Professional Documents
Culture Documents
Script
Script
Gab - Joed
Rose ( ate ni Leo ) - Roselyn
Nurse - Kristel
Bully na kaibigan ni Gab - Kyrie
Extra - To be announced
Outfits:
Joed: 1 Uniform, 1 white shirt and pants,
Kurt: 6 different shirt / pantaas, isang Formal na damit ( polo or long sleeves )
Kristel: white shirt / nurse outfit. Dapat naka bun po yung tali parang pang nurse.
Kyrie: uniform
Extra: any outfit
Interviewer: formal / any
Materials:
Books, Pencil, paper, microphone, tsinelas, swero
1st Scene:
Kurt – ( inaayos ang mga gamit, kinuha ang mga panindang bulaklak sa lamesa)
Roselyn: Bilisan mo na, mahuhuli tayo sa simbahan. Baka maubusan tayo ng bibili satin.
Kurt (humarap sa salamin, napansin ang tastas sa tshirt, nalungkot pero umalis na)
DONE
Leo: "Nag bebenta kami ng sampaguita sa simbahan. Eto ang kabuhayan namin simula bata pa
kami, simula nuong parehas nawala ang inay at itay, ganito na ang nakagisnang buhay namin."
2nd Scene:
Sa simbahan:
Roselyn: Sige duon ka sa plaza, dito ako sa simbahan mag bebenta. Tandaan mo ha, sampung
piso isa nyan. Sampung piraso nito, at dalawang pirasong dilaw. Kapag papel ang binigay,
tanungin mo kung may barya.
Kurt: opo. Alam ko na yan ate. Hays ulit ulit ka naman! Araw araw na natin tong ginagawa.
DONE
(Ngumiti si kurt at umalis)
Leo: "Di ako nakatungtong ng Elementarya, dahil sa kahirapan, di na ako natuto mag basa at
mag bilang. Kakaunti lang rin ang alam kong sulatin"
Scene 3:
Kurt: "Ate, bili na po kayo ng sampaguita, 10 pesos lang po"
Kurt: "Ate/kuya. Sampu lang po isa neto o. Bili na po kayo, maganda po ito. Gawa kopo mismo"
Extra: "Ano ba yan, mukhang lanta na yan. Sige pabili ako ako ng dalawa. Eto 50 pesos"
Extra: "Bakit?"
Extra: "Aba, meron na ah. Ilan ba yang barya mo. Ako na mag susukli"
(Hinabol ni kurt ang bumili ngunit naka alis na ito. Nalungkot at naupo sa gilid si kurt )
DONE
Kurt: "Magagalit si ate neto sakin. Mag kano kaya yung kinuha nun"
Kurt: "Hindi muna siguro ako bibili ng pagkain, baka kulang talaga tong pera"
Kurt: " kuya bili na po kayo neto, mura lang po. Gawa kopo iyan mismo"
Kyrie: ah. Sorry lang? Nadumihan mo yung damit ko! Akin na yan
(Pinulot ni kurt ang bulaklak sa sahig, nalungkot, umupo sa gilid at parang iiyak)
Kurt: "Di ko naman sinasadya. Grabe naman. Nasira pa yung dala ko, pano ko na to mabebenta?"
(Nagulat si Kurt)
Joed: ganun ba, kung ok lang sayo ako na mag bibilang. Mag kano ba to?
Joed: ok lang..
Kurt: hala nakakahiya naman, ok lang po wala naman kayong kasalanan don.
Joed: ako nga pala si Gab.. studyante ako sa AICS Tanay, malapit lang dito, kaya nadadaan ako
madalas sa park.
Kurt: ahh, ako naman po si Leo. Mukhang alam ko yung school nyo, nag benta narin ako malapit
sa savemore eh. Dun yon diba?
Joed: Ah e... pwede mag tanong? Pano ka nakaka benta kung di ka marunong bumilang, di kaba
nahihirapan? Pasensya na ha. Kasi sa panahon ngayon, maraming manloloko, baka ma take
advantage ka.
Kurt: Di po ako nakapag aral. Wala po kasi akong magulang din na mag papa aral sakin. Si itay,
iniwan na kami nuong pumanaw si nanay. Kaya di na ako nakapag aral, pero may kapatid ako.
Nakapag grade 3 naman sya.
Joed: kung gusto mo, pwede kita turuan mag bilang or mag basa, malapit lang naman school ko
dito, nadaan din ako pag uwian dito.
Kurt: nako wag na po, nakakahiya po talaga. Binili nyo na nga itong tinda ko
Scene 5
Joed: dito na ako ha, pasensya na talaga sa mga tanong ko kanina. Baka bukas pag nadaan ako
dito, turuan ulit kita.
Kurt: nako ok lang po, salamat talaga!!
Joed: Saiyo muna to ha, subukan mo basahin para mas mabilis ka matuto.
Done
Kurt: wala po. May bumili po kasi kanina sobra ata yung sukli
Roselyn: hays, sinabi ko na sa'yo mag iingat ka e. Wag ka tumanggap ng buo! Tignan mo, kulang
tong kita natin
Roselyn: oh, ano naman tong hawak mo? (Tinuro yung hawak ni kurt na libro)
Kurt: ah eto po ba, bigay po ito nung isang nakilala ko.kanina kasi nakita nya ako na inaway
nung estudyante. Sinira nung estudyante yung dala ko, buti nalang, yung nakilala ko Binili lahat
ng paninda ko. E nabisto ako na di marunong bumilang, pinahiram nya sakin to.
Roselyn: oh ngayon napaaway kapa! Ano ba naman yan Leo. Buti nalang may mabait pang
nakakita sayo. Bakit kaba inaway? Nasaktan kaba?
Kurt: wala yun ate, di naman malala. Saka di naman ako nasaktan.
Roselyn: Hays, sige na nga at tayo'y umuwi na! Anong oras narin
Scene 6:
Kurt: eh, ok naman! Kaso nahihirapan ako dun sa ibang salita. Pero nakaka basa ako paunti unti.
Yung mga tinuro mo lang kahapon.
Joed: ganun ba, o sya! Ilan pa yan benta mo? May time kaba. Pwede tayo mag aral ulit kahit
saglit lang
Kurt: konti nalang to, saka di pa ko nag papahinga. Pwede ako umupo saglit
Joed: fast Learner ka pala! mabilis mo ring naiintindihan yung mga tinuturo ko.
Kurt: eh.. talagang gusto ko kasi matuto. Nakikinuod ako minsan sa pinsan ko sa bahay pag
nanunuod sya ng paano mag basa sa gadget nya.
Joed: ah may iba ka pa palang kamag anak dito, dun kayo nakatira?
Kurt: oo .. pero sa baba ng bahay nila. Parang bodega yon hehe. Tita ko sa nanay ang mama nung
pamangkin ko. Buti nga medyo naawa samin e, kaya pinatuloy kami don.
Joed: kahit na.. andun pala sila, pero bakit ganyan ang sitwasyon nyo?
Kurt: ok lang yun. Di naman nila kami responsibilidad. Isa pa nag papasalamat narin kami na
may bubong kami na natutuluyan.
Joed: ( tinapik sa balikat si Kurt) nakaka inspire ka naman. Tutulungan kita mag patuloy kahit sa
ganitong simpleng paraan, malay mo makapag aral kana sa susunod. Kaya mo yan! Wag ka
susuko sa buhay
[ caption: dumaan ang ilang araw at nag patuloy ang pag tuturo ni Joed kay kurt]
Scene 7
(Nagkita ulit sila sa park)
Kurt: tignan mo itong mga sinulat ko, gumagawa ako ng tula saka mga kanta.
Joed: Grabe, ang galing mo na! Di ko inexpect na ilang linggo lang makakagawa kana ng ganito.
Kurt: nagawa ko to salamat sayo. Kung di moko tinuruan at pinahiram nitong mga gamit mo, di
ako makakapag basa at bilang ngayon. Sobrang laking tulong pati sa pag bebenta ko. Maraming
salamat ha. Sana makabawi ako sayo
Joed: ano kaba! Wala yun. Masaya ako para sayo. Teka, may ibibigay pala ako sayo.
Joed: para sayo yan Leo. Lagi ka kasing naka paa, tapos tignan mo ang init init pa ng
natatapakan mo
Joed: tanggapin mo na! Di naman mamahalin yan, isa pa regalo ko sayo yan dahil kaibigan kita.
Kurt: (ngumiti) salamat talaga Gab. Hindi ko na alam pano pa ako makakabawi sayo. Sobra mga
tulong mo sakin. Salamat kaibigan
Kurt: oo bakit?
Joed: sa totoo lang. Kaibigan ko yun. Mag kakilala kami
Joed: sa totoo lang sinadya nyang gawin yon. Inoobserbahan kana talaga nya bago ka nya
awayin. Di yon aksidente
Joed: oo e.. di ko sya sinaway, matagal ko narin kaibigan kasi yon. Kaklase ko rin. Pasensya
kana leo
(Napaisip)
Kurt: Baka iniisip nya galit ako sakanya... hays. O kaya, baka galit sya sakin dahil sa reaksyon
ko? Hindi kaya?
Kurt: baka di na sya pupunta rito ulit. Lahat nalang umaalis, akala ko totoong kaibigan ko sya.
Bakit bigla nalang sya di nag paparamdam.
Joed: pasensya kana leo, nag kasakit kasi ako. Di tuloy kita nasipot nakaraan
Kurt: hala? Ok kalang ba? akala ko galit ka sakin kaya di ka na pumupunta. May sakit ka pala..
anong sakit mo?
Joed: masyadong komplikado e. Pero wala lang to. Ok lang ako. Eh ikaw? Kamusta ka?
Kurt: eto! Ganun padin, nag bebenta parin sa kalsada. Pero alam mo ba, nuong mga nakaraang
linggo, madami akong nasulat na tula saka mga maikling kwento. Gusto ko sana mabasa mo yun
kaso di kita nakikita sa park.
Joed: pasensya kana ha. Siguradong maganda yang mga nasulat mo. Pwede mo naman sakin
dalhin dito para basahin ko.
Kurt: oo, kaya mag pagaling ka, para may lakas ka basahin yon lahat. Madami kasi yon
Joed: alam mo ba Leo, dati, gusto lang kita tulungan, pero ngayon.. yung pangarap mo ay
pangarap ko na din
Kurt: bakit? Gusto mo rin mag aral? Pero diba napasok ka naman?
Joed: oo, nag aaral ako.. pero siguro di na ako makakapag tapos.
Joed: wala lang. Hays, hayaan mo na. Basta ikaw, mag sikap kalang ha. Wag mo sasayangin
yung tinuro ko! Magagamit mo pa yan pag nag aral kana. Magiging successful ka panigurado sa
future
Joed: *ngumiti*
Nurse (kristel ) : sir pasok napo kayo, need napo kayo sa loob.
Kurt: excuse me po, maam? Kilala nyo po si Gabriel Miranda? Bisita nya po ako. Kayo po yung
nurse nya nakaraan..
Kurt: "Gabriel, bakit ganun? Bakit moko iniwan? Akala ko ba sabay natin aabutin ang pangarap
natin? Bakit bigla kang nawala?"
Scene 11
[After many years]
[ interview ]
Interviewer; ngayon po ay kapanayam po natin, dito sa studio ang isa sa best selling author
ngayon sa pilipinas, kilala sya sa pag sulat ng mga tula, mga kanta at nobela. walang iba kundi si
Leo Nagares!
( palakpakan )
Interviewer: Grabe, nakapa hirap din pala ng pinag daanan nyo nuon, kaya pala ang mga obra
nyo ay malalim ang mga kahulugan at hugot sa buhay. Isa papong tanong, bakit po naging ang
kaibigan nyo ang inspiration sa librong ito.
Kurt: kasi Si Gabriel ang nag silbing anghel sa buhay ko. Nuong ako'y naghihirap, siya ang nag
silbing tuloy para matuto ako, siya ang una kong guro, nuong di pa ako nakapag aaral dahil sa
kahirapan, sya ang nag turo sa akin mag basa, mag sulat at mag bilang. ngunit sa kasamaang
palad, wala na dito Gabriel, kaya yung mga tula at kwento na aking sinulat para sakanya ay
inipon ko. Laman nito ang mga tula at pangarap namin ni Gabriel nuong nabubuhay pa sya. Kaya
ang titulo nito ay Mga Tupa ng Anghel - Mga Tula at Pangarap ni Gabriel. Maraming salamat po