Sa pagtatapos ng aking pagsasanay bilang isang estudyanteng guro, nais
Kong pay alayan ng isang nag aalab na pasasalamanat mila sa kaibuturan ng aking puso any lahat ng mga having bahagi ng isang makabuluhan at di malilimutang pagkatuto't kaalaman tungo sa pagtupad ng isa sa aking mga adhikain sa buhay. Una sa lahat, nais kong pasalamatan ang poong lumikha na siyang naging pinakamalakas kong sandalan ng may mga pagkakataong tila gusto ko ng sumuko na lamang. Siya ang hiningan ko ng lakas upang magpatuloy at harapin ang mga hamon sa akin. Pangalawa, nais ko pag alayan ng walang humpay na pasasalamat ang aking pamilya at mga kaibigan maging ang mga kasamahan ko sa loob ng apat na buwan na pagsasanay namin. Sila ay isa sa mga nagbigay sa akin ng motibasyon upang magampanan ko ang aking mga gawain at tungkulin. Sila rin ay nakatulong sa akin upang magkaroon ng lakas na loob na harapin ang lahat ng iniatang saamin. Saksi ang aking mga kasamahan sa lahat ng hirap, pagtitiyaga at pagsasakripisyo ng bawat isa sa amin makamit lamang ang tagumpay na among inaasam. Pangatlo, nais ko ring pasalamatan ang aking mga mag aaral mula sa ika - 10 baitang. Lalong lalo na ang aking mga naturuan. Seksiyon Faith, Love, Courage, Benevolence, Charity, Idealism,Forbearance, Wisdom at Compassionate. Kasama na rin ang seksiyon Prudence kung saan ako ay nagkaroon ng pinal na pakitang turo. Ikaapat at huling nais kong pag alayan ng walang mapagsidlang gayak at pasasalamat ay ang pamunuan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinao sa pamumuno ni G. Romeo Boñon. Pati na run ang lahat ng guro na mainit na tumanggap sa aminng may bukas na puso na kami ay gabayan at bigyan ng kinakailangang kaalaman. Higit sa lahat sa aking Cooperating Teacher na so G. Person B. Calleja na walang sawang gumabay, nagpayo at tumulong sa amin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang mga kaalaman hindi lamang sa pagtuturo kundi maging mga aral sa buhay na aking babaunin sa patuoy na paglalakbay tungo sa pagtupad ng aking mga pangarap. Sa muli, maraming maraming maraming salamat sa inyong lahat! Batid kong magtatapos ako ng aking pagsasanay bilang isang estudyanteng guro dala ang lahat ng aral na natutunan ko mula sa inyo.