- Siya man ay tao, bagay, hayop at iba pa
O- Obligasyon parin niyang magbigay aral sa mga mambabasa
N- Nagsisilbi siyang kulay na nagbibigay buhay sa anumang uri ng tula
A- Ano mang karakter ang ibigay sa kaniya ng isang makata

Ngayon naman ay iyong babasahin ang tula at sabihin kung sino ang persona o nagsasalita sa loob
ng tula. Basahin ito sa pahina 55 na may pamagat na May Lungkot ang Buwan Ngayong
Hatinggabi ni Vladimeir Gonzales.Pagkatapos basahin, sasagutan mo ilang katanungan ukol dito.

1. Sino ang persona ng tula?


Ang persona sa tula ay isang taong malungkot. Ang kalungkutan niya'y iniuugnay niya sa buwan

2. Anong uri siya ng tao? Masaya ba ang taong ito?


Ang taong ito ay hindi masaya. Malungkot ang taong ito. Ang kalungkutan niya'y iniuugnay niya sa
buwan na kung saan ito ay malayo at hindi maabot. Ipinakikita sa tula ang sitwasyon ng makata na kung
saan ay mababatid na mayroon itong nagawang pagkakamali at dahil dito ay may mga bagay siyang nais
niyang gawin na hindi na niya magagawa

3. Bakit buwan ang ginamit ng makata sa pagpapakita ng damdamin ng kaniyang persona?


Buwan ang ginamit ng makata dahil ito ay kadalasang iniuugnay ng lipunan sa mga bagay na masalimuot,
mga damdaming may siphayo, pabagu-bago at iniuugnay rin sa kadiliman at maging sa hiwaga.

Suriin mo naman ngayon ang tula na may pamagat na Mahina ni Lilia F. Antonio upang
makilatis kung mayroon bang tiyak na kasarian ang persona. Basahin ito sa pahina 56. Pagkatapos
basahin, sasagutan mo ilang katanungan ukol dito.

1. Naging tiyak ba ang kasarian ng persona sa loob ng tula? Bakit?


Ang kasarian ng persona ay hindi naging tiyak pagkat walang kasariang nabanggit sa tula. Ang naging
malinaw lang sa tula ay ang labis na nasasaktan ang persona dahil sa pananakit sa kaniya ng taong
kaniyang minamahal

2. Sa huling saknong ng tula, ang persona ay hindi mananakit? Bakit?


Hindi mananakit ang persona dahil alam niyang mahina ang taong nanakit sa kaniya. Alam niyang
lugmok na ito at kung mananakit pa siya ay mas lalo lang malulugmok ang taong nanakit sa kanya at
baka di na niya ito kayanin. Isa pa ay napagtanto nito na ang sakit na nararamdaman niya ay talagang
parte ng buhay. Kailangan itong maramdaman upang maging matatag.

Ngayon naman ay iyong paglimian ang sipi ng tulang Ang Pag-ibig sa Anyo ng Pelikula ni
Eugene Y. Evasco sa phina 57. Pagkatapos basahin, sasagutan mo ilang katanungan ukol dito.
1. Ano ang kinahihiligan ng persona sa tula?
Ang kinahihiligan ng persona sa tula ay ang pelikula na kung saan ay nabubuhay siya sa mundong ang
taong nagmamahalan ano man ang pagdaanan, pinaglayo man ay pagtatagpuin din ulit upang Ipagpatuloy
ang pag-iibigan nila.

2. Paano binuo ng persona ang sarili niyang mundo sa pelikula?


Binuo ng persona ang sarili niyang mundo sa pelikula sa pamamagitan ng pagpapahayag nito ng huling
taludtod na nagsasabing "Lumulutang at nagyayakap sa mga ulap" na ang ibig sabihin ay ang ang taong
para sa isa't isa kahit paglayuin man ng matagal na panahon ay pagtatagpuin din ulit upang Ipagpatuloy
ang kanilang pagmamahalan

Basahin mo naman ngayon ang karanasan ng isang personang labis ang dinanas na
kahirapan sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa lungsod. Basahin sa mga pahina 57-58 ang
tulang Iginigisa Ako Tuwing Umaga ni Eugene Y. Evasco. Pagkatapos basahin, sasagutan mo ilang
katanungan ukol dito.

1. Ano ang ipinakikita ng persona ng tula?


Ipinapakita ng persona sa tula ang kaniyang karanasan sa umaga sa tuwing papasok siya sa opisina.
Inilarawan niya ang kaniyang karanasan sa pamamagitan ng paggamit ng talinghaga.
Halimbawa rito ay ang mga linyang tila "kawali" at tila "nagmanantika na siya sa pawis" at "pinakukulo
sa loob ng tila karitelang takbo ng sasakyan na nangangahulugang hindi maganda ang karanasan
nararanasan niya sa sasakyan tuwing umaga

2. Paano ipinakita sa tula na tanggap ng persona ang kanyang kalagayan?


Ipinakita ng persona na tanggap na niya ang kaniyang sitwasyon ng sabihin niya ang mga katagang
"paano kaya ako isasaing sa darating na hapon?" Ibig sabihin, alam niyang sa malamang na kung ano ang
dinanas niya noong umaga ay si'ya ring daranasin niya sa hapon.
May mga tulang tao ang persona ngunit ang kausap ay hindi tao. Basahin mong mabuti ang tula na
may pamagat na Sakuna ni Jimmuel Naval sa mga pahina 58-59. Pagkatapos basahin, sasagutan
mo ilang katanungan ukol dito.
1. Ano ang pinaglilimian ng persona?
Ang pinaglilimian ng persona ay ang dinanas niyang sakuna.

2. Ano ang tinutukoy ng persona na pabigla-bigla kung dumating? Bakit?


Ang tinutukoy ng persona na pabigla-bigla kung dumating ay ang sakuna na parang magnanakaw na
walang abiso kung sumalakay.

3. Sa totoong buhay, paano mo masasabing kayang maiwasan ang sakuna? Ipaliwanag.


Kayang maiwasan ang sakuna kung Tayo ay magiging handa Sa pagharap rito. Makatutulong din kong
magiging responsible tayong mamamayan at kung marunong tayong tumawag sa maykapal upang
humingi ng tulong.

Sa tulang Kaarawan ni Kahel sa pahina 59, makikita ang tiyak na persona at tiyak na kausap ng
persona. Pagkatapos basahin, sasagutan mo ilang katanungan ukol dito.

1. Sa anong taludtod ng tula makikita ang kasarian ng persona? Bakit?


Sa unang taludtod palang ng tula ay makikita na agad ang kasarian ng persona. Sinabi sa unang taludtod
na "wala akong sinapupunan," dito palang malinaw ng makikitang isang lalaki ang persona sapagkat wala
itong sinapupunan

2. Ano ang gustong ipakita o iparating ng tula sa mambabasa?


Gustong ipakita o iparating ng tula sa mambabasa na wala sa kasarian ang pagiging mapagkalinga. Babae
ka man o hindi kung gugustuhin mong maging mapagkalinga ay mangyayari ito.

3. Ano ang magpapatunay na ang persona ay isang makata at manunulat?


Ang persona ay mapatutunayan na isa ring makata sa pamamagitan ng pagsabi niya ng linyang "handa
ako na Ika'y iluwal/ gamit ang aking panulat." Malinaw na makikita sa mga linyang ito na ang persona ay
manunulat din.

May mga makatang nagbibigay rin ng tinig sa mga taong walang tinig sa loob ng lipunan.
Pagmunihan mo ang tula na may pamagat na Himig ng Pulubi sa Overpass ni Elyrah L. Salonga sa
pahina 60. Pagkatapos basahin, sasagutan mo ilang katanungan ukol dito.
1. Ano ang gustong iparating ng tula?
Ang gustong iparating ng tula ay kung gaano kahirap ang buhay ng isang pulubi. Ito ay kumakanta para
makalimos ng pera ngunit parang hindi naman ito naririnig ng mga tao. Bukod dito ay makikita na parang
nagsusumamo ang makata na sana ay huwag bumaba ang tingin sa kanya na tulad ng pagbagsak ng barya
sa lata.

2. Ano ang marhinalisado? Ano ang dehumanisasyon?


Ang marhinalisado ay tumutukoy sa paghihiwalay sa isang tao sa ibang grupo at itinuturing itong hindi
mahalaga
Ang dehumanisasyon ay proseso ng pagtatanggal ng mga katangiang pantao gaya ng pagtangging may
pagkakakilanlan at halaga ang tao at iba pa.

3. Anong pagpapatunay na ang persona sa tula ay isang pulubi? Bakit?


Ang magpapatunay na pulubi ang persona ay ang Ikalawang saknong na nagsasabing "sana, hindi
nahuhulog ang pagkatao ko, tulad ng pagbagsag ng barya sa lata." Pinakikita ng mga bahaging ito ng tula
na ang persona ay isang pulubi na nanlilimos at binabagsakan ng barya o binibigyang ng pera. Hinihiling
niya na sana hindi bumaba ang tingin nila sa kaniya dahil sa ginagawa niyang panlilimos.

Basahin mo naman ngayon ang tulang Dandansoy sa mga pahina 60-61 na ang persona ay
isang ina, kausap ang kanyang anak na ipinaghehele. Pagkatapos basahin, sasagutan mo ilang
katanungan ukol dito.

1. Ano-ano ang mga patunay sa tula na ang persona na isang ina ay walang iba kundi ang Inang
Bayan?
Ang makapagpapatunay na ang persona sa tula ay ang "Inang Bayan" ay ang sinasabi ng persona na siya
ang "tagahugas ng dugo ng bayan" ang kaniyang pawis. Ang kaniyang dibdib ay lupang sagana sa likas
na yaman, luntian at tubig sa parang na siyang magkakandili sa kaniyang bunsong anak. Sa mga linyang
ito makikita na ang persona ay ang inang bayan nga sapagkat ito ay sagana sa likas na yaman na siyang
bumubuhay sa ating. Ang inang bayan ang nag-aaruga sa atin upang tayo ay lumakas at patuloy na
mabuhay.

Basahin mo ang tulang Sahig ni Will Ortiz sa pahina 61. Pagkatapos basahin, sasagutan mo ilang
katanungan ukol dito.
1. Sino ang nagsasalita sa loob ng tula?
Ang nagsasalita sa loob ng tula ay ang sahig na tila kausap ang mga sapatos o anumang sapin sa paa.
2. Ano-ano ang sinisimbolo ng sahig?
Ang sahig ay sumisimbolo sa mga taong "api" at "aba," mga taong madalas ay inaapak-apakan lang at
hindi kinikilala tulad ng lipunan.

Mainam na sa pagsulat ng persona, paglimiang mabuti kung sino o ano ang persona upang
makatulong sa pagbibigay ng malikhaing paglalarawan sa atludtod ng tula.
Pag-aralan mo pa ang isang haiku ni Rogelio Mangahas sa ibaba na may salin sa Ingles ni
Marne Kilates:
Lingkaw ko’y pigil: I hold back my sickle:
may gagamba sa uhay, spider on stalk has locust
bilot ang balang. wrapped in its web.
1. Sino ang may hawak ng lingkaw?
Ang may hawak ng lingkaw ay isang magsasaka na maggagapas sana. Nangyayari ang ganitong paggapas
tuwing anihan.

2. Bakit pinigilan ng persona ang kanyang sarili?


Pinigilan ng persona ang kaniyang sarili sapagkat nakikita niya sa gagamba ang kaniyang sariling
kalagayan.

3. Ano ang nasa isip ng persona kung bakit ayaw na niyang gamitin ang kaniyang lingkaw?
Ayaw na niyang gamitin ang lingkaw sapagkat nasa isip niya kung isasakripisyo niya nga ba o hindi ang
buhay ng gagamba? Iyan ang bagay na nagpatigil sa kanya sa paggamit ng lingkaw

4. Paano nakita ng person ang kanyang sarili sa isang gagamba?


Nakita ng persona ang kanyang sarili sa isang gagamba dahil tulad nito ay kinakailangan din niyang
pumatay para lamang mabuhay.
Makikita na maging sa mga tulang napakaikli at may disiplina ang pagkatha ng sukat, malinaw na
naipakikita ang persona sa pamamagitan ng piling salita at talinghaga.
Ngayon naman ay lilinangin natin ang inyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng
sumusunod gawain:
1. Ano-ano ang mga paborito mong kanta? Magtala ng dalawa. Sabihin kung sino-sino ang
mga persona sa kanta at ang kausap ng persona
"Sabihin mong lagi"
Sa kantang ito ang persona ay isang taong nagmamahal ng lubos. Ang kanyang kausap ay ang
kanyang sinisinta na kung saan nais niyang malaman na mahal siya nito at nais nyang makasiguro
na hindi siya nito iiwan at lolokohin. Sa mga linyang "sabihin mong lagi, ako'y iyong mahal, at
hindi panandalian, kundi panghabang buhay, Hindi magtataksil kahit na kailanman, dahil ang
tibok ng puso nati'y iisa ang nararamdaman." Para bang nagpapakita na ang persona sa kanta ay
katok na takot na mawala ang kanyang minamahal, takot siyang masaktan, lokohin, at iwanan,
Kaya ganoon na lamang ang kanyang pag nanais na marinig ang mga katagang ito sa kanyang
sinta. Upang magkaroon ng kapanatagan ang kanyang puso na ang taong minamahal nya ng lubos
ay ayaw rin na siya'y mawala.
"Binalewala"
Sa kantang ito ang persona ay isang taong bigo sa pag-ibig, sapagkat binalewala siya ng taong
kanyang minamahal at ipinagpalit sa iba. Ang kausap ng persona sa kantang ito ay ang taong
ipinalit sa kaniya ng taong kaniya. Ayon sa mga mensaheng nakapaloob sa kanta, ang persona ay
tuluyan nang nagparaya dahil sa sobrang pagmamahal niya sa taong kanyang sinisinta at isang
bilin ang kaniyang iniwan sa taong ipinalit sa kaniya, ito ay ang ingatan ang kanyang sinta at sana
ay hindi niya ito saktan at paluhain. Damang-dama sa kanta ang labis na pagmamahal ng persona,
maging ang pag galang nito sa desisyon ng kanyang sinta dahil sa ginawa nitong pagtanggap at
pagpaparaya.

2. Mag-isip at lumikha ng isang personang walang buhay tulad ng walis, agiw, pader,
dingding, basurahan. Kung sila’y makapagsasalita, ano ang kanilang sasabihin, paano nila
ito sasabihin at kanino ito sasabihin? Buoin ito sa loob ng iyong tula na may apat na
taludtod.
Modyul

Ako'y isang munting papel na walang naman buhay


Ako'y ginawa lamang upang maging kaagapay na magbibigay gabay
Hindi ko naman kasalanan kung sila'y nagpapakamatay
Ang tanging hangad ko lang, maging daan sa tagumpay

3. Maraming tao sa lipunan ang hindi nabibigyan ng pansin at tinig. Sino-sino sila?
Kumatha ng isang tula tungkol sa isang persona na walang tinig sa ating lipunan. Ano ang
sasabihin niya at kanino niya ito sasabihin? Buoin ang tula sa loob ng limang taludtod.

Kapansanan
Bakit kaya ganito ang buhay ng isang katulad kong may kapansanan

Laging inaapi, walang umaagapay, tinig 'di mabatid, 'di maunawaan

Bakit napakadali para sainyo na kami ay husgahan?

Sa tingin n'yo ba ay ginusto namin ang aming kalagayan?

Sana iparamdam niyo naman sa amin ang pagtanggap na aming kailangan!

4. Mag-isip ng limang salita upang ilarawan ang sapot na siyang magiging persona ng tula.
Gamitin ang mga salitang ito sa bawat taludtod upang buoin ang tula. Sino ang kausap ng
sapot?

Sapot

tahanan ako ng munting gagamba

Parang sinulid na ako'y tinahi niya

Animo'y isang duyan kung akong tungtungan niya

Nagsisilbing lambat naman sa mga insektong mapaminsala

Ngunit bakit tila ako'y duming inagiw ng walang kaawa-awa?

5. Narito ang limang salita: suklay, bahay, patpat, basura, tatay. Pagtagni-tagniin ang mga
salitang ito (sa anumang ayos) at buoin ang iyong persona sa loob ng isang tula.

Pagtanaw sa nakaraan

Isang araw nang sa lumang bahay namin ako ay dumalaw,


Nakita ko roon ang isang suklay at nagbalik ako saking nakaraan.
Tanaw ko ang masasayang ala-ala namin dito ni tatay,
Nakita ko kung gaano niya kasayang inabot sakin ang suklay noong aking ika-pitong kaarawan.
Tanaw ko rin ang masamang pangyayaring di ko inasahan,
Nang bigla siyang nagkasakit at unti-unti ng pumayat na parang patpat ang kaniyang
matipunong katawan
Hanggang siya ay bawian na ng buhay

Grabe, punong-puno na pala ng basura itong bahay


Matagal na rin kasing di natitirhan
Kaya't ginawa na itong tapunan ng mga kapit-bahay.

6. Mag-isip ng isang kilalanag perosnalidad sa lipunan, pulitiko man, artista, o anumang


larangan. Ilarawan siya sa loob ng limang salita lamang. Baligtarin ang mga ginamit na
salita (halimbawa, ang sinungaling ay magiging matapat) at pagsalitain ang personang ito
sa loob ng iyong tula.
Raffy Tulfo
Matapang- duwag
Mapagbigay-maramot
Sikat- di kilala
Patas- di patas
Matulungin- di tumutulong

Ako si Raffy Tulfo

Duwag kong ituring ng mga tao

Maramot daw na Raffy Tulfo

Ako'y di kilala

Isang taong di patas sa iba

Ang pagtulong sa iba'y di ko ginagawa.

7. Kung may sasabihin sa iyo ang iyong salamin na laging nakakikita sa iyo araw-araw, ano
ang maaari nitong ipaalala sa iyo na maaaring matagal mo nang nakalimutan? Buoin ito sa
loob ng tula.

Salamat sa bagong umaga

Sa bawat araw na gumigising ka


Masiglang bumabangon tuwing umaga
Haharap sa akin, titignan kung may muta pa
Sabay ngingiti ka nang napakaganda

Araw-araw ganito ang ating eksena


Tayong dalawa ay palaging nagkikita
Kunting sandali lang, namimiss mo akong bigla
Kaya naman Hindi na rin malimot ang 'yong mukha

Ngunit may isang bagay akong napapansin


Na nais ipaalala saiyo, at nais kong sabihin
Naway pag gising mo sa umaga'y ika'y manalangin
Magpasalamat ka sa bagong umagang ating haharapin

8. Mayroon bang taong matagal mo nang hindi nakikita ngunit nais na makausap? Kung
makapagsasalita ang unan (na may ugnayan sa iyo) sa kaniyang kama habang nakahiga,
ano ang sasabihin ng personang ito?

Kaibigan ako ito

Kamusta ka na?

Kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita.

O bakit tila yata may problema ka!

Kailangan mo ba ng yakap, halika na!

Tandaan mong andito lang ako palagi sa tabi mo

kahit anong mangyari, sasamahan kita palagi

Mula sa pagtulog mo sa gabi

Hanggang sa paggising sa umaga

Tandaan andito lang ako na lagi mong kasama

Kasama sa saya,

sa lungkot at mga problema

Maari mong yakapin kailan mo man gusto


Pagkat ako ang sandalan mo,

na andito lang sa tabi mo

Na gagabay at magbabantay sa'yo.

9. Kung makapagsasalita ang isang bahagi ng iyong katawan, at kakausapin ang isa pang
bahagi ng iyong katawan, ano ang sasabihin nito? Halimbawa, ano ang sasabihin ng puso sa
baga? Ano ang sasabihin ng sikmura sa utak? Ano ang sasabihin ng utak sa puso? Ano ang
sasabihin ng kuko sa buhok? Buoin ito sa loob ng isang tula. Lagyan ito ng angkop o may
talinghagang pamagat.

Pangaral ng Isip sa Puso

Ano ba? Nakabibingi ka na!

Pilit ko na nga lang kinalilimutan ang mga ala-ala niya

Tapos ikaw pinagsisigawan mo pa rin ang pangalan niya.

Kahit alam mong ang sakit sakit na

'Di mo ba nakikita sarili mo?

Para ka ng pamintang dinurog ng pinong-pino

O ngayon nasasaktan ka?

Hihingi ka ng tulong sakin para malimutan siya

Pero umaasa ka pa rin na sana maging ok pa

Ano ba talaga?

Ayaw ko na nga kasi noon,

Pero gusto mo pa

Sinabi ko na nga sa'yong Itigil na

Pero tinuloy mo pa

Tapos ngayong nasasaktan ka,


Gusto mo kalimutan ko siya

Kalimutan ko siya ?

Habang sinisigaw mo ang pangalan niya?

Aba, iba!

Kung gusto mong mawala ang sakit tulungan mo ako,

Itigil mo na ang pag-iisip na magiging ok pa kayo.

Para maging Ok ka, tanggapin mo na lang na wala na talaga siya

Isipin mo muna kung paano mo bubuuin yang sarili mong dinurog niya.

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang
mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul.Tapos na tayo sa modyul na ito. Sa mga
kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan ng aralin at maging ang iyong naging
pagninilay.

Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay maging malikhain sa paggawa ng tula. Gayondin ang
paggamit ng ibat ibang persona, ito man ay tao, hayop, bagay at iba pa. Natutuhan ko rin sa modyul na
maging mapagmasid sa aking paligid at nahasa rin ang aking kakayahan pagdating sa malalim na pag-
iisip.

Mula sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong gawin ang mga
gawaing nakaatang saakin, tungkulin kong mag-isip, maging malikhain at maging mapagmasid, tungkulin
ko ring obserbahan ang nangyayari sa aking paligid. Upang sa ganoon ay maging maalam ako sa mga
bagay-bagay.

MODYUL 4: TUGMA:ANG MUSIKA NG TULA

Narito ang ikaapat na modyul na gagabay sa iyo sa iyong lubusang pag-unawa tungkol

sa Tugma: Ang musika ng Tula. Ito ay magiging sandigan mo upang magkaroon pa nang mas
malalim na kaalaman na makatutulong upang mapagyaman mo ang iyong kakayahan sa mga
bagay-bagay na maaari mong magamit sa iyong sariling pag-unlad.
Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, sagutin mo muna ang kasunod na tanong nang maikli
subalit makabuluhan.

Paano nagkakaroon ng musika ang tula?


Nagkakaroon ng musika ang tula dahil sa tugma nito na nakahahalina sa pandinig at dahil ito rin
ay nilalapatan ng himig o tono. Ang lahat ng awitin o musika ay nagsisimula sa isang tula. Ang isang
kathang tula ay magiging awit kapag ito ay nilapatan ng himig o tono at isasabay sa isang tugtog o
mga musikal na tunog. Kung ating papansinin ang mga titik o letra ng kantang ating inaawit
mapapansin natin ang pagkakaroon ng mga tugma nito sa bandang huli ng bawat saknong dahil nga
sa ito'y nagsimula muna sa isang tula. Mas mapapadali ang paglikha ng awitin ng isang kompositor
kapag Ito ay magsisimula sa paglikha ng tula sapagkat mas madaling lapatan ng tono o himig ang
isang tula dahil ito ay may tugma, at ang tugmang ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng musika
ang tula.

Ngayon ay dumako na tayo sa pormal pagbubukas ng ating talakayan.Basahin mo ang mga


detalyeng nakapaloob sa mga pahina 67-85. Pagkatapos mong maisagawa ang pagbabasa, sasagutin
mo ang mga kasunod na tanong at isasagawa ang mga kasunod na gawain.

1. Ang paggamit ba ng tugmaan sa loob ng tula ay nangangahulugan ng tradisyonal na paksa sa


pagtula? Balikan ang mga halimbawa sa aralin upang mapangatuwiranan ang pahayag.
Ang paggamit ng tugmaan sa loob ng tula ay hindi nangangahulugan ng tradisyonal na paksa sa pagtula
sapagkat may mga tulang may sukat at tugma ngunit ang paksang tinatalakay ay modernong paksa,
kung kaya't hindi agad masasabing tradisyonal na paksa ang mayroon ang isang tula ng dahil lang sa
sukat at tugma nito.

2. Magbigay ng limang halimbawa ng salita na maaaring gamitin sa tugmang karaniwan,


tugmang tudlikan, tugmang pantigan, at tugmang dalisay. Repasuhin ang mga tuldik upang higit
na makalikha nang mabilis.
TUGMA
Kalagin
Bantayan
Gabayan
Gulayan

Tipunin
Alanganin
Lisanin
Layunin
pasanin
Hangarin
Gisingin
Yakapin
Landasin
Bagtasin
Damhin
Lagim
Dilim
Lihim
Siniil
Makapipigil
Anting-anting
Patalim
Bitin
Tipunin
Ilibing
Alanganin
Lisanin
Kawing-kawing
Panimdim
Labagin
Buwagin
Dinggin
Usigin
Ibigin
Bilugin
Patulugin
Patagin
Din
Rin
Tahakin
Umaangil
Pangil
Nanggigigil
Sirain
Tiisin
Patuluyin
Layunin
Mithiin
Arugain
Pagdating
Natin
Gunitain
Baklasin
sasalubungin
angkin
angkinin
Purihin
Tunguhin

3. Ano ang kahalagahan ng pagkatha ng mahusay na tugma sa loob ng tula?


Ang mahusay na pagkatha ng tugma sa loob ng tula ay mahalaga sapagkat ito ay makatutulong sa
pagiging mabisa ng tula. Kinakailangang siguraduhin na akma at naaayon ang mga salitang
pagtutugmain upang mabatid agad ng mga mambabasa ang mensaheng nais nitong iparating.
Kinakailangang may koneksyon sa isa't isa ang mga salitang pagtutugmain sa tula upang magkaisa ang
diwa nito at upang maging kaaya-aya itong basahin.

4. Ang paggamit ba ng tugmaan ay pagbibigay lamang ng himig sa tula? Paanong nakaaapekto


ang teknik sa kahulugang nais ipahayag ng tula?
Ang paggamit ng tugmaan ay hindi lamang pagbibigay ng himig sa tula sapagkat pagbibigay diin din ito
sa mensaheng nais iparating ng makata sa tula. Ito rin ay nang-aakit sa mga tao na basahin ang tula o
hindi kaya'y pakinggan ito. Dahil sa tugma ay mas nagiging masining ang isang tula na kaaya-aya para
sa mga mambabasa.
Ang tugma ay may malaking epekto sa kahulugang nais iparating ng tula. Tulad ng sabi ko kanina ang
tugma ay ginagamit upang bigyang diin ang kahulugan o mensaheng nais iparating ng tula. Kaya ganon
na lamang kahalagang pag-isipan kung anong mga salita ang pagtutugmain upang makita ng malinaw
ng mambabasa ang mensahe ng tula.

5. Balikang muli ang mga karagdagang tayutay. Alin sa mga ito ang ninanais na gamitin sa
pagtula? Bakit?
Sa mga karagdagang tayutay na nabanggit ang aking ninanais na gamitin sa pagtula ay ang Anapora
sapagkat ang karagdagang tayutay na ito para sa akin ay mas kaaya-ayang basahin at ang pag-uulit sa
mga salita o linya na ginagawa sa tula ay nakatutulong upang mas mabigyan nito ng diin ang mga
salitang mahalaga sa tula.

Sa bahaging ito‟y, isasagawa mo ang sumusunod upang mas malinang ang iyong pagagiging
malikhain.
1. Maglista ng tiglimang salita na nagtatapos sa malumay, mabilis, malumi, at maragsang bigkas.
Gamitin ito sa paglikha ng tula na may limang taludtod.
malumay Mabilis malumi maragsa

damdamin Tagláy Panukalà Bahâ


Sirain Bigáy Binatà Salitâ
Layunin Gamáy Luhà Biglâ
Putulin Kawáy Sariwà dukhâ
yakapin Kamáy Diwà Tulâ

Malumay
Napakasakit ng aking damdamin
Bakit ganito na lamang Kung puso ko'y sirain
Pananakit lang ba ang iyong layunin?
Kung gayong, relasyon nati'y Kailangan ng putulin
Ngunit maaari ba munang, ikaw ay yakapin

Mabilis
Kaygandang pagmasdan ng kanyang pagkawáy
Tila ba'y katulad ito ng ganda niyang tagláy
makinis na balat, malambot na kamáy
Tila gawaing bahay ay hindi niya gamáy
Lahat ng katangian niyang ito, Diyos ang nagbigáy

Malumi
Sa isang lungsod may isang Binatà
Na binugbog ng isang dambuhalà
Sa kadahilanang siya ay dinayà
Ngayon ang binata tumulo ang luhà
Dahil sa sakit at sugat na sariwà

maragsa
Ang lahat ng tao'y may kakayahang lumikha ng tulâ
Babae o lalaki man, mayaman o dukhâ
Kahit saang lugar, sa gitna man ng bahâ
Animo'y isang bagyo ang mga salitâ
Na sa iyong utak, raragasang biglâ
2. Basahin ang tula. Lagyan ng marka ang tugma sa tula (Halimbawa, aaaa, bbb,axa, atbp.) at
sabihin kung ano ang uri ng tulang ito. Pagkatapos bumuo ng sariling tula na kauri ng tulang ito.

Sa Dalampasigan Nitong Panaginip


Jeffrey M. Espiritu

Sa dalampasigan nitong panaginip, (a)


pawis ng pangamba‟y napapawi pagkat (b)
ang tinig mo‟y hanging lagging humihihip.(a)

Ang kasabikan ko‟y pinipigil kahit (a)


alo‟y sinlayo lang ng dalawang lundag (b)
sa dalampasigan nitong panaginip. (a)

Nagdaang panaho‟y yuming alatiit (a)


na sasabayan ko ng pagsipol kapag (b)
ang tinig mo‟y hanging lagging humihihip. (a)

Lansa ng buhangi‟y hindi na masugid (a)


tuwing hinahanap ang kubli mong bakas (b)
sa dalampasigan nitong panaginip. (a)

Ang bagsik ng araw sa tanghali‟y haplit (a)


sa naluluoy kong damdamin datapwat (b)
ang tinig mo‟y hanging lagging humihihip. (a)

Sa gunita, ika‟y hugis sa katalik (a)


ng aking tayantang na pagkamulagat: (b)
sa dalampasigan nitong panaginip, (a)
ang tinig mo‟y hanging lagging humihihip (a)

Ang uri ng tulang ito ay Villanelle. Ang Villanelle ay may 19 na taludtod na may limang triplet (o
berso na may tatluhang taludtod) at may quatrain bilang pagtatapos. Mayroon itong dalawang
refrain o inuulit na taludtod na may regular na interbal, na unang ginagamit sa umpisa at sa
ikatlong taludtod ng unang saknong, at salitang ginagamit muli sa hulihan ng bawat saknong
hanggang sa huling quatrain. Magtatapos ito sa dalawang refrain. Mayroon itong estruktura o
iskema ng tugma na aba aba aba aba aba abaa

Paghanga

Ang maamong mukha niya ay kapansin-pansin


Sa mapungay na mata't labing mapula
pagsulyap dito'y 'di mo palalampasin

Pagsulyap sa kan'ya'y aaraw-arawin


Siya ay susundan sa'n man s'ya magpunta
Ang maamong mukha niya ay kapansin-pansin

Siya rin ay may busilak na damdamin


Kan'yang datingan ay diyosa talaga
pagsulyap dito'y 'di mo palalampasin

Malambing n'yang boses kay sarap pakinggan


siya ay namumukod tangi sa iba
Ang maamong mukha niya ay kapansin-pansin

Nakabibighani ang rikit n'yang angkin


Paghanga sa ka'nya'y pag-ibig na yata
Ang maamong mukha niya ay kapansin-pansin
pagsulyap dito'y 'di mo palalampasin
3. Basahin ang tula sa ibaba. Lagyan ng marka ang tugma sa tula (Halimbawa, aaaa, bbb,axa,
atbp.) at sabihin kung ano ang uri ng tulang ito. Pagkatapos, bumuo ng sariling tulang kauri ng
tulang ito.

Tala at Buwan

Sabrina Rica Elorda

Kung ang mga tala ay papatak sa‟king pisngi, (a)

At kanilang papawalan ang hikbi at lumbay, (b)

Ay yayakapin ko na ang langit at ngingiti, (a)

Sabay ang pangakong sa iyo „di na bibitaw. (b)


At sa „king pagtulog hahayaan kong sumiping, (c)

at busugin mo ng iyong mga alaala,(d)

Ang aking isipan na dekada nang nahimbing, (c)

Dahil sa iyong paglisan na ko kinaya. (d)

Kung ang buwan ay bababa at sa „kin dadapo, (e)

Hahagkan ko na ang kalawakan nang mahigpit, (f)

Tatanganan, kailanman hindi isusuko, (e)

Ibubulong, ika‟y mahal at walang kapalit. (f)

Daig mo ang tala‟t buwan „pag ika‟y kaharap, (g)

Kinang mo‟y „sintaas at lawak ng alapaap. (g)

Ang uri ng tulang ito ay tulang soneto, isang sonetong Shakespearean. Naiiba ang sonetong
Shakespearean sa pagkakahati nito sa tatlong quatrain. May iba‟t iba itong tugma na may couplet
(dalawang magkasunod na taludtod na may tugma) sa dulo na may ibang tugma sa nauna.
Epektibo nitong ipinahahayag ang rurok ng tula. Ang sistema ng tugma nito ay abab, cdcd, efef, gg.

Pag-ibig na agad kong sinukuan

Paano na kaya kung lumaban ako?


Masaya at matatag pa kaya kami?
Pa'no kung hindi ako agad sumuko?
Siguro baka tulad pa rin kami ng dati?

Nasaktan n'ya ako, nasaktan ko rin s'ya


Pero dapat di ko pa rin siya pinakawalan
Kahit na nagkulang pa sa isa't isa
Hindi 'to rason para siya'y bitawan

'di ko matanggap, masakit sa damdamin


Na ang mahal ko'y may iba nang pangarap
Mahirap tanggapin, masakit isipin
Ibang tao na ang kanyang hinahanap
sayang naramdaman ay naging sakit
ang tamis ng pag-ibig ay naging pait

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang
mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul.
Tapos na tayo sa modyul na ito. Sa mga kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan
ng aralin at maging ang iyong naging pagninilay.

Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay ang paglikha ng tula na may sinusundang sukat at tugma,
natutuhan ko rin ang ibat ibang uri ng salitang maaaring gamitin sa pagbuo ng tulang may sukat at
tugma. Gaya ng mga salitang mabilis, maragsa, malumay, malumi at maging ang mga salitang may
tuldik na magandang gawing tugma sa tula.
Mula sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong maging isang
masunurin, hindi lamang sa pag sagot sa mga modyul kundi pati na rin sa pagsunod bilang isang
estudyante, napagtanto ko sa modyul na Ito kung gaano kahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin.

MODYUL 5: SUKAT

Narito ang ikalimang modyul na gagabay sa iyo sa iyong lubusang pag-unawa tungkol sa Sukat. Ito
ay magiging sandigan mo upang magkaroon pa nang mas malalim na kaalaman na makatutulong
upang mapagyaman mo ang iyong kakayahan sa mga bagay-bagay na maaari mong magamit sa
iyong sariling pag-unlad.
Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, sagutin mo muna ang kasunod na tanong nang maikli
subalit makabuluhan.

Paano nagiging mahalagang bahagi ng ritmo ng tula ang sukat?


Nagiging mahalagang bahagi ng ritmo ng tula ang sukat sapagkat ito ay nakatutulong upang maging
madali para sa makata na memoryahin ang kaniyang likhang tula. Bukod dito ay mas nagiging kaaya-
aya at mas may indayog ang tula 'pag may sukat ito.

Ngayon ay dumako na tayo sa pormal pagbubukas ng ating talakayan.Basahin mo ang mga


detalyeng nakapaloob sa mga pahina 90-107. Pagkatapos mong maisagawa ang pagbabasa,
sasagutin mo ang mga kasunod na tanong at isasagawa ang mga kasunod na gawain.

1. Gaano kahalaga ang pagkatha ng tulang may sukat at tugma?


Labis na mahalaga ang pagkatha ng tulang may sukat at tugma sapagkat dahil sa mga ito mas nagiging
mahusay at maganda sa pandinig ang isang tula. Ang sukat at tugma ay nagpapaganda ng himig ng tula na
siyang pupukaw sa atensyon ng mga mambabasa o tagapakinig. Dahil din dito ay nagiging masining o
malikhain ang paghahayag ng naratibo ng tula at mas nagiging madali ang daloy ng pagbigkas dito.

2. Maaari kayang gumawa ng tula ang isang nagsisimulang makata nang hindi isinasaalang-alang
ang pagkatuto sa mga tradisyonal na anyo (sukat at tugma)?
Oo. Maaaring gumawa ng tula ang isang nagsisimulang makata nang hindi isinasaalangalang ang pagkatuto
sa mga tradisyonal na anyo, sapagkat may tinatawag naman na malayang taludturan at ito ay walang sukat
at tugma. Ngunit kailangan isaalang-alang ng isang nagsisimulang makata ang pagiging mabisa at mahusay
ng kaniyang tulang lilikhain kahit wala itong sukat at tugma. Kahit hindi niya isinasaalang-alang ang
pagkatuto ng tradisyonal na anyo kailangang isaalang-alang niya ang pagkatuto ng mga katangian ng
malayang taludturan upang maging mabisa ang tulang kaniya lilikhain.

3. Magiging mabunga at malikhain kaya ang mga tula ng isang makatang walang alam sa
kumbensiyonal na paraan ng pagtula?
Sa aking palagay ay depende ito. Hindi magiging mabunga ang tula kung walang alam sa kumbensyonal ng
tradisyonal na tula at sa kumbensyon ng malayang taludturan ang makata. Ngunit kung ang kumbensyonal
na sukat at tugma lamang ang mawawala at kung sisiguruhin ng makata na magkakaroon pa rin ng indayog
ang kaniyang tulang gagawin ay maaari pa rin itong maging mabunga.

4. Maaari kayang lumikha ng tula na may sukat ngunit walang tugma ang isang makata? O kaya
nama’y may tugma subalit walang sukat? Maaari kayang maging mahusay ang kalabasan ng mga
tulang ganito?
Oo maaaring lumikha ng tula na may sukat ngunit walang tugma o kaya nama’y may tugma subalit walang
sukat ang isang makata. Maaari ring maging mahusay ang kalalabasan ng mga tulang ganito sapagkat
taglay pa rin nito ang isa sa tradisyonal na anyo na nagbibigay ritmo at indayog sa tula. Kinakailangan
lamang na maging malikhain ang makata at kailangang siguruhin niya na kahit walang sukat o walang
tugma ang kaniyang gagawin ay magiging kaaya-aya pa rin ito sa mga mambabasa.

5. Maaari bang makalikha ng isang tulang may tradisyonal na sukat at tugma subalit ang laman ng
tula ay makabago?
Oo maaaring makalikha ng isang tulang may tradisyonal na sukat at tugma subalit ang laman ng tula ay
makabago. Halimbawa na lamang ang tulang "Sa Tabi ng Dagat" ni Ildefonso Santos. Isa itong tulang may
sukat at tugma subalit maituturing nang moderno dahil sa nilalaman o paksang mayroon ito.

Sa bahaging ito’y, isasagawa mo ang sumusunod upang mas malinang ang iyong pagagiging
malikhain.
1. Gumawa ng bugtong tungkol sa makabagong buhay. Ang magiging sagot sa mga bugtong ay ang
sumusunod: MRT, Internet, computer, cellphone, at videocam. Gumawa ng bugtong na may
dalawang taludtod at ang iba nama’y may apat na taludtod.

MRT
Hindi naman ako isang lata,
pero pinagsisiksikan nila
Internet
Tumutulong sa mag-aaral,
Kaagapay sa pag-aaral.

Computer
Kung titignan ay parang kahon,
Punong-puno ng impormasyon

Cellphone
Parihaba ang sukat,
lagi mong buhat-buhat

Videocam
Kumakain ng eksena,
at masayang ala-ala

2. Kumatha ng tanaga. Isaalang-alang ang paggamit ng iba’t ibang persona, tulad ng kandila,
bintana, suklay, saklay, mata, at bubungan.

Kandila
Akoy handang mamatay
Masamahan ka lamang
Sa dilim ng 'yong buhay
Ako ang iyong linaw

Bintana
Ako'y munting silipan
sa munti n'yong tahanan
Sa pagbukas pa lamang
Tanaw ang kagandahan

Suklay
Ako ay munting suklay
Tutulong sa'yong buhay
Taga Tuwid ng gusot
Taga plantsa ng lukot

Saklay
Tagagabay sa pilay
Nagsisilbing alalay
Saklay ng iyong buhay
Ako ang iyong gabay
Mata
Nakita mo ang mundo
Dahil Ako'y narito
Matang gagabay sa'yo
Kukulay ng buhay mo

Bubungan
Nagsisilbi mong linong
Sa umaga at hapon
Umulan o umaraw
Ako'y inyong proteksyon

3. Gumawa ng isang awit. Tingnan muli ang tula ni Hernandez at putulin ang bawat gitnang
taludtod ng inyong saknong. Siguraduhing ang laman ng mga taludtod nito ay mga bahaging nais
idiin at bigyang pansin ng mambabasa.

Manatiling mabuti

Pumipintig lagi sa aking unawa,


Ang habilin ninyo sa aking gunita,
'wag maging mayabang
'wag mapagmataas
Hindi mahalaga itong gantimpala,
Higit na mainam - itong ating kapwa.

Laging isaisip na makabubuti,


Ang magsilbing lugod sa nakararami,
Huwag mapang-api
Ikaw ay mabuti
Magbigay ng sinag kahit pa nga munti,
Mas mainam kaysa sa yamang malaki!

Maging alipin kang pinakamababa


Ng ating dakilang Poon at Bathala
'wag maging masama
'wag maging maraya
Tangi mong ibigin na maisagawa
Aymaging tulayan sa anumang hidwa!”

4. Mag-isip ng isang larawan o imahen tungkol sa kalikasan. Halimbawa, larawan ng isang pakpak
ng mariposa, at panatilihin ito sa isipan. Ito ang ilarawan at gawan ng ng tulang haiku.
Rosas na pula
Ang daming humahanga
Matinik pala

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang
mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul.
Tapos na tayo sa modyul na ito. Sa mga kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan
ng aralin at maging ang iyong naging pagninilay.

Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay maging maingat sa paglikha ng isang tula, lalo na kung ito
ay may sinusundang sukat at tugma. Natutuhan ko rin sa modyul na ito ang paggawa ng ibat ibang uri ng
tula gaya ng bugtong, tanaga haiku at iba pa.

Mula sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong sumunod sa
anumang alituntunin. At maging maingat aking mga gagawin, obserbahan ng mabuti ang mga aktibidad
na ipinagagawa sa akin, at tignang mabuti kung tama ba o mali ang aking ginagawa. Upang ito ay
maitama kaagad, at napagtanto ko rin bilang isang OLSHConian na tungkulin kong maglaan ng oras sa
paggawa ng aking mga responsibilidad bilang isang mag-aaral.

MODYUL 6: MALAYANG TALUDTURAN

Narito ang ikaanim na modyul na gagabay sa iyo sa iyong lubusang pag-unawa tungkol sa
Malayang Taludturan. Ito ay magiging sandigan mo upang magkaroon pa nang mas malalim na
kaalaman na makatutulong upang mapagyaman mo ang iyong kakayahan sa mga bagay-bagay na
maaari mong magamit sa iyong sariling pag-unlad.
Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, sagutin mo muna ang kasunod na tanong nang maikli
subalit makabuluhan.
Mag-isip ng mga paboritong makata. Sa iyong mga napiling makata, higit ka bang naaakit sa mga
tulang may malayang taludturan o sa mga tulang may mahigpit na pagsunod sa sukat at tugma?
Bakit?

Makata
-Francisco Balagtas Baltazar
-Virgilio S. Almario
Kung ako ang tatanungin ay mas higit akong naaakit sa mga tulang may mahigpit na pagsunod sa sukat
at tugma, sapagkat batid ko kung gaano ito mahirap gawin, at batid ko rin na mahabang oras ang ginugol
ng makata sa paglikha nito. Ngunit sa kabilang banda mas mahilig akong gumawa ng mga tulang may
malayang taludturan sapagkat mas nailalabas at naipapahayag ko ang aking saloobin at damdamin sa
anyo ito. Higit na kaakit-akit at kamangha-mangha ang mga tulang may mahigpit na pagsunod sa sukat at
tugma dahil sa mabusising paggawa rito, ngunit higit na mas malaman ang mga tulang may malayang
taludturan.

Ngayon ay dumako na tayo sa pormal pagbubukas ng ating talakayan.Basahin mo ang mga


detalyeng nakapaloob sa mga pahina 112-122. Pagkatapos mong maisagawa ang pagbabasa,
sasagutin mo ang mga kasunod na tanong at isasagawa ang mga kasunod na gawain.

1. Sa malayang taludturan, kailangan bang maging malaya maging ang mga paksang tinatalakay?
Ang lahat ba ng bagay ay maaaring talakayin tulad na lamang ng seks, sekswalidad, kahirapan, at
karahasan sa loob ng lipunan? Bakit?
Sa aking palagay, hindi ibig sabihin na malayang taludturan ay malaya na rin maging ang mga paksang
tatalakayin sa tulang lilikhain ng makata. Kailangan parin ng matinding pag-iingat sa pagpili ng paksa
sapagkat ito ay nakadepende parin sa manunulat at mga mambabasa. Ang isang tunay na mahusay na
makata ay alam kung anong mga paksa ang angkop para sa kanyang mambabasa ito man ay nasa anyo ng
malayang taludturan o hindi.

2. May hangganan ba ang mga paksang maaaring talakayin kapag gumagamit ng malayang
taludturan?
Para sa akin ay oo, sapagkat hindi ibig-sabihin na malayang taludturan ang uri ng tulang iyong lilikhain
ay Malaya ka na rin sa pagpili ng mga paksa iyong tatalakayin. Oo sabihin na natin na may karapatan
kang mamili kung ano ang nais mong paksain. Pero dapat alam mo ang limitasyon mo sa bagay na ito.
Dapat mo rin isiping mabuti Ang paksang tatalakayin mo. Kung ito bang paksa ito ay akma sa lahat ng
mambabasa, kung ito bang paksang ito ay kayang unawain ng lahat at Kung ito bang paksang ito ay
walang natatapakang tao. Dahil aminin man natin o hindi may mga paksain na sadyang nakakatama o
nakasasakit sa iba. Tandaan mo na ang layunin mo bilang isang makata ay mapahayag ng saloobin,
damdamin at mag bigay aral. Hindi ang manakit at manira ng iba.
3. Sa iyong palagay, gaano kahalaga para sa mga taong tumuligsa sa kumbensyonal na taludturan
ang pagkatha ng tulang may naiibang paksa?
Sa aking palagay, lubhang napakahalaga para sa mga taong tumuligsa sa kumbensyonal na taludturan ang
pagkatha ng tulang may naiibang paksa, sapagkat ganito na lamang ang kanilang pagnanais na
mapaganda ito. Nakikitaan ang mga taong ito ng labis na pagmamahal sa pagtula dahil sila ay tumuligsa
pa sa kumbensyonal na taludturan isang patunay lamang na sila ay tunay ngang mga makata.

Sa bahaging ito’y, isasagawa mo ang sumusunod upang mas malinang ang iyong pagagiging
malikhain.

1. Basahin ang talata sa ibaba na sinipi mula sa nobelang Anina ng mga Alon ni Eugene Y. Evasco.
Ang bida/persona sa nobela ay isang batang babaeng Badjao na nagngangalang Anina.

Lagi’y sinigurado kong anak nga ako ng dagat.kapag pilak ang liwanag ng gabi habang
nakalutangako sa dagat at nakatanaw sa hanay ng mga bituin,sabay kaming umaawit ng mga alon.
Ginagabayanako ng mga alon sa tamang himig at inadayog. Tinatangay nito an gang aking tinig sa
ia pang mga pook. Hindiko man batid kung saan ito patungo. Ang tiyak kolamang, mahal na mahal
ng dagat ang aking mga awit. Kinakalong niya ito, inaangkas, inihahagis, at binabasag sa pinung-
pinong mga piraso.
a. Ayusin ang talatang ito sa anyo ng isang tulang may malayang taludturan.

Magpasya kung saan puputuluin ang mga taludtod. Siguraduhing ang pagputol ng taludtod ay may
kinalaman kung saan nais ipakita sa mambabasa ang diin ng tula.

Lagi’y sinigurado kong anak nga ako ng dagat.

pilak ang liwanag ng gabi habang nakalutang ako sa dagat

at nakatanaw sa hanay ng mga bituin,sabay kaming umaawit ng mga alon.

Ginagabayan ako ng mga alon sa tamang himig at inadayog.

Tinatangay nito ang aking tinig sa isa pang mga pook.

Hindi ko man batid kung saan ito patungo.

Ang tiyak ko lamang, mahal na mahal ng dagat ang aking mga awit.

Kinakalong niya ito, inaangkas, inihahagis, at binabasag sa pinung-pinong mga piraso.


b. Pagkatapos ayusin ang Anina sa anyo ng tula, dugtungan ang mga taludtod ng tula ng sariling
konsepto tungkol sa magiging tunguhin ng buhay ni Anina.

Lagi’y sinigurado kong anak nga ako ng dagat.

pilak ang liwanag ng gabi habang nakalutang ako sa dagat

at nakatanaw sa hanay ng mga bituin,sabay kaming umaawit ng mga alon.

Ginagabayan ako ng mga alon sa tamang himig at inadayog.

Tinatangay nito ang aking tinig sa isa pang mga pook.

Hindi ko man batid kung saan ito patungo.

Ang tiyak ko lamang, mahal na mahal ng dagat ang aking mga awit.

Kinakalong niya ito, inaangkas, inihahagis, at binabasag sa pinung-pinong mga piraso.

Ang alon sa dagat ay tila ang buhay

Sasabay sa agos at magpapatangay

daldalhin ka nito sa kinabukasan

At sa bagong umaga'y ika'y gagabayan

Ang along ng dagat ay parang isang himig

Masarap sa tainga, maganda sa pandinig

Animo'y tubig sa dagat na napaka lamig

Ganito kaganda itong kanyang tinig

c. Tukuyin sa loob ng akdang Anina ang mga bahagi nito na may ritmo o indayog.
Ang ritmo o indayog sa tulang ito ay ang linyang sumusunod:
pilak ang liwanag ng gabi
sabay kaming umaawit ng mga alon.
Ginagabayan ako ng mga alon sa tamang himig at inadayog.
Tinatangay nito ang aking tinig
mahal na mahal ng dagat ang aking mga awit.
binabasag sa pinung-pinong mga piraso.

2. Mag-isip ng personang nagmula sa iyong imahinasyon. Maaaring siya ay kathang-isip sa iyong


pagkabata. Isipin maging ang kakaibang paraan niya ng pagsasalita at maging ang mga “bagong”
salita na siya lamang ang nakaimbento. Makatutulong kung papansinin ang pananalita ng isang
tunay na bata. Gumawa ng tula tungkol sa personang ito na ginagamit ang malayang taludturan.

Kakkak
Sa kakkak tunay na ako'y nahahalina
Ang angking itsura ng mga ito napakaganda
Kakkak na may iba't ibang uri at makukulay pa
Sa mga harden ko sila nakikita

Maliit lamang ako kumpara sa kanila


Engkanto kong ituring ng iba
Ngunit kahit ano ako alam ko ang maganda
Ito ay ang kakkak na makulay at mabango pa

Kakkak ang tawag ko sa halamang ito


Kaygandang pagmasdan
Kaysarap titigan
Maaari bang pumitas kahit isa lamang?

3. Basahin ang tanaga sa ibaba ni Edwin P. Cruzada:

May tutubing karayom


Sa isang makahiya.
Nang tangkaing hulihin,
Tinik lang ang napala.

Tangkaing pahabain ang tanagang ito sa pamamagitan ng malayang taludturan.

May tutubing karayom


Sa isang makahiya.
Nang tangkaing hulihin,
Tinik lang ang napala.

Nang aking sundan


ang tutubing karayom
Siya'y nakita kong dumapo
sa mataas na dahon

Upang siya'y maabot,


Ako ay sumampa
Sa batong mataas
na malapit sa kaniya

Pilit inaabot buntot ng tutubi


Ng biglang mawala ang aking balanse
Sa aking pagtumba,
aray ang winika
Oh ang hirap naman huliin
ng mailap na tutubing karayom

Sa pagtingala ko sa dahon,
Wala na pala ang tutubi doon.
Nang aking hanapin ako'y napatigil
Pagkat may narinig akong boses
"Huwag mo ng pilitin kung ayaw talaga"
Hayaan mo na lang siyang maging masaya.
Boses ito ng isang lalaking pinapayuhan ang sawi sa pag-ibig niyang kaibigan.
Sa sinabing ito'y mayroon akong napagtanto
Yan ay umuwi na
at hayaan ang tutubing maging malaya.

4. Mag-isip ng kilalang awit na paborito mo. Sumipi ng apat na taludtod at dugtungan ito na gamit
ang malayang taludturan.
" Binalewala"

Ikaw na pala, ang may-ari ng damdamin nang minamahal ko,


Pakisabi nalang, na huwag nang mag-alala at okay lang ako...
Sabi nga ng iba... Kung talagang mahal mo s'ya ay hahayaan mo,
hahayaan mo na mamaalam, hahayaan mo na lumisan...

'Pagkat nanaisin mong maging masaya siya


Kaya't kahit ikadudurog mo,
tatanggapin mo,
Hahayaan mo siya,
Babalewalain mo ang sakit,
Makita mo lang siyang masaya
Kahit sa piling na ng iba.

Babalewalain mo ang sakit.


Katulad ng pambabalewala niya,
Pagbabalewala niya sa'yo,
Pagbabalewala niya sa nararamdaman mo,
Pagbabalewala niya sa sakit na iniinda mo
Pagbabalewala niya sa relasyong meron kayo

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang
mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul.

Tapos na tayo sa modyul na ito. Sa mga kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan
ng aralin at maging ang iyong naging pagninilay.

Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay ang paglikha ng mga tulang may malayang taludturan,
gayondin ang pagdurugtong ng tulang may malayang taludturan sa iba pang uri ng tula gaya ng tanaga,
musika at iba pa.
sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong maging isang matiya,
hindi lamang sa paglikha at pagsagot sa mga gawain kundi pati na rin ang pagsuri sa kahalagahan ng mga
ito.

MODYUL 7: IMAHEN
Narito ang ikapitong modyul na gagabay sa iyo sa iyong lubusang pag-unawa tungkol sa Imahen.
Ito ay magiging sandigan mo upang magkaroon pa nang mas malalim na kaalaman na
makatutulong upang mapagyaman mo ang iyong kakayahan sa mga bagay-bagay na maaari mong
magamit sa iyong sariling pag-unlad.
Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, sagutin mo muna ang kasunod na tanong nang maikli
subalit makabuluhan.

Kapag ang inilarawan ng makata ay malinaw na nakita ng mambabasa, ngunit hindi naman
“naranasan” ng iba pa niyang pandama, mahusay pa rin ba ang paggamit ng imahen sa tula?
Hindi mahusay ang paggamit ng imahen sa tula, kung ito ay hindi nadama ng mambabasa
sapagkat ang imahen ay hindi lamang ang detalye ng larawan sa loob ng isang tula kundi ito ay anumang
pandamang pisikal na kailangan madama ng mambabasa. Upang masabing mahusay ang paggamit ng
imahen sa tula mahalaga ang pagpapakita at hindi paglalahad lamang. Kailangan kongkretong madama ng
mambabasa ang isinusulat ng makata upang sa ganoon ay malinaw na maipakita at maiparama ang
imahen sa tula.

Ngayon ay dumako na tayo sa pormal pagbubukas ng ating talakayan.Basahin mo ang mga


detalyeng nakapaloob sa mga pahina 128-143. Pagkatapos mong maisagawa ang pagbabasa,
sasagutin mo ang mga kasunod na tanong at isasagawa ang mga kasunod na gawain.
1. Ano ang pagkakaiba ng literal na imahen at ng imaheng ginagamit sa tayutay? Magbigay ng
halimbawa. Ano sa iyong palagay ang higit na epektibo?
Ang pagkakaiba ng literal na imahen at ng imaheng ginagamit sa tayutay ay; Ang literal na imahen ay
literal na sinasabi kung ano ang mismong nais sabihin ng makata sa kanyang tula, tulad halimbawa ng
paglalarawan sa isang dalaga na may taglay na kagandahan. Sa literal na imahen sasabihin ng makata sa
kanyang tula na "Ang dalagang si Anna ay maganda" literal niyang inilarawan na ang dalaga na si Anna
ay maganda. Samantalang sa imaheng ginagamit sa tayutay naman ay ilalarawan ang dalagang si Anna sa
malikhaing paraan tulad ng " Si Anna ay animo'y mga bulaklak sa Harden". Sa aking palagay higit na
epektibo ang pagpapakita ng imaheng ginagamit sa tayutay kumpara sa literal na imahen sapagkat higit na
mas kahali-halinang basahin ang mga salitang may tayutay lalo na kung ito ay nasa loob ng tula.

2. Maghanap ng mga tula na gumagamit ng objective correlative o ng emotive element ng tula.


Ihanay ang mga elemento/simbolismong ginamit at ipakita ang kahulugan nito upang makamtan
ang hinahangad na layunin ng makata na ipadama ang emosyon sa loob ng tula.

Adobo
Adobo hindi pwedeng iluto kung wala ang ikaw at ako,
Ako ang iyong suka at ikaw ang aking toyo.

Sa relasyon natin ako palagi ang sumusuyo,


Kapag ako naman ang nagtampo, tila ba'y wala lang saiyo
Kasalanan ko pa ba kapag nag-away tayo?

Aking sinta Alam mo ba,? Kapag galit ka


kamukha mo si Hulk pag nag ngingitngit na
Nako heto na tumawag kayo ng ambulansya.

Kagat, kurot, hampas at sipa yan ang ginawa ni toyo kay suka
Sa tuwing susumpungin na marahil nasobrahan na naman sa pagbuhos ng tuyo
At hindi natansya, kawawa na naman si suka, marami ka na naman pasa sa mukha

Di kita iiwan, kahit mag mukha ng ewan,


Di kita susukuan kahit mabali ang buto sa katawan,
Sapagkat hindi maluluto ang adobo, kung walang suka at toyo
Kagaya ng relasyong mayroon tayo, hindi mabubuo pag walang ikaw at ako.

Sa bahaging ito’y, isasagawa mo ang sumusunod upang mas malinang ang iyong pagagiging
malikhain.

1. Damhin ang bawat kataga ng iyong tula sa pamamagitan ng sumusunod:


a. Kumain ng paboritong pagkain. Ilarawan ang iyong pagtikim sa pagkaing ito nang tila unang
pagkakataon mo itong natikman. Alalahanin ang tekstura ng pagkain, ang amoy, ang hitsura at
hindi lamang ang lasa nito nang dumampi sa iyong dila.

Mang-inasal

Amoy palang masarap na

Ang itsura'y nakahahalina

Sa bango nyang matatakam ka

Sa laki nyang, masosolve kang talaga

Tunay ngang masarap, hindi lang ang itsura

Maging sa lasa nya'y mapapa-wow kang bigla

Malasa na, mananam pa

Oh napakasarap talaga.!

b. Pumili ng isang bato. Hawakan ito. Sa loob ng tatlong araw, salat-salatin, sa tuwing may
pagkakataon. Pagkatapos, ipikit ang mga mata at ilarawan ang hawak-hawak na bato.

-Ang batong hawak-hawak ko ngayon ay isang makinis na bato, na may katamtamang laki at bilog na
hugis. Animo'y isang makinang na perlas dahil sa dulas at kinis nito, dagdag mo pa ang maganda nitong
hugis at katamtaman na laki.

c. Titigan ang isang taong laging kasama. Karaniwang hindi natin pinapansin ang detalye ng
mukha ng madalas nating kasama. Sa pagkakataong ito, titigan siyang mabuti at isaisip mabuti ang
kaliit-liitang detalye ng mukha at ikumapra ito sa isang bagay.

Ang mukha ng aking kakambal

Sobrang nakakamangha talaga

Na may mga taong iisa ang mukha

Sobrang magkahawig nga kaming dalawa

Kaya naman pala nalilito sila


Kong sa isang bagay siya'y ikukumpara

Ito ay sa salamin, repleksyon ay nakikita

Mula sa hugis ng katawan, ilong, bibig at mga mata

Hindi maitatangging magkamukang-magkamuka

d. Dumungaw sa labas ng inyong bintana. Sa napakaraming boses na naririnig sa paligid, pumili


lamang ng tatlo. Ilarawan ang isang tinig na narinig nang iniuugnay sa isang hayop. Ilarawan ang
isa pang tinig at iugnay sa kalikasan. Ilarawan ang huli sa anumang bagay sa paligid.

Ang tatlong salitang aking narinig mula sa paligid ay ang mga salitang "mama, papa, anak."

"Mama"

Lubhang napakahalaga ng salitang ito para sa mga hayop. Sapagkat ayon sa aking nakikita at
naoobserbahan sa mga hayop ang ina ang siya lamang nagpapalaki at nag-aalaga sa kanya mga anak.
Gaya halimbawa sa mga pusa at aso.

"Papa"

Kung ilalarawan ko sa kalikasan ang salitang papa, ito ay ihahalintulad ko sa mga puno, dahil sa dami ng
kanilang mga pinagdadaanan sa buhay ay nananatili silang nakatayo at matatag para sa kanilang mga
pamilya.

"Anak"

Ang anak ay tila ba mga halaman sa paligid, sila ang nagpapaganda at nagbibigay kulay sa buhay ng
bawat pamilya.

e. Amuyin ang tatlong uri ng pabango, masansang man o mahalimuyak. Sa pagsamyo ng mga ito,
ilarawan ang karanasang naaalala kapag nasamyo ang mga ito.

Ang tatlong uri ng pabango ay ang sumusunod:

1. Rave - Ito ay isang uri ng pabango na panlalaki, mahalimuyak ang amoy at tuwing nasasamyo o
naaamoy ko ito ay naaalala ko ang aking kapatid at ama, sapagkat ito ang kanilang ginagamit na pabango

2. Red Safari- Ito rin ay mahalimuyak. Sa tuwing naaamoy ko naman ito ay naaalala ko naman ang aking
mga tita at ina. Sapagkat ito naman ang pabangong kanilang ginagamit.

3. Juicy- mahalimuyak para saakin ang pabangong ito, kaya naman ito ang madalas Kong gamitin, bukod
pa rito ito ay abot kaya. Tuwing naaamoy ko ito naaalala ko ang aking mga kaibigan na kung saan sila
ang kasama kong bumibili nito.
2. Ngayong naitala na ang bawat pandamdam. Bumuo ng tula batay sa mga ito. Tiyaking hindi
gagamit ng mga palasak na talinghaga.

PANDAMDAM
Pandinig

Ganda ng musika ay aking damang-dama


Sa tulong ng aking dalawang tainga
Sa pakikipag-usap ito'y aking Kailangan
Dahil dito'y kausap ko'y aking nauunawaan

Pandama

Ramdam ang dampi ng kamay ni nanay


Ramdam ang hanging dumadampi sa aking katawan
Ramdam ang init ng yakap at pagmamahal
Dahil may pandamang bigay ng maykapal

Pang-amoy

Bango ng pagkain tila nagsasabing halika't ako'y tikman


Sapagkat may ilong akong aking Kaagapay
sa pagtukoy ng baho at bango ito ang aking karamay
Sa tulong nito'y amoy sa paligid aking malalaman

Biswal

Masayang pagmasdan ang mga larawan


Masayang pagmasdan ang mga bagay na makulay
Masayang pagmasdan ang ganda ng mundo
Salamat sa mga mata nakikita ko ito.

Panlasa

Batid ko ang sarap ng luto ni inay


Batid ko ang sarap ng paborito kong ulam
Batid ko ang pait ng ampalayang tanim ni itay
Pagkat ako'y may dilang panlasa't pantikim

3. Magmasid ng kalikasan. Kung ito ay ulap, ano ang itsura nito para sa iyo? Kung ito ay buwan,
ano marahil ang itsura nito kung ang iyong batang sarili ang nakasaksi? Kung ito ay araw, ano ang
itsura nito kung ang nakasaksi ay isang gagamba? Itala ang detalye ng nasaksihang kalikasan.
Gumawa ng tatlong haiku batay rito.

Ulap
Magandang tignan
'Kala mo isang usok
Na nasa langit

Buwan
Animo'y ilaw
Na sumusunod sa'yo
Tanglaw sa dilim

Araw
Animo'y bola
Na napakaliwanag
Magandang tala
4. Ilarawan ang karanasang lubhang nagpasaya sa iyo. Ano ang iyong pakiramdam? Ilarawan ito
nang detalyado at ipadama sa mambabasa nang tila isinasama mo siya sa kasiyahang iyong
nadama.

Ika-labing walong kaarawan

Sa aking pagbukadkad, marami ang nag-aabang,


Nais nilang masaksihan masayang kaganapan,
Ito na ang oras ng pagbabago
Ngayon ay mas kailangan ko ng maging seryoso.

Makukulay na liwanag mula sa bahaghari


Ayan na't sa hardin ay namamayani
Iba't ibang klaseng puno't, halaman
ang nagsisidatingan
Mula sa Iba't ibang lugar na gustong makibahagi sa kasiyahan.

Maraming pagkain ang inihanda


Para sa lahat ng mga bisita
Magagandang itsura
Ang aking nakikita
Ito nga ay isang pangyayaring
Masarap balikan sa ala-ala.
Sa himig ng hangin kami'y nagsayawan,
Mensaheng alay saki'y akin ding pinakinggan
Mga handog nilang bigay,
malugod kong tinanggap at pinangakong iingatan
O kay sarap balikan, isang araw ng kasiyahan.

Kay sayang pagmasdan ang kaganapang aking nakikita


Masaya akong nakikita ngiti sa kanilang mga mukha
Ito ang araw ko na tila araw rin nila
O kay sarap balikan ng mga ala-ala.

Ramdam ko ang pagmamahal ng panahong iyon


Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ng panginoon.
Ramdam ko ang aking pagiging mapalad
At ramdam kong ito na ang hudyat ng panibagong responsibilidad

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang
mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul.

Tapos na tayo sa modyul na ito. Sa mga kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan
ng aralin at maging ang iyong naging pagninilay.

Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay ang mabisang malalahad ng imahen sa isang tula. Natutuhan
ko rin na ang kahalagahan nito. Nalaman ko rin na ang isang mahusay na makata ay may kakayahang
ipadama sa mambabasa ang mga mensahe at mga karanasang inilalahad sa tula.

Mula sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong maging
mahusay, hindi lamang sa pagbabahagi ng aking mga naging karanasan kundi upang magbigay aral at
leksyon sa iba.

MODYUL 8: TONO

Narito ang ikawalong modyul na gagabay sa iyo sa iyong lubusang pag-unawa tungkol sa Imahen.
Ito ay magiging sandigan mo upang magkaroon pa nang mas malalim na kaalaman na
makatutulong upang mapagyaman mo ang iyong kakayahan sa mga bagay-bagay na maaari mong
magamit sa iyong sariling pag-unlad.
Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, sagutin mo muna ang kasunod na tanong nang maikli
subalit makabuluhan.

Paano nakatutulong ang tono sa pagpapatingkad ng tema ng tula?


Nakatutulong ang tono sa pagpapatingkad ng tema ng tula sa pamamagitan ng pagpapakita ng
emosyon at damdaming nais ipahayag nito. Ang tono ng tula ang siyang nagpapakita ng emosyon at
damdamin ng persona sa tula, kung ito ba ay galit, malungkot, masaya at iba pa. Ang tono ang siyang
nagbibigay buhay sa tema at paksa ng isang tula sapagkat sa pamamagitan ng tono malalaman ng mga
tagapakinig kung tungkol saan ang temang ipinapakita nito. Gayun pa man, mahalaga rin ang mga
salitang gagamitin sa loob ng tula upang mas maipahayag ng maayos ang mensaheng nais ipahayag ng
persona o manunula. Halimbawa ang tema ng tula ay tungkol sa kabiguan, upang maipakita ang temang
ito maaaring ang tono na gamitin ng persona ay kalungkutan, nang sa ganoon ay maipakita na ang
persona sa tula ay malungkot sapagkat siya ay bigo o nakaranas ng kabiguan. Ang salita namang
maaaring gamitin sa loob ng tula ay dapat may kaugnayan sa kabiguan tulad halimbawa ng bigo, sawi,
talo, at iba pa.

Ngayon ay dumako na tayo sa pormal pagbubukas ng ating talakayan.Basahin mo ang mga


detalyeng nakapaloob sa mga pahina 145-167. Pagkatapos mong maisagawa ang pagbabasa,
sasagutin mo ang mga kasunod na tanong at isasagawa ang mga kasunod na gawain.
1. Maaari bang gumamit ng iba’t ibang uri ng tono sa loob ng iisang tula? Bakit?
Oo, maaaring gumamit ng iba't ibang uri ng tono sa loob ng iisang tula lalo na kung ang persona sa tula
ay nagpapakita ng iba't ibang emosyon. Nakadepende sa daloy ng tula Ang magiging emosyon ng persona
Kaya naman may mga pagkakataon talagang Kailangan nitong magpalit ng tono. halimbawa sa unang
bahagi ng tula ay masaya ang emosyong ipinakikita ng makata, pagka-tapos sa bandang gitna ay
magagalit ito at magiging malungkot sa bandang huli. Hindi maaaring isang tono lamang ang gagamitin
dito, sapagkat hindi mapalalabas ang emosyong nais ipahayag sa tula.
2. Maghanap ng paboritong awit o popular na kanta. Ibigay ang tono nito at sabihin kung
nagbabago ba ang tono nito sa iba’t ibang bahagi ng tula?

" Binalewala"

Ikaw na pala, ang may-ari ng damdamin nang minamahal ko,


Pakisabi nalang, na huwag nang mag-alala at okay lang ako...
Sabi nga ng iba... Kung talagang mahal mo s'ya ay hahayaan mo,
hahayaan mo na mamaalam, hahayaan mo na lumisan...

Kaya't humihiling ako Kay bathala, na sanay Hindi na s'ya lumuha pa,
na sanay hindi na s'ya mag-iisa, na sana lang... Ingatan mo s'ya...
Binalewala n'ya ako dahil sayo, nawalan na ng saysay ang pagmamahal,
Na Kay tagal ko ring binubuo... Na Kay tagal ko ring Hindi sinuko...
Binalewala n'ya ako dahil sayo... Dahil sayo...

Ito nang huling awit, na kanyang maririnig, ito ng huling tingin na dati s'yang kinikilig,
Ito nang huling araw ng mga yakap ko't halik, ito na haa.. Ito na...

Sabi nga ng iba... Kung talagang mahal mo s'ya ay hahayaan mo,


hahayaan mo na mamaalam, hahayaan mo na lumisan...Ingatan mo s'ya...
Binalewala n'ya ako dahil sayo, nawalan na ng saysay ang pagmamahal,
Na Kay tagal ko ring binubuo... Na Kay tagal ko ring Hindi sinuko...
Binalewala n'ya ako dahil sayo... Dahil sayo...

Sa awitin ito ay may tono ng pagtanggap at pagpaparaya, paninisi at pamamaalam. Nagkaroon ito ng
pagbabago ng tono. Sa unang bahagi makikita rito ang pagtanggap at pagpaparaya ng persona. Sa
pangalawang bahagi naman ay paninisi sa taong kausap, at sa pangatlong bahagi ay pamamaalam.
Bumalik sa pagtanggap, pagpaparaya at paninisi sa huling bahagi

3. Humanap ng paboritong tula. Tingnang mabuti ang diksiyon, ang pagpili ng persona, at ang
talinghagang ginamit. Paano ito nakatutulong sa pagpapatingkad ng tono ng tula?

Adobo
Adobo hindi pwedeng iluto kung wala ang ikaw at ako,
Ako ang iyong suka at ikaw ang aking toyo.
Sa bahaging ito’y, isasagawa mo ang sumusunod upang mas malinang ang iyong pagagiging
malikhain.

1. Magbalik sa kabataan. Alalahanin ang mga bagay na ikinatutuwa noong bata pa na kung pag-
iisipa’y nakapagtatakang hindi na ikinatutuwa ngayon. Gumawa ng tula sa paksang ito. Tiyakin sa
sarili ang tonong gagamitin sa tula.

Iba na ang panahon

Noong ako'y bata masaya ang buhay


Walang iniintindi kundi sarili lamang
Sa mga simpleng bagay ako'y natutuwa
Tila bakit ganito, ngayon ay hindi na

Tandang tanda ko pa ang mga pagdaan


Ng mga nagliliparang sasakyan saming paaralan
Lalabas sa klasrum, sa langit pagmamasdan
Ang mga elikopter na nagsisiliparan

Bakit kaya sa simpleng bagay noon ako'y natutuwa


Ngunit bakit ngayon, tila ay hindi na
Patunayan lang ito na panaho'y nag-iiba
At ang buhay ko noon, ngayon ay iba na

2. Umisip ng personang kilala sa kasaysayan, halimbawa, isang presidente o isang bayani. Lumikha
ng bagong katauhan niya na hindi nakikilala ng madla. Bumuo ng tula ukol sa kaniya at gumamit
ng tono na hindi karaniwang iuugnay sa pagkatao ng piniling kilalang persona.

Hugoterong Matapang

Jose Rizal itong aking 'ngalan


Ako'y hindi lamang magaling sa labanan
Pagkat ako rin ay isang hugotero
At pagdating sa usapang pag-ibig d'yan ako'y eksperto.

Malalim kasi ang aking pinanghuhugutan


Sa dami ko ba naman kasing naging kasintahan
Hayaan n'yong bigyan ko kayo ng kaunting kaalaman
Patungkol sa buhay pag-ibig, na aking naranasan

Mayroon akong isang karanasan


Ito ay ang magkagusto sa hindi ako Mahal
Kaya naman pag-ibig ko'y dinaan nalang sa dasal
Upang ang minimithing dilag ay aking makamtan

Kahit hindi na pwede pilit ng pilit


Hindi natututo Kahit sobra ng sakit
Hindi nagsasawa kahit paulit-ulit
Ang unang pag-ibig ko'y ganito kapait

May pagkakataon din na ako ang sumuko


Dahil sa tingin ko'y mas mabuti na ito
Upang hindi na maragdagan pa ang sakit sa'ming puso
Kaya kahit masakit ay bumitaw parin ako

Minsan kasi pagsuko na lang ang naiisip na paraan


Upang mawala ang sakit na nararamdaman
Lalo na kung balewala na rin ang iyong ipinaglalaban
Yung tipong lagi nalang awayan at lagi nalang sumbatan

Bilang isang hugotero


Ito ang aking payo
Huwag magmahal ng todo
Upang di masaktan ng husto

Para sa mga mapanakit na tao


Bakit nyo pa hinayaan na mahalin kayo ng todo,
Kung iiwan mo lang din naman pala sa dulo
Batid nyo ba kung gaano kasakit ito?

Para naman sa mga taong manloloko


Baka oras na para mag seryoso kayo
huwag na kayo, puro pangako
Kasi paulit-ulit lang naman itong napapako

Muli ako si Jose Rizal, bayani ng bayan


Isang taong matapang magaling sa hugutan
Sa sobrang ko ngang tapang, mali tao ang ipinaglaban
Kaya naman ang puso ko, durog at sugatan
3. Alalahanin ang mga bagay na nakasugat sa damdamin. Isulat ang karanasan nang may tonong
nakatatawa. Alalahanin ang awit ni Micheal V tungkol sa iniibig ng persona na sinaktan ang
kaniyang puso at “pinukpo ng martilyo.” Ginaya ito sa awit ni Weird Al Yankovich na “You don’t
love me anaymore.” Kung kinakailangan, saliksikin ang mga kabuoan ng titik ng mga kanta.

Puso ko'y nabibiyak


Parang tinapay na hinihiwa sa gitna
Gamit ang kutsilyong matalim at matalas

Gusto kong tahiin, itong aking puso


Upang bumalik sa dati niyang anyo

Bakal na ang puso ko


Animo'y isang bato

Puso Ko'y parang mamon na mabilis mabiyak


Tila ba'y mga mata, luha'y pumapatak

4. Dugtungan ang kasabihang , pag “binato ka ng bato….” Gumawa ng tulang katawa-tawa ngunit
may pasaring sa mga nagaganap na kabalintunaan sa loob ng lipunan.

Pag binato ka ng bato, ipunin mo, gawin mong palamuti sa hardin mo para magsisi ang bumato sayo.

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang
mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul.

Tapos na tayo sa modyul na ito. Sa mga kasunod na kahon, ilahad ang iyong natutuhan sa kabuoan
ng aralin at maging ang iyong naging pagninilay.

Sa modyul na ito, ang aking natutuhan ay kahalagahan ng tono sa isang tula, ang tuno ang siyang
nagbibigay ng emosyon sa persona sa isang tula Kaya nararapat lamang na Ito ay matutuhan. Natutuhan
ko rin kung anu-ano ang angkop na tono sa bawat emosyon. Halimbawa kung ang emosyong ipinapakita
ng persona sa tula ay lagit ang angkop na tono na kaniyang gagamitin ay malakas o pahiyaw na tono.
Kung ang emosyon naman ay masaya nararapat lamang na ang tonong gagamitin ay ang tonong
nagpapakita ng tuwa. At ganoon din sa iba pang mga emosyon.

sa modyul na ito, napagtanto ko bilang isang OLSHConian na tungkulin kong mag-isip ng malalim
at suriin ang mga bagay na aking gagawin. Tungkulin ko rin obserbahan ang aking sariling kilos kung
tama o akma ba ang aking mga ginagawa sa inaasahan ng lahat. Gaya sa pag sagot sa mga modyul. Kung
ang mga sagot bang aking tinuran ay angkop ba sa mga katanungan at hinihinging kasagutan.

You might also like