Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

MGA URI NG

KAMANGMANGAN
1. KAMANGMANGANG MANDARAIG
(VINCIBLE IGNORANCE)
2. KAMANGMANGANG NA DI
MADARAIG (INVINCIBLE IGNORANCE)
Mga Uri ng Kamangmangan

1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance)


kung mayroong pamamaraan na magagawa ang
isang tao upang malampasan ito at ang
pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa
pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral. Ang
kamangmangan ay dahil na sa sariling
kapabayaan ng tao.
Mga Uri ng Kamangmangan

2. Kamangmangang na di madaraig (invincible


ignorance) ang kamangmangan ay di madaraig kung
walang pamamaraan na magagawa ang isang tao
upang ito ay malampasan. Ito ang uri ng
kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa
pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya.
Reaksyon, opinyon hinggil
sa videong pinanuod...
Ang Apat na Yugto ng Konsensiya

Bawat isa sa atin ay dumadaan sa "krisis" na


tinutukoy na isang kritikal na sandali sa ating
buhay. Dumadating tayo sa puntong hindi tayo
sigurado sa kung ano ang gagawin sa sitwasyong
kinahaharap. Sa ganitong pagkakataon, ay
kinakailangan natin ang ating konsensiya upang
makapili ng wasto.
Likas na Batas Moral
Ito ay ibinigay sa tao simula ng siya ay likhain at sa
kadahilanan na siya ay nakikibahagi sa karunungan at
kabutihan ng Diyos.
Dahil sa batas na ito, ay nakikilala ng tao ang mabuti at
masama.
Ngunit hindi ito mga kalupunan ng mga batas (na parang
sa batas ng tao gaya ng Saligang Batas) bilang tao ay
marapat na gawin niya ang mabuti dahil ito ay nakaukit
na sa kanyang pagkatao.
Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Unang Prinsipyo:
-Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
(Layon ng batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakilangang
batayan upang makagawa ng tamang pasya at kilos)
Pangalawang Prinsipyo:
Kasama ng lahat ng buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay.
Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin
ang katotohanan at mabuhay sa lipunan
( Layunin ng Likas na batas moral ang kabutihan ng tao)
Ang konsensya ay maaring uriin bilang tama at mali ayon sa Likas na
Batas Moral
(Esteban,1990)
Una, Tamang Konsensya-Ang paghuhusga ng konsensya ay tama kung lahat ng
kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan
(likas na batas moral) ay naisasakatuparan na walang pagkakamali.Tama ang
konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at ang mali bilang
mali.
Pangalawa, Maling Konsensya- Ang paghusga ng konsensiya ay nagkakamali
kapag ito ay nakabatay sa maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo
sa maling paraan..Hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at tama ang mali.
Tandaan:
Ang konsensya ay tinuturing na batas moral na itinanim
ng Diyos sa isip at puso ng tao. Sa pamamagitan ng
pagsunod sa tamang konsensya, nakagagawa ang tao ng
mga pagpapasiya at nasusunod ang batas-moral sa
kaniyang buhay.
1.Anong pamagat ng araling ating tinalakay sa araw na ito?

2.Ito ay galing sa salitang latin na cum at scientia, na ibig sabihin na mayroong kaalaman o
with knowledge.

3.Ano ang dalawang uri ng kamangmangan?

4.Ilan lahat ang yugto ng konsensya?

5.Ano ang kahalagahan ng Likas na Batas Moral?

6.Ano ang dalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?

You might also like