Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat
Pagsusulat - naipapahayag ang damdamin - Naghahatid ng mensahe - Pagpapahayag ng kaalamang kailan man hindi maglalaho. - Nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman.
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao lipunan ang paniniwala, kaalaman, at karanasan ng taong sumulat. Personal o ekspresibo- nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, o nadarama ng manunulat. Maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Halimbawa: sanaysay, maikling kwento, tula dula, awit at iba pang akdang pampanitikan. Panlipunan o sosyal- makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang katawagan dito ay tinatawag na transaksiyonal. Halibawa: pagsulat ng liham, balita korispondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis , disertasyon at iba pa.
Kahalagahan o mga Benepisyo Maaring Makuha Pagsusulat
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisaa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2. Mahuhubog ang isipan sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 3. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng materyales at mahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 4. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
1. Wika- ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. 2. Paksa- mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. 3. Layunin- mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat. Ito ay magsisilbing gabay mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. 4. Kasanayang pampag-iisip- dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat. 5. Kaalaman sa wastong pamaraan ng pagsulat- dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. 6. Kasanayan sa paghabi ng Buong Sanhi- tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
5 Pamamaraan sa Pagsulat (INDEA)
1. Impormatibo- ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. 2. Naratibo- pangunahing layunin nito ang magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. 3. Deskriptibo- kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis, ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig natunghayan, naranasan, at nasaksihan. 4. Ekspresibo- kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kaniyang sariling karanasan o pag-aaral 5. Argumentatibo- ito ay naglalayong mahikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas naglalahad ito ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-uusapan.
Mga Uri ng Pagsulat
Malikhaing Pagsulat (Creative writing)- Maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Ito ay nakabatay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang Halimbawa: Maikling kwento, dula tula, malikhaing sanaysay gayundin ang komiks , iskrip sa teleserye, kalyeserye, musika pelikula at iba pa. Teknikal na Pagsulat (Technical writing)- Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Hal. Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theater in Caloocan City, at Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina. Propesyonal na pagsusulat (professional writing)- Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic writing )- mga mamayahag, repotter balita at editoryal. Reperensiyal na Pagsulat (refential Writing)- RRL (Review of Related Literature) Akademikong Pagsulat- pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat.. Ito ay makatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.