Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 39

1 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

2 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

NILALAMAN NG MODYUL

MODYUL 1- ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

ARALIN 1: Ang Pisikal na Katangian at Ang Yamang Likas ng Asya


1. Heograpiya ng Asya
2. Ang Rehiyong Heograpikal ng Asya
3. Mga Anyong Lupa sa Asya
4. Mga Anyong Tubig ng Asya
5. Mga Uri ng Klima sa Asya
6. Vegetation Cover ng Asya
7. Ang Yamang Likas ng Asya
 Yamang Likas ng Silangang Asya
 Yamang Likas ng Kanlurang Asya
 Yamang Likas ng Hilagang Asya/Gitnang Asya
 Yamang Likas ng Timog Asya
 Yamang Likas ng Timog Silangang Asya
8. Ang Ecosystem ng Asya
9. Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

ARALIN 2- Ang Yamang Tao at Ang Komposisyong Etnolingguwistiko ng mga Rehiyon sa Asya
1. Yamang Tao ng Asya
2. Mga Salik sa Mabilis na Paglaki ng Populasyon
3. Distribusyon ng Populasyon
4. Ang Wika at Kulturang Asyano
5. Mga Pangkat Etniko sa Asya
 Mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Silangang Asya
 Mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Timog Asya
 Mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Timog-Silangang Asya
 Mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Kanlurang Asya
 Mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Hilagang Asya/Gitnang Asya

PANIMULA

Inaasahan sa modyul na ito na magkaroon ka ng mas malalim nap ag-unawa sa kung ano ang mahalagang
papel na ginagampanan ng kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano. Sa pagpapamalas mo ng pag-
unawang ito, inaasahan din na makikilala mo nang lubos ang Asya: ang katangiang pisikal at likas na yaman
nito, mga isyu at suliraning pangkapaligiran, at ang impluwensiya ng kapaligiran at likas na yaman sa
3 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

kabuhayan, kultura, at lipunan ng mga Asyano upang sa huli ay mapagtanto mo na hindi ka lamang isang
Pilipino, isa ka ring Asyano.

ARALIN 1- ANG PISIKAL NA KATANGIAN


AT ANG YAMANG LIKAS NG ASYA

PAMANTAYAN SA BAWAT BAITANG/ANTAS (Grade Level Standard)


 naipamamalas ang malalim napag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya,
kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa
pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon
ng Asya.

PAMANTAYAN SA PANGNILALAMAN (Content Standard)


Ang mag-aaral ay…
 naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)


Ang mag-aaral ay…
 malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sianunang kabihasnang Asyano.

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY:


1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya
2. Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga
Asyano noon at ngayon

I. ESPESIPIKONG LAYUNIN:
Sa araling ito, inaasahang…
1. naipaliliwanag ang konsepto ng Asya sa pisikal na katangian at likas na yaman nito;
2. nasusuri ang kahalagahan ng mga rehiyon sa Asya;
3. naipamamalas ang kagalingan sa pakikitungo at pagpapahayag ng sariling kaalaman at kasanayan
sa pag-iisip;
4. nakagagawa ng isang magandang sining tungkol sa kalagayan ng likas na yaman ng Asya.

II. PANIMULANG PAGTATAYA:


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ating daigdig ay binubuo ng pitong kontinente. Pang ilang kontinente ang Asya batay sa laki
nito?
a. Pangatlo c. Una
b. Panglima d. Pangalawa
4 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

2. Ang daigdig ay binubuo ng iba't ibang anyong lupa. Tinatawag na __________ ang pinakamalaking
dibisyon ng lupain sa daigdig.
a. Arkipelago c. Kapatagan
b. Kontinente d. Lambak
3. Ang Asya ay nahati sa iba't ibang rehiyon. Ang paghahating pangrehiyon ay batay pisikal, historikal, at
kultural na aspekto. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya?
a. Anim c. Apat
b. Pito d. Lima
4. Alin ang totoo tungkol sa kontinente ng Asya?
a. Ang kabuuang sukat ng Asya ay katumbas nito ang pinagsamang North America at South
America.
b. Nasa silangan ng Asya ang Karagatang Atlantiko samantalang, nasa kanluran naman nito ang
Karagatang Pasipiko.
c. Tinatayang 1/3 na bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
d. Sa Silangang Asya matatagpuan ang hangganan ng Europa.
5. Bilang Asyano, alin ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran?
a. Ipagmalaki ko na ako ay isang Asyano.
b. Makikiisa ako sa mga programa sa paglutas ng suliranin tulad ng Global Warming o Climate
Change.
c. Kung may pagkakataon, uunahin ko na libutin o pasyalan ang mga lugar o bansa sa Asya.
d. Susuportahan ko ang layon ng pamahalaan na mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan nito
sa kapwa nya bansa sa Asya.
6. Saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang karamihan ng disyerto na napagkukunan ng yamang
mineral?
a. Hilagang Asya c. Silangang Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog Silangang Asya
7. Ang bansang ito sa Timog Silangang Asya ay may malaking deposito ng langis at natural gas,
gayundin ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig.
a. Malaysia c. Singapore
b. Indonesia d. Brunei
8. Sinasabing may malawak na damuhang matatagpuan sa Hilagang Asya bagama’t dahil sa tindi ng
lamig dito ay halos walang punong nabubuhay rito. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa likas na
yaman ng nasabing rehiyon?
a. Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t may trigo, jute at tubo.
b. Troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyon
c. Paghahayupan ang pangunahing gawain dahil sa mainam itong pagastulan ng mga alagang
hayop.
d. Tinatayang may pinakamalaking deposito ng ginto at mga yamang mineral.
9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?
a. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.
b. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.
5 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

c. Ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.


d. Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.
10. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa
produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang
ang ginto?
a. Yamang Mineral c. Yamang Lupa
b. Yamang Tubig d. Yamang Gubat
11. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa
Hilagang Asya ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga naninirahan dito?
a. Pangingisda c. Pagmimina
b. Pagsasaka d. Pagpipinta
12. Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya ay may taglay na iba’t ibang uri ng likas
yaman na nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Alin sa sumusunod ang
HINDI naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng Timog Silangang Asya?
a. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng magagandang aplaya o
beaches.
b. Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-hangang tanawin na
likha ng kalikasan.
c. Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.
d. Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na may pinong-
pinong buhangin.
13. Paano mo bibigyan ng paglalarawan ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya?
a. Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay magkakatulad.
b. Ang mga rehiyon sa Asya ay salat sa mga likas na yaman.
c. Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay malapit ng maubos.
d. Ang mga likas na yaman sa rehiyon sa Asya ay magkakaiba.
14. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa isang bansa?
I. Sapagkat ang likas na yaman ang tumutustos pangangailangan ng mamamayan.
II. Sapagkat ang likas na yaman ay nagbibigay ng karangalan sa isang bansa.
III. Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.
IV. Ang likas na yaman ang nagbibigay ng yaman sa bansa.

a. I, II b. I, III c. III, IV d. II, IV


15. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay napakikinabangan ng mga
naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa mga tao, mapa-tubig man, kalupaan o kagubatan.
Alin sa mga sumusunod ang maaaring paraan upang mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang
kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa upang
hindi kaagad maubos ang yamang likas.
b. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman upang
maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito.
6 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

c. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas yaman upang mas
malaki ang pakinabang na makukuha rito.
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga yamang likas
upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin.

III. GRAPIKONG PANTULONG

ANG REHIYONG
HEOGRAPIKAL
NG ASYA

MGA ANYONG MGA ANYONG


LUPA SA ASYA TUBIG NG ASYA

ANG PISIKAL NA VEGETATION


ANG YAMANG
KATANGIAN AT ANG COVER NG
LIKAS NG ASYA YAMANG LIKAS NG
ASYA
ASYA

MGA
ANG SULIRANING
ECOSYSTEM NG PANGKAPALIGI
ASYA RAN SA ASYA
MGA URI NG
KLIMA SA ASYA

Ang Asya ay nagmula sa salitang AEGEAN na "ASU" na may ibig sabihin na lugar na sinisikatan ng araw,
bukang-liwayway, o silangan. Ito ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo na may sukat na 44,391,162
sq.km. Bumubuo ito sa halos sangkatlo ng kabuuang kalupaan nito. Ito ay nasa hilaga ng ekwador maliban
sa ilang isla ng Timog Silangang Asya. Ito ay nasa silangan ng Europa, kanluran ng Karagatang Pasipiko, at
hilaga ng Indian Ocean.
7 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

CORE CONTENTS

ENGAGE: SUKAT KAALAMAN AT KASANAYAN!


Panuto: Tingnan ang simbolo ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Ang simbolong ito ay
kumakatawan sa isa sa mga pangunahing produkto at pagkain ng mga bansang kasapi ng nasabing
Samahan. Ang simbolo ring ito ang kumakatawan sa paniniwala ng mga kasaping bansa patungkol sa One
Vision, One Identity, One Community.

1. Isa-isahin ang mga bansang kasapi ng ASEAN.


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bakit ang mga bansang ito ang pinagsama-sama sa iisang rehiyon?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ano sa iyong palagay ang mga batayan sa pagpapangkat ng mga bansa sa mga rehiyon sa Asya?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

EXPLORE: KAALAMAN AT KASANAYAN!


I. ANG HEOGRAPIYA NG ASYA
 Ang heograpiya ay pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, ang pinakukunang yaman,
klima, vegetation cover, at aspektong pisikal ng populasyon nito.
 Ang Asya ay kinikilalang pinakamalaking konteninte sa daigdig sa kasalukuyan batay sa sukat ng
teritoryong sakop nito.
8 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

 Ang sukat nito ay 49.7 milyong km2 o humigit-kumulang 30% ng kabuuang sukat ng kalupaan ng
daigidig.
 Ito ang dahilan kung bakit ang klima, topograpiya, at vegetation cover ng mga bansa sa Asya ay
magkakaiba na nagbunsod sa pagkakaiba rin ng uri ng kultura at kabuhayan ng mga Asyano.
 Kontinente ang pinakamalaking dibisyon ng lupain batay sa pagkakahati sa mga dambuhalang masa
ng lupa (land mass) ng mundo na makikita sa globo o mapa.

II. ANG REHIYONG HEOGRAPIKAL NG ASYA


 Hinati sa limang rehiyon ang Asya upang mapadali ang pagtukoy o paghahanap gayundin ang
paglalarawan sa mga bansang sakop nito.
Timog-silangang Hilaga/Gitnang
Silangang Asya Timog Asya Kanlurang Asya
Asya Asya
 Armenia
 Azerbaijan
 Bahrain
 Cyprus
 Brunei
 Georgia
Darussalam
 Iran Iraq
 China  Afghanistan  Cambodia
 Israel
 Japan  Bangladesh  Indnesia  Kazakhstan
 Jordan
 Mongolia  Bhutan  Laos  Kyrgyzstan
 Kuwait
 North  India  Malaysia  Tajikistan
 Lebanon
Korea  Maldives  Myanmar  Turkmenist
 Oman
 South  Nepal  Pilipinas an
 Palestine
Korea  Pakistan  Singapore  uzbekistan
 Qatar
 Taiwan  Sri Lanka  Thailand
 Saudi Arabia
 Timor-Leste
 Syria
 Vietnam
 Turkey
 United Arab
Emirates
 Yemen

III. MGA ANYONG LUPA SA ASYA


Ang Asya ay katatagpuan ng iba’t-ibang uri ng anyong lupa. Ito ang mga:
1. Mga Bundok, Bulkan, at Talampas
a. Mt. Everest – ang pinakamataas na bundok sa daigdig at matatagpuan ito sa kontinenting Asya.
May taas itong 8,848 metro o 29,029 talampakan. Kabilang ito sa Himalayan Mountain Range na
nasa pagitan ng Tibet at Nepal na nasa 2,413 kilometro ang kabuuang haba.

b. Tinagurian ang Tibet na “Roof of the World” at kinikilala ito bilang pinakamalawak at
pinakamataas na talampas sa daigdig sa taas nitong mahigit sa 7,358 kilometro.
c. Rice Terraces- isa sa mga maipagmamalaking gawa ng mga Asyano. Naging malikhain ang mga
ito habang sila’y naninirahan sa mga gilid ng bundok na walang sapat na lupang
mapagtataniman.
 Sapa at Mu Cang Chai sa Vietnam
9 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

 Yuanyang at Jiabang sa China


 Tegalalang sa Indonesia
 Hamanoura sa Japan
 Banaue Rice Terraces – ipinagmamalaki ng ating bansa
d. Bulkan- sa Asya rin matatagpuan ang mga aktibong bulkan sa daigdig. Ito ay dahil ang silangang
bahagi ng Asya ay kabilang sa tinatawag na Pacific Ring of Fire. Ang sona o rehiyong binubuo
ng magkakahanay na aktibong bulkan sa paligid ng Pacific Ocean. Ang pagsabog ng mga bulkan
sa sonang ito ay nagdudulot ng mga paglindol kaya naman tinatawag din itong Circum-Pacific
Seismic Belt. Sa sonang ito matatagpuan ang 75% ng mga aktibong nulkan sa daigdig.

2. Mga Kapatagan at Lambak


Marami ring kapatagan at lambak sa Asya na bumubuo sa 25% ng kalupaan nito. Matatandaang sa
kasaysayan, Malaki ang naging papel ng mga lambak na malapit sa ilog sa pagkabuo ng mga pinakunang
sibilisasyon sa daigdig. Ang lambak sa Tigris at Eurphrates River, Hwang River, at Indus River. Ang
matatabang lupa mula sa mga lambak at kapatagang malapit sa nabanggit na mga ilog ang lugar kung saan
unang nalinang ang agrikultura. Ang agrikultura na siyang bumuhay sa lumalaking populasyon ng mga
sinaunang kabihasnan ang siyang bumubuhay pa rin sa malaking bahagdan ng populasyon ng mga Asyano.

Siyam sa sampung bansa ang pinakamataas ang produksiyon ng palay ay matatagpuan sa Asya.
 China
 India
 Indonesia
 Vietnam
 Thailand

Pagpapastol naman ang hanapbuhay sa mga lupaing madamo at matalampas tulad ng Mongolia, Pakistan,
Afghanistan, at iba pang bahagi ng Asya. Mga kambing, tupa, at baka ang karaniwang ipinapastol ng mga
tao rito na kanilang hanapbuhay. Ang nasabing mga hayop ay pinagkukunan ng gatas, balat (leather), at
karne na kanila naming iniluluwas sa malalamig na rehiyon.

3. Mga Tangway o Peninsula


 Matatagpuan sa Asya ang malalawak na tangway o peninsula.
 Ilan sa mga ito ang Arabian Peninsula, Indian subcontinent, North Korea at South Korea, Malay
Peninsula, Indochina Peninsula kung saan kabilang ang Cambodia, Vietnam, at Laos.
 Nagsisilbi ang mga tangway bilang daungan kung saan nalinang ang kalakalan, transportasyon,
at turismo na nagpalago ng ekonomiya ng mga nasabing bansa.

4. Mga Disyerto
10 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

 Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay disyerto. Ang disyerto ay isang tuyo at mabuhanging
lupain na halos walang nabubuhay na halaman. Nakararanas lamang ito ng halos sampung
pulgadang ulan sa loob ng isang tao.
 Ang disyerto ay maaaring matagpuan sa maiinit gayundin sa malalamig na lupain.
Ang maiinit na disyerto sa Asya ay karaniwang matatagpuan sa kanluran at katimugang bahagi ng Asya.
Ang mga halimbawa ng maiinit na disyerti sa Asya ay ang
1. Rub’al Khali o “Emoty Quarter” sa Saudi Arabia na umaabot sa mga bansang Oman at Yemen.
2. Turkestan sa Turkey.
3. Karakum o “Black Sand” sa mga bansang Uzbekistan, Turkmenistan at Kazakhstan.
4. Kyzylkum o “Red Sand” sa Uzbekistan.
5. Thar Desert o “Great Indian Desert” sa pagitan ng India at Pakistan.

Ang Iran at Syria ay may bahagi ring disyerto.

Ang malalamig na disyerto naman ang mga disyerto ng Taklamakan, Gobi, at Silangang Siberia. Sakop ng
Gobi ang timog na bahagi ng Mongolia hanggang sa hilagang bahagi ng China. Sa timog-kanluran naman ng
Gobi ang Taklamakan Desert ng Xinjiang Uygur Zizhiqu, isang rehiyon sa China. Malamig sa mga disyertong
ito dahil nasa ibabaw ng mga talampas na 3,000 hanggang 5,000 talampakan ang taas na nagdudulot ng
mababang temperature at dahil na rin sa lokasyon nito sa Arctic Circle.

IV. MGA ANYONG TUBIG NG ASYA


Tulad sa kasabihang “Ang tubig ay buhay”, ang mga anyong tubig sa Asya ay gumaganap ng
napakahalagang papel sa buhay ng mga Asyano mula sa pagsilang ng kabihasnan hanggang sap ag-unlad
ng kalakalan at ekonomiya ng mga bansang sakop nito.

1. Mga Dagat, Golpo, at Kipot


Dagat- anyong tubig na mas maliit at mas mababaw sa karagatan.
Golpo- anyong tubig na halos kasinlaki ng dagat ngunit napaliligiran ng mga lupain.
Kipot- isang makitid na daanang tubig na nagdurogtong sa dalawang malaking bahagi ng tubig.

Tatlo sa pinakamalawak na anyong tubig ang nakapalibot sa kontinenti ng Asya: ang Pacific Ocean sa
silangan, ang Indian Ocean sa timog, at ang Arctic Ocean sa hilaga. Karugtong ng Indian Ocean ang
Gulf of Aden na nasa pagitan ng Somalia at Yemen. Ang tubig mula sa golpong ito ay idinurugtong
naman ng Bab el-Mandeb Strait sa Red Sea. Mahalaga ang mga anyong tubig na ito dahil ang mga ito
ang lagusan patungong kanluran para sa langis na nagmumula sa Persian Gulf na karugtong naman ng
Arabian Sea.

2. Mga Lawa
 Caspian Sea- itinuturing na pinakamalaking lawa sa buong daigdig. Ito ay matatagpuan sa hilagang-
kanluran ng Asya at may sukat na 370, 992 kilometro kuwadrado.
11 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

 Lake Baikal- na nasa silangang bahagi ng Russia ang siyang pinakamalalim na lawa sa daigdig
(1,620 metro). Ito ay may sukat na 31,494 kilometro kuwadrado. Ito rin ang nagtataglay ng
pinakamasaganang tubig-tabang sa Asya.
 Dead Sea- ang pinakamaalat at pinakamababang bahagi ng tubig mula sa kapatagan ng dagat sa
daigdig. Walang anumang lamang-dagat ang nabubuhay rito dahil sa sobrang alat ng tubig nito.
3. Mga Ilog
 Huang River o Yellow River - sa Silangang Asya, “Yellow River” ang naging bansag sa Huang River
dahil sa loess o kulay dilaw na banlik na natatagpuan dito. Nasa 4,670 kilometro ang haba ng Huang
River.
 Yangtze River- ay may sukat na 6,380 kilometro dahilan upang kilalanin itong pinakamahabang ilog
sa Asya. Dumadaloy pasilangan ang ilog na ito mula sa Sichuan patungo sa mga lungsod at sakahan
sa China.
 Mekong River- sa Timog-silangang Asya, ito naman ay isa sa pinakatanyag. May haba itong 4,189
kilometro at nagmumula sa Qinghai, China, dumadaloy sa pagitan ng Thailand at Laos, at tumatawid
sa tangway ng Indochina na kinabibilangan ng Cambodia, Vietnam, at Laos.
 Salween River at Irrawaddy River- ang mga pangunahing ilog ng Myanmar.
 Chao Phraya River- naman ang sa Thailand.
 Cagayan River- sa Pilipinas, ito ay kilala bilang pinakamahabang ilog.
 Tigris River- sa Kanlurang Asya, ang mga ilog Tigris at Euphrates ang dalawa sa pinakamahalagang
ilog. Ang Tigris River na may habang 1,899 kilometro ay dumadaloy patungong timog-silingan sa
pagitan ng Turkey at Syria, papasok sa Iraq hanggang sa Persian Gulf.

V. MGA URI NG KLIMA SA ASYA


 Topograpiya- pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig kabilang ang mga anyong lupa at anyong
tubig.
1. Rehiyong Tundra- Sakop nito ang buong bahagi ng Asya na malapit sa Arctic Ocean. Mahaba ang
taglamig, tagtuyo, at nagyeyelong panahon samantalang maigsi naman ang tag-init.
2. Rehiyong Mediterranean- Nararanasan ang klimang ito sa mga luar na malapt sa Mediterranean
Sea mula Turkey hanggang Syria. Ang temperature ay tumaas hanggang 75°F (24°C) kung tag-init at
bumababa naman sa 50°F (10°C) kung taglamig.
a. Central Asia (Rehiyong Mongolian)- mainit at tuyo ang hangin kapag tag-init dahil nahaharangan
ang malalaking anyong tubig.
b. Cental Asia (Rehiyong Aral-Caspian)- maraming natatanggap na ulan.
3. Tropical Monson- Bahagi ng mga lugar ba na may ganitong klima ang India at ilang bahagi ng China
at Japan na nakararanas ng pag-ulan kahit tag-init.
a. West Siberia- mas mataas ang temperature sa mga lugar na ito kumpara sa East Siberia at mas
marami ang nararanasang pag-ulan.
b. East Siberia- sa lugar na ito nararamdaman ang isa sa pinakamalamig na temperature sa
daigdig.
4. Temperate Monsoon-sa ganitong klima, may pag-ulang nagaganap kahit tag-init samantalang tuyo
naman kapag taglamig.
12 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

5. Rehiyong Equatorial- ito ang klima sa mga lugar na nasa pagitan ng 10° hilaga 10° timog ng
Malaysia at Indonesia. Karaniwan dito ang madami at kalat-kalat na pag-ulan at katamtamang
temperature.
6. Rehiyong Iran-Sind – ang klima ay karaniwang tuyo at mainit, ngunit may ulang nararanasan ang
mga malapit sa dagat particular sa Mediterranean Sea.
7. Rehiyong Tropical Desert- matatagpuan ito sa tinatawag na trade wind belt kung saan maliit lamang
ang epekto ng monson at Mediterranean Sea. Nararanasan ang tuyo at napakataas na temperature
sa lugar na ito.

VI. VEGETATION COVER NG ASYA


 Ang vegetation cover ay kongkretong patunay ng pagkakaiba-iba ng klima, temperature, at maging
ng presipitasyon sa ating daigdig.

Mga Uri ng Vegetation Cover


1. Tundra- ang tundra ay salitang Ruso na ang ibig sabihin ay “kapatagang latian” o marshy plains.
Dahil sa napakalamig at mayelong klima sa buong taon, ang mga pook na ito ay karaniwang
nababalutan lamang ng lumot at lichen na kilala bilang pinakamabagal lumagong halaman.
2. Disyerto- karaniwang matatagpuan sa lugar na ito ang matitinik at mabababang palumpon ng mga
halaman at punongkahoy.
3. Steppe o grassland- halamang herbaceous ang karaniwang tawag sa mga damuhang nabubuhay
sa vegetation na ito.
4. Taiga- salitang Ruso rin ang taiga na ang kahulugan ay “pamayanang kagubatan.” ang mga uri ng
vegetation ay matatagpuan sa Timog ng mga lupaing tundra. Ito ay binubuo ng malalawak na
kagubatang coniferous.
5. Tropical Rainforest- matatagpuan sa vegetation na ito ang mga kahoy-baging na tumutubo sa
katawan ng naglalakihang puno, gayundin ang naggagandahang air plants tulad ng orkidya.

Tropical Decidous – ang mga dahon nito ay naglalagas tuwing sasapit ang tag-init kat muli namang
uusbong sa pagsisimula ng tag-ulan. Ito rin ay nagtatagal sa klimang mayroong mahabang tuyong panahon
at napakalakas na tag-ulan.

VII. ANG YAMANG LIKAS NG ASYA


 YAMANG LIKAS NG SILANGANG ASYA
Ito ay nag tataglay ng milya-milyang baybayin dahil sa nakapaligid na malalaking karagatan.
o yamang likas- mga hilaw na nakukuha sa mga anyong lupa at anyong tubig
o sand dunes- palumpon na bahaging karaniwang hinuhubog o binubuo ng hangin
o kagubatang alpine- matatagpuan sa mga lupaing alpine o sa matataas na elebasyon.
o glacier- malalaking tipak ng yelong nabuo bunsod ng pagkakaimbak mula sa nag tataasang bundok.
o lupaing seismic- lupaing karaniwang nililindol.

1. Implikasyon sa Agrikultura
13 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

 Ang hindi matantiyang dating ng ulan at pagyeyelo sa lupain ay maaaring magbigay ng


masagana o kawalan ng ani sa mga magsasaka ng bansa.
 Ang pagpapastol ay tunay na mahirap sa mga panahong ito bunga ng kawalan ng maaaring
pagpapastulan ng mga alagang hayop ng mga magsasaka.
 Ang mga lambak ng ilog na ito naging pusod ng agrikultura ng bansa dahil sa masaganang
yamang tubig.

2. Implikasyon sa Ekonomiya
a) Mongolia- mayaman sa tanso, phosphate, at langis ang bansa na nakakatulong sa pag-unlad ng
kanilang bansa.
b) South Korea- kilala sa maunlad na industriya ng tela, plastic, abono, at mga kagamitang
elektroniks na sinimulang linangin sa bansa noon pang 1960’s.
c) Japan- itinuring na kauna-unahang “economic miracle” sa rehiyon matapos ang Ikalawang
Digmaang pandaigdig. Gumamit ang bansang ito ng alternatibong suplay ng enerhiya tulad ng oil-
fire fuel at nuclear power na siyang nagpaunlad sa industriya ng bansa. Sagana rin ang bansa sa
yamang tubig dahil sa pagiging kapuluan nito na nagbibigay ng malawak na pangisdaan at mga
ilog na pinaggagalingan ng hydroelectric power na nakakatulong sa pagtustos ng enerhiya para
sa pangangailangan ng bansa.
o Economic miracle- panahon ng mabilis ng pag-unlad ng ekonomiya.
d) Taiwan- mayroong maipagmamalaking deposito ng natural gas, petrolyo, at karbon. Mayaman
din ang bansa sa wind at solar energy na nakakatulong sa pagpapaunlad ng mga industriyang
panteknolohiya na karawing iniluluwas ng bansa sa iba’t- ibang bahagi ng daigdig.
e) China- mayaman sa langis at iba pang mineral na karaniwang nagmumula sa gitna at hilagang
kabundukan nito. Dahil sa umuunlad nitong industriya, ang mga daungang lungsod ng bansa ay
kasalukuyang sentrong pagawaan ng magagaang industriya tulad ng mga makinary, tela, at
damit, laruan, mineral, iron, plastic at iba pa.

3. Implikasyon sa Panahanan at Kultura


 Ang magkakaibang topograpiya at klima ng mga bansa sa Silangang Asya ang dahilan kung bakit
magkakaiba rin ang pananahanan at kulturang nabuo sa rehiyon.
 Ang karamihan ng mga tao ay naninirahan sa bangka na gamit din nila sa paglilipat- lipat ng mga
produkto na nagsisilbi ring transportasyon.
 Ang iba naman ay naninirahan malapit sa baybay-dagat na pangingisda ang ikinabubuhay na
naging mahalagang bahagi rin ng ekonomiya ng bansa.

 YAMANG LIKAS NG KANLURANG ASYA


Karaniwan nang naninirahan sa mga lugar na malapit sa suplay ng tubig ang maraming bilang ng
populasyon sa Kanlurang Asya.

1. Implikasyon sa Agrikultura
a) Ang Iran ay kilalang nagprprodyus ng wheat, creral, barley, tubo, at iba’t ibang prutas.
14 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

b) 16% ng lupain sa Armenia ay pawang mga sakahan kung saan ang sampung bahagdan ng lakas-
paggawa ng bansa ay nagsasaka.
c) Nililinang din ng bansang Saudi Arabia ang yamang tubig para sa pang-araw-araw na
pangangangilangan ng populasyon.
2. Implikasyon sa Ekonomiya
a) Saudi Arabia- ang may-ari halos sa ikalimang bahagi ng reserbang langis ng mundo, at
nangunguna ring prodyuser at tagaluwas ng langis at natural gas.
b) Yemen, Kuwait at iba pang bansa- nililinang ang industriya ng turismo upang matiyak na
magpapatuloy ang pagpapaunlad ng ekonomiya sakaling kumonti o maubos man ang likas na
dami ng yamang langis nito.
c) Qatar- ang kinikilalala bilang isang bansang “knowledge economy” na tumutukoy sa pagkilala at
paggamit ng teknolohiya sa paglilinang, pagbabahagi, at paggamit ng kaalaman na magagamit sa
pag-unlad ng bansa.

3. Implikasyon sa Panahanan at Kultura


 Ang itim na tolda ng mga taong nomad na nagpapalipat-lipat ng tirahan batay sa panahon ng
pagpapastol sa mga disyertong bahagi ng lupain.
 Mayroon ding naninirahan sa mga pamayanang sakahan na karaniwang mga magsasaka.
 Ang mga karaniwang kawani naman ng mga pagawaan at opisina ay kadalasang naninirahan sa
mga townhouse o condominium na gawa sa luad at semento.

 YAMANG LIKAS NG HILAGANG ASYA/GITNANG ASYA


Ito ay bahagi ng makasaysayang Silk Road na naging tanyag na daanang kalakalan sa pagitang
ng Europa at asya noong unang panahon.

1. Implikasyon sa Agrikultura
a) Kazakhstan- kilala bilang ikaanim sa pinakamalaking prodyuser ng wheat sa buong daigdig.
b) Fergana Triangle- itinuturing na sentro o pusod pang- agrikultura sa rehiyon at kilala ring tirahan
ng etnolingguwistikong pangkat ng mga tao. Ang lupaing ito ay nahahati sa tatlong bahaging
politikal na pinamamahalaan ng tatlong estado ng Uzbekistan, Tajikistan, Kyrgyztan.
c) Syr Darya at Amu darya- ang ilog kung saan nanggaling ang patubig na lupain at ito rin ang
pinagmulan ng elektrisidad na gamit sa buong rehiyon.
d) Ang mga bundok at talampas na nasasakupan ng hilaga o Gitnang Asya sa pamir ay mayaman
naman sa mga kagubatang alpine at steppe.
o ALPINE (uri ng halaman na natural na tumutubo sa matataas na mga bundok)
o STEPPE (malawak na lupaing katatagpuan ng damuhan sa timog-silangan ng Europa at
Hilaga o Gitnang Asya.

2. Implikasyon sa Ekonomiya
Ang disyerto ng Kyzyl Kum sa Uzbekistan ang isa sa pinakamalaki at pinakamalalim na minahan ng
ginto sa daigdig na umaabot sa mahigit 50 milyong gramo ang makukuha taon-taon. Mayaman din ang
15 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

rehiyon na ito sa yamang mineral tulad ng krudo, iron ore, petrolyo at natural gas na patuloy ring
nakakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng nila.

3. Implikasyon sa panahanan at Kultura


Dahil sa magkakaiba ang topograpiya, Kilma, at likas na yamang rehiyon, ang mga panirahan dito ay
magkaiba rin.

o Yurts- ang tawag sa mga panirahan sa madadamong lugar ng rehiyon. Ito ay tolda na gawa sa
makapal na tela na tinitiklop upang madaling mailipat sa iba’t ibang lugar. Ang ganitong uri ng tirahan
ay angkop sa Klima ng steppe kung saan malakas ang hangin at matindi ang nararanasang
temperatura.
o Modernong arkitektura- naman ang karaniwang tirahan sa mga pook urban ng rehiyon.

 YAMANG LIKAS NG TIMOG ASYA


Ang karamihan sa bansang ito ay sakop ng pamir. Dahil malawak ang kalupaang sakop ng rehiyon,
may iba’t ibang uri ng topograpiya ang matatagpuan dito.
a) Arabian Sea at Bay of Bengal- ito ang isang tatsulok na tangway na pumapagitan sa bansang
India.
b) India- ang nagmamay-ari ng mahaba at ekslusibong sonang pangisdaan na may sukat na 370
kilometro sa Indian ocean.
c) Nepal, Pakistan, Bhutan- dumadaloy rito ang ilog na nagpapasagana sa mga lambak na
sakahan ng mga Asyano sa rehiyon.
d) Maldives at Sri Lanka- binubuo ng mga kapatagan at burol.

1. Implikasyon sa Agrikultura
 Pinasasagana ng Ganges River ang Gangetic Plain ng India na kung saan matatagpuan ang
malaking bilang ng populasyon ng bansa.
 Ang lambak ng Indus at Brahmaputra, pati na ng Ganges ay tinaguriang “Pusong Lupain ng India”
dahil kabilang ito sa may pinakamatabang kapatagang sakahan sa daigdig.
 Ang mahabang panahon ng pagpapatubo ng pananim at ang masaganang pagbagsak ng ulan sa
buong taon ay malaking tulong sa pagpapalago ng jute at palay sa lupain.
 Sa Nepal at Bhuta naman ay pagsasaka at paghahayupan ang pangunahing ikinabubuhay.
Nakasalalay sa pagsasaka ang may 80% ng populasyon ng dalawang bansa. Dito rin nagmumula
ang mga produktong dairy na iniluluwas sa ibang bansa.

2. Implikasyon sa Ekonomiya
Ang mga bansa sa Timog Asya Ay mayaman sa kagubatan kung saan nakukuha ang mga kilalang
taek wood at sandal na gamit sa konstruksiyon.
a) Himalayas at Nepal- ay ang pinagmulan ng kahoy na pangkonstruksiyon.
b) Bangladesh- ay mayaman sa Karbon at natural gas.
16 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

c) Sri Lanka- mayaman sa batong sapphire at ruby, at mga yamang tubig. Ang ilog naman ng Sri
Lanka ang pinagmulan ng hydrogelectric power.
d) Baybaying-dagat ng India- nagkakaloob ng yamang tubig.
e) Maldives at Sri Lanka- mayayamang pangisdaan at naggagandahang apalaya ang kanilang
pinagkakakitaan.

3.Implikasyon sa Panahanan at Kultura


Ang mga panahanan sa Sri Lanka ay gawa sa sementtongkinulayan ng puti na pipigil sa pagpasok ng
sobrang init. Karaniwan naman sa mga ordinaryong mamayanan sa Maldives ay gawa sa dahon ng
palmera ang tinitirahan. Gawa naman sa dinurog na korales na nabububungan ng ladrilyo ang tintirahan
ng mga maykaya. Sa Bhutan, kailangan ang mga tirahang makakatagal sa mahaba at napakalamig na
kilma. Sa Bangladesh ay karaniwang hugis parihaba at gawa sa luad, kawayan, o pulang ladrilyo. Ang
mga panahanang ito ay kinakailangang nakataas mula sa lupa bilang pag-iwas sa baha.

 YAMANG LIKAS NG TIMOG SILANGANG ASYA


Ito ay nag tataglay ng mahahabang ilog na nagmumula sa matataas na lupaing naghihiwalay sa
Timog-Silangang Asya sa China at Hilagang Kanluran ng India.Sagana rin sa likas na yaman ang
katubigan ng rehiyon at kilala ang mga katubigan ng Timog-silangang Asya na nag tataglay ng
pinakamataas na antas ng biodiversity- (ang pagkakaiba-iba ng mga organismong nabubuhay sa isang
lugar, nmapa-lupa o tubig man).

1. Implikasyon sa Agrikultura
Ang malawak at mahabang ilog, Delta, at Klimang monsoon ay nakatutulong upang patabain at
gawing produktibo ang malalawak na lambak at kapatagan ng rehiyon. Dahil sa pagiging agrikultrua ng
mga bansa sa rehiyon, karamihan sa mga tao rito ay umaasa sa pagsasaka bilang kabuhayan.
a) Lambak- ilog Irrawaddy ng Myanmar- pinagmulan ng milyon- milyong toneladang ani ng bigas.
b) Malaysia, Thailand, At Cambodia- ang lugar kung saan matatagpuan ang malawak na rubber
plantation.
c) Indonesia- ang kalahating bilang ng populasyon rito ay naninirahan sa java, napitong porsiyento
lamang ng kalakihang sukat ng bansa. Kaya naman inilunsad ng pamahalaan ng bansa ang
“transmigration policy” upang malutas ang hamon na ito.
o Transmigration policy- ito ay paghimok sa mga taong lumipat sa ibang lupain ng kapuluan na
kakaunti lamang ang populasyon.

2. Implikasyon sa Ekonomiya
Ang rehiyon na ito ay bahagi ngkalakalang pandaigdigan.
a) Cambodia- 70% ng kanilang ekonomiya ay ang paggawa ng mga kahoy na pangkonstruksiyon.
b) Laos- sinusuportahan ng industriyang handicraft tulad ng pagpapalayok, paghahabi, at silver smiting.
c) Vietnam-kilala ang bansa sa paggawa ng mga tela, elektronik, at mga sasakyan.
d) Singapore-ang bansa ito ay nalinang bilang isang entrepôt o transhipment port kung saan ang
kalakalang “extended entrepot” ay pinalawig at umunlad.
17 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

o Extended entrepot- pagbili ng hilaw na materyales at paglinang bilang produktong iniluluwas


muli sa ibang bansa.
e) Brunei- mayaman sa langis at natural gas. Napagtanto ng mga bansa sa rehiyon ang kahalagahan
ng konstribusyon ng turismo sa kanilang pag-unlad ng pang-ekonomiko.

3. Implikasyon sa Panahanan at Kultura


 Ang karaniwang tirahan ng mga mangingisda ay mga panahanang stilt na nakatayo sa tabing-
dagat at sinusuportahan lamang ng mga poste.
 Ang mga magsasaka naman ay nakatira sa mga nipa hut na nabububungan ng mga pawid at
karaniwang matatagpuan sa paligid ng mga sakahan.
 Ang mga panahanan sa rehiyon ay nabago at ang pag-unlad ng mga pook urban kung saan ang
kanilang panirahan ay matatagpuan ang nagtataasang condominium at panahanan sa mga
subdivision sa pusod ng lungsod.

VIII. ANG ECOSYSTEM NG ASYA


 Ang ecosystem ay tumutukoy sa nagaganap na interaksiyon sa pagitan ng isang pamayanang
bidyolohikal at walang buhay na organism at saklaw nito ang kapaligirang ating ginagalawan.
 Tinatawag na carrying capacity ng daigdig ang hangganan ng yamang likas na maaaring gamitin
ng sangkatauhan sa ecosystem na maaring madagdagan dahil sa teknolohiya.
 Inilahad ng Living Planet Index (LPI) at Ecological Footprint ang deka-dekadang bakas ng
kalagayan ng ating ecosystem.

IX. MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA ASYA


1. Mabilis na Paglaki ng Populasyon
Ang asya ay lulan ng 59.2% na mahigit 7 bilyong populasyon sa daigdig at ito ang bansang may
pinakamabilis ang pagdami ng populasyon.
2. Urbanisasyon
 Urbanisasyon- natural na paglaganap ng kasalukuyang populasyon sa mga lungsod na
karaniwang sentro ng edukasyon, pamahalaan, at ekonomiya.
 Megacity- ay mga pook urban na pinaninirahan ng mahigit pa sa 10 milyong
mamamayan.
 Urban heat Islands- lupaing urban o metropolitan na nakakaranas ng higit na mainit na
kapaligiran bunsod ng higit sa galaw ng tao.

3. Pagbaba ng kalidad ng lupain


Ang pagpapanatili at papaunlad ng buhay ng tao ay naaayon sa kakayahan at kasaganaan ng
lupaing pinaninirahan nito. Sanhi ng labis na pang-aabuso ng tao sa lupaing kaniyang pinaninirahan,
bumababa ang kalidad o kakayahan nitong makapagbigay ng masaganang ani. Ang kadalasang
pagkapinsala ng lupa ay bunga ng walang ingat na pagputol ng mga puno sa kagubatan at labis na
pagpapastol ng mga hayop sa nga lupaing steppe.
18 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

EXPLAIN: PAG-IISIP AT PAGSUSULAT!


Panuto: Matapos mong mabasa ang “explore” na parte ng araling ito, sagutan ang mga sumusunod na
tanong.
1. Biniyayaan ang Asya ng iba’t-ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig. Nakatulong ba ang mga ito
sa mga Asyano o nagbigay pa ng higit na suliranin sa kanila? Patunayan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Paano mo maiuugnay ang vegetation cover ng iba’t-ibang rehiyon sa Asya sa pag-unlad ng
pamumuhay ng mga Asyano? Magbigay ng kongkretong halimbawa.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Bakit nagkakaiba ang klima sa Asya? Paano ito nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, bakit sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamalawak na kalupaan at katubigan at
saganang likas na yaman, marami pa ring mga bansa sa Asya ang maituturing na mahirap at di-
umuunlad?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Anong papel ang ginagampanan at patuloy na ginagampanan ng likas na yaman sa kabuhayan at
pamumuhay ng mga Asyano?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

EXTEND
Gawain 1: Venn Diagram
Panuto: Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pagkakahati ng mga rehiyon sa Asya sa mga rehiyon
sa Pilipinas. Isulat sa venn diagram ang iyong sagot.
19 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

Mga Rehiyon Mga Rehiyon


sa Asya sa Pilipinas

(Pagkakaiba) (Pagkakatulad ng dalawa) (Pagkakaiba)

Gawain 2: Densidad ng Populasyon!


Panuto: Gamit ang iba’t-ibang sanggunian, magsaliksik tungkol sa tatlong (3) pinakamalalang suliraning
pangkapaligiran sa Asya na umusbong sa nakalipas na sampung (10) taon. Punan ang tsart sa ibaba gamit
ang mga nakalap na impormasyon.
Suliraning Epekto sa
Saan Naganap Dahilan Epekto sa Tao
Pangkapaligiran Kapaligiran
20 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

EVALUATE: LIKHANG SINING!


Panuto: Ipaliwanag sa pamamagitan ng paggawa ng magandang sining ang mga dahilan kung bakit
nagagawa ng tao ang pag-abuso sa ating kalikasan. Gumamit lamang ng mga art material na angkop sa
kalikasan at kung anong meron lang kayo. “HUWAG BUMILI NG MAMAHALING ART MATERIAL”.

IV. PAGBUBUOD
21 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

 Dahil sa lawak ng sakop ng Asya. Kinakailangang hatiin ito sa limang mas maliliit na rehiyon kung
saan pinagsama-sama ang magkakalapit na bansa.
 Kasama rin bilang batayan sa pagpapangkat na ito ang pagkakahawig sa pisikal na anyo, klima,
at vegetation cover ng mga bansa.
 Ang mga ito ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan ng pamumuhay ng mga Asyano.
 Ano’t anuman ang mayroon sa kanilang kapaligiran, iniugnay rito ng mga Asyano ang kanilang
pang-araw-araw na gawain na siyang nakatulong sa paghubog ng isang natatanging kabihasnan.
 Malalawak na kapatagang nagbubunga ng masaganang ani; mahahabang hanay ng kabundukan
na napagkukunan ng sari-saring mineral; mayayabong na kagubatang nagbibigay ng pagkain at
kabuhayan; malalim na ilog, dagat, at karagatan na sagana sa yamang tubig; at naggagandahang
mga tanawin na tunay na maipagmamalaki.
 Ilan lamang ang mga ito sa likas na yamang ipinagkaloob sa mga bansa sa Asya na nagbigay ng
di-matatawarang pakinabang sa mga Asyano.
 Subalit sa pagdaan ng panahon, ang labis-labis at maling paggamit ng mga ito ay nagdulot ng
pagbaba ng bilang at pagiging produktibo ng mga yamang ito.
 Kaya naman patuloy ang pagsasagawa ng mga kampanya ng iba’t-ibang grupo upang
mapanumbalik ang dating sigla ng mga likas na yaman ng Asya nang sa gayon ay patuloy itong
magamit hindi lamang sa kasalukuyan kundi maging sa mga sumusunod pang henerasyon.

V. PANGHULING PAGTATAYA
Panuto: Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tinalakay sa pamamagitan nang
pagsagot sa panghuling pagtataya. Isulat ang “T” kung ang pangungusap ay Tama at isulat naman ang
“M” kung ang pangungusap ay Mali. Ilagay ang inyong sagot sa patlang bago ang numero.

________1. Ang heograpiya ay pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, ang pinakukunang
yaman, klima, vegetation cover, at aspektong pisikal ng populasyon.
________2. Ang Asya ang pinakamalaking dibisyon ng lupain batay sa pagkakahati sa mga
dambuhalang masa ng lupa (land mass) ng mundo na makikita sa globo o mapa.
________3. Ang kontinente ay kinikilalang pinakamalaking konteninte sa daigdig sa kasalukuyan batay
sa sukat ng teritoryong sakop nito.
________4. Topograpiya ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig kabilang ang mga anyong
lupa at anyong tubig.
________5. Ang vegetation cover ay kongkretong patunay ng pagkakaiba-iba ng klima, temperature, at
maging ng presipitasyon sa ating daigdig.
________6. Palumpon na bahaging karaniwang hinuhubog o binubuo ng hangin ay tinatawag na glacier.
________7. Malalaking tipak ng yelong nabuo bunsod ng pagkakaimbak mula sa nag tataasang bundok
ay tinatwag na kagubatang alpine.
________8. Lupang seismic ay ang lupaing karaniwang nililindol.
________9. Yurts ang tawag sa mga panirahan sa madadamong lugar ng rehiyon. Ito ay tolda na gawa
sa makapal na tela na tinitiklop upang madaling mailipat sa iba’t ibang lugar.
22 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

________10. Transmigration policy ay ang paghimok sa mga taong lumipat sa ibang lupain ng kapuluan
na kakaunti lamang ang populasyon.
________11. Ang pagbili ng hilaw na materyales at paglinang bilang produktong iniluluwas muli sa ibang
bansa ay tinatawag na extended entrepot.
________12. Ang ecosystem ay tumutukoy sa nagaganap na interaksiyon sa pagitan ng isang
pamayanang bidyolohikal at walang buhay na organism.
________13. Urbanisasyon ang tawag sa lupaing urban o metropolitan na nakakaranas ng higit na mainit
na kapaligiran bunsod ng higit sa galaw ng tao.
________14. Tropical deciduous, ang mga dahon nito ay naglalagas tuwing sasapit ang tag-init kat muli
namang uusbong sa pagsisimula ng tag-ulan.
________15. Isang makitid na daanang tubig na nagdurogtong sa dalawang malaking bahagi ng tubig ay
tinatawag na kipot.

VI. TALASANGGUNIAN
 Samson, Maria Carmelita; Sim, Anabelle T.; Daroni, Christian E. “Siglo 7: Araling Panlipunan”
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Inilathala na may karapatang-ari 2019 at
ipinamahagi ng Rex Book Store, Inc. (RBSI) na may punong taggapan sa 856 Nicanor Reyes Sr.
St., Sampaloc, Manila.
23 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

ARALIN 2- ANG YAMANG TAO AT KOMPOSISYONG


ETHNOLINGGUWISTIKO NG MGA REHIYON SA ASYA

PAMANTAYAN SA BAWAT BAITANG/ANTAS (Grade Level Standard)


 naipamamalas ang malalim napag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya,
kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa
pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon
ng Asya.

PAMANTAYAN SA PANGNILALAMAN (Content Standard)


Ang mag-aaral ay…
 naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)


Ang mag-aaral ay…
 malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sianunang kabihasnang Asyano.

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY:


1. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon
2. Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad
ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon

I. ESPESIPIKONG LAYUNIN:
Sa araling ito, inaasahang…
1. naipaliliwanag ang kahalagahan ng etnolingguwistiko ng mga rehiyon sa Asya;
2. nasusuri ang kaugnayan ng yamang tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng lipunan;
3. nakabubuo ng ideyang makapagpapahayag sa pag-unawa sa aralin;
4. naipapakita ang kakayahan sa pagpapanatili bilang isang Pilipino sa pamamagitan ng pagsulat ng
isang sanaysanay para sa epektibong pagganap at paggalang ng iba’t-ibang grupo sa Asya.

II. PANIMULANG PAGTATAYA:


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
24 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

1. Ang dalawang batayan sa paghahati ng grupong etnolinggwistiko.


a. etnisidad at wika c. relihiyon at lahi
b. etnisidad at pamahalaan d. wika at kaugalian
2. Antas ng paglaki ng populasyon ay nakukuha matapos maibawas ang death rate sa birth rate.
a. Population Explosion c. Population Growth
b. Population Density d. Demographer
3. Ito ay ang pandarayuhan o paglipat ng tao sa ibang tirahan o lugar.
a. populasyon c. life expectancy
b. yamang-tao d. migrasyon
4. Isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng Pilipinas.
a. Likas na yaman c. Mineral
b. Yamang Tao d. Yamang Tubig
5. Tawag sa mabilis at biglang paglaki ng populasyon.
a. Population Explosion c. Population Growth
b. Population Density d. Demographer
6. Nag-aaral tungkol sa populasyon, komposisyon, distribution, at mga pagbabago rito, pati na ang
sanhi at bunga ng mga pagbabagong ito.
a. Population Explosion c. Population Growth
b. Population Density d. Demographer
7. Bilang ng tao sa bawat milya o kilometro kuwadrado.
a. Population Explosion c. Population Growth
b. Population Density d. Demographer
8. Tawag sa ratio o katumbas na buhay ng ipinapanganak sa isang bansa sa bawat 1,000 kababaihang
may kapasidad na manganak.
a. Dependency Ratio c. Literacy Rate
b. Two-child Policy d. Fertility Rate
9. Ang mataas na _____________ ay nangangailang ng higit na panustos para sa serbisyong
panlipunan, pankalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan.
a. Dependency Ratio c. Literacy Rate
b. Two-child Policy d. Fertility Rate
10. Tumutukoy sa sistema ng paniniwala, gawi, pagpapahalaga, o uri ng pamumuhay ng isang pangkat
ng tao.
a. Kultura c. Pangkat etniko
b. Wika d. Village-based Society
11. Isa sa pinakamahalaga at pinakamatibay na pagkakakilanlan ng kultura ng isang pangkat ng tao o
bansa.
a. Kultura c. Pangkat etniko
b. Wika d. Village-based Society
12. Ang pangkat etnikong natatanging may kakaibang pisikal na kaanyuan kumpara sa mga makabagong
Hapones.
a. Ainu c. Bonan
25 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

b. Han d. Hezhen
13. Kinikilalang pambansang wika ng Japan.
a. Hangul c. Chosŏn mutcha
b. Nihongo d. Uygur
14. Kilalang sulat-kamay sa North Korea.
a. Hangul c. Chosŏn mutcha
b. Nihongo d. Uygur
15. Tradisyonal na pamayanan kung saan ang mga gawain at ari-arian ay kontrolado ng isang angkan
lamang.
a. Kultura c. Pangkat etniko
b. Wika d. Village-based Society

III. GRAPIKONG PANTULONG:

YAMANG TAO
NG ASYA

MGA SALIK SA
MABILIS NA DISTRIBUSYON

PAGLAKI NG NG
ANG
POPULASYON POPULASYON
YAMANG TAO AT
KOMPOSISYONG
ETHNOLINGGUWISTIK
O NG MGA REHIYON
SA ASYA

ANG WIKA AT MGA PANGKAT


KULTURANG ETHNIKO SA
ASYANO ASYA
26 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

Ang yamang tao ay tumutukoy sa bilang ng tao o pangkat ng taong mayroong kakayahan na maghanap
buhay upang mapaunlad ang sarili at ang lugar na kanyang kinabibilangan. Samantala, ang mga Asyano ay
binubuo ng iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko. Tumutukoy ang pangkat etnolingguwistiko sa mga pangkat
na nabuo batay sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura. kinabibilangan.

CORE CONTENTS

ENGAGE: SULAT KAALAMAN AT KASANAYAN!


Panuto: Dahil sa lawak ng sakop ng Asya, ang katangian ng mga Asyano ay inaasahan nang magkakaiba.
Punan ang K-W-L chart upang ating mataya kung ano ang alam mo na tungkol dito.

What I Know? What I Want to Know? What I Learned?


(Ano ang alam ko?) (Ano ang nais ko pang (Ano ang natutuhan ko?)
malaman?)

EXPLORE: KAALAMAN AT KASANAYAN!


I. YAMANG TAO NG ASYA
Ang yamang tao ay isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng Pilipinas. Ang mga
mamamayan ng ating bansa ang may angking talion, kasanayan, kakayahan, at lakas upang makagawa ng
iba’t-ibang bagay o produkto at ang mga serbisyong tutugon sa mga pangangailangan natin. Dagdag pa rito
27 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

ang pagkamalikhaing tao na nasa karagdagang sangkap upang lalong maging mahusay ang kanilang mga
gawa.

II. MGA SALIK SA MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON


Population explosion ang tawag sa mabilis at biglang paglaki ng populasyon. Ayon sa mga demographer,
kinakailangang balance ang bilang ng tao at ang antas ng yamang tao. Subalit patuloy na paglaki ng
populasyon, mabilis na nauubos ang atig likas na yaman. Ang kaganapang ito ay bunga ng sumusunod na
mga salik:
a) Pag-unlad ng Medisina - ang mga makabagong tuklas na larangan ng medisina ay nagbigay-daan
upang higit na maraming bilang ng bagong panganak ang makaligtas sa mga kinatatakutang sakit na
dati ay walang lunas tulad ng mga smallpox, cholera, chickenpox, at iba pa.
b) Pagsulong ng Teknolohiya - maliban sa mga pagbabagong nagawa ng medisina, pinaunlad din ng
teknolohiya ang produksiyon na makabubuhay at nakapagbibigay ng supota ng pagkain sa higit na
maraming bilang ng populasyon.
c) Dami at Paglak ng Populasyon sa Aysa – ang population growth o antas ng paglaki ng populasyon
ay nakukuha matapos maibawas ang death rate sa birth rate. Kapag nakahihigit ang bilang ng mga
taong ipinapanganak sa bilang ng mga taong namamatay sa isang bansa sa loob ng isang taon,
masasabing mataas ang growth rate sa lupaing ito. Kung nakahihigit naman ang dami ng mga
namamatay kaysa ipinapanganak sa loob ng isang taon, negatibo naman ang growth rate sa
bahaging ito ng daigdig.

Demographer- nag-aaral tungkol sa populasyon, komposisyon, distribution, at mga pagbabago rito, pati na
ang sanhi at bunga ng mga pagbabagong ito.

III. DISTRIBUSYON NG POPULASYON


Hindi pantay ang pagkakbahagi ng populasyon sa Asya. Ito at maaaring makapal o manipis batay sa
bilang ng mga taong nabubuhay sa isang teritoryon, bansam o rehiyon. Ang distribusyon ng populasyon sa
isang teritoryo ay nakasususlat sa pamamagitan ng population density.
Population Density- bilang ng tao sa bawat milya o kilometro kuwadrado.

 Komposisyon ng Population
Ang kompusisyon ng populasyon at tumutukoy sa takdang bilang o bahagdan ng mga tao sa loob ng
isang bansa batay sa gulang, kasarian, literasi, at iba pang element ng populasyon. Ang komposisyon ng
populasyon ay may mahalagang implikasyon sa pag-unlad ng ekonomiya sa antas ng kabuhayan ng isang
bansa. Ito ang batayan ng mga programang kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

 Komposisyon ng Gulang
Ang komposisyon ng gulang ng populasyon ng isang bansa ay repleksyon ng takbo at pagbabago ng
fertility rate, migrationrate, at mortality rate ng mga nagdaang taon.

Fertility rate- ang tawag sa ratio o katumbas na buhay ng ipinapanganak sa isang bansa sa bawat 1,000
28 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

kababaihang may kapasidad na manganak. Samantala, ang mortality rate naman ay tumutukoy sa bilang ng
namamatay na batang ipinapanganak kada 1,000 bilaang ng populasyon sa loob ng isang taon. Ang fertility
rate ang pinkamahalaga at pinakatiyak na nakasulat ng gulang ng populasyon. Ang mataas na bilang ng
fertlitity rate sa nakalipas na taon aay nagbubunga ng higit na malapad na sukat ng pundasyon ng piramiide
dulot ng mataas ang dependency rationg bansa.

 Implikasyon ng Mataas na Dependency Ratio sa Bansa


Ang mataas na dependency ratio ay nangangailang ng higit na panustos para sa serbisyong panlipunan,
pankalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan. Isa ang Yemen sa may pikamataas na dependency
ratio sa daigdig. Ang pagkakaloob ng mga serbisyong ito ay kinakailangan upang maging malakas, malusog,
at produktibo ang mamamayan at lakas-paggawa ng isang bansa. Tulad ng mga nakababatang bilang ng
populasyon, ang isang matandang populasyonay nangangailangan din ng higit na matatag na serbisyong
panlipunan at pangkalusugan. Ang matandang populasyon ay magbubunga ng kakulangan ng lakas-
paggawa sa isang bansa sa hinaharap.

 Komposisyon ng Kasarian
Ang komposisyon ng kasarian ng populasyon ay tumutukoy sa bilang ng kalalakihang ipinapanganak
nang buhqay kada bilang ng kababaihang ipinapanganak nang buhay sa loob ng isang bansa. Kapuna-puna
sa mga bansang Asyano ang mataas na bahagdan ng kalalakihan kasya kababaihan sa kontinente.

Ang patakarang one-child at late, long, few child bearing ng China ay nagdulot ng higit na mababang
bahagdan ng fertility rate. Ang 2.1 na fertility rate nito noong 1979 ay unting-unting bumababa patungong
1.54 noong 2010. sa kabila ng 300 milyon sa loob ng dalawampung taon. Kaya naman winakasan na ng
pamahalaang China ang nasabing patakaran noon 2016 at ipinatupad naman ang two-child policy. Dito
pinapayagan na ang mag-asawa na magkaroon ng hanggang dalawang anak upang muling lumaki ang
populasyon at mapalitan ang tumatandang populasyon ng bansa.

 Inaasahang Haba ng Buhay


Kapansin-pansin ang pagtaas ng bahagdan ng itinatagal ng buhay sa Asya mula sa pagpasok ng ika-20
siglo. Ang mabilis na kaganapang ito ay higit na mapapansin sa Silangang Asya. Karaniwan na ang edad
74(average) sa kasalukuyan na nagsimula lamang sa edad 45 mula noong taong 1950. Ang kalagayang ito
ay pinangungunahan ng Hong Kong at Japan kung saan lumalagpas na sa edad 83 ang itinnatagal ng haba
ng buhay at 81 naman sa iba pang bansa.

Ang pagbabagong ito ay sanhi ng malawakang pagbabagong naganap sa medisina at teknolohiya na


nagging daan sa pagpapalaganap ng kalusugan sa buong daigdig. Ang pagtatagumpay ng medisina laban
sa mga nakamamatay na sakit at mga proyektong pangkalusugan, pagpapalaganap ng edukasyon tungkol
sa kainaman ng masustansiyang pagkain, at pagkakaloob ng malinis na inumin ay nagging daan upang
mabawasan ang bilang ng namamatay sa higit na batang edad.
29 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

Ang paghaba ng bahagdan ng baha ng buahy at pagbaba ng fertility rate ay may malaking kaugnayan sa
bahagdan ng lakas-paggawa ng bawat bansa. Matapos mapag-isipan ang pagpapabaha ng buhay ng atao,
nakbabahala ang maaaring maging bunga nitong kakulanga sa lakas-paggawa. Ikinababahala rin ng mga
bansa sa rehiyon ang nakaambang pangangailangan sa pagtaas ng buwis na kailangang ikarga sa lakas-
paggawa upang masupotahan ang pagbibigay ng benepisyo sa bilang ng populasyong nasa edad 65 pataas.

 Bilang ng may Hanapbuhay


Mahalaga rin para sa isang bansa na pagtuunan ng pansin ang bilang ng walang hanap- buhay. ang mga
mamamayang walang hanapbuhay ay karaniwang nakararanas ng kawalang ng regular na kita at mga
benepisyo ng isang naghahanapbuhay, respeto mula sa kapwa, at pagkakaroon ng maayos na pamumuhay.
Ang ganitong kalagayan ay maaaring maging dahilan ng depresyon at pagsasarili na maaring maging sanhi
ng higit na sikolohikal at pisikal na suliranin. Ayon din sa ilang pag-aaral, ang higit na maraming bilang ng
walang hanapbuhay ay nauuwi sa pagtuon ng pansin sa gawaing hindi kanais-nais tulad ng paggamit ng
bawal na gamut, labis na pag-inom ng alcohol, bandalismo, at iba pang uri ng krimen na karaniwang makikita
sa mga may eded na 16 hanggang 24.

 Migrasyon at Kita ng Bawat Tao


Migration rate ang tawag sa bilang ng mga taong nandarayuhan palabas ng isang bansa matapos
maibawas dito ang bilang ng mga taong nandarayuhan paloob ng nabanggit ding bansa. Mula taong 2000,
may 175 milyong tao o tatlong bahagdan ng pandaigdigang populasyon ang naninirahan na sa labas ng
kani-kanilang bansa. Ang bilang na ito ay inaasahan pang lalaki sa buong panahon ng ika-21 siglo.

Ang paglaki ng bahagdan ng migrasyon ng tao sa pagitan ng mga industriyalisadong bansa at mula sa
umuunlad pa lamang na bansa ay bunga ng kakulangan ng hanapbuhay sa pinagmumulan na bansa ng mga
tao sa kani-kanilang bansa at sa pangangalap ng mga industriyalisadong bansa ng bilang ng laks-paggawa
na kasalukuyang may kakulangan sa kanilang bansa na may tumatanda ng populasyon. Mahalaga ring
mabigyang-pansin ang literacy rate ng isang populasyon. Ang bahagdan ng literasiya at tumutukoy sa bilang
ng populasyong marunong bumasa at sumulat sa isang bansa.

Upang maitaas ang bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, ipinatutupad ng mga bansa sa Asya
ang sapilitan at libreng edukasyon sa elementarya. Karaniwang nahaharap sa matinding hamon ang mga
bansa sa ilang rehiyon sa Asya. Ito ay bunga ng napakaraming bilang ng mga mag-aaral kung ihahambing
sa bilang ng mga guro, paaralan, ata gamit pamparaaralan sa mga bansa.

IV. ANG WIKA AT KULTURANG ASYANO


Ang kultura ay tumutukoy sa sistema ng paniniwala, gawi, pagpapahalaga, o uri ng pamumuhay ng
isang pangkat ng tao. Naisasalin ito sa susunod na henerasyon sa tulong ng umuunlad na kaalaman.

Ang wika naman ang isa sa pinakamahalaga at pinakamatibay na pagkakakilanlan ng kultura ng isang
pangkat ng tao o bansa. Ang kasanayan sa pagsasalita at pakikipag-ugnayan ang tanda ng malaking
30 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

pagkakaiba ng tao sa mga hayop na nagtatakda at naglalarawan sa pananaw ng tao sa kaniyang


kapaligiran.

Pandaigdigang Kaalaman
Ayon kay Hagen (2018), ang sumusunod ay ilan lamang sa nakahahalinang katotohanan tungkol sa wika:
 May 7,000 bilang ng wika sa buong mundo.
 May 23 bilang ng wika lamang ang gamit ng higit sa kalahating populasyon sa daigdig.
 Ang wikang Españolang pumapangalawa sa pinakaginagamit na wika sa daigdig.
 Ang wikang Ingles ay binubuo ng 250,000 na mga salita.
 Ang United States ay walang opisyal na wika. Sa katotohanan, ipinagpalagay lamang ng maraming
tao sa bans ana ito ay Ingles o English.
 Ang Bibliya ang aklat na may pinakamaraming translasyong bersiyon sa daigdig. Pumapangalawa
naman ang Pinocchio.
 Ang mahigit 1.5 milyong Amerikano ay katutubong nagwiwika ng Pranses.
 May 200 iba’t-ibang salita ang mga taga-Hawaii para sa salitang “ulan.”
 Ang 30% ng wikang Ingles ay nagmula sa Pranses.
 Ang Papua New Guinea ang mayroong pinakamaraming wika sa daigdig. Ito ay mayroong 840 na
wika.
 May 20,000 bagong salitang Pranses ang nililiha kada isang taon.
 May 21 bansa sa daigdig na ang opisyal na wika ay Español.

 May 300 wika ang winiwika sa London.

 Ang kauna-unahang wikang ginamit sa kalawakan (space) ay Russian.


 Ang pag-aaral ng wika ay nakapagpapatalas ng memorya at nakapagpapabagal sa proseso ng
pagtanda ng isang tao.
 Gamit ng isnag taong nagwiwika ng Chinese ang magkabilang panig ng kaniyang utak samantalang
gamit lamang ng taong nagwiwika ng Ingles ang kaliwang bahagi ng kaniyang utak.

V. MGA PANGKAT ETHNIKO SA ASYA


May kinalaman sa heograpiya ang lugar kung saan naninirahan ang tao, samantalang may kinalaman
naman sa etnisisdad ang pagkakakilanlan ng tao. Inilalarawan ang mga Asyano ayon sa uri ng wika,
relihiyon, pisikal na anyo, uri ng pamumuhay, at pamahalaang bunga ng magkakaibang paniniwala ng iba’t-
ibang pangkat ethniko na bumubuo rito. Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mga pangkat ethnikong ito ay
bunga ng magkakaibang kondisyong pang kapaligiran na kanilang ginagalawan.

 MGA PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA SILANGANG ASYA


 CHINA
o Sa kabila ng lawak at monolitikong kultura ng China, ang mga Tsino ay binubuo ng
magkakahalong pangkat ethniko.
o Ang pangkat ethniko ng mga Han ang bumubuo sa halos 94% ng populasyon ng bansa.
Matatagpuan ang mga Tsinong Han sa halos lahat ng bahagi ng China.
31 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

o Matatagpuan ang angkang Chuang sa bahaging hangganan ang China sa mga bansang
Myanmar, Laos, at Vietnam.
o Ang Uzbek at Hui naman ang bumubuo sa mga pangkat na matatagpuan sa Taiwan.
o Ang iba pang pankat etnikong Tsino ay binubuo ng 55 pangkat.
o Ang pangkat ng Achang ay may sariling wika na hindi naglaon ay ginamit ng pangkat Dai at
Mandarin. Ang pangkat na ito ay mahusay sa paggawa ng mga kagamitang bakal.
o Ang Bai ay malikhain at mahilig sa putting damit at palamuti. Mahilig rin sila sa literature at
musika.
o Ang iba pang pankat etniko tulad ng Miao, Tibetan, Mongol, at Tar na namumuhay sa mga
lupaing steppe ng China ay karaniwang nagpapastol ng mga alagang hayop at gumagawa ng
mga produktong handicaraft.
o Ang mga Bonan na matatagpuan sa timog-kaunlaran ng lalawigang Gansu ay kilala rin sa
paggawa ng mga industriyang handicraft at nananalig sa relihiyong Islam. Ang mga Bonan ay
tradisyonal na mahilig sa pagtugtug ng mga instrumenting woodwind at stringed.
o Ang mga Bouyei naman ay ang pangkat na mahusay sa pagsasaka at pangungubat. Sa mga
pangkat na ito nagmumula ang mga industriyang gawa sa pagbuburda.
o Ang mga Gin na naninirahan sa Autonomus Region ng Guangxi Zhuang ay nabubuhay bilang
mga magsasaka at mangingisda. Bigas ang kanilang pangunahing pagkain at karaniwang
nananalig sa Taoism.
o Ang mga Hani naman ng Yuan at Lantsang Rivers ay naniniwala na naiimpluwensiyahan ng
maraming diyos at diyosa ang kanilang pang-araw-araw na buhay.
o Ang mga Hezhen ang pinakamaliit na pangkat ethniko ng China na nananalig sa relihiyong
Shamanism at naniniwala na ang lahat ng bagay ay may kaluluwa kung kaya’t sila ay nananalig
sa maraming diyos at diyosa.

 JAPAN
o Ang mga Ainu ang pangkat etnikong natatanging may kakaibang pisikal na kaanyuan kumpara
sa mga makabagong Hapones. Batay sa kanilang pisikal na katangian, ang ga Hapones ay
kabilang sa pangkat ng mga Mongoloid na nahahaluan ng lahing Malayan at Caucasoid.
o Ang pamilya ng Yamato ay kinikilalang nandayuhan sa bans amula pa nuong ikaapat na siglo at
nakapagtayo ng monarkiya sa kinikilalang prefecture ng Nara.
o Ang Nihongo ay kinikilalang pambansang wika ng Japan. Ito ay kabilang sa pamilya ng wikang
Japonic o Japanese-Ryukyuan.

 KOREAN PENINSULA
o Katatagpuan ng pinakamagkakauring pangkat etniko sa buong daigdig.
o Ang North Korea na piniling mapahiwalay sa buong daigdig mula 1945 ay pinaninirahan ng halos
mga Koreano lamang na nahahaluan ng kaunting bahagi lamang ng mga Tsino. Gamit nila ang
wikang Korean na kapamilya ng wikang Tungusic.
o Ang Chosŏn mutcha ang kilalang sulat-kamay sa North Korea. Ang sulat-kamay na ito ay
32 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

ginagamit sa mga publikasyon ng pahayagan ng walang bahid o hiram na salita mula sa mga
Tsino.
o Karaniwan din ang mga Koreano sa Timog Korea na nahahaluan ng kakaunting bilang ng mga
Tsino na karaniwang naninirahan sa Seoul. Hangul ang kilalang sulat-kamay sa South Korea.

Ang mga Mongolian ay binubuo ng pangkat ng Khalkha na kumakatawan sa halos 94% ng populasyon
ng bansa at kaunting bahagdan ng pangkat ng mga Turkic, Tsino, at Russian. Ang mga Mongolian ay
mayroong sariling wika at sulat-kamay na kabilang sa pamilya ng wikang Altaic. Gamit nila ang tatlong
diyalekto na Inner Mongolian, Barag-Buryat, at Uirad.

Ang sulat-kamay ay nakabatay sa sinaunang Uygur. Ang sulat-kamay ng mga Tsino ang nag-isa sa
rehiyon sa Silangang Asya dahil ito ang natatanging sulat-kamay sa pagsisimula ng kasaysayan ng mga
bansa sa rehiyon. Ito rin ang itinuturing na pinakamatandang sistema ng pagsulat sa daigdig. Ang sulat-
kamay at wikang Tsino ay unang naipasa sa mga Koreano, na nakapaglinang naman ng sariling sulat-kamay
na tinatawag na Hangul o Hangeul. Ginamit itong batayan ng mga Hapones sa paglikha ng kanilang sariling
sulat-kamay. Marami ring salitang Hapones ang nag-ugat sa salitang Tsino.

 MGA PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA TIMOG ASYA


Ang pangkat etniko sa mga estado ng hilagang India at Pakistan na pinagmulan ng kabihasnang Indus,
Maurya, Kushan, Gupta, at imperyong Mughal, ay nagmula sa angkan ng Indo-Aryan.
 Ang ilang estado naman sa katimugan ng bansa at Sri Lanka ay binubuo ng pangkat etnikong
Dravidian na may maitim na balat tulad ng mga Negritong pygmies sa pulong Andaman. Ang mga
Dravidian ang sinasabing pinakamatagal na pangkat etnikong nabubuhay sa India.
 Sa mga bansang Nepal, Bhutan, at mga estado ng Sikkim, Jammu, at Kashmir ng India na
nakahanay sa Himalaya naninirahan ang mga pangkat etnikong Lepcha, Bhutia, Hindu, Parbatiyas,
Newars, Dolpas, Kalash, at Bhutanese na gumagamit ng wikang kabilang sa pamilyang Tibeto-
Burman.
 Matatagpuan naman sa Bangladesh ang pangkat etnikong Bengali na kabilang sa pamilyang Indo-
Aryan. Kabilang din sa pangkat ng wikang ito ang pangkat ng mga Sinhalese at Tamil na
naninirahan sa Sri Lanka, pangkat ng Dhiveli, mga Indian, Arab, Malay, at African na matatagpuan sa
Maldives.
 Ang sinaunang lipunan sa Timog Asya ay nakabatay sa nakagawiang pagsasama-sama ng
makakaangkan sa iisang nayon o village-based society. Isang mahalagang tradisyon din ang
pagbabayad ng dote sa magulang ng babae.

Village-based society – tradisyonal na pamayanan kung saan ang mga gawain at ari-arian ay kontrolado ng
isang angkan lamang.

Caste- bahagi rin ng lipunan sa Timog Asya ang sistemang caste kung saan ang mga mamamayan ay may
kinabibilangang antas sa lipunan na namamana. Ang sistemang ito ay impluwensiya ng relihiyong Hinduism.
Sa ilalim nag sistemang ito,
33 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

o Nalilimitahan ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan.


o Hindi maaaring makipag-ugnayan sa ibang caste kung ang isang mamamayan ay kasanib sa isang
antas ng caste.
o Ang caste ang nagtatakda sa anumang gawain o hanapbuhay ng mga kasanib nito.

Extended- o pinalawak ang uri ng pamilya na mayroon sa Timog Asya. Karaniwan na ang sama-samang
paninirahan ng magkakamag-anak sa iisang sambahayan. Sa ilalim ng ganitong kaayusan, ang suliranin ng
isang kasapi ng angkan ay suliranin ng lahat ng kasapi nito.
 MGA PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO NG TIMOG-SILANGANG ASYA
Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog-silangang Asya ay binubuo ng maraming pangkat etniko.
 Sa Myanmar matatagpuan ang mga Shan, Karen, Kachin, Burman, Achang, Padaung, at Kayah na
karaniwang mga Buddhist.
 Sa Thailand naman matatagpuan ang mga Miao, Mon Thai, Ho, at angkang Muong na dumayo mula
sa China.
 Ang mga Akha, Vietnamese, at Tsino ng Vietnam ay nahaluan naman ng pangkat ng mga Khas mula
sa Indonesia.
 Sa Laos, ang halos 69% ng mga tao ay binubuo ng pangkat etnikong Lao at walong bahagdang
Laoloum, Lao Soung, Hmong, Yao, etnikong Vietnamese, Tsino, at Thai.
 Sa Cambodia, ang mahigit sa 90% ng populasyon ay nagmula sa pangkat etnikong Khmer at ang
natitira nama’y binubuo ng mga Tsino, Vietnamese, Cham, at Khmer Loeu.
 Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng nakararaming pangkat ng Malay, pangkat ng Bumiputra
sa Sabah at Sarawak, Bajaos at Orang Asli.
 Sa Indonesia, ang pangkat etnikong Javanese ang bumubuo sa pinakamalaking bahagdan ng
populasyon.
 Ang natitirang bahagdan ay binubuo ng pangkat ng mga Austronesian-Malay at Sudanese
Madurese.
 Ang Timor-Leste ay binubuo ng magkahalong pangkat ng mga Malayo-Polynesian, Melanesian, at
Papuan.
 Ang pangkat etnikong Tetum na mula sa Malayo-Polynesian ang bumubuo sa pinakamalaking
bahagdan ng pangkat etniko sa Timor-Leste.
 Ang pangkat etniko sa Brunei ay binubuo ng mga Malay at Tsino.
 Ang karamihan naman sa mga Pilipino ay nagmula sa pangkat Austronesian. Ilan sa mga ito ay ang
Visayan, Tagalog, Ilokano, Moro, Kapampangan, Bikolano, Pangasinese, Igorot, Lumad, Mangyan,
Ibanag, Badjao, Ivatan, at mga tribo ng Palawan.
 Subalit ilan sa mga wika at wikain nito ay nanganganib nang maglaho dahil sa paglawak ng
globalisasyon at pagsulong sa makabagong panahon.
 Ang ilan sa mga ito ay ang wikang Asi, isang wikang Visaya na karaniwang gamit ng mga Visayan na
kasama ng Romblomanon, Calatravanhon, Odionganon, Sibalenhon, Simaranhon, at Visaya.
 Ito ay ginagamait sa mga pulo na kabilang sa Romblon tulad ng Tablas, Banton, Simara, at Maestre
de Campo.
 Ang mga Negrito, Aesta, at Ati ang itinuturing na katutubong pangkat etniko ng bansa.
34 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

 Natuklasang ang mga sinaunang pangkat ng tao sa rehiyon ay nagmula sa katimugang Asya na
nagwiwika ng Austronesian o Austro-Asiatic na dating kilalang Malayo-Polynesian.
 Dito nagmula ang maraming diyalektong gamit sa Pilipinas, Indonesia, Malaysi, Borneo, Timor-leste,
at iba pang bansa sa rehiyon.
 Ang mga pangkat na animist, bago pa dumating ang mga relihiyong Hinduism at Budddhism mula sa
India. Tulad ng Silangang Asya, rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay naimpluwensiyahan din ng
relihiyong Buddhism at prinsipyong Confucianism na nagmula sa India at China.
 Umiiral din sa rehiyon ang pamilyang patrilinyal. Sa pamilyang patrilinyal, ang mga gawain at
pagpapasiyang pampamilya ay pinamumunuan ng pinakamatandang lalaki sa angkan.

Patrilinyal- ang ama o pinakamatandang lalaki sa angkan ang nasusunod sa mga pagpapasiya.

 MGA PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA KANLURANG ASYA


Ang mga taga-Kanlurang Asya ay karaniwang nagmula sa mga angkang Turk, Arab, Afghan, Jew, at Farian.
 Sa Kanlurang Asya rin matatagpuan ang mga pangkat etnikong Kurd, Assyrian, Iraqi, Turkmen,
Persian, Armenian, Baktiari, Lurs, Qashari, at Shahsavan.
 Ang mga Kuwaiti ng Kuwait ay nahaluan ng mga Arab at Iranian.
 Ang Kanlurang Asya ang pinagmulan ng mga makasay-sayang relihiyon na Judaismo, Kristiyanismo,
at Islam. Mga Turkish, Arab, at Persian ang tradisyonal na bumubuo ng rehiyong ito.
 Ang Kanlurang Asya ay pinag-iisa ng salitang Turkish, na tumutukoy sa mga pangkat o indibidwal na
mamamayang lumaki at naiuugnay ang sarili sa kulturang Turkish at kabilang sa populasyon na
Turkish ang ginagamit na wika;
 Mga Arab na gumagamit ng wikang Arabic at may tradisyong Arabic sa gawi at paniniwalang
pampolitika at panlipunan;
 Mga Persian na kabilang sa pangkat Iranian at gamit ang wikang Indo-Iranian.
 Ang malaking bilang ng mga Arab sa rehiyon ay mga Muslim, samantalang ang ilang bahagdan
naman ay mga Kristiyano at Hudyo na karaniwang matatagpuan sa Syria, Jordan, Palestine, Iraq, at
Lebanon.
 Ang wikang Arabic ay lumaganap kasabay ng relihiyong Islam. Ito ang gamit na wika ng Qur’an, ang
banal na aklat ng mga Muslim.
 Ang panitikan, musika, at arkitektura sa Kanlurang Asya ay kombinasyon ng pinayamang Arabic at
Persian, na naimpluwensiyahan ng mga relihiyong Judaism, Kristiyanismo, at Islam.

 MGA PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA HILAGANG ASYA/GITNANG ASYA


Magkakaibang pangkat etniko rin ang matatagpuan sa Hilagang Asya. Sa rehiyon matatagpuan ang mga
Turbic, Tajik, Uzbek, Kazakh, Kirgyz, Turkmeni, at Karakalpak.
 Ang mga pangunahing relihiyon sa rehiyon ay Islam na pinananaligan ng mga pangkat ng
Turkic/Indo-Iranian at Buddhism na pinananaligan ng mga Mongolian.
 Ang mahabang kasaysayan ng rehiyon ay pinagyaman ng kulturang Mongol, Persian, Russian,
Tsino, Indian, Chinese, Arabian, at Turkish na napangingibabawan ng impluwensiyang Islam.
 Dulot ito ng estratehikong lokasyon ng rehiyon sa kilalang Silk Road na nagsilbing daan ng
35 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

pangkalakalan sa pagitan ng Silangan at Kanluran.


 Karaniwang nomadic ang mga pangkat etnikong naninirahan sa mga steppe ng rehiyon. Ang
pagkakakilanlan ng mga bansa sa Hilagang Asya ay unang itinatag ng makasaysayang Kazakh
Khanate noong ika-16 na siglo.
 Ang dating nomadic na mga pangkat ng tao sa rehiyon ay pinag-isa ng Kazakh Khanate, ang
estadong Kazakh noong taong 1456 hanggang 1731, na bahagi ng kasalukuyang Kazakhstan.

EXPLAIN: PAGLINANG NG KAISIPAN!


Panuto: Matapos mong basahin ang mga impormasyong nakapaloob sa “explore” na parte ng araling ito,
sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit itinuturing na yaman ng isang bansa ang kaniyang mga mamamayan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Gaano kahalaga ang sulat-kamay ng mga Tsino sa kasaysayan ng Silangang Asya?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Bakit maraming pangkat etniko ang matatagpuan sa China?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Sa kasalukuyan, may mga pangkat etnolingguwistiko sa Asya na naninirahan pa rin sa mga lipunang
tradisyonal. Paano nakaaapekto ang ganitong uri ng lipunan sa mga Asyanong namumuhay rito?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Dahil sa mga nararanasan nating pagbabago, nararapat bang alisin na ang pag-uuri sa mga Asyano
ayon sa pangkat etnolingguwistiko at kilalanin na lamang ang lahat bilang mga mamamayan ng
Asya?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

EXTEND
Gawain 1: Baon-Kaalaman!
Panuto: Magbigay ng tatlong (3) konsepto na nagpapakita o nagpapaliwanag sa koneksiyon ng yamang tao
sa kabihasnan.
36 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman!


Panuto: Dahil ang Asya ay naging tagpuan ng iba’t-ibang pangkat etniko, nabuo ang dalawang konseptong
may kinalaman sa katangiang ito ng kontinente: ang Asya bilang melting pot at ang Asya bilang salad bowl.

1. Gumawa ng isang simbolo na magpapaliwanag kung paano nakikita sa Asya ang dalawang
konseptong nabanggit.

ASYA BILANG MELTING POT ASYA BILANG SALAD BOWL

Simbolo: Simbolo:

2. Alin sa dalawang konsepto ang mas makatutulong sa mga mamamayan at pamahalaan ng mga
bansa sa Asya? Magbigay ng kongkretong halimbawa.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

EVALUATE: SANAYSAY!
Panuto: Pagisipan ang naging kaugnayan ng iyong natutuhan sa araling ito at sumulat ng isang sanaysay
tungkol sa paraan kung paano napapanatili ang pagiging Pilipino sa kabila ng pag-aangkop sa iba’t-ibang
kulturang napag-aralan at aktuwal na nakakasalamuha. Ang sanaysay ay naglalaman lamang ng 50-60 na
37 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

mga salita. Ang iyong gawa ay nakabatay sa rubrik na nasa ibaba.

V. PAGBUBUOD:
 Bukod sa yamang galling sa kalikasan, yaman ding itinuturing ng bawat bansa ang mga taong
naninirahan dito.
 Bagama’t maaaring lumabis ang pagdami nito at maging sanhi ng napakaraming pagsubok sa
lipunan, nananatiling ang lakas-paggawa pa rin ang katuwang ng pamahalaan sa pagpupunyagi para
sa isag maunlad na sambayanan at maginhawang kinabukasan.
 Ang yamang ito rin ang nagging sandalan kung bakit ang mga sinaunang kabihasnan ng Asya ay
38 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

umusbong, yumabong, at nahubog sa kung anuman ang mayroon tayo sa kasalukuyan.


 Sa kabila ng pagkakaiba-iba sa maraming bagay, kasiya-siyang makita at maramdaman na ang mga
Asyano ay nakabuo ng isang kultura at pagkakakilanlan na masabi nating tunay na Asyano.
 Ang nabuong wika at paraan ng pamumuhay ng mga bansa sa Asya, bagama’t magkakaiba, ay
kinakikitaan pa rin ng pagkakahawig at nagagamit nila upang bumuo ng isang payapa at
magkakaisang mundo.

VI. PANGHULING PAGTATAYA


Panuto: Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tinalakay sa pamamagitan nang pagsagot
sa panghuling pagtataya. Isulat ang “T” kung ang pangungusap ay Tama at isulat naman ang “M” kung ang
pangungusap ay Mali. Ilagay ang inyong sagot sa patlang bago ang numero.

_______1. Village-base Society ay isang tradisyonal na pamayanan kung saan ang mga gawain at ari-arian
ay kontrolado ng isang angkan lamang.
_______2. Uygur ay kilalang sulat-kamay sa North Korea.
_______3. Hangul ay kinikilalang pambansang wika ng Japan.
_______4. Ang mga Ainu ay ang pangkat etnikong natatanging may kakaibang pisikal na kaanyuan kumpara
sa mga makabagong Hapones.
_______5. Ang wika ay isa sa pinakamahalaga at pinakamatibay na pagkakakilanlan ng kultura ng isang
pangkat ng tao o bansa.
_______6. Ang kultura ay tumutukoy sa sistema ng paniniwala, gawi, pagpapahalaga, o uri ng pamumuhay
ng isang pangkat ng tao.
_______7. Ang mataas na dependency ratio ay nangangailang ng higit na panustos para sa serbisyong
panlipunan, pankalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan.
_______8. Fertility ang tawag sa ratio o katumbas na buhay ng ipinapanganak sa isang bansa sa bawat
1,000 kababaihang may kapasidad na manganak.
_______9. Bilang ng tao sa bawat milya o kilometro kuwadrado ay tinatawag na population density.
_______10. Nag-aaral tungkol sa populasyon, komposisyon, distribution, at mga pagbabago rito, pati na ang
sanhi at bunga ng mga pagbabagong itoay tinatawag na demographer.
_______11. Population Growth ang tawag sa mabilis at biglang paglaki ng populasyon.
_______12. Isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng Pilipinas ay ang yamang tao.
_______13. Migrasyon ay ang paglipat ng tao sa ibang tirahan o lugar.
_______14. Population explosion ay ang antas ng paglaki ng populasyon ay nakukuha matapos maibawas
ang death rate sa birth rate.
_______15. Ang dalawang batayan sa paghahati ng grupong etnolinggwistiko ay ang mga etnisidad at wika.

VIII. TALASANGGUNIAN:
 Samson, Maria Carmelita; Sim, Anabelle T.; Daroni, Christian E. “Siglo 7: Araling Panlipunan”
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Inilathala na may karapatang-ari 2019 at
39 Modyul 1 | ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

ipinamahagi ng Rex Book Store, Inc. (RBSI) na may punong taggapan sa 856 Nicanor Reyes Sr. St.,
Sampaloc, Manila.

You might also like