Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Mindanao:

Lakbay Tungong Pag-Asa

MGA TAUHAN

● Saima Datupalo (Judy Ann Santos)


- Isang tapat na ina na nag-aalaga sa kaniyang anak na may sakit na
“cancer”. Kinakatawan niya ang lakas at katatagan sa gitna ng mga
hamon na kaniyang hinaharap. Siya ay isa sa mga pangunahing tauhan
dahil sa kaniya umiikot ang kuwento, maituturing tauhang lapad si Saima
dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
● Malang Datupalo (Allen Dizon)
- Ang asawa ni Saima at ama ni Aisa. Siya ay isang sundalong combat
medic at integree sa Philippine Armed Forces na lumalaban sa mga
rebelde sa Mindanao. Siya ay isa sa mga pangunahing tauhan dahil sa
kaniya umiikot ang kuwento, maituturing tauhang lapad si Malang dahil
walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula hanggang
sa dulo ng kuwento.
● Aisa Datupalo (Yuna Tangog)
- Ang nagiisang anak ng mag asawa na si Saima at Malang. Siya ay may
sakit na cancer at nasa pangangala ng House of Hope.Siya ay isa sa mga
pangunahing tauhan dahil sa kaniyang buhay umiikot ang kuwento,
maituturing tauhang lapad si Aisa dahil walang pagbabago sa kaniyang
personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Vergara (Ketchup Eusebio)
- Siya ay ang kasamahang sundalo ni Malang. Kagaya ni Malang si Vergara
ay may sariling pamilya rin. Siya ay isa sa mga kasamang tauhan dahil
madalas niyang kasama si Malang. Maituturing tauhang lapad si Vergara
dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
● Tianok (Vince Rillon)
- Isang sundalo na naka-station sa Mindanao. Maituturing tauhang lapad si
Tianok dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
● Arquiza (Richard Manabat)
- Siya ang “Commanding Officer” ng mga sundalo. Siya ay isa sa mga
kasamang tauhan dahil madalas niyang kasama si Malang. Maituturing
tauhang lapad si Arquiza dahil walang pagbabago sa kaniyang
personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Bian (Jenny Mondido)
- Isang ina na may anak na leukemia. Kagaya ni Saima, ang anak din ni
Bian ay nasa House of Hope. Siya ay maituturing na tauhang lapad dahil
walang pagbabago ang nakita sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
-
● Nitang (Ruby Ruiz)
- Siya ay isang ina na may anak na pinapangalagaan sa House of Hope.
Siya ay isa sa mga kasamang tauhan dahil madalas niyang kasama si
Saima. Maituturing tauhang lapad si Nitang dahil walang pagbabago sa
kaniyang personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Imay (Mylyn Jacobo)
- Isang ina rin na may anak na pinapangalagaan sa House of Hope.
Maituturing tauhang lapad si Imay dahil walang pagbabago sa kaniyang
personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Nurse Suey (Liezle Banlasan)
- Isang nars sa House of Hope.Maituturing tauhang lapad si Nurse Suey
dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
● Nurse Lenard (Lenard Uy)
- Isang nars sa House of Hope. Maituturing tauhang lapad si Nurse Lenard
dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
● Nurse Reggie (Reggie Abrenica)
- Isang nars sa House of Hope. Maituturing tauhang lapad si Nurse Reggie
dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
● Nurse Sweet (Sweetie Cayetano)
- Isang nars sa House of Hope. Maituturing tauhang lapad si Nurse Sweet
dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa simula
hanggang sa dulo ng kuwento.
● Nanay Arnisa (Chai Fonacier)
- Nagbahagi ng kuwento sa House of Hope at biktima rin ng cancer.
Maituturing tauhang lapad si Nanay Arnisa dahil walang pagbabago sa
kaniyang personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Tatay Edgar (Perry Dizon)
- Nagbahagi ng kuwento sa House of hope at biktima rin ng cancer.
Maituturing tauhang lapad si Tatay Edgar dahil walang pagbabago sa
kaniyang personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Raja
- Isa sa magkapatid na mandirigma sa paboritong kuwento ni Aisa. Siya
ang kapatid ni Sulayman na pumaslang kay Pula upang ipaghiganti ang
pagkamatay ng kaniyang kapatid at makamit ang kapayapaan. Siya ang
pangunahing tauhan ng epiko sa pelikula dahil ang pakikipaglaban niya sa
mga dragon. Maituturing tauhang lapad si Raja dahil walang pagbabago
sa kaniyang personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Sulayman
- Siya ang kapatid ni Raja na pumaslang sa dragon na si Ginto, ang asawa
ni Pula, upang protektahan ang anak ng sultan at ang lugar ng Mindanao.
Namatay siya sa kamay ni Pula matapos siyang itapon sa Lawa ng Lanao.
Siya ang pangunahing tauhan ng epiko sa pelikula dahil ang

SC1B I Geronimo Lopo


pakikipaglaban niya sa mga dragon. Maituturing tauhang lapad si
Sulayman dahil walang pagbabago sa kaniyang personalidad mula sa
simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Pula
- Ang asawa ni Ginto at isa sa mga dragong nambubulabog sa kapayapaan
ng Mindanao at ang pumaslang ki Sulayman. Siya ay maituturing
antagonista sa epiko dahil sa panggugulo nila sa mga tao sa bayan.
Maituturing tauhang lapad si Pula dahil walang pagbabago sa kaniyang
personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.
● Ginto
- Ang asawa ni Pula at ang dragong may kasunduan sa sultan upang
magkatotoo ang hiling ng sultan na magkaroon ng anak. Siya ay
maituturing antagonista sa epiko dahil sa panggugulo nila sa mga tao sa
bayan. Maituturing tauhang lapad si Ginto dahil walang pagbabago sa
kaniyang personalidad mula sa simula hanggang sa dulo ng kuwento.

TAGPUAN
Ang pelikula ay pangunahing itinakda sa Mindanao, ang pangalawang
pinakamalaking at pinakatimog na pangunahing isla sa Pilipinas. Kilala ang Mindanao
sa kaniyang magkakaibang kultural na pamana, kabilang ang malaking populasyon ng
mga Muslim. Ang setting ay naghahawak ng mahalagang papel sa kuwento na
sumasalamin sa sosyo-politikal na paligid ng rehiyon, kasama ang presensya ng
armadong tunggalian at ang pagtibay ng mga tao sa gitna ng kahirapan.

BUOD
Nakatuon ang naratibo sa paglalakbay ni Saima habang hinaharap niya ang mga
hamon sa pag-aalaga sa kaniyang anak, Aisa, na may “cancer” habang ang kaniyang
asawa, Malang, ay nasa layong militar. Habang lumalala ang kalagayan ni Aisa,
hinaharap ni Saima ang kaniyang pananampalataya at humaharap sa kaniyang mga
takot at kawalang-katiyakan sa hinaharap. Samantala, si Malang ay hinaharap ang
matitinding katotohanan ng labanan habang siya'y lumalaban sa mga rebelde sa
rehiyon. Bukod pa riyan, sinusuri ng pelikula ang mga tema ng pag-ibig, sakripisyo, at
ang tibay ng diwa ng tao sa harap ng kahirapan.

BANGHAY
Ang pelikula ay nagsimula sa pagsasalaysay ni Saima Datupalo sa kaniyang
anak na si Aisa Datupalo, na nagnanais malaman kung sino sina Raja at Sulayman
kaya't ibinahagi ni Saima ang kuwento tungkol sa Mindanao noong unang panahon.
Nilalaman ng pelikula ang pagpapalit-palit ng kuwento nina Raja at Sulayman at ang
kanilang ugnayan sa mga pangunahing tauhan sa pelikula at sa kasalukuyang
kalagayan ng Mindanao. Nakatuon ang kuwento ng pelikula sa isang Muslim na babae
na nagngangalang Saima at sa kaniyang pag-aalaga sa kaniyang anak na si Aisa na
may kanser sa mata. Samantala, ang kaniyang asawa na si Malang Datupalo ay
aktibong naglilingkod sa hukbong sandatahan ng Pilipinas upang labanan ang mga
rebeldeng ISIS sa Pilipinas. Ipinaliwanag ni Saima ang katatagan ng mga babaeng
Pilipinong Muslim sa kabila ng walang-humpay na kaguluhan sa Mindanao. Pinakita ng

SC1B I Geronimo Lopo


pelikulang "Mindanao" ang iba't ibang aspekto, kabilang na ang katatagan ni Saima
bilang isang ina at asawa sa kabila ng hamon ng buhay at ang kuwento nina Raja at
Sulayman, pati na rin ang kultura ng Mindanao. Bukod dito, ipinakita rin ng pelikula ang
tunay na kalagayan ng mga tao sa magulong bahagi ng Mindanao.

REALISASYON
Habang pinapanood ang pelikulang ito, parang nararamdaman ko ang
pinagdadaan ng pamilyang Datupalo. Kung saan kahit na pag mahirap ang kanilang
pinagdadaanan makikita mo naman kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Ang
pag-aalaga ni Saima sa kaniyang anak na si Aisa ay isang halimbawa ng pagmamahal
ng nanay sa kaniyang anak, at ang pagtataguyod ni Malang bilang isang tatay upang
matulungan ang kaniyang pamilya na kahit na pag palagi siyang nasa kaniyang misyon
bilang isang sundalo, pinupuntahan niya naman agad ang kaniyang pamilya na may
dalang pasalubong para sa kaniyang anak na si Aisa na laruan upang mapasaya siya,
at ang pagbibigay niyang laruan sa kaniyang anak ay parang isang symbolo na
motibasyon para magpagaling. Ngunit nung namatay si Aisa nakaramdam ako ng
lungkot pero ginawa naman ni Saima ang lahat upang matulungan ang kaniyang anak,
masakit man sa damdamin ang pagkamatay ni Aisa ngunit napasaya naman ng mga
magulang niya siya at ang pagkakaroon ng isang pamilya na mapagmahal ay isang
bagay na dapat natin pahalagahan.

Bukod dito, nang pinanood ko ang pelikula, namulat ang aking mga mata sa mga
iba’t ibang teorya na sinasalamin ng direktor sa kaniyang madla. Isa sa mga teorya na
aking napansin ay ang pagpapahalaga ng feminismo. Sa pelikula, ipinapakita ang isang
ina na sobrang tapang at buong pusong hinaharap ang mga pagsubok sa buhay kahit
mahirap ang sitwasyon at wala ang kaniyang asawa. Gayundin, nakita ko ang teorya ng
humanismo kung saan ipinapakita sa pelikula ang makatotohanan na pangyayari na
kasalukuyang nangyayari sa Mindanao at ang pamumuhay ng mga tao doon. Panghuli,
ang teorya ng Marxismo ay kitang-kita sa pelikula sa paghahalintulad nito sa sitwasyon
ni Saima. Ang protagonistang si Saima ay may sariling kakayahan na umangat kahit sa
napakahirap ng kaniyang kasalukuyang posisyon sa buhay dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan.

MUNGKAHI
Ang pelikulang "Mindanao" ay isang makapangyarihang pagpapakita ng buhay
ng mga tao sa Mindanao. Ito'y hindi lamang tungkol sa simpleng pamumuhay kundi pati
na rin sa mga hamon at pagsubok na kanilang kinakaharap araw-araw. Ang mga
manonood ay makaka-relate sa takot na kanilang nararamdaman sa kanilang puso,
kasabay ng pag-aalala para sa kanilang kaligtasan.

Dagdag pa rito, ipinapakita rin ng pelikula ang pagmamahal ng isang magulang


sa kaniyang anak, kahit na mayroong sakit itong kinakaharap. Ang paglalakbay ng ama
upang mabuhay at magsikap sa gitna ng giyera ay nagpapakita ng determinasyon at
pagmamahal sa pamilya, kahit na may personal na sakripisyo.

SC1B I Geronimo Lopo


Sa teknikal na larang, masasabi ko na angkop ang musika na ginamit sa
pag-uugnay sa kasaysayan ng pelikula. Isa sa mga pinakamahusay na bahagi ng
pelikula ay ang paglipat mula sa animasyon patungo sa live na aksyon, na may taktikal
na pagtutok sa parehong aspekto ng produksyon—mula sa animation department
hanggang sa mahusay na pag-edit ni Diego Max Dobles, na nagpapanatili ng pag-agos
ng kuwento sa pamamagitan ng matalinong pagkakalapat ng mga eksena. Ang
cinematography ni Odyssey Flores ay nakatuon sa pagiging totoo, na paminsan-minsan
ay nagbibigay ng dating ng isang dokumentaryo sa pelikula, kung saan sinusundan ng
kamera ang mga tauhan sa iba't ibang setting.

Sa kabuoan, ang pelikulang ito ay isang makabuluhang pagpapakita ng buhay at


karanasan ng mga taong naninirahan sa Mindanao. Ito ay maaaring magbukas ng mga
mata at isipan ng mga manonood sa mga realidad at karanasan ng kanilang mga
kababayan, at magsilbing paalala na sa kabila ng mga pagsubok, mayroong pag-asa at
pagmamahal na palaging nagbibigay ng lakas sa mga tao. Kaya naman, mariin kong
irekomenda ang pelikulang ito sa lahat ng mga Pilipino upang mas maintindihan at mas
maunawaan ang buhay sa Mindanao.

ISINUMITE NINA:

Geronimo, Brent Isaac F.


Lopo, Devina Marie M.

ISINUMITE KAY:

Bb. Jenevi N. Perez


Guro sa CORE114

SC1B I Geronimo Lopo

You might also like