Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ap reviewer

Civic engagement:
Ang gawaing pansibiko ay dapat nating tuparin nang may pagkukusang loob at buong katapatan.
Mga katangian ng isang aktibong mamamayan:
1. Makabayan
2. Makatao
3. Productibo
4. Matatag, may lakas ng loonb at tiwala sa sarili
5. Matulungin sa kapaw
6. Maka-sandaigdigan
Makabayan: ang pilipinas ay ang bayang ating kinagisnan at bahagi ng ating tungkulin bilang
mamamayan ng bansa ay sikapin ang pagbubuklod at pagkakaisa.
Pagiging makabayan:
1. Tapat sa republika ng pilipinas
2. Handang ipag-tanggol ang estado
3. Sinusunod ang saligang batas at iba pang batas ng pilipinas
4. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan

Makabayan: ang pilipinas ay ang bayang ating kinagisnan at bahagi ng ating tungkulin bilang
mamamayan ng bansa ay sikapin ang pagbubuklod at pagkakaisa.
Pagiging makabayan:
1. Tapat sa republika ng pilipinas
2. Handang ipag-tanggol ang estado
3. Sinusunod ang saligang batas at iba pang batas ng pilipinas
4. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan

A. Tapat sa republika ng pilipinas (artikulo xvi, seksiyon 2.)


Handa tayong magmalasakit at maglingkod sa bansa laban sa mga sinumang ibig magpabagsak
nito.
B. Handang ipagtanggol ang estado (artikulo ii, seksiyon 4.)
Isa sa mga halimbawa nito ay ang ginawang pagtatanggol ng ating mga ninuno o bayani.

C. Sinusunod ang saligang batas at iba pang mga batas ng pilipinas


Kailangang sundin ng bawat mamamayan ang saligang batas at iba pang batas upang manatiling
maayos at matiwasay ang bansa.
D. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
Nakatutulong ang partisipasyon ng mga tao upang tugunan ang mga suliraning kinahaharap ng
bansa gaya ng pagkasira at pagkawala ng mga ari-arian at buhay dulot ng bagyo at iba pang
kalamidad.

Makatao:
Bawat tao ay may mga karapatan na dapat igalang, isaalang-alang, at matugunan o protektahan.
Bilang mga mamamayan, dapat nating itaguyod ang karapatan ng bawat isa.
Produktibo:
Ang pagiging masipag at matiyaga ay ugali na nating mga pilipino noon pa man. Ito ay ipinakita
ng ating mga ninuno sa paggawa ng hagdan-hagdang palayan sa banaue.

Matatag, may lakas ng loob at tiwala sa sarili:


Ito at naipikita na ng ating mga ninuno noon sa kanilang paglaban upang lumaya ang pilipinas sa
mga mananakop, maging hanggang sa ngayon ay katatagan ng loob din ang baon ng mga
nagpupunta ng ibang bansa upang doon magtrabaho.
Matulungin sa kapwa:
Isang likas na gawain ng mga pilipino ang pagtulong sa kapwa. Nakikita rin ang pgiging
matulungin natin sapanahon ng kalamidad, sakuna, aksidente, at iba pa.
Maka-sandaigdigan:
Ang aktibong mamamayan ng kaniyang bansa gayundin ng mundo. Isinasaalng-alang niya ang
kagalingan ng kaniyang sariling bansa pati na sa mundo.

Organisasyong pansibiko sa pilipinas:


Abs-cbn foundation
Alpha phi omeg
Ayala foundation
Catw- asia pacific council or health and development

Mga gawain pansibiko at epekto nito:


1. Pagtatatag o pakikilahok sa mga organisadong nagsusulong ng kagalingan at pag-unlad
ng komunidad at bansa.
2. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawain.
3. Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa pilipino
4. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
5. Pangangalaga ng ating mga minanang yaman at mga pampublikong pasilidad.
6. Pangangalaga ng ating kapaligiran at paglinsng ng mga likas na yaman.
7. Pagpapaunlad at pagsuporta sa mga produkto ng ating bansa.
8. Pagtangkilik at pag-angkat ng produktong pilipino.

Mga pribadong samahan na tumutulong sa mga mamamayan


A. Gawad kalinga (gk)
Ay may layunin na mabawasan ang mga bilang ng mahihirap na pilipino. Ninanais nito na
makabuo ng isang komunidad na kung saan ang mga tao ay nagtutulungan, may
pagmamalasakit, at nagbibigayan.
B. Philippine red cross
Ay may pangunahing tungkulin na mangalap at mamahagi ng dugong panagip buhay. Bukod sa
pangangalap ng dugo, sila din ay tumutulong tuwing may mga sakuna kagaya na lamang ng
lindol, bagyo, baha, pandemya, at iba pa.
C. Bantay bata
Ay tumutulong sa mga batang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso. Layunin nito na
mapagsilbihan at mabigyan ng proteksyon ang mga batang walang kakayahan upang alagaan ang
kanilang sarili.
Mga epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko:
1. Nabibigyan ng panandalian at pangmatagalang solusyon ang iba’t ibang suliranin sa lipunan.
2. Maayos na pamayanan at bansa
3. Napapaunlad natin ang ating bansa

Pakikilahok na pampolitika:
Ang ating pamahalaan ay isang demokrasya o pamahalaan na ang kapangyarihang politikal ay
hawak ng nakararaming taumbayan.
Pakikilahok ng mamamayan sa gawaing pansibiko :
1. Malayang pamamahayag
2. Pagboto
3. Pagsali at pagsuporta sa mga organisasyong pampolitika
Malayang pamamahayag:
Artikulo iii, seksiyon 4
Nakasaad sa ating saligang batas na ang mga mamamayan ay may karapatan na ipahayag ang
kanilang mga saloobin at damdamin sa pamamagitan nang malayang pagpapahayag o
pagsasalita.

Pagboto:
Dahil umiiral ang demokrasysa sa ating bansa laging nangingibabaw ang kagustuhan ng mga
nakararami lalong lalo na sa pagpili kung sino ang mga mamumuno.

Iba’t ibang uri ng pag-boto:


A.eleksyon – ay isang pormal na proseso ng pagpili ng mga mamamayan ng mga opisyal na sa
tingin nila ay may kakayahan na mamuno at mapagkakatiwalaan nila.
B. Plebesito – ay paraan ng pagboto ng mga mamamayan sa bansa o isang distrito ng kanilang
pangsang-ayon o pagtutol sa isang panukala, halimbawa ay ang pagbabago o pagrerebisa ng
saligang batas.
C. Recall – ay paraan ng pagboto kung saan ang isang nanalong kandidato sa isang eleksyon ay
matatanggal sa kanyang puwesto bago pa man matapos ang kanyang termino.
D. Initiative – ay proseso na kung saan ang mga mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon
upang magmungkahi ng batas.
D. Referendum – ay pagboto ng tao laban o pabor sa isang panlipunang isyu.

Pagsali at pagsuporta sa organisasyong pampolitika:


A. Partido politikal
Ang partido politikal ay mga samahang pampolitikal na nagnanais na mapanatili ang kanilang
kapangyarihan sa pamahalaan.

B. Pansektor na mga kinatawan o party list


Sa ating bansa may iba’t ibang sektor na hindi gaanong binibigyan ng pansin o ang mga
marginalized sector kaya kinakailangan nila ng kakatawan sa kanila sa kongreso nang sa gayon
ang mga hinaing nila ay madinig at mabigyan ng aksiyon.
C. Paglalahok sa civil society
Ito ay isang patunay na ang mga mamamayan ay malaya at may karapatan na makilahok sa iba’t
ibang samahan na maaring magpaunlad sa kanyang lipunang kinabibilangan.

D. Non-govermental organization (ngo)


Sila ang mga non-governmental organizations ay grupo ng mga mamamayan na kung saan ang
layunin nila ay makatulong sa mga tao. Sila ay nagbibigay ng libreng serbisyo at tulong sa mga
tao upang maiparating sa pamahalaan ang mga hinaing nila.

E. People’s organization
Ay uri ng mga organisasyong kabilang sa civil society ngunit kinabibilangan ng mga
mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis at may partikular na layunin at
ipinaglalaban.

Pagkamamamayan: konsepto at katuturan


Ito ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa, ayon sa itinatakda ng
batas. Hindi lahat ng naninirahan sa bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang
nakatira na hindi kasapi rito. Ayon kay murray clark havens (1981), ang pagkamamamayan o
citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado.

Ang mamamayang pilipino:


Sa artikulo iv, seksyon 1- 5 ng 1987 konstitusyon, nakasaad ang mga itinatakda ng batas hinggil
sa kung sino ang itinuturing na mamamayang pilipino.

Seksyon 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng pilipinas:


1) ang mamamayan ng pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas na ito;
2) ang mga ama o ina ay mamamayan ng pilipinas;
3) ang mga isinilang bago sumapit ang enero 17, 1973 na ang ina ay pilipino,
Na pumili ng pagkamamamayang pilipino pagsapit ng karampatang gulang; at
4) ang naging mamamayan ayon sa batas.

02 seksyon 2
Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng pilipinas mula pa sa pagkasilang
na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamayang pilipino.
03 seksyon 3
Ang pagkamamamayang pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang tinatadhana
ng batas.
04 seksyon 4
Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng pilipinas na mag- asawa ng
mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng
batas na nagtakwil ito.
05 seksyon 5
Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat
lapatan nang kaukulang batas.

Mga prinsipyo ng pagka-mamamayang pilipino:


Jus sanguinis – ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
Kung ang isang dayuhang indian ay nanganak sa pilipinas, ang pagkamamamayan ng kanyang
anak ay indian din katulad ng kanyang magulang kahit sa pilipinas ito naipanganak.
Jus soli – ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng mga magulang. Ang isang pilipino na ipinanganak sa amerika ay magiging
american citizen ito kahit pilipino ang kanyang mga magulang dahil sa bansang amerika siya
ipinanganak.

Paano maibabalik ang pagka-pilipino?


(1) Naturalisasyon – ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa
kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.
(2) Repatriation – ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang

Pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang


Pagkamamamayan:
(3) Aksyon ng kongreso – pagtugon ng mababang kapulungan ng kongreso ukol sa
aplikasyon para maging isang mamamayang pilipino.
(4) Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa sandatahang lakas ng bansa – ang
paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas
habang sila’y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang
pagkamamamayang pilipino mula sa kanila.
Pakikilahok pansibiko – pakikilahok sa halalan:
Pakikilahok sa panahon ng halalan kung saan ang mga tao ay malayang pumipili ng mga
nagiging kinatawan o mamumuno sa bansa.
Tungkulin din niyang kilalanin at kilatisin nang mabuti ang mga kandidato na kanyang iboboto
kung ang mga ito ba ay nararapat na maluklok sa pwesto o hindi.

Aktibong pakikilahok kahit walang kilos-protesta na nagaganap:


Harapang pakikipag-usap o dyalogo sa mga halal na opisyal ng pamahalaan sa mga isyung
panlipunan kung saan maaaring makapagbigay ng mga suhestiyon o rekomendasyon para mas
higit na mapabubuti at maisulong ang kagalingang panlahat.
Pagbibigay ng taos-pusong pagsuporta sa iba’t ibang proyekto at programa ng pamahalaan at
pagsuporta sa mga tao o organisayon na nagsasagawa ng mga pansibikong gawain.

Organisasyon o samahang pansibiko na tumutulong para sa maayos na halalan


1. National citizens’ movement for free elections (namfrel) – tagabantay sa panahon ng
halalan na naorganisa noong 1983. Ito ang kauna-unahang organisasyon na sumubaybay
sa eleksyon na kinilala ng commission on elections (comelec) para magsagawa ng
quickcount noong 1984.

2. Parish pastoral council for responsible voting (ppcrv) – nabuo noong 1991 sa pamumuno
ng mga pari sa pangunguna ni archbishop jaime cardinal sin bilang tugon sa tawag ng
pagtulong ng simbahan sa panahon ng eleksyon.

You might also like