Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GAWAING PAGKATUTOARALING PANLIPUNAN 2

QUARTER 4-WEEK 3-4


Pag-uugnay ng Serbisyo/Paglilingkod ng
Komunidad sa Karapatan ng mga Kasapi nito
I.Panimulang Konsepto
Mga Karapatan ng bawat tao sa ating Komunidad

1.Karapatan sa Pagboto
Karapatan mo ang bumoto para sa taong iyong pinaniniwalaan na makapag-uunlad
ng ating bayan.

2.Karapatan na mamuhay
Karapatan mo ang makapagtrabaho para sa sarili at pamilya.

3.Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw


Karapatan mo ang makapagpahayag ng iyong saloobin na hindi nakapananakit ng
damdamin ng kapwa.

4. Karapatan sa ari-arian
Karapatan mo ang magkaroon ng ari-arian sa legal na paraan.

5.Karapatang pumili ng relihiyon


Karapatan mo na pumili ng relihiyon at sumunod sa mga alituntunin ng relihiyong
kinabibilangan.

6.Karapatang pumili ng trabaho o propesyon


Karapatan mo na gawin ang iyong trabaho ayon sa iyong propesyon o talento.

4. Karapatang sumapi sa anumang organisasyon


Karapatan mo ang maging miyembro ng isang organisasyon upang mas mapaunlad
ang iyong buhay.

5. Karapatang makabenepisyo sa atin pinagkukunang


yaman
Karapatan mo ang paggamit sa ating pinangkukunang-yaman sa tamang paraan.

Gawain 1:
Panuto: Sagutin ng Tama kung ang pahayag ay tama at
Mali kung hindi.
__________1. Karapatan ang tawag sa mga bagay na
dapat natatanggap ng isang bata.
__________2. Ang Department of Education ang
nangangasiwa sa pagbibigay ng edukasyon
sa Pilipinas.
__________3. Ang karapatan ng bata na mabigyan ng
proteksyon laban sa mapang-abuso ay 5
pinangangalagaan ng DSWD o Department
of Social Welfare and Development.
__________4. Ang bawat kasapi ng komunidad ay may
karapatan na mabigyan ng
serbisyo/paglilingkod.
__________5. Hindi karapatan ng bata ang maging
malusog at hindi sakitin.

Gawain 2:
Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha
( )kung ang pahayag ay nagpapakita ng
ating karapatan at malungkot na mukha ( ) kung hindi.
____________1. Hindi pagboto.
____________2. Pagtanim sa bakanteng lote.
____________3. Pangingialam sa ibang relihiyon.
____________4. Pagsali sa organisasyon na may mabuting
layunin.
____________5. Pagpunta sa hospital o klinika kapag may
nararamdaman.

You might also like