4thquarter Quiz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Quiz #1 Modyul 13 Isyung Moral Tungkol sa Buhay

Name: ____________________________________________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong papel.
1. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag o pag-alis ng isang fetus o sanggol na hindi maaaring
mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?

A. Aborsiyon B. Euthanasia C. Pagpapatiwakal

2. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at
nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.

A. Balita B. Isyu C. Opinyon

3. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:

A. Pagpapabagal ng isip C. Nagpapahina sa


B. Pagiging sosyal enerhiya

4. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na
kailanman ay hindi na gagaling pa?

A. Suicide B. Abortion C. Euthanasia

5. Ito ay uri ng aborsiyon na tumutukoy sa natural na pangyayari at hindi ginagamitan ng medical o artipisyal na pamamaraan:

A. Kusa (miscarriage) C. Euthanasia (Mercy


B. Sapilitan (Induced) Killing)

6. Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng
mga gamut.

A. Kusa (miscarriage) B. Sapilitan (induced) C. Euthanasia (Mercy Killing)

7. Iba pang tawag sa Euthanasia

A. Assisted Healing B. Shortcut to life C. Assisted Suicide

8. Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.

A. Aborsiyon B. Euthanasia C. Pagpapatiwakal

9. Ito ay isang estadong sikiko o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamut, na nangyayari matapos gumamit nito
nang paulit-ulit sa tuloy-tuloy na pagkakataon.
A. Pagpapagamot
B. Paggamit ng ipinagbabawal na gamut
C. Isyung panggagamot
10. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
A. Kawangis siya ng Diyos
B. May kakayahan siyang piliin ang mabuti para sa sarili
C. May isip at kilos loob

II. Pro-Life vs. Pro-Choice Panuto: Isulat ang PL kung ang isinasaad sa pangungusap ay Pro-Life at isulat ang PC
kung ito Pro-Choice.

11. Ang aborsiyon ay ligtas na pamamaraan.


12. Ang bawat bata na isinilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan.
13. Ang fetus ay hindi maituturing na ganap na tao.
14. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal.
15. Ang sanggol ay tao mula sa sandali ng paglilihi.
16. Dapat harapin ng ina ang kahihinatnan ng pagbubuntis.
17. Hindi tanggap ng lipunan ang aborsiyon.
18. Maraming relihiyon ang hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag.
19. Sa kasong rape o incest, ang sanggol ay tagapagpaalala sa trauma.
20. Walang kapasidad ang bahay-ampunan na magbigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga bata.
Quiz #2 Modyul 14 Isyung Moral Tungkol sa Sekswalidad
Name: ____________________________________________________
I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong papel.
1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa

A. Pang-aabusong seksuwal B. Pornograpiya C. Pre-marital sex

2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning

A. Magkaisa at maipahayag B. Magkaroon ng anak at C. Magkaroon ng trabaho


ang pagnanasa magkaisa

3. Ito ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo
sa kaniyang kaganapan kaisa ng Diyos

A. Adulthood B. Pornograpiya C. Seksuwalidad

4. Ito ay nararanasan ng isang babae o lalaki na nasa edad ng pagdadalaga o pagbibinata.

A. Adolescence B. Adulthood C. Puberty

5. Ito ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne” na may kahulugang nagbebenta at “graphos” na nangangahulugang
pagsusulat o paglalarawan.

A. Graphic Design B. Pornographiya C. Adolescence

6. Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan
para sa seksuwal na gawain.

A. Pornographiya B. Sexual Harassment C. Pre-marital sex

7. Sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera.

A. Pornographiya B. Sexual Harassment C. Prostitusyon

8. Sila ay naniniwala na marapat lamang ang prostitusyon sapagkat ito ay nakapabibigay ng gawain sa mga taong walang
trabaho lalo na sa kababaihan.

A. Medieval B. Peminista C. Renaissance

9. Ito ay hindi lamang sa pisikal na aspeto, kung hindi maging sa isipan at damdamin.

A. Kalinisang puri C. Dignidad ng


B. Pagpipigil seksuwalidad

10. Nakatutulong ang pagpapahalagang ito sa panahon ng tukso. Kapag matatag ang pagpapahalagang ito, kaagad-agad
nakapipili ang tao ng tamang desisyon at hindi siya madadala sa pagkalito sa desisyong dapat piliin.

A. Kalinisang puri C. Dignidad ng seksuwalidad


B. Pagpipigil

11. Ito ay siyentipikong paraan sa loob ng laboratory kung saan ang sperm cell at egg cell ay pinagsasama sa isang dish upang
mabuo ang bagong buhay.

A. Extra-marital Sex C. Same-sex Marriage


B. In-vitro Fertilization

12. And dalawang taong pareho ang kasarian ay kinakasal at nagsasama bilang mag-asawa.

A. Extra-marital Sex C. Same-sex Marriage


B. In-vitro Fertilization
13. Ito ang relasyong sekswal sa labas ng kasal.

A. Extra-marital Sex C. Contraception


B. In-vitro Fertilization

14. Ito ay ang iba’t ibang paraan upang huwag mabuo ang buhay na naging bunga ng sekswal na relasyon ng babae at lalaki.

A. Extra-marital Sex C. Contraception


B. In-vitro Fertilization

Tama o Mali

15. Ang sekswalidad ay likas na bahagi ng buhay mula sa kapanganakan at nagpapatuloy ito sa buong buhay.
16. Nararanasan ng mga bata ang sekswalidad bilang likas na bahagi ng kanilang paglaki.
17. Dahil nagbabago na ang panahon, kailangang maging malaya ang mga kabataan ukol sa sekswalidad.
18. Dapat igalang ang sekswalidad sapagkat ito ay banal.
19. Ang sekswal na relasyon ng babae at lalaki ay nararapat lamang sa mga mag-asawang kasal.
20. Bigyang kalayaan ang mga kabataan sa paggamit ng internet.

Quiz #3 Modyul 15 Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan


Name: ____________________________________________________
I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong papel.
1. Ito ay ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.

A. Katotohanan B. Manuscript C. Pananagutan

2. Isang uri ng kasinungalingan na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito
upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.

A. Jocose Lie B. Officious Lie C. Pernicious Lie

3. Tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya
upang dito maibaling.

A. Jocose Lie B. Officious Lie C. Pernicious Lie

4. Ang nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.

A. Jocose Lie B. Officious Lie C. Pernicious Lie

5. Ito ay ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat.

A. Lihim B. Natural Secrets C. Promised Secrets

6. It ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral.

A. Lihim B. Natural Secrets C. Promised Secrets

7. It ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay
nabunyag na.

A. Lihim B. Natural Secrets C. Promised Secrets

8. Naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag.

A. Committed Secrets B. Natural Secrets C. Promised Secrets

9. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na
impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito.
A. Intellectual Property B. Mental Reservation C. Plagiarism

10. Ito ay isang paglabag sa intellectual honesty. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan
at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa
ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa illegal na pangongopya.

A. Intellectual Property B. Mental Reservation C. Plagiarism

11. Ito ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on
Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987.

A. Copyright Infringement B. Piracy C. Plagiarism

12. Ito ay isang uri ng pagnanakaw o illegal na pang-aabuso sa mga barko na naglalayag sa karagatan.

A. Intellectual Piracy B. Kidnapping C. Piracy

13. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon.

A. Copyright Infringement B. Intellectual Piracy C. Whistleblowing

14. Ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga
immoral o illegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.

A. Pirate B. Whistleblower C. Witness

TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung ikaw ay sang-ayon sa pahayag at isulat ang MALI kung ikaw ay hindi sang-ayon.
15. Ang sinuman ay may karapatan na itago ang katotohanan. __________________

16. Mabuti na ang mangupit kaysa sa magnakaw ng malaking halaga. __________________

17. Maiging manahimik kaysa sa magkamali ng mga sasabihin. __________________

18. Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang totoo. __________________

19. Ang pag-iwas at paglihis ay mahalaga kung ang isyu o problema ay hindi lubhang mahalaga. __________________

20. Kung ilalantad ang isyu sa publiko, dapat na ito ay gawin at isakatuparan nang buong tapang. __________________

Quiz #4 Modyul 16 Paggawa at Paggamit ng Kapangyarihan


Name: ____________________________________________________
I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong papel.
1. Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain at siya lamang ang
binigyan ng natatanging talino.

A. Halaman B. Hayop C. Tao

2. Ito ay uri ng korapsiyon, paglalagay ng mga kamag-anak na may katungkulan sa ahensiya ng pamahalaan.

A. Korapsiyon B. Nepotismo C. Suhol

3. Ito ay magiliw na sinasabi ng isang crew pagkatapos niyang pagsilbihan ang isang kliyente.

A. At your service B. Clean as you go C. Welcome Back

4. Ito ay kilala bilang pustahan gamit ang pera bilang produkto ng isang tiyak na laro.
A. Pagtitinda B. Siraan C. Sugal

5. Nangyayari ito kapag nangibabaw ang personal na interes ng isang tao lalo na kung ito ay magbibigay sa kaniya
ng kasiyahan at pakinabang.

A. Conflict of Interest B. Crab Mentality C. Pribilihiyo

6. Ito ay sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera.

A. Korapsiyon B. Siraan C. Sugal

7. Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga
oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na
panghihimasok sa proseso ng halalan.

A. Bribery B. Korapsiyon C. Pakikipagsabwatan

8. Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng
tumanggap.

A. Bribery B. Korapsiyon C. Pakikipagsabwatan

9. Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga ponding itinalaga sa kaniya. Isang halimbawa nito ang
paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng
opisyal.

A. Bribery B. Kickback C. Korapsiyon

10. Ano ang tamang kahulugan ng kapangyarihan?


A. Ang kapangyarihan ay pagkontrol sa batas.
B. Ito ay tumutukoy sa proseso o pamamaraan sa pagpapalakad ng isang pinuno.
C. Ito ay nakikita sa kaisipan, kilos, pananalita, lakas at tatag ng kalooban.

Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Alamin kung anong gawain o isyung paggawa ang tinutukoy dito.

11. Si June ay abala sa trabaho kaya hindi na sya nakakapunta sa National Bookstore para bumili ng mga gamit para
sa takdang aralin ng kanyang anak. Naisipan nyang kumuha na lang sa supplies ng opisina nya.
12. Mahilig magkwento si Ditas tungkol sa kanilang pamilya, isyu sa asawa o kasintahan sa oras ng trabaho. Dahil
dito hindi na nya nagagawa o natatapos ang kailangang tapusin nito.
13. Ang kaarawan ng kasintahan ni Marie ay natapat sa araw na may trabaho ito. Naisipan ni Marie na lumabas
sandali para sa lunch date nila dahil hindi ito pwede sa gabi. Naaliw ang magkasintahan dahil marami silang
napagkwentuhan at hindi na namalayan ang oras. Nakabalik si Marie sa opisina mga alas-tres na ng hapon.
Kinabahan ito dahil baka mapagalitan siya ng kanyang Supervisor. Buti nalang may meeting ang huli kaya hindi
napansin na wala si Marie sa kanyang pwesto.
14. Nakita si Joe ng kanyang mga kaibigan sa kanilang reunion sa High School. Nagkayayaan ang magkakaibigan na
minsan bumisita sa bahay ng kanilang kaklase na mayaman. Sa araw ng pagbisita, napansin ni Joe na naging
libangan pala ng magkakaibigan ang madjong. Pinasubok nila kay Jose ang laro at tinutulungan nila ito na
matutunan ang laro. Maka ilang beses lang sumubok si Joe at gumagaling na ito sa paglalaro. Nahumaling si Joe
sa paglalaro nito. Nung una, pa bente-bente lamang ang pusta nito hanggang sa palaki na nang palaki ang
nailalabas nito na pera. Kapang walang trabaho si Joe ay doon na sa kaibigan ito pumupunta at paminsan-
minsan ay doon na rin nalilipasan ng gabi.
15. Si Bella ay isang magaling na Architect at ang tatay nya ay nagmamay-ari ng isang construction company. Si Bella
ay nagtatrabaho sa gobyerno at siya ay humahawak ng malalaking proyekto na pabahay para sa mahihirap.
Naisipan ni Bella na makipag-ugnayan sa kompanya ng kanyang ama para dagdag kita sa negosyo ng ama.
16. Hindi naibigay sa mga nasalanta ng bagyo ang tulong pinansiyal na ibinigay ng isang sikat na artista.
Napagdesisyunan ng Mayor na ang natanggap na tulong ay ibibili na lamang ng mga gamit para sa kanyang
opisina dahil sapat naman ang tulong na ibinigay ng pamahalaan lokal sa mga biktima.

You might also like