Katitikan 1st Homeroom Meeting Nov. 22 2023

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Palawan
Taytay District I
CENTRALTAYTAYSENIORHIGHSCHOOL-STANDALONE
School ID 342752
Montevista, Poblacion, Taytay, Palawan

KATITIKAN NG UNANG HOMEROOM PTA MEETING NG MGA MAGULANG AT GURO NG HUMSS 11-RIZAL SA SILID-
ARALAN NG CENTRAL TAYTAY SENIOR HIGH SCHOOL -STAND ALONE, MONTEVISTA, POBLACION, TAYTAY, PALAWAN,
NOONG IKA-22 ng NOBYEMBRE, 2023 SA GANAP NA IKA-9 NG UMAGA.

MGA DUMALO MGA HINDI DUMALO

47 Magulang sa kabuuang 50 G. Roman Alvarez


Gng. Rowena Bussara
Gng. Jenelyn Abenir

Sinimulan ang pulong sa ganap na 9:15 ng umaga sa isang panalangin na pinangunahan ni Gng. Susan Guzman.

Unang tinalakay ang mga aspetong may kinalaman sa mga mag-aaral. Binigyan ng rekognisyon ng guro ang 25
mga mag-aaral ng HUMSS-GIMOTEA na tumanggap ng sertipiko noong nakaraang 1st Convocation sa paaralan . Tinawag
ng tagapayo na si Gng. Gimotea ang dalawang mag-aaral na With High Honors at ang 23 mga mag-aaral na With Honors.
Pinaalalahanan ng tagapayo ang mga magulang sa mga anak nilang malimit late sa klase umaga man o panghapong
klase. Ang mga nahuhuli ay pinasusulat ng promisory note at pinapipirmahan sa principal bilang parusa sa kanilang hindi
magandang attitude sa pagpasok. Ganoon din ang mga lumiliban sa klase, kailangang magpresenta ng excuse letter na
pirmado ng magulang ganoon din ng principal.

Ipinaalala ng tagapayong si Gng. Gimotea ang napag-usapan ukol sa pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral
noong orientation. Binanggit niyang ang mga mag-aaral ay magsusuot ng uniporme kapag araw ng Lunes, Martes,
Huwebes at Biyernes. Kapag Miyerkules naman ay puting tshirt at pantalong maong ang isusuot. Tinawag ng guro ang
mga mag-aaral na maraming araw ang hindi nagsusuot ng uniporme. Isa lamang sa kanila ang palagiang nagsusuot nito,
at ito si Juliet Teorima. Sa suliranin ng hindi pagsusuot ng uniporme, binanggit ng guro na ang mga mag-aaral ay
magbubunot ng isang sako ng damo bilang parusa ng hindi pagsusuot nito ng regular. Sinang-ayunan ito ng mga
magulang dahil ito ay isang paraan ng pagdisiplina sa kanila, ayon kay Gng. Amigos. Kaalinsabay ng pagsusuot ng
uniporme ay ang regular ding pagsusuot ng school ID. Binigyang-diin din ni Gng. Gimotea na simula December 2023, ang
lahat ng mag-aaral ay hindi na pahihintulutang pumasok ng paaralan nang hindi nakasuot ng uniporme ganoon din ng
school ID.

Isang student concern pa rin ang tinalakay ng tagapayo. Ang pagtatanim ng Rose sa gulong para sa kanilang
Contemporary subject. Ang pag-aalaga rito ay mayroong repleksyon sa performance nila sa una at ikalawang markahan
sa naturang subject. Nire-require ang mga mag-aarala na pinturahan ito sa second grading na isa sa kanilang final
performance. Ang lahat ng magulang ay sumang-ayon dito.

Pinag-usapan nang masinsinan naman ang tungkol sa PTA dues. Isa-isang tinalakay ng gurong tagapayo ang
kabuuan ng babayaran ng mga magulang sa isang buong taon. Nagtanong ang guro kung pumapayag ba ang mga
magulang ukol sa pagkakaroon ng PTA dues. Ayon kay Gng. Venus, kabahagi tayo ng paaralan kaya kabahagi rin tayo sa
mga pangangailangan nito para sa pag-unlad ng ating mga anak. Sinang-ayunan ito ng mga magulang sa pamamagitan
ng pagtataas ng kanilang mga kamay. Walang violent reaction ang mga magulang sa usaping ito dahil ayon pa kay Gng.
Soňer kasama sa responsibilidad natin bilang magulang na nagpapaaral ang tumulong sa paaralan.

Tinalakay at ipinaliwanag ni Gng. Gimotea ang tungkol sa Immersion ng mga Grade 12 sa darating na 2 nd
semester. Ayon sa kaniya ang Immersion ay On the Job Training na mararanasan ng lahat ng Grade 12 sa kanilang
mapipiling propesyon. Bilang paghahanda rito kailangan nila ng uniporme. Magkakaroon sila ng dalawang polo shirt,
isang puti at isang blue. Sa mga babae, itim na slacks bilang pambaba samantala sa mga lalaki naman ay black at brown
na slacks na ginagamit na nila sa uniporme. Itim na close shoes sa babae at formal shoes naman sa mga lalaki.
Idinagdag pa ng tagapayo ang ibang kailangan nila tulad ng insurance na makukuha sa Palawan Pawnshop, Cedula at
saka ang Pre-immersion activities na kailangan nilang maka-attend. Binanggit niyang “No immersion activities, No
immersion.” At higit sa lahat “Students with failing grades, No immersion.” Kaya naman mariing hinikayat ng guro ang
mga magulang na gabayan ang mga anak upang matiyak na sila ay makakapag-immersion at makaka-graduate.
At dahil napag-usapan na ang immersion, tinalakay na rin ng gurong tagapayo ang ukol sa graduation. Binanggit
niya ang tungkol sa pagsusuot ng toga sa graduation. Tinanong niya ang mga magulang kung gusto rin ba nilang
nakasuot ng toga ang mga anak nila. Lahat naman ay tumugon ng “oo”. Ayon sa kaniya, mayroong narerentahang toga
ang paaralan ngunit ito ay “first come, first serve basis.” Maaari rin naming magpatahi ng sarili o di kaya’y manghiram sa
mga naunang graduates. Binanggit niya dito ang graduation project na pagpapader sa bakod ng paaralan. Ipinaliwanag
niyang ito ay dalawang batches na ng graduating students ang nakagawa at malaki ang naibigay na tulong nito lalo na sa
safety ng mga mag-aaral.

Tinalakay rin ng guro ang tungkol sa nalalapit na mga activities ng mga mag-aaral tulad ng School Intramurals sa
darating na January 5 at 6, 2024. Tinanong din ng guro kung ano ang gusto nila sa Christmas party ng mga estudyante.
Ayon kay Gng. Eldo, ang usapin ay pangmag-aaral kaya ang mga mag-aaral ang nararapat mag-usap ukol dito. Idinagdag
pa ni Gng. Sumandi na bilang magulang buo ang suporta niya sa anumang ginagawa at gagawin pa ng mga estudyante.
Sumang-ayon din ang mga magulang sa tinuran ni Gng. Sumandi.

Ipinamahagi na ng gurong tagapayo ang mga report card ng mga anak nila. Ayon sa guro, bilang patunay na
nakita nila ang mga grades ng mga anak ay pagpirma nila sa bahagi ng magulang.

Natapos ang pagpupulong sa ganap na 11:45 ng tanghali.

Inihanda ni:
MARLYN L. CAIT
HPTA Kalihim

Noted

AILYN B. GIMOTEA
SHS Teacher III/Adviser

You might also like