Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Krisha Mae T.

Castillo
Grade 12-Integrity
FILIPINO SA PILING LARANG: AKADEMIK
Concept Map

Koneksyon ng Malinaw at
isa o higit na malalimang
Naglalahad
sulatin pag-unawa sa
paksa

Organisadong
lupon ng SINTESIS Akademikong
impormasyon Sulatin

Gumagamit ng
ikatlong
Buod Pagsasaliksik
panauhang
perspektibo

MGA TANONG
1. Ano ang iyong opinyon tungkol sa sintesis?
-Akademikong sulatin na nagtataglay ng organisadong lupon ng impormasyon mula sa iba’t ibang
akda ang sintesis. Ito ay isinusulat sa paraang naratibo at gumagamit ng ikatlong panauhang
perspektibo para sa pormalidad. Isinasagawa ito ng mga iskolar upang magkaroon sila ng malinaw
at malalimang pag-unawa tungkol sa isang paksa. Isa pang punto na dapat tandaan ay hinihikayat
ang paggamit ng sariling pananalita sa pagsulat nito.
2. Saan kaya natin pwedeng gamitin ang sintesis?
-Maaaring gamitin ang sintesis sa pagbuo ng buod ng mga akademikong sulatin tulad ng
pagsasaliksik, thesis, katitikan ng pulong, at rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura.
Bukod sa mga ito ay maari ring gamitin ang sintesis sa paggawa ng lagom ng mga nabasa o
napanood na mga artikulo o balitang mayroong kaugnayan sa isa’t isa.
3. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa iyong pag-aaral? Ipaliwanag ang sagot.
-Opo, masasabi kong mayroong mahalagang ambag na maidudulot ang sintesis sa aking pag-aaral.
Sa pamamagitan nito, matututo akong making at magbasa sa paraang komprehensibo at matukoy
ang ugnayan ng dalawa o higit pang sulatin upang makabuo ng mahusay na buod. Magagamit ko
rin ang sintesis sa pagsulat ng pananaliksik, katitikan ng pulong, at iba pang akademikong sulatin
na mahalaga sa aking buhay bilang bahagi ng akademikong komunidad.

SINTESIS
Pangulong Duterte, duda sa kahandaan ng Pilipinas para sa online learning
Taliwas sa paniniwala ni Secretary Briones at ng DepEd na handa na ang Pilipinas na magpatupad
ng online at modular learning upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya ay nanindigan
si Pangulong Duterte na hindi pa sapat ang teknolohiya dito upang makapag-aral nang maayos ang lahat
ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Inanunsyo rin ng pangulo na hindi maaring
magsimula ang mga klase hangga’t wala pang bakuna para sa Covid-19 na dumadating sa bansa.

SINTESIS PARA SA KATITIKAN NG PULONG


Nagkaroon ng pagpupulong ang mga pangulo ng baitang 12 ng Ligao National High School at
buong miyembro ng PaSigFil upang mag-isip ng paraan kung paano sila kikita upang makalikom ng
pondong pambili ng hygiene kit para sa mga mag-aaral ng naturang paaralan. Ang pagpupulong ay
pinamunuan ni G. Paul at napagkasunduan nilang magsagawa ng isang varayti show bilang pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto. Nagtapos ang pulong sa mungkahi ng isang pangulo mula sa
HUMMS strand na bigyan nila ng sampung ticket na may control number ang bawat mag-aaral upang
maipagbili nila ito sa halagang limang piso.

You might also like