Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7.b: Ang
Paggawa Bilang Paglilingkod at
Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
(Linggo: Ikaanim)
Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang – Modyul 7.b: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang--
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kevin V. Elmido
Editor: Anna Mae I. Tejada
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Junelyn Q. Vailoces
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel
#: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
9

Edukasyong
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul
7.b:
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod
at Pagtataguyod ng Dignidad ng
Tao
(Linggo: Ikaanim)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Paggawa Bilang
Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng
mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng
kaniyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makakamit niya ang
kaganapan ng kaniyang pagkatao (EsP9TTIIf-7.3)

Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang


panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t-ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyonal
(EsP9TTIIf-7.4)

Mga Layunin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na nararapat
ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa
mo ang sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin;;
2. Naisasagawa kung ang paggawang nasaksihan sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao;;
3. Nakatatamo ng kasiyahan sa pagsagot sa mga gawain.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong
kwaderno.

1. Ang mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa


maliban sa isa.
A. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kaniyang komunidad dahil
sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o
inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas
mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
B. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa
loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
C. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng
mgabasura. Umaasa lamang siya sakaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga
kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
D. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang pabrika bilang trabahador.
Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang
naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabahao rito
ng ilang taon.
2. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan sa ating buhay?
A. Mabibiyaan ka sa ginawa mong kabutihan at mas maraming tao ang magiging malapit
sayo.
B. Mas maraming tao ang magtitiwala sayo, ang tiwala ay napakahalaga.
C. Mas malapit ka sa ating panginoong Diyos at makakaasa ka sa kung ano man ang
hihilingin mo.
D. Lahat ng nabanggit.
3. Paano natin maipagmamalaki ang produktong gawang Pilipino?
A. Sa pamamagitan ng pagpapakita na ikaw ay makabansa, may pagmamahal at
pagpapahalaga sa bayan.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga komersyal sa radio pahayagan at telebisyon na
nagpapakita ng kagandahan, kahusayan at kapakinabangan ng mga produktong
Pilipino.
C. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produkto natin - ang pagsusuot ng mga damit,
at palamuti sa ating katawan na gawa sa sarili nating bayan.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang
pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
A. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
B. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa
kaniyang kapwa.
C. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay
makatulong at magsilbi sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit
5. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
A. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
B. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa

2
paggawa
C. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
D. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
6. Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?
A. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan
(means) sa pagkamit ng tunguhin.
B. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi
nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.
C. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang
kaniyang matamasa ang bunga ng kaniyang pinagpaguran.
D. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa
7. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan
ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan.
B. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang
pera.
C. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
D. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa
bago ang sarili.
8. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao at paggawa ng pag- unlad
ng agham at teknolohiya?
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang
pagkalamikhain.
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming
produkto.
D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
9. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa
lipunan na kaniyang kinabibilangan, at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaiyang sarili sa kaniyang paggawa.
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa
kaniyang kapwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at
magsilbi sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng
paggawa?
A. Ang paggawa ay para sa kapwa at kasama ang kapwa.
B. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa sarili.
C. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at
pakikisangkot sa ating kapwa.
D. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.

3
Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Bakit mahalaga ang paggawa?

2. Anu-ano ang mahahalagang layunin ng paggawa? Punan ang dayagram na nasa Ibaba.

Mahahalagang
Layunin ng
Paggawa

Tuklasin

Dangal sa Paggawa
Saan mang lupalop ako makarating,
Hindi nahihiya sa angking gawain;;
Nililinis ko’y imburnal na malalim
Kahit anong dumi aking lulusungin.

Sapagkat gawain ko’y totoong marangal Sa


mata ng tao at Poong Maykapal;;
Di ko itatanggi kahit kaninuman Ang
pinagmumulan ng ikinabubuhay.

Anumang gawain dapat tumbasan Ng


hustong paggalang at ng katapatan;;
Magsimula sa oras, gumawa buong araw

4
Tiyak mong ang sweldo ay pinaghirapan.

Magara nga’ng damit, malinis na kamay


Nakadukot naman sa ibang lukbutan;; Dito
na ako sa mabahong imburnal Salamat,
salamat, O Poong Maykapal.

Panuto: Mula sa Gawain 1 sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Sino ang nagsasalita sa tula?

2. Bakit hindi niya ibig ang malilinis na kamay?

3. Anu-ano ang magagandang saloobin niya sa paggawa?

4. Ikinararangal mo ba ang ganitong uring gawain? Ipaliwanag.

Suriin

Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng salapi kundi ito ay daan tungo sa pagbuo ng tao
ng kanyang pagkakakilanlan at kakayahan, pagkamit ng kaganapang pansarili at pagtulong sa
kapwa upang makamit ang kanyang kaganapan.

Ang Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa


Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimensiyon. Ang gawain ng tao ay likas
na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at
kasama ang kapuwa. Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba. Hindi ba’t alam naman natin
na ang bunga ng ating ginagawa ay para sa kapakinabangan ng mas marami? Ang bunga ng
paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating
kapuwa. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay na tataya sa paggawa. Ito ay dahil
hindi magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kaniyang kapwa, kung walang mga
pamantayang pangkaayusan ng lipunan na naglalagay ng limitasyon sa paggawa at sa
manggagawa, kung hindi magkaugnay ang mga hanapbuhay, na umaasa sa isa’t-isa

5
(interdependent) at hindi nagtutulungan ang lahat upang gawing ganap ang bawat isa at ang
pinakamahalaga, hangga’t hindi nagkakaisa magkakaisa ang isip, material na bagay at
paggawa upang sila ay maging buo. Mahalagang parang iisang taong kumikilos ang lahat.
Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap, at kaligayahan at napagbubuklod
ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. Sa pagkakataong ganito makakamit
ang tunay na pagkakapatiran – ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa.
Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang
hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang kwento ni Manny Pacquiao at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

Pacquiao Galante sa mga Kapuspalad na Pinoy;; Opisina


sa Senado Laging ‘Pila-Balde’

Hindi na kailangang dumating ang Pasko para magbigay ng regalo ang isang taong
natural nang may busilak na puso. Pasko o hindi ay palaging bukas ang kanyang mga palad
sa pagpapasaya at pagtulong sa kanyang kapwa.
‘Yun si Senador Manny Pacquiao para sa mga kababayan niya sa General Santos
City, mula Enero hanggang sa katapusan ng taon ay nandiyan lang siya para dumamay sa
mga pangangailangan ng mga kababayan niya, hindi pinagbago ng kasikatan at kayamanan
ang Pambansang Kamao.
Kuwento ng mga kaibigan naming nagtatrabaho sa Senado ay ang room ni Senador
Pacquiao ang palaging pinipilahan ng mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda.
Sabi pa nito, “Sa Senate, alam na alam mo kung sino ang mambabatas na madaling
lapitan. Palaging may pila sa kuwarto-opisina niya. ‘Yung mga kilalang sarado ang mga
palad, walang kapila-pila!
“E, si Senador Manny, hindi nawawalan ng pila sa office niya. Madali kasi siyang
hingan ng tulong, maraming nagpupuntahan sa kanya dahil napakabukas ng palad niya,”
sinserong kuwento ng aming source.
Kaya naman patuloy ang pagbaha ng mga biyaya para sa ating kampeong
boksingero, lahat ng tulong na ibinibigay niya ay ibinabalik din sa kanya ng kapalaran, mas
maraming-maraming doble pa nga.
https://bandera.inquirer.net/140003/pacquiao-‐galante-‐sa-‐mga-‐kapuspalad-‐na-‐pinoy-‐opisina-‐sa-‐senado-‐laging-‐pila-‐balde#ixzz6RfqAuj00
1. Ayon sa maiksing sanaysay tungkol kay many Pacquiao, ano ang kaniyang ayunin sa
Katwiran ni Pacman, kapag nawala tayo sa mundo ay walang-wala tayong l
madadala,oang
paggawa pagtulong
tangingsa mga mahihirap?
maiiwanan lang natin ay ang magagandang alaala mula sa
________________________________________________________________
mga taong minsan isang panahon ay nasagip natin sa matinding kagipitan.

6
2. Ano ang nagtulak sa kaniya o ang kaniyang motibasyon sa pagpili ng trabaho o karera
sa buhay na kaniyang pinasok?

3. Anu-ano kaya ang mga hamon at pagsubok na kaniyang pinagdaanan bago niya narating
ang kaniyang kinallagyan ngayon?

4. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Manny Pacquiao noong bago pa siya naging tanyag,
gagawin mob a ang mga paggawa na ginawa niya? At kung ikaw naman ang nasa
katayuan ni Manny Pacquiao ngayong umunlad na siya, gagawin mo ba angkaniyang mga
gawain na pagtulong sa mga mahihirap? Kung Oo ang sagot Bakit? At kung Hindi ang
sagot, Bakit Hindi?

Isaisip

Napag alaman ko na .

Napagtanto ko na

Ang aking gagawin ay

7
Isagawa

A. TAMA O MALI
Panuto: Basahin ang mga kaisipan tungkol sa paggawa. Isulat sa patlang kung ang
ipinahahayag ay TAMA o MALI.
1. Ang paggawa ay paggamit ng kakayahan.
2. Ang magpalimos ay hindi ginagawa ng taong mapamaraan.
3. Marangal na gawain ang pagmamasahe.
4. Ang gawain ng mga pari, pastor at madre ay kabilang sa
paggawang ispiritwal.
5. Ang gawaing sumusunod sa batas ng tao at ng Diyos ay
marangal.
B. PAGKILALA
Panuto: Ang mga sumusunod ay pag-uugali sa paggawa. Isulat ang B kung ito ay
nagsasaad na mabuting saloobin at H kung hindi.
1. Nagsisimula agad sa dapat gawin.
2. Naghihintay na utusan.
3. Kusang gumagawa ng takda.
4. Hindi namimili ng gawain.
5. Hindi tumatanggap ng kamalian.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng
paggawa?
A. Ang paggawa ay para sa kapwa at kasama ang kapwa.
B. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa sarili
C. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating
kapwa.
D. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.
2. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
A. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
B. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa
paggawa
C. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
D. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa.
3. Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?
A. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan

8
(means) sa pagkamit ng tunguhin.
B. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi
nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.
C. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang
kaniyang matamasa ang bunga ng kaniyang pinagpaguran.
D. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa
4. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan sa ating buhay?
A. Mabibiyaan ka sa ginawa mong kabutihan at mas maraming tao ang magiging malapit
sayo.
B. Mas maraming tao ang magtitiwala sayo, ang tiwala ay napakahalaga.
C. Mas malapit ka sa ating panginoong Diyos at makakaasa ka sa kung ano man ang
hihilingin mo.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa
lipunan na kaniyang kinabibilangan, at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaiyang sarili sa kaniyang paggawa.
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa
kaniyang kapwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at
magsilbi sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.
6. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa
pamamagitan ng kanilang paggawa?
A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at
nilalapatan ng modernong disenyo.
B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita
at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
C. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa
D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung palipunan ng bansa
na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
7. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa ng tao sa pag--
unlad ng agham at teknolohiya?
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang
pagkamalikhain.
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming
produkto.
D. Nagbabago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
8. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan
ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
A. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C. Hindi nararapat nap era ang maging layunin sa paggawa.
D. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang
sarili.
9. Ang mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa
maliban sa isa.
A. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kaniyang komunidad

9
dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto
o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas
mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
B. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa
loob ng isang sila para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
C. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga
basura. Umaasa lamang siya sakaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga
kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
D. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang pabrika bilang trabahador.
Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang
naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabahao rito
ng ilang taon.
10. Paano natin maipagmamalaki ang produktong gawang Pilipino?
A. Sa pamamagitan ng pagpapakita na ikaw ay makabansa, may pagmamahal at
pagpapahalaga sa bayan.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga komersyal sa radio pahayagan at telebisyon na
nagpapakita ng kagandahan, kahusayan at kapakinabangan ng mga produktong
Pilipino.
C. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produkto natin - ang pagsusuot ng mga damit,
at palamuti sa ating katawan na gawa sa sarili nating bayan.
D. Lahat ng nabanggit.

Karagdagang
Gawain

Panuto: Sundin ang mga sumusunod at sagutin ang mga katanungan sa iyong kwaderno.
1. Tumulong sa magulang sa mabibigat na gawaing bahay.
2. Gampanan ang papel na ito sa loob ng kalahati o isang araw.
3. Ang lahat ng mga karanasan ay kailangang isulat sa kwaderno. Maglakip ng mga larawan
na patunay sa pagsasagawa ng gawain.
4. Matapos ang gawain, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Naging masaya k aba o hindi sa naging gawain? Bakit o bakit hindi?
b. Ano ang pinakamahirap mong naranasan? Ipaliwanag.
c. Ano ang natutuhan mo mula sa pagsasagawa nh mga naiatas? Ipaliwanag.
d. Ano ang nagtulak sa iyo upang tapusin ang gawain? Ano ang iyong naging
damdamin nang matapos ang gawain?
e. Ano ang nabago sa iyong pananaw sa paggawa? Ipaliwanag.

10
11

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

Philippines 1600
Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City thUnang Edisyon, 5
Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,

Sanggunian

Balikan
Sagot:
Sapagkat ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa
kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan at sa bansa.

Tuklasin
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.

Pagyamanin
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.

Isagawa
A. TAMA o MALI Subukin
1. TAMA 2. TAMA 3. TAMA 4. TAMA
5. TAMA 1. D
B.B - Mabuting saloobin / H - Hindi
1. H 2. B 3.B 4.H 5. B
2. D
3. D
Tayahin 4. D
1. B
2. B
5. B
3. B 6. B
4. D 7. A
5. D
6. C
8. C
7. C 9. D
8. A 10. B
9. D
10. D

Karagdagang Gawain
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba. Pagwawasto
Susi sa
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph Website:
lrmds.depednodis.net

You might also like