Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

“The misconception”

Characters:
1. Patricia Keesha Oinee Saavedra Montefalco - Leading Girl
2. Christ Ivan Sebastian Yuu Montemayor - Leading Boy
3. Patricia Anna Montefalco - Mommy ni Keesha
4. Patrick Montefalco - Kuya ni Keesha
5. Paxton Montefalco - Kuya ni Keesha
6. Rebecca Kris Vergara - BFF ni keesha
7. Tyron Vargas - BFF ni Keesha, ivan at vincent
8. Calyx Camero - Friend ni Ivan, rebecca at keesha
9. Vincent Martinez - Childhood Friend ni Ivan at tyron
10. Knight Cameron - Friend ni Vincent

Intro: Mula pagkabata si Keesha and Ivan ay magkaibigan na dahil ang nanay nilang
dalawa ay matalik na magkaibigan. Away doon away dito, parang pusa at aso na
walang oras na hindi nag-aaway. Pero pag sa gitna ng kalungkutan at away silang
dalawa ay magkasama. Kahit parati silang nag-aaway mahal nila ang isat isat. Ngunit
ang pagmamahalang ito ay hanggang saan aabot.

Narrator: Sila ay 4th year graduating student na nasa 1st semester.. Parehas silang
architect dahil yun ang pangarap nilang dalawa simula pagkabata. Si keesha ang
matalinong alam at kilala ng lahat, at si ivan naman na matalino pero tamad. Kung si
keesha ay mabait, tahimik at mahinhin pero pag mga kaibigan niya lalo na si ivan siya
ay nagiging madaldal. Si Ivan naman, pala ngiti, friendly, matapang, maingay, bully
minsan pero pag si keesha kasama niya eto lang ang iniinis niya. Pero pag dating kay
keesha napaka protective ni ivan.

1st scene: Sa hallway ng school…


Keesha: Ano ba Ivan, lingkis ka ng lingkis, tuko kaba? an laki ng space oh. Layoh!
Ivan: Pako naman. Gusto ko lang magpabuhat sayo, pagod na kasi ako. Kanina pa tayo
lakad ng lakad. Saan kaba pupunta?
Keesha: sinabihan ba kitang sumunod ka? Diba wala? Tapos ngayon magrereklamo
kapa saakin.
Iva: eto naman, edi sorry. Bakit ba ang sungit mo? May regla kano? Hahahaha
Keesha: tatahimik ka? O bubusulan koyang bunganga mo?
Ivan: *kunwari nag zeeper ng bunganga sabay ngiti
Ivan: pero yung totoo? Saan kanga pupunta? Sigurado ako hinahanap na nila tayo.
Keesha: *yumuko sabay bulong ng “Maghahanap ng mangga pati ice cream.”
Ivan: *hindi narinig “ano? Bubulong pa kasi. Ano ngah?”
Keesha: Wala! Bala kajan. *sabay talikod, pabalik sa pinanggalingan nila.
Ivan: ay tanga.

2nd scene: Sa loob ng room nila


Rebecca: Eesha ok kalang? *napatingin sa kamay netong nakahawak sa puson. Kaya
pala, may dalaw ka?
Keesha: *Napatango, sabay pout. Huwag mona sabihin kay ivan, mag oovereact
nanaman yun.
Rebecca: *Tumawa ng malakas. HAHAHAHAHAHA! Naalala ko nung high school tayo,
tapos umiyak ka dahil sa period mo.. Binaligtad banaman ang lamesa sabay sigaw ng
“sinong nagpa iyak sayo?” HAHAHAAH pati prof natin nagulat sakaniya. HAHAHAHA
Keesha: Gagu! Ang ingay mo, dun kangah.
Rebecca: ahy sorry na inday. HAHAHAHAA! *sabay alis, at lumapit kena ivan, tyron at
calyx na nag kukwentuhan.

3rd Scene: sa room parin


Ivan: *Napatingin kay becca na papalapit, tapos sabay baling kay keesha na
nakabaluktot sa lamesa. Ano nanaman ginawa mo sa pako ko? Itapon kita dyan sa
mars, ampanget panget mo ngumiti.
Rebecca: Hala ka! Bagay talaga kayo ni eesha. Sarap niyong pag buhulin.
Ivan: *napangiti sabay appear kay becca “Hala bat ang ganda mo ngayon? Tama
kangah bagay kami ni pako no?
Rebecca: siyempre joke lang! Maniwala karin, dika bagay kay eesha. Siya nagiging
masungit lang pag may regla. Ikaw araw araw mukhang maligno. *sabay alis at balik
kay eesha *tyron at calyx tumawa ng malakas.
Ivan: *tinignan ng masama ang dalawa, tyaka baling kay keesha.
Tyron: kaya pala wala sa mood ang prinsesa natin.
Ivan: *sabay tingin ng masama kay tyron “anong natin, prinsesa kolang. Sapakin kita
dyan eh”
Tyron: *tumawa lang.

4th scene: sa bahay nina keesha


Mama Pat: *doorbell ring. Keesha! Anak! May bisita ata tayo, paki tignan daw.
Keesha: *sabay takbo papalapit sa pintuan. Sino yan?
Ivan: *nag iba ng boses. “ Ako to,ang kukuha sayo.”
Keesha: *open ng door, sabay batok kay ivan na naka pikit pa kakabiro sakaniya. “Ha
ha ka talaga. Ano nanaman ginagawa mo dito?
Ivan: *taas ng plastik na dala, laman ang mangga at ice cream. Para sayo. May kasama
narin yan cold compress. Masakit paba?”
Keesha: *napatingin kay ivan. Paano mo nalaman?
Ivan: sino pabang tsismosa sa circle natin? *sarcastic ang pagkasabi, ang tinutukoy ay
si rebecca.
Keesha: *tumawa. Si becca talaga. Pero thank you ivan *sabay teary eyes. Kanina pako
nag kicrave dito, dikolang nabili kanina nung pauwi kasi masakit na talaga ang puson
ko. Huhu sina kuya busy rin, wala ako mautusan. Thank you maligno ko *sabay yakap
kay ivan at alis pagkakuha ng plastik.
Ivan: *naestatwa. Napatingin sa papalayong bulto ni eesha.
Keesha: ano pa tinatayo tayo mo dyan, pasok na.
Narrator: at natapos ang gabi na doon natulog si ivan kena keesha. Ganun parati ang
kanilang scenario, school tapos bahay. Kahit parating nag-aaway lahat gagawin ni ivan
para kay keesha. Pero nagbago ang lahat nung bumalik na ang kababata ni ivan galing
state.naging kababata ni ivan si vincent sa state dahil nung 1st and 2nd year high
school si ivan dinala siya ng kaniyang pamilya sa state dahil may naging problema ang
business nila doon. Namalagi siya ng 2 taon sa state, at doon niya nakilala si Vincent at
naging matalik niyang kaibigan dahil ito din ay siyang inaanak ng kaniyang ama.

5ft scene: sa school, mag eenroll sila para sa 2nd semester nila. Nasa hallway
sila at nag kukwentuhan papunta sa cafeteria ng may biglag tumawag kay ivan.
Vincent: Christ Ivan Sebastian Yuu Montemayor!!!!!! “Napatingin naman ang limang
magkakaibigan kasama na ang ibang student.
Rebecca: sinong multo yan?
Tyron: *bulong ng “vincent? ouy si vincent yan!”
Vincent: *papalapit na sakanila
Ivan: *pare hug kay vincent sabay sabing “Ouy gagu, ano ginagawa mo dito? Kailan ka
dumating?
Vincent: hindi moba ako muna ipapakilala sa mga kasama mo? Wala kaparin kwenta eh
ano. HAHAHAAH!
Ivan: ahy oo nga pala. *sabay pakilala kena keesha, rebecca at calyx. Yung panget sa
tabi ni tyron yan si rebecca.
*nagtawanan lahat
Rebecca: tangina mokang gagu ka.
Keesha: siniko si ivan sabay tingin ng masama.
Ivan: joke lang po. Yan si rebecca, and baddast girl namin.
*rebecca nag shake hands pati ni vincent. Eto naman si calyx.
Calyx; whats up bro *sabay pare hug kay vincent
Vincent: vincent bro *pare hug din kay calyx.
Ivan: at eto namang katabi ko ang genius/pinakamaganda/bff/childhoodfriend/prinsesa
at pako ko si Patricia Keesha Oinee Montefalco.
Keesha: Hi! Keesha nga pala. *sabay abot ng kamay kay vincent
Vincent: *hawak sa batok, na parang nahihiya. Ahmm hello, vincent nga pala kaibigan
ni ivan.
Ivan: *napatingin sa magkahawak na kamay nina keesha at vincent. At napatingin sa
kaibigan at inisip ang kinakatakutan niya. Dahil kilala niya ang dating kaibigan.

Narrator: tapos ang pangyayaring yun, eto na ang kinakatakutan ni ivan. Ang
makakilala ng iba ang pako niya at mabalewala na siya. Si keesha at vincent ay parati
na lamang magkasama, minsan na lamang siya nakaka usap ni keesha dahil parati
itong kasama ni vincent. Si vincent, ay nag enroll sa kanilang pinapasukan para tapusin
din ang kaniyang naiwang mga subject sa state dahil sila ay umuwi para permanente ng
manirahan dito sa pilipinas.

6th scene: sa window tinatanaw ni ivan na magka usap ng masinsinan si keesha


at vincent.
Ivan: *bumulong. huli naba ako mahal ko? Siguro tama ang naging desisyon ko na
huwag sabihin sayo na mahal na mahal na mahal kita. Kung sakaniya ka sasaya bakit
ako hahadlang. Kung sa iba baka ipaglalaban pa kita. Pero bakit sa kaibigan kopa.
Rebecca: hoy anong binubulong bulong mojan?
Ivan: *pinunasan ang luha sabay sabing “wala! Ang tsismosa mo talaga. Alis ngah”
Rebecca: anyari dun? *at napatingin kena keesha at vincent.

Narrator: after ng mga pangyayaring iyon, iniiwasan na parating sumabay ni ivan kela
keesha, vincent, tyron, calyx at rebecca.

7th scene: sa room nila…


Keesha: nakita niyo ba si ivan? *tanong kina calyx at rebecca
Rebecca: nakita ko may kasamang chicks kanina, sinakay sa kotse pangah eh.
Babaero talaga.
Keesha: *natigilan. Sige salamat.

Narrator: hinanap ni keesha si ivan.

Keesha: nasan naba ang malignong yun. Namiss kona siya ah, bakit dinayun
nagpaparamdam oh pumupunta sa bahay? May problema ata. Hays, eto kasing si
vincent napaka torpe at ako pa ginugulo, ayan tuloy dikona nakakausap ang maligno
ko. Asan na kaya yun. *nagkasalamuha si tyron. Nakita mo si ivan?
Tyron: nasa basketball court, kasama si vincent and knight.
Keesha: sige salamat ty.
Narrator: pinuntahan ni keesha si ivan sa basketball court. Na sana ahy hindi na
lamang niya ginawa. Dahil dito mas lalong nagkagulo ang kanilang mga sitwasyon.

Vincent: pare salamat ah, dahil sayo nakilala kona ang babaeng mamahalin koo pang
habang buhay.
Ivan: *natigilan sapag punas ng pawis at napatingin kay vincent na nakangiti at malayo
ang tingin. At nakikita niya sa kaibigan na mahal na mahal talaga nito ang babaeng
pinakamamahal niya. “Ahh wala yun, basta huwag mo sasaktan ang prinsesa ko ay
namin kundi ililibing kita ng buhay”
Vincent: *nagtataka, ay pati pala si ano prinsesa din nila. Pero binalewala nalang niya
“Oo naman, iingatan, aalagaan at mamahalin ko siya pre hanggang sa aking huling
hininga.”
Knight: ang corny mo naman pre. Para kang bakla.
Vincent: gagu! Wala lang babaeng nagkakagusto sayo, palibhasa babaero ka.
*at nag tuksuhan naman ang dalawa. Habang si keesha kanina pa nakikinig sa pinag
uusapan ng mga lalake ng makita niyang umalis si ivan.
Keesha: *dumaan sa harap ng dalawa sabay sabing “hello vincent, hello knight!
Vincent: ohh hello eesha! Saan punta mo?
Knight: hello keesha!
Keesha: susundan kolang si ivan. Kanina kopayun hinahanap.
Vincent: ahh sige. Ay tyaka nga pala. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo ah.
Tatanawin koto na isang malaking utang na loob sayo.
Keesha: wala yun. Basta huwag mong sasaktan ang kaibigan ko ah.
Vincent: pangako! *sabay taas ng kamay
Keesha: babye! *at hinanap na si ivan

Narrator: ito na ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ni keesha, ang malamang
may mahal ang taong pinakamamahal niya simula pa nung bata sila.

8th scene: sa field

Keesha: hoy! Andito kalang pala. Kanina pa kita hinahanap.


Ivan:* tumingin ng nasasaktan kay keesha sabay tanong ng “masaya kaba pako ko?”
Keesha: *nagtataka pero sumagot ng “oo naman, ang saya saya kongah eh” *dahil
masaya siya para kay vincent.
Ivan: *gusto ng umiyak, pero piniling maging matatag “mabuti naman, tyaka ngah pala
may sasabihin ako *at sabay pa sila ni keesha sa parteng may sasabihin din ito para
sakaniya
Keesha: ahh sige mauna kana hahaha
Ivan: *dahil sa takot na baka sabihin na ni keesha ang tungkol dito at ni vincent hindi
sinasadyang nasabi niyang “may girlfriend nako” na siyang kinatigil at kinasikip ng puso
ni keesha..
Keesha: aahh-aahnoo? Paki ulit ngah? *with teary eyes
Ivan: *pinanindigan na ang kaniyang sinabi. Sabay hawak sa balikat ni keesha, na
parang maiiyak na sa saya pero ang totoo sa lungkot iyon “May girlfriend nako pako ko!!
Sobrang saya ko!
Keesha:*naiyak na ng tuluyan
Ivan: *nagtataka, pero iniisip baka masaya eto para sakaniya. “Huwag kana umiyak.
Dikaba masaya para saakin? Ikaw ngah ang saya saya mo dahil may jowa kana.”
Keesha: jowa? Ako?
Ivan: diba kayo na ni vincent? At masaya ako para sainyo. Alam kong aalagaan kaniya.
Mabait yun, bsta if paiiyakin ka sabihan molang ako. Aabangan namin nina tyron sa
gate. Hahahaha
Keesha:*na mas lalong naiyak
Ivan: *niyakap ng mahigpit si keesha sabay bulong ng “mahal na mahal kita pako ko, at
masaya ako para sayo. Sana maging masaya ka sa piling niya”
Keesha: *napahagulgol ng tuluyan, sabay yakap ng mahigpit kay ivan. “Masaya ako
para sayo maligno ko, nawala kalang ng ilang saglit sa tabi ko pag balik mo meron kana
agad. Pero masayang masaya ako para sayo. Pag hindi ka niya inaalagaan sabihin mo
sakin o pag sinaktan ka sabihin mo saakin sasabunutan koyun. Alam ko maganda yan,
matalino tulad ko. Diba sabi mo yung ideal girl mo ay parang ako. Kaya sure ako
aalagaan ka niyan. Ipakilala mo saakin if may time ka ah. *at sumikip na ng tuluyan ang
kaniyang dibdib dahil sa kakaiyak. At bigla nalang ito nahimatay.
Ivan: pako? Keesha?! Eesha!! Tulong!!! *at tinakbo na si keesha sa hosptal.

Narrator: nasa hospital ang pamilya ni keesha kasmaa si ivan At nag aabang sapag
labas ng doctor.

9th scneraio: hospital


Doctor: *kakalabas lang sa kwarto ni keesha. Hintyin nalang natin magising ang
pasyente. Mas maganda gising siya at siya mismo ang magsasabi sainyo.
Mama pat: bakit doc may sakit ba ang anak ko?
Doctor: hintayin niyo nalang po magising ang pasyente.
Mama pat: sabihin niyo nalang doc ang kalagayan ng anak ko!!!
Kuya rick: maaa kumalma ka, hintayin nalang natin magising si keesha. Huwag ka
ma-isip ng mga bagay bagay. Ang lakas lakas ni bunso eh.
Kuya ton: oo ngah ma, baka pagod lng yan si bunso, eh alam mo naman papatapos na
school nila. May archi na tayo ma, kaya kalma kalang. Ok?
Mama pat: *tumango sabay tingin kay ivan. Anak umuwi kana kaya muna, kami na
bahala dito.
Ivan: hintayin konalang po magising si keesha.
Kuya rick: sige na pre uwi kana muna. Oh di kaya mag bihis kalang muna tapos balik
kalang dito. Dinaman yan tatakbo si keesha eh.
Kuya ton: hahahahaha oo ngah ivan pre. Pahinga ka muna.
Ivan: napilitan umuwi.

Narrator: nagmamadaling umuwi at nagbihis si ivan para makabalik kay keesha.

10th scenario: hospital ulit


Ivan: *bubuksan na sana ang pinto at masaya sanang babatiin si keesha ng marinig
niya
Vincent: mahal na mahal kita keesha namin…
Keesha: mahal na mahal….
Ivan: *hindi na tumuloy at umalis nalang ng umiiyak
Kuya rick: *nakasalubong si ivan. Oh ivan saan ka pupun- umiiyak kaba?
Ivan: ahh wala to kuya, napuwing lang ako, dina ako tumuloy. Pakisabi nalang kay
eesha may emergency sa bahay kailangan ako doon.
Kuya rick: ah sige sige, maintindihan lng yan ni keesha. Mag-iingat ka. Balitaan mo
kami if may problema.
Ivan: oo kuya. *sabay alis

Narrator: isa, dalawa hanggang isang linggo na si keesha sa hospital pero dina
nagpakita si ivan.

11th scenario: last day ni keesha sa hospital..


Vincent: wala na dito si ivan.
Keesha: *napatingin kay vincent mula sapag aayos ng mga gamit niya. “Ano? Pakiulit
ng sinabi mo?”
Vincent: isang linggo na wala si ivan dito sa pilipinas. Nung nahimatay ka, ay siyang
pag alis niya rin. Ang sabi ng kasambahay nila, babalik naman daw. Pero doon nadaw
tatapusin ni ivan ang pag-aaral niya. Kinailangan niya umalis, dahil dinala sa hospital
ang tatay niya nung dinala karin dito. Nagka problema daw ang business nila doon,
kaya kailangan siya ng magulang niya.
Keesha: *sumakit ang dibdib at napaupo. Lumapit naman si vincent. “Kamusta naman
si ivan? Tawagan monaman oh. Gusto kolang siya maka usap. Sure ako malungkot
yun, umiiyak yun mag-isa. Dipanaman yun pala kwento lalo na sa mama niya. Tawagan
mo naman oh. Please vincent.”
Vincent: di na namin siya ma contact. Pati yung mama niya.pero baka busy lang yun.
Tatawagan natin bukas. Ok?

Narrator: pero lumipas nalang ang oras, araw, linggo na naging taon at tapos narin sila
sapag-aaral bilang isang architect wala parin sila balita kay ivan. Hanggang sa marami
na ang nangyari. After 3years, bumalik na si ivan. Ngunit ito ay nagalit nang makita niya
si vincent kasama si rebecca sa isang restaurant na masaya at naghahalikan pa
minsan.

12th scenario: resto…


Ivan: *sinugod ng suntok si vincent. Gagu kaaa!! Ano to? Mga hayop! Niloloko niyo ba si
keesha patalikod? Huh?!
Rebecca: ano bang pinagssabi mo ivan? Ngayon kalang nagpakita tapos mananakit
kapa? Ahy ang kapal din ng pagmumukha mo.
Ivan: *natahimik
Vincent: *tumayo at inayos ang sarili. Tagal mo di nagpakita ah. Ano? Masaya kaba na
pinag-alala mo kaming lahat? Lalo na si keesha? Na kahit sa kahuli-huliang hininga
niya ikaw parin ang hinahanap at inaalala niya.
Ivan: *napatingin kay vincent. Anong ibig mo sabihin?
Vincent: *sinuntok si ivan. Bakit ngayon kalang? Bakit dimomanlang pinag bigyan ang
hiling niya? Huh? Bakit?!!!!
Ivan: ano ba!!! Ano bang nangyayari? Asan si keesha? Nasaan ang pako ko? Bakit
kayo ang magkasama? Bakit si becca kasama mo? Bakit hindi si keesha?
Becca: at bakit hindi ako? Eh ako lang naman ang babaeng mahal ni vincent. Hindi
naging sila dahil nagpatulong lang dati si vincent kay keesha para manligaw sakin. Ano
bang tanong yan?
Vincent: dahil sa maling akala mo, iniwan mo ang babaeng mahal na mahal at matagal
kana hinihitay.
Ivan: *napaupo at napa iyak. Fuck!!! Fuck!!! Ang gagu ko. Ang gago gago ko. *at
umiyak ng ilang minuto. At pinabayaan lang nina becca at vincent. “Nasaan si keesha?
Nasaan siya ngayon?”
Becca: *napatingin sa langit. “Nasa lugar na siya na malayo sa sakit, pahamak at
lungkot. Kasama na niya ang tatay niya.
Ivan: tatay niya? Eh diba wala na- *at napaisip. Hindi totoo yan. Hindi… hindii ako iiwan
ni keesha. Hindii!!!
Vincent: *umiyak. Matagal kaniyang hinitay. Lumaban siya hanggang sa huli. Pero
nahirapan na siya pare. Ikaw lang hinihintay niya. Tiniis niya ang sakit, gabi gabi
nasasaktan kami sa mga daing at iyak niya. Wala kami magawa. Hinanap ka namin sa
state. Pinuntahan namin ang dati mong bahay doon, pero ang sabi ng kapitbahay niyo
ay lumipat kayo. Tatlong araw kami naghahanap sayo doon, pero dika namin nahanap.
Umuwi kami ng nasasaktan para kay keesha.
Ivan: *napaupo ulit.hindii--hindii… hindi totoo yan!!! Ang lakas lakas ni eesha. Paano
mangyayari yang sinasabi niyo?! Huh?!
Rebecca: nung 2nd year natin, kaya pala parati siya nahihilo. At minsan naabutan natin
dumudugo ang ilong niya dahil may sakit pala siya. At tinago niya yun saatin kahit sa
pamilya niya. May sakit siya sa puso. May butas eto. Dahil sa hindi siya umiinom ng
gamot oh nagpapa check up lumalala eto. Mas lalong lumala nung araw na nahimatay
siya after niyong mag-usap.
Vincent: kinuwento niya saakin lahat. Na may gf kanadaw, yun ang sabi mo. iyak siya
ng iyak dahil doon.
Ivan: tangina.. *napahagulgol keesha ko…
Rebecca: matagal kana niya gusto. Sabi niya sakin simula nung niligtas mo siya nung
muntik na siya mabangga doon siya nagka gusto sayo. Hanggang sa nag college tayo.
Pero ewan ko, diko alam bakit naging ganun ang siwasyon niyo. *umiiyak sa dibdib ng
kaniyang asawa
Ivan: saan siya nilibing?

Narrator: at dinala na nila si ivan sa burol ni keesha.

13th scenario: sa morgue


Ivan: *napahagulgol nung makita ang lapida ni keesha. Mahal ko bakit? Bakit iniwan
moko? Bakit dimo saakin sinabi? Bakit?
*rebecca and vincent umiiyak
Ivan: sabi mo saakin sabay tayong gagawa ng bahay na pangarap natin. Sabi mo
saakin ikaw magpaplano lahat kasi di ako marunong, kasi tanga ako. Pako ko.. Bakit?
Ivan: akala ko si vincent ang mahal mo dati, kaya kahit masakit saakin lumayo ako.
Kung ikaw gusto mona ako nung niligtas kita ako mahal na kita nung unang kita ko
palang sayo.
*rebecca and vincent nagkatinginan
Ivan: tinanong mo saakin dati bakit pako tawag ko sayo. Kasi ikaw ang PAngarap KO.
ikaw lang. *hagulgol.
Ivan: lumayo ako kasi gusto ko sumaya ka. Bakit ganito ang nangyari. Kasalanan koto
lahat. Dapat pinaglaban kita. Dapat lumaban ako para sayo. Pero mas inuna ko ang
takot. Takot na baka mawala ka saakin pag malaman mo na mahal kita hindi lang bilang
kaibigan kundi bilang isang babaeng makakasama ko habang buhay.
*hagulgol nilang tatlo
Ivan: mahal ko. Keesha ko. Prinsesa ko. Pako ko. Bakit naman ganito? Mas gugustuhin
kopang makita nasa piling ka ng iba basta makita kita, keysa yung ganito. Mahal ko
bakit?
*hagulgol ng ilang minuto.
Vincent: ivan, mauna na kami, umiiyak na si anthony sa bahay. Anak namin ni rebecca.
Una na kami pre. Huwag ka magpa gabi dito ah. Puntahan ka namin bukas. Eto pala
calling card ni kuya rick. Tawagan monalang para kamustahin si tita.
Ivan: *tumango. Salamat. At pasensya narin. Patawarin niyo ako..
Rebecca: wala kang kasalanan. Ok? Sure ako pag andito yan si keesha, babatukan na
nun. Walang may kasalanan. Sadyang hindi pa para sainyo ang oras.. Malay mo sa
kablang buhay kayo talaga doon. Diba? Kaya ayusin mo buhay mo. bahala ka
mumultuhin ka ni keesha.
Ivan: buti nayun para makita ko siya
Vincent: haha sige pare mauna na kami ah. Kita nalang tayo bukas.
*umalis na ang dalawa
Ivan: pako ko, magkasama naba kayo ni papa mo? Si papa ko? Nakita mobajan.
*umiiyak. Alam moba bakit di ako nakabalik agad, nung araw na dinala ka sa hospital
ay siya ring pagkawala ni papa. *hagulgol. Lahat nagbago saamin, si mama dina
umiimik, kumakain. Ang negosyo namin napabayaan. Sobra akong nahihirapan sa
sitwasyon nayun kaya diko alam ano uunahin ko mahal ko. Kaya nung tapos ng libing ni
papa, kinailangan ko dalhin si mama sa malayong lugar na tahimik sabi ng doctor para
sa kalagayan niya. Tumagal kami ng isa at kalahating taon sa resthouse namin sa
probnsya. Pero diko pinabayaan negosyo namin. Ang pag-aaral kolang napabayaan ko.
Kaya nung makabalik ako sa state, tinapos ko ang pag-aaral ko. Para kay mama, sa
sarili ko at para sayo. Pero wala narin pala saysay, ksi wala kana mahal ko. Paano na
ako nito. Bago lang nawala si mama sakin, tapos ikaw matagal na pala wala saakin.
*hagulgol.
Ivan: Miss na kita. Miss na miss na kita. *hagulgol ng ilang minuto.
Ivan: *hinaplos ang lapida ni keesha. Pangako ko sayo mahal ko, ikaw lang. Ikaw lang
ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Babawi ako sayo. Hintayin moko jan.
susunod ako mahal ko.

Narrator: pagkatapos ng mga nalaman ni ivan, pinuntahan niya ang pamilya ni keesha
at humingi ng tawad dito. Bumawi siya kay keesha sapamamagitan ng pag-aalaga sa
mama neto. Tinuun niya ang lahat ng oras niya sa trabaho, sa pamilya ni keesha,
kaibigan niya, naging ninong siya ng mga anak nito. Nungit hindi siya nag-asawa. Para
sakaniya si keesha lang ang babaeng nararapat at dapat sakaniya sa buhay o kabilang
buhay. At doon nagtatapos ang kwento ni keesha and Ivan.

You might also like