AralPan10 Q4 SGP5 6 Natatalakay Ang Mga Epektong Aktibong Pakikilahok

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

10

ARALING
PANLIPUNAN
Ika-apat na Markahan-SGP 5-6:
(Sariling Gawaing Pampagkatuto)
Natatalakay ang mga Epekto ng
Aktibong Pakikilahok ng Mamamayan

FOR TANDAG CITY DIVISION USE


ONLY
PAGKAKAKILANLAN SA IMPORMASYON

Asignatura: Araling Panlipunan 10 Markahan: 4 Lingggo: 5-6


Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang: 10 Seksyon:
Paaralan:

DESKRIPSYON SA GAWAING PAMPAGKATUTO

Sakop na Linggo: Linggo 5-6


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang mga
epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko
sa kabuhayan, politika, at lipunan (APQ4W5-6)

Mga Layunin: Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang mga


sumusunod:
1. nakapagtatalakay sa mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan
sa mga gawaing pansibiko sa pangkabuhayan, sa politika, at sa lipunan;
2. nakapagbibigay ng reaksyon tungkol sa epekto ng aktibong pakikilahok
ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa pangkabuhayan, sa politika, at
sa lipunan;
3. napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa pangkabuhayan, sa politika, at sa lipunan;
4 nakapagtatalakay kung ano ang mga gawaing pansibiko sa
pangkabuhayan, sa politika, at sa lipunan; at
5. nakapagbibigay halimbawa ng isang aktibong pakikilahok ng
mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa pangkabuhayan, sa politika, at
sa lipunan.

Mga Kagamitan: Papel at ballpen

2
TUKLASIN

Gawain 1: Picture Message!


Ano ang iyong makikita sa
larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa


larawan?

Ano ang iyong makikita sa


larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa


larawan?

Ano ang iyong makikita sa


larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa


larawan?

http://www.transparencypng.org.pg/wp-content/uploads/2017/11/TI_3_poster_Eng_v2.pdf

1. Anu-ano ang mga tungkuling ipinakikita sa mga larawan?


2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?

3
SURIIN

Ang kagalingan at pag-unlad ng ating bansa ay nakasalalay sa atin.


Tungkulin natin ang makilahok sa mga gawaing pansibiko upang makatugon tayo
sa pangangailangan ng ating pamayanan at sa bansa. Kung makikilahok tayo sa
mga gawaing pansibiko, gaano man kahirap ang mga gawain para malutas ang mga
suliranin o isyu na dapat bigyan ng solusyon ang mga ito ay magiging madali dahil
sa ating pagtutulungan at pagkakaisa. Ang anumang kaguluhan o pag-aalitan ay
maiwasan kung may pagtutulungan at pagkakaisa.

GAWAIN 2: BASAHIN AT MATUTO

Politikal na Pakikilahok

Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng


mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas. Ayon sa Artikulo V ng ating Saligang
Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay a.) mamamayan ng Pilipinas
b.)hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas c.)18 taon gulang pataas, at d.)
tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto
nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon.
Pantay-pantay ang mga tao sa pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay
mayroon lamang isang boto, mayaman man o mahirap. Ngunit ang isang botong ito
ay lubhang makapangyarihan sapagkat maari nitong baguhin ang takbo ng buhay
ng mga Pilipino.
Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto
bilang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino. Kasama rin
sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas,
pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao.
Umuunlad ang komunidad kung ang mga namumuno dito at mga
mamamayan ay magkasamang kumikilos at nagtutulungan upang lutasin ang mga
suliranin at pangangailangan ng bawat isa.

PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY

Ang Civil Society ay tinuturing ikatlong sektor ng lipunan, na naiiba sa


pamahalaan at negosyo. Ang Civil Society ay binubuo ng mga mamamayang
nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental
Organizations / People’s Organizations. Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga
negosyo, mga partido politikal, at mga armadong grupo na nagtatangkang
pabagsakin ang pamahalaan. Nilalayon ng Civil Society na maging kabahagi sa
pagpapabago ng mga polisiya at maggiit ng accountability (kapanagutan) at
transparency (katapatan) mula sa estado (Silliman, 1998).

4
Katulad ng nabanggit, ang mga samahan na tinatawag na Non Governmental
Organizations (NGOs) at People’s Organizations (POs) ay mahalagang bahagi ng Civil
Society. Ayon naman kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng civil society ang
mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberanya ng isang estado. Sa
katunayan, kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 and kahalagahan ng mga
samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran: “the state encourages non-
governmental, community based or sectoral organization to effective and reasonable
participation at all levels of social, political, and economic decision making.” Sa
pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan ang
magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang bansa.

Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo ng civil society.


Ito ay binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga voluntary
organization. Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya: Ang mga grassroots
organization (GOs) at ang mga Grassroots Support Organization o Non-
Governmental Organizatio (NGOs). Ang GOs ay naglalayong protektahan ang interes
ng mga miyembro nito. Dito nahahanay ang mga sectoral group ng kababaihan,
kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga caused oriented group. Sa kabilang
banda, ang mga NGOs ay naglalayong suportahan ang mga programa ng mga
peoples organizations.
Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO ay ang paglawak ng kanilang
kahalagahan sa lipunang Pilipino. Ang Local Government Code of 1991 ay isang
mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga NGO. Ayon dito kailangan
magkaroon ng konsultasyon sa mga NGOs at GOs ang mga ahensya ng pamahalaan
para sa mga programang inilunsad nito. Nakasaad din sa batas na ito ang pagbuo
ng Local Development Council sa bawat lokal na pamahalaan. Ang layunin nito ay
bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga
bayan, lungsod, o lalawigan.

Tungkulin ng Non – Government Organization (NGO) at


People’s
Organization (PO)

Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa
ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998)
 TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto para sa
mahihirap
 FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng tulong pinansiyal sa
mga people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan
 DJANGOs (Development, Justice, and Advocacy NGOs) – Nagbibigay
suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal at medikal na
mga serbisyo
 PACO (Professional, Academic, and Civic Organizations) – binubuo ng mga
propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya
 GRIPO (Government-Run and Inititated POs) – mga POs na binuo ng
pamahalaan

5
 GUAPO (Genuine, autonomous POs) – ito ay mga POs na itinayo mula sa
inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan.

Nakalahok ka na ba sa mga organisadong gawaing pansibiko? Ang mga ito ay


pinangungunahan at ipinatupad ng mga pribadong sector at mga non-government
organization. Ang ilan naman nito ay ipinatupad ng mga grupong nakabase sa ating
komunidad tulad ng Sangguniang Barangay, samahan ng mga magsasaka at
mangingisda, Parent-Teacher Association, Sangguniang Kabataan, at pagbubuklod
ng magulang.
Narito ang ilan sa mga proyekto at programa na maaari mong salihan at
suportahan.

Mga Programa Paraan ng Pakikilahok


1. Day-care Center Pagboboluntaryo bilang assistant sa Day-Care
Center o tumulong sa ilang gawain dito.
2. Pagbabahagi ng Pakikibahagi ng iyong kagalingan sa iba’t ibang
Kaalaman (Libreng asignatura sa mga kaibigan o mas bata pa at
Tutorial turuan sila sa pagbasa, pagbilang at pagsulat.
3. Feeding Program Pagsasagawa ng pagpupulong ng iyong mga
kaibigan, kaklase, at iba pa upang mangalap ng
pondo para sa libreng pagpapakain sa mga bata
sa inyong lugar. Kailangan ang tulong ng inyong
mga
magulang.
4. Mga programang Pag-alam at pagbibigay ng impormasyon ng mga
pangkabuhayan institusyong nagsasagawa ng libreng seminar na
pangkabuhayan at pagsasanay sa iba’t ibang
komunidad. Imbitahin ang iyong kapitbahay na
dumalo dito.
5. Programang Pagbabalita at paghikayat ng mga mamamayan sa
pangkalusugan inyong komunidad sa mga programa at
serbisyong medikal sa health center at malapit na
ospital. Maaari ring magbahagi ng libreng
assistance sa
mga opisyal at namumuno sa programang ito.
6. Pagsasaayos sa Pakikilahok at pakikiisa sa pangangalap ng pondo
Basura o pagkolekta ng mga lalagyan tulad ng timba,
balde, at dram upang gawing basurahan sa paligid
ng iyong komunidad.
7. Programa sa Pagtatanim ng mga halaman sa mga bakanteng
pagtatanim ng mga lote o lupa sa inyong komunidad. Gumawa ng
puno (Reforestation poster na nagpapakita ng kahalagahan ng mga
Program) halaman at puno sa ating kapaligiran.
8. Clean and Green Pakikiisa at pagsuporta sa paglilinis ng inyong
Campaign kapaligiran. Sa pagpupulot o pagdadampot ng
mga makikita mong kalat sa inyong lugar ay
malaki ang maiambag nito sa kalinisan ng ating
kapaligiran.
6
Gawain 3: May Natutunan ka na ba?

Panuto: Isulat ang DP kung ang pahayag ay paraan ng pakikilahok sa pamahalaan


ayon sa Saligang Batas at H kung hindi.

1. Pagtatayo ng mga samahang pansibiko


2. Pagboto sa halalan
3. Pagbibigay donasyon sa mahihirap
4. Pagsali sa partidong politikal
5. Pagreregalo sa kawani ng pamahalaan
6. Pagtatayo ng lihim na samahan
7. Paghalal ng mga kinatawan sa party-list
8. Pagbabayad ng buwis
9. Pagpigil sa mga ginagawa ng mga politiko
10. Pag-aanunsiyo ng di-pagsang-ayon sa ginagawa ng pinuno ng pamahalaan

Gawain 4: Ilista Mo!


Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko

Mga Gawain Epekto


Pampulitika

Panlipunan

Pangkabuhayan

Ipaliwanag ang iyong sagot.


1. Paano tayo lubusang makalalahok sa mga gawain sa pamayanan?

2. Paano makatulong ang ating pagtupad ng ating mga tungkulin sa pagkakaroon


ng katahimikan, at katiwasayan sa pamayanan?

7
3. Paano mo masiguro ang pag-unlad ng pamumuhay sa bansa?

Gawain 5: Pangalanan Mo!


Panuto: Magtala ng mga Grassroots Organization na maaring napanood sa
telebisyon o namasid o naranasan sa inyong lugar. Isulat sa bawat grupo
ang mga gawaing pansibiko na ginagawa ng samahang ito. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Sectoral Group Pangalan ng Samahan o Gawaing Pansibiko


Grupo
Kababaihan

Kabataan

Magsasaka

Mangingisda o
Magsasaka
Caused Oriented Group

Ipaliwanag:

1. Magtanong at alamin ang ilang NGO na kumikilos sa inyong komunidad. Ano


ang kanilang ginagawa upang paunlarin ang inyong komunidad?

2. Ano ang mahalagang papel ng civil society sa kaunlaran ng lipunan? Bakit?

Gawain 6: Pagtala sa Karanasang Pansibiko


Panuto: Bumuo ng talaan ng mga gawaing pansibiko batay sa iyong sariling
karanasan. Itala sa papel ang iyong sagot.

Gawaing Pansibiko

Nagawa Ko Na… Balak Kong Gawin Hindi ko magagawa

Mga Dahilan Mga Dahilan Mga Dahilan

8
1. Paano makatutulong ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa
kaunlaran ng bansa?

2. Ano ang maaring mangyari kung hindi lumalahok ang mga mamamayan sa
mga gawain pansibiko?

TASAHIN
Pagtataya 1

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin ang wastong sagot na
mga salita sa loob ng kahon at isulat ito sa inyong sagutang papel.

Peoples Organization (POs) Civil Funding Agency NGOs


Society Development, justice and advocacy NGO
Non-Government Organization Professional, academic and Civic Organization
Local Development Council Local Saligang Batas ng 1987
Government Code of 1991 Government-Run and Initiated POs

1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa nga kilos


protesta, lipunang pagkilos at mga boluntaryong organization.

2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga


miyembro nito.

3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga


Grassroots Organization.

4. Ipinapakita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan


ng mga NGO at PO.

5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para
tumulong sa mga nangangailanan.

6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng


pagbibigay ng legal at medical na mga serbisyo.

7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galling sa sector ng


akademiya.

8. Ito ang tawag sa mga PO na binubuo ng pamahalaan.

9
9. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para makamit
ang kaunlaran ng local na pamahalaan.

10.Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng


kababaihan at kabataan.

Pagtatataya 2:

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag, sitwasyon o tanong.


Isulat ang titik sa inyong sagutang papel.

11. Ito ang itinuturing na ikatlong sektor ng lipunan.


A. NGO B. Civil Soceity C. Interest Group D. party list

12. Si Rodante ay isang mag-aaral na mulat sa mga pangyayari sa ating lipunan.


Nais niyang lumahok sa isang samahang nagtataguyod ng karapatan ng
kababaihan. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang salihan?
A. Funding Agency NGO C. Grassroot Support Organization
B. Non-Government Organization D. People’s Organization

13. Ang sumusunod ay mga kwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng


1987 ng Pilipinas MALIBAN sa:
A. Mamamayan ng Pilipinas
B. Nakatapos ng haysul / sekondarya
C. Labing-walong gulang pataas
D. Naninirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya
gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 na buwan bago ang halalan.

14. Ito ay isang sector ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaring
maiparating ng mamamayan ang kanyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society
B. Grassroots Organization
C. Non-Government Organization
D. People’s Organization

15. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?


A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan
B. Upang maisawan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na nagbibigay sa atin ng iba’t
ibang kagamitan
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban
ang karapatang pantao at kabutihang panlahat.

10
PAGNINILAY

Mga Konseptong Natutuhan


Ang natutunan ko sa araling ito ay

Mga Konseptong gustong ko pang matutuhan


Ang nais ko pang malaman sa araling ito ay

SANGGUNIAN

Images

(2021). Retrieved 26 May 2021, from https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-


MELCS-with-CG-Codes.pdf

11
SUSI SA PAGWAWASTO

12
Development Team

Writer: Azarias L. Moral / Jacinto P. Elpa National High


Editors: School
Language Editor: Jeanette
Jeanette R.
R. Isidro,
Isidro Benny T. Abala
LR Team: Gemma B. Espadero, Marvelous B. Estal,
Pinky Rosarie E. Laurente
Illustrator / Layout Artist: Azarias L. Moral
Management Team: Gemma De Paz
Rita S. Reyes
Jeanette R. Isidro
Gemma B. Espadero
Benny T. Abala
Carolina M. Rogero
Evelyn C. Bandoy

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tandag City LEARNING

RESOURCE MANAGEMENT SECTION (LRMS)


Purok Narra, Balilahan, Mabua, Tandag City

Telephone: 214-5848

Email Address: tandag.lrms@deped.gov.ph

13

You might also like