Jigsaw

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Grade Level 5

Learning Area Araling Panlipunan

Quarter 3

I. Objectives

Content Standard Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga pagbabago sa


lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang
pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at
ang impluwensya nito sa kasalukuyang panahon.

Performance Standard Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa


pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol

Learning Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya na


ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan
Competencies/Objectives
1. Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal
sa uri pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.
2. Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga
sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo.
3. Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala
ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino.

Content Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim ng Pamahalaang Kolonyal

II. Learning Resources

References Araling Panlipunan 5 Learner's Module

Other Learning PowerPoint Presentation

Resources Jumbled Words

Babasahing Papel

III. Procedures

Before the Lesson a. Pagbalik Aral at Pagganyak (5 minuto)

Bago dumako ang guro sa aktwal na pagtalakay ng bagong paksa,


magbabalik-aral muna sa pamamagitan ng pagtatanong ukol sa
nakaraang paksa na tumatalakay sa Pagbabago sa Kultura ng mga
Pilipino sa Panahon ng Espanyol.

1. Paano naimpluwensyaan ng kulturang Espanyol ang kultura


ng mga Pilipino?
2. Ano-ano ang mga kulturang Espanyol na hanggang ngayon
ay makikita pa rin sa kultura ng mga Pilipino?
3. Ano ang ginampanan ng Kristiyanismo sa kultura at
tradisyon ng mga Pilipino?

Pagkatapos ng pagbabalik-aral, may ipapakitang jumbled words ang


guro sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng PowerPoint Presentation.
Ang bawat salita ay kanilang bubuoin at magbabahagi ng kaalaman
tungkol sa nabuong salita.

1. OMYKOAENI (EKONOMIYA)
2. TULPAIK (PULITIKA)
3. LAEPYSNO (ESPANYOL)
4. IPLIIPON (PILIPINO)

b. Paglalahad ng mga Paksa at Mga Layunin (5 minuto)

Ang mga nabuong salita ay may kaugnayan sa ating aralin sa araw


na ito. Batay sa inyong ibinahagi tungkol sa mga ito, aking nababatid
na mayroon na kayong kaalaman sa ating paksa. Ito ay tungkol sa
pagbabagong pampulitika at ekonomiya na ipinatupad ng kolonyal
na pamahalaan.

During the Lesson a. Pagtatalakay

Ipagbibigay-alam ng guro na ang talakayan tungkol sa paksa ay


gagawin sa pamamagitan ng jigsaw. Ipapaliwanag ng guro ang
panuto.

Gawain: Jigsaw (25 minuto)


Upang maging epektibo at komprehensibo ang gawain, ipapaliwanag
ng guro ang proseso at panuto. Pagkatapos magpaliwanag, ang mga
susunod na mga hakbang ay ang mga sumusunod:

➢ Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay


pipili ng lider.
➢ Ang bawat miyembro ng grupo ay bibigyan ng paksa na
kanyang pag-aaralan sa pamamagitan ng reading material na
ibibigay.
Mga babasahing paksa:
1) Pamamahala ng mga Sinaunang Pilipino
2) Pamahalaang Kolonyal
3) Kalakalan ng mga Sinaunang Pilipino
4) Kalakalan sa Panahon ng Kolonyalismo.
➢ Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng limang minuto upang
pag-aralan ang kani-kanilang naibigay na paksa.
➢ Makalipas ang limang minuto, pagsasama-samahin ang mga
mag-aaral na magkakapareho ng paksang naitalaga. Sa loob
ng panibagong limang minuto, ang mga mag-aaral ay mag-
uusap-usap tungkol sa kanilang paksa upang mas magkaroon
ng pagkaunawa.
➢ Ang susunod na hakbang ay babalik ang mga mag-aaral sa
kanilang orihinal na grupo. Magbibigay ang guro ng
sampung minuto upang ibahagi ang kani-kanilang paksa sa
kanilang kagrupo.
➢ Matapos ang talakayan, ipapasagot ng guro ang sumusunod
na indibidwal na gawain at ito ay magsisilbing formative
assessment. Mayroong pang-indibidwal na iskor at
pagsasamahin ang iskor ng bawat miyembro ng grupo at
iyon ang magiging kabuoang iskor ng grupo.
Gawain: Sa pamamagitan ng 5-7 na pangungusap, ibuod ang
iyong nalalaman tungkol sa bawat paksa na nasa ibaba.
1) Pamamahala ng mga Sinaunang Pilipino
2) Pamahalaang Kolonyal
3) Kalakalan ng mga Sinaunang Pilipino
4) Kalakalan sa Panahon ng Kolonyalismo.

After the lesson a. Pagbuuod (5 minuto)

Paghahambingin ng guro ang pamamahala ng mga sinaunang


Pilipino at Pamahalaan Kolonyal. Ganoon rin ang Kalakalan ng mga
Sinaunang Pilipino sa Kalakalan sa Panahon ng Kolonyalismo.

(Ipagpapatuloy ang pag-aaral sa paksa sa susunod na talakayan na


kung saan kukumpletuhin ng mga mag-aaral ang Venn Diagram na
naghahambing sa Pamamahala ng mga Sinaunang Pilipino sa
Pamahalaan Kolonyal, at Kalakalan ng mga Sinaunang Pilipino sa
Kalakalan sa Panahon ng Kolonyalismo.)

Caren R. Maralit

BEED 2

You might also like