Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Group Members:

Arceo Jaylord
Balayon Aesha
Labadia Jainee
Flores Andie
Pastolero Dimple

Movie/Video Title: Please Dont Go | A short Film | Scuicide Prevention

Mahigit 47,500 na tao noong taong 2019 ang naging biktima ng ika-10 nangungunang sanhi ng
kamatayan sa bansang United States, ang SUICIDE. At hanggang ngayon, sa taong 2024, isa pa rin
ang suicide sa nangungunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Maraming tao ang hindi
nakakaalam o hindi napapansin ang ilang sintomas ng isang taong naiisip na kitilin ang kanilang
sariling buhay. May ibang tao naman na alam at napapansin ang mga sintomas, ngunit pinipiling
hindi pansinin ang mga ito dahil para sakanila hindi ito isang malaking bagay na dapat pagtuunan
ng pansin. Ngunit ano ba talaga ang dapat nating gawin kung mayroon tayong kilalang kaibigan, o
kahit isang ordinaryong tao, na naiisipang kitilin ang kanilang sariling buhay at kasalukuyang nasa
masamang kalagayan o sitwasyon? O paano kung tayo mismo ang nakakaisip na magpakamatay?
Makikita sa bidyo na sinubukan ng kaniyang kaibigan sa sagipin ang buhay ng kaibigan nito na
humantong sa pagtaya ng kaniyang sariling buhay. Makikita na ibinigay niya ang kaniyang buhay
para sa kaniyang kaibigan, para patuloy itong mabuhay sa mundong kinabibilangan nito. At
ipinapakita nito kung gaano ka-importante ang kanilang pagkakaibigan at kung paano nila
pinahahalagahan ang kanilang pinagsamahan. Kaya dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga
salik na nagdudulot ng suicide. Dapat na maging mapagmatyag tayo para maiwasan natin ang
ganitong sitwasyon na mangyari. Ito ay maaaring maranasan natin o kaya ng mga tao na
nakapaligid sa atin, mga taong malapit sa atin, at mga mahal natin sa buhay. At dapat lagi nating
kumustahin ang mga tao sa paligid natin. At palagi rin nating tatandaan na mayroon tayong mga
kaibigan at pamilya na handang tumulong o magsakripisyo para lamang mapabuti ang ating
kalagayan.

Sa napagtagping idea ukol sa pagkitil sa sariling buhay o "suicide", nag mula ang masasabing
kasumpa-sumpang pag-iisip na patayin ang sarili sa idea na hindi maagip na na susulosyunan ng
isang indibidwal, napag-ayunan rin ng maraming experto na ang depresyon ang isa sa
pinakasanhi o kadahalinan ng pagpatay sa sarili. Ang sulusyon ng mga experto sa mental healt o
kalusugang pangkaisipan, ay dapat na nag mumula sa tirahan ang gabay na matatanggap ng isang
indibidwal lalo na kung ito ay nahaharap sa isang suliranin. Ang pamilya nito, o mga magulang,
ang siyang dapat na unang tutulong para sa kaligtasan ng pag-iisip ng kanilang anak upang di na
humantong sa pagkitil sa sarili nitong buhay. Sa huli, napagtanto niya na merong taong may
pakialam sa kanya ngunit ito ay nakakalungkot at nakakagulat. Nakakalungkot dahil pakiramdam
niya ay wala siyang mapagsasandalan, na siya ay nag-iisa. Nakakagulat naman dahil yung taong
pupuntahan sana siya ay naaksidente dahil sa sobrang pag-aalala. Mahalaga talagang bigyan ng
tamang suporta at pag-unawa ang mga taong nakararanas nito upang matulungan silang
lumaban at magkaroon ng pag-asa. Wag nating kalimutan na merong taong gagabay sa atin at
handa tayong ramayan sa kahit ano mang pagsubok na dumarating at ating nararanasan.
Sa huli ng pelikula, natutunan natin na kailngan natin mag-alaga, sumuporta at mahalin ang
mahal natin sa buhay. Tayo ay dapat mag bigay ng sapat na oras sa mga mahal natin dahil hindi
natin alam kung kelan ang huling pagkikita natin sakanila. Ang oras ay hindi makontrol, kaya wag
sayangin ang mga panahon na tayo ay masaya kasama sila dahil ang bawat oras na kasama natin
ay nakakawala ng lungkot, problema at bigat na atin niraramdaman. Mahalaga na bigyan sila ng
sapat na attention at oras dahil ito ay nakakatulong sa kanila na makarmdam ng pagmamahal at
alaga. Ang mga mahal natin sa buhay ay mahalaga, kaya dapat natin sila bigyan ng oras na maging
masaya na kasama sila.

You might also like