Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MALAY 32 (1) December 2019, pp.

24-33

Diskurso ng Pagsusulatan ng Dalawang Binibining


Urbana at Felisa
Urbana and Felisa: Discourse of Letters
of Correspondence
Maria Fe G. Hicana
Techonological University of the Philippines-Taguig
mariafegannaban@yahoo.com

Layunin ng pag-aaral na ito na maitampok ang diskurso ng pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Felisa sa deskriptibong
pamamaraan. Sa ika-18 siglo naisulat ang akda kaya hindi mapapasubalian ang kalaliman ng pananagalog na ginamit na
midyum sa pagsusulatan ng liham ng magkapatid na nasa magkaibang lugar: si Urbana ay nasa Maynila tulad ng ibinabadya
ng kaniyang pangalang buhat sa “urban” at si Felisa naman ay nasa probinsiya na ang pangalan naman ay nangangahulugang
“kasiyahan.” Inilatag sa pag-aaral na ginamit na midyum ang pagpapalitan ng liham ng magkapatid upang maghatid ng mga
aral at kagandahang-asal na sinusunod at ipinasusunod alinsunod sa pamantayan ng lipunan noong panahong iyon.
.

Mga Susing Salita: diskurso, Urbana, Felisa, kagandahang-asal, pagsusulatan

This study aims to highlight the discourse of the Urbana and Felisa sisters in writing in a descriptive way. The book was
written in the eighteenth century, ergo, the lexicon used were on the frozen level or mostly archaic: Urbana is in Manila
which implies her name “urban” while Felisa was in the province and her name was derived from the word ‘felicity’ which
means “happiness.” The study presented the teachings and etiquette that were followed and practiced according to the social
norms of the time in the means of exchanging of letters of Urbana and Felisa.

Keywords: discourse, Urbana, Felisa, values, exchanging of letters

Copyright © 2019 by De La Salle University


Urbana at Felisa Maria Fe G. Hicana 25

PANIMULA ilan sa mga prayleng Kastila na nagpipilit sumulat sa


wikang hindi nila sarili.
Tungkol sa Awtor
Tungkol sa Aklat
Malaki ang papel na ginagampanan ng awtor
Ang pagsipat sa kaligirang pangkasaysayan ng
sa kaniyang akda upang maitanghal ang mga nais
Urbana at Felisa ay isang lente ng pagtanaw upang
niyang isiwalat sa paraan ng panulat. Kaugnay nito,
maikonekta ang mga patlang ng espasyo ng nakaraan
masasalamin ang idyosinkretikong paraan ng panulat
sa kasalukuyang panahon gamit ang teksto.
ng manunulat mula sa kaniyang obra. Ginamit ang
Ang aklat na ito sa wikang Tagalog ay naipalimbag
pagsusulatan ng magkapatid upang sa pamamagitan
nang paulit-ulit na nagpapatunay lamang na marami
nito ay maghatid ng aral na nararapat sundin ng mga
itong mambabasa. Taong 1855 nailimbag ang aklat
mamamayan alinsunod sa patakarang nais ipasunod
ngunit isinaad ni Alzona na noong 1864 lamang unang
lalo na ng simbahan noong panahong iyon na sa
lumabas ang aklat at muling nailimbag noong mga
ikalabinwalong siglo ay mahigpit na ipinatutupad ang
taong 1877, 1889, 1907, 1925, at 1938 (Alzona, 209).
kautusan ng mga prayle.
Ang muling pagpapalimbag matapos ang Hulyo, 1938
Si Padre Modesto de Castro, ang awtor, ay isang
ay noong Enero 1946. Muli itong inilimbag noong
paring Pilipino na isinilang sa Biñan, Laguna. Walang
Abril, 1946 at Agosto, 1947.
makatiyak ng araw ng kaniyang kapanganakan, ngunit
Hindi lamang sa wikang Tagalog ito nakalimbag
sa aklat ng panitikan ni Lachica (1996), nakasaad
ang Urbana at Felisa. Nakalimbag din ito sa iba pang
na isinilang ang pari noong kalahati ng ikalabing-
wika tulad ng Ilokano, Bikolnon, at Bisaya sapagkat
anim na dantaon. Nag-aral sa Colegio de San Jose,
may mga salin na sa wikang ito. Isinalin ito sa Iloko ni
isang paaralan na pinangangasiwaan ng mga paring
Caoili noong 1867 at naipalimbag muli sa wikang ito
Heswita at pinagtapusan ng maraming bantog na pari
noong 1892. Ang salin sa wikang Bisaya ay inilimbag
dito sa Pilipinas. Naging kura sa Katedral ng Maynila
noong taong 1867.
at pagkatapos ay sa Naic, Cavite. Napabantog dahil
Binubuo ang aklat ng katipunan ng mga liham ng
sa kahusayang magsermon sa wikang Tagalog at sa
dalawang binibining sina Urbana at Felisa. Tinagurian
kahanga-hangang pagbigkas nito at sa dakong huli ay
din itong aklat na katututuhan ng mga gintong aral.
dahil sa maririkit na akda sa wikang Tagalog. Kinilala
Ginamit na behikulo ni Padre Modesto de Castro
siya ni Epifanio de los Santos—isang mamim­itak sa
ang pagsusulatan ng magkapatid upang ipabatid ang
wikang Kastila sa panahon ng manunuri at mananaysay
mainam na asal ng tao na dapat sundin ng lahat sa
bilang kumakatawan sa prosa tagala noong ika-19 na
kanilang pakikipagkapuwa-tao, bata man o matanda,
dantaon sa Panitikang Tagalog. Dahil sa pagkakasulat
at babae man o lalaki.
ng Urbana at Felisa ay tinagurian siyang “Ama ng
Si Urbana ang nakababata sa magkapatid ay
Klasikong Tuluyang Tagalog.” Ikinapit naman ng ilang
nag-aaral sa isang kolehiyo sa Maynila samantalang
manunuri ng Panitikang Tagalog kay Padre de Castro
si Felisa ay nasa lalawigan (sa aklat, nakasaad ang
ang pagkilala bilang “Hari sa Tuluyan.” Maliban sa
Paombong, Bulacan kung ang liham ay galing kay
Urbana at Felisa ay sumulat din siya ng “Coleccion de
Felisa). Matutunghayan sa panimula ng aklat ang
Sermones en Tagalo” (1864). Isa pang naging bantog
unang liham ni Felisa kay Urbana na may petsang
na isinulat niya ay “Exposicion de las Siete Palabras.”
Mayo 10. Anim (6) na liham sa kabuuan ang kaniyang
Gayundin, sumulat siya ng isang nobena na nauukol
naisulat kay Urbana. Samantalang 25 naman ang liham
kay San Isidro Labrador na patron sa bayan ng Biñan.
ni Urbana kay Felisa. Tatlong liham mula sa isang pari
Ayon sa pananaliksik ni Encarnacion Alzona (1895),
na walang pangalan na kaibigan ni Urbana at hinilingan
ang “Platicas Doctrinales” na unang nilimbag noong
ng payo tungkol sa pag-aasawa ni Felisa kay Modesto.
1855 ang unang akda ng pari at inulit lamang ito
Pundamental na binabasa ng mga Pilipino ang
noong mga taong 1864 at 1878. Si Salvador Pons, sa
aklat na ito noong panahon ng Kastila. Lumikha ito ng
kaniyang aklat na “El Clero Filipino,” ay nagpahayag
malaking impluwensya sa mga Pilipino bilang isang
na “itong aklat na Platicas kung saan ay patay na ang
namumukod-tanging instrumento ng pagbabago ng
may-akda ay ginamit nang walang kapahintulutan ng
iba’t ibang perspektiba ng transpormasyon ng mga
instrumento ng pagbabago ng iba’t ibang perspektiba ng transpormasyon ng mga kaugaliang

panlipunan sapagkat ginamit na behikulo ang pagsusulatan kung saan nakapaloob sa bawat liham
26 Malay Tomo 32 Blg. 1
ang mga kagandahang-asal at mga kaasalan na dapat gawin at sundin sa lipunan. Binalangkas at
kaugaliang panlipunan sapagkat ginamit na behikulo gawin at sundin sa lipunan. Binalangkas at hinimay
anghinimay sa aklat
pagsusulatan angnakapaloob
kung saan tungkol sa
sabawat
mgaliham
nararapatsa ikilos o tungkol
aklat ang gawin sa
sa mga
iba’tnararapat
ibang ikilos
okasyon o
o gawin
ang mga kagandahang-asal at mga kaasalan na dapat sa iba’t ibang okasyon o pagkakataon, gaya ng mga
pagkakataon, gaya ng mga sumusunod: sumusunod:

Dayagram
Ang nobela ay naglalaman ng 1:palitan
Balangkas
ng ng Nararapat
liham Ikilos
ng magkapatid. Ang nakababatang si

Felisa ay naiwan
Ang nobela sa probinsiya
ay naglalaman samantalang
ng palitan ang nakatatandang
ng liham gayon din ang kapatid na si
baguntauo, at Urbana ay nag-aaral
macapupulot nang hatol
ng magkapatid. Ang nakababatang si Felisa ay na dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun
sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila
naiwan sa probinsiya samantalang ang nakatatandang na puno ngestado
na sa pangangaral
na..” Sasa kaniyang
mga sulat ni kapatid hinggil
Felisa kay Urbana
kapatid na si Urbana ay nag-aaral sa isang kolehiyo na nagsasabing “ang magandang asal nang capatid
ng sa kung
mga anosaang
babae nararapat
Maynila ugaliin
na puno sa iba’t ibang
ng pangangaral sa pagkakataon.
na bunso naBinabanggit niya ang
si Honesto, maca mga tukso
pag-aaral at
ang bata,
kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang nararapat at maca tatanto nang caniyang catungkulan sa Dios,
ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon. Binabanggit niya pagka tanao nang kaliuanagan nang canilang bait…”
ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at Binanggit ni Padre Modesto de Castro sa aklat na ang
binibigyang-pangaral hinggil sa kung paano maiilagan pag-aaral ng Urbana at Felisa ay pakikinabangan4ng
ang mga ito. Isa na rito ang ilang pagpapaalala sa mga tao.
tula ng “makapupulot ang dalaga, makapag-aaral Nahahati sa dalawang dibisyon (dikotomisado)
ang bata, makaaaninao ang may asawa, makatatamo ang mga kaasalang nararapat gawin sa kaakuhang
ang binata ng aral na bagay sa kalagayan nang isa’t inilalantad nina Urbana at Felisa. Sa pamamagitan ni
isa…” Payo naman ni Urbana kay Felisa ang ganito, Urbana, nagbabantad ang mga kautusang ibinabandila
“mag-aral ang dalaga nang pag-ilag sa panganib na ng kaniyang pangalan gaya ng wastong asal sa sarili, sa
ikasisira nang kalinisan; at ang kaniyang magandang kapuwa, at sa lipunang kinabibilangan, at pinong pag-
asal ay magagauang uliran nang ibig mag-ingat nang uugali ayon sa dikta ng lipunang kinaaniban. Kabilang
cabaitan at loob na mataimtiman.” Dagdag pa rito ang mukha naman ng mga katungkulan ang itinampok sa
pangangaral ni Urbana ukol sa pag-aasawa. Sa mga kaakuhan ni Felisa; ang batas-etika ng katungkulang
sulat ni Urbana na “ucol sa pagtangap nang estado hindi lamang sa sarili kundi para sa bayan, higit para sa
nang matrimonio, ang dalaga, ay makapag-aaral, at Diyos, katungkulan ng ina sa anak, paglagay sa estado
Urbana at Felisa Maria Fe G. Hicana 27

at hindi nakaligtas ang katungkulan sa pagsusulat nilang magpalitan ng mga komento at kaalaman. May
dahil ito ang pinakamabisang instrumentong ginamit mga alam si Urbana na hindi alam ni Felisa, ngunit
noong panahong iyon na nagsisilbing punyal o mitsa kung minsa’y may mga nasasabi si Felisa na bago
ng digmaan o sulo ng kapayapaan. Samakatuwid, kay Urbana. Huwag din nating kalilimutan na kahit
subhekbtibong kautusan ang mga ito sa mga batas ng naman nasa probinsiya si Felisa, bukas pa rin ang
mga dapat at hindi dapat; mga kautusan na gigiya sa kaniyang isipan sa mga bagong konseptong inihahatid
mga mamamayan saan man sila naroroon, anoman ang sa kaniya ni Urbana sa pamamagitan ng panulat.
kanilang estado o kinasasadlakan sa anomang panahon; Subalit sa kabilang banda, ang antas ng paggamit ng
manipestasyon ang lahat ng ito ng urbanisasyon upang diskursong ito ay nagsisilbing giya rin upang higit
makamit ang iniluwal na kasiyahan o felicidad. pang mawalan ng interes, malabnawan, kung hindi
man ay mahirapang dalumatin ng mamamayan ang
Diskursibong Pagsipat sa Urbana at Felisa bawat naratibong ang layon sana ay magsulong ng
pangmadlang interes ngunit nakasentro sa nararapat
Sa usapin ng pagdalumat ng diskurso, ipinaliwanag na igawi o ikilos ng isang nilalang sa idinidikta ng
nina Wetherell at Potter (1987) sa kalikasan ng lipunan kung ano ang tunguhin o simulain ng kaniyang
diskursibong sikolohiya (discursive psychology) ikikilos at kung para saan ang mga ito. Naglalantad
na ang wastong pagpoposisyon at pagrereposisyon ito sa katotohanang nalalambungan ang bisa ng salita
ng manunulat sa kaniyang sarili at ang mismong upang maging pormal na lunsaran ng paghahawan
paninindigan niya sa isyu ang bumubuo ng malinaw na sa mga suliraning tatambad sa lipunan. Sa punto ng
imahe ng argumento at pagkilos sa isip ng mambabasa. pananagumpay, malaking bagay ang pagnanais na
Ang ganitong konsepto ay litaw na litaw sa panulat ni iparating sa target na odyens ang pagpili ng salita,
Modesto de Castro. ang moda, ang tono, ang artikulisadong paraan ng
Ang papel na ito ay tumatalakay sa sistema ng pagpapahayag, ang emosyon o damdaming paiigpawin,
pagkakasulat at akto ng pagpapalawig sa pamamagitan ang pagiging satiriko o innuendo, o palaban, o
ng pagsusulatan ng magkapatid na may titulong subersibo, o kontrobersyal o konserbatibo, o ang
“Pagsusulatan ng Magkapatid na Urbana at Felisa.” humor. “The medium is the message”, wika nga ni
Sa madaling sabi, noong panahong iyon ay nagsilbing McLuhan (1964). Bagamat hindi mapapasubalian
handbook ang aklat na ito ng mga Pilipino tungo sa ang akdang ito dahil naipakita rito ang pagpapahalaga
pagkakaroon ng wastong pag-uugali at tamang asal. ng mga Pilipino noong panahong iyon sa mabuting
Ang bawat liham ng magkapatid ay naglalaman asal, sa wastong pag-uugali, at ang pananalig sa
ng mga ideolohiya at pananaw na gumagabay Diyos. Ang bawat palitan ng liham ng magkapatid ay
sa mga Pilipino noon. Sa kabilang banda, hindi naglalaman ng mga ideolohiya at pananaw na gumigiya
inilalantad ang dambuhalang pangako ng literasi sa mga Pilipino noon. Maaari ring ipagpalagay na
sa wika upang maging mobilisador at katalisador noong panahong iyon, ang nilalaman ng aklat ay
o instrumento ng pagbabago ng pagsusulong sa pinakamagandang halimbawa ng koleksiyon ng
mga aspirasyong personal, indibidwal hanggang sa mga kaisipan at pagpapahalaga ng mga Pilipino ng
mga pagnanasang tumutuon sa materyalisasyon ng ikalabingwalong siglo dahil sa pagkakalimbag nito
panlipunang kamalayan at pagbabago partikular ang noong 1864. Hindi maitatatwa ang katotohanang ang
usapin ng kagandahang-asal. Aminin man natin o hindi, pagbabalik-tanaw sa mga pagpapahalagang tinalakay
madalas, ang mga mensaheng nagtataglay ng malusog sa aklat ay maaaring makatulong sa ating kasalukuyang
na substansya ay nagmumula sa akademya, sa hanay panahon upang lalo nating makilala ang lipunang ating
ng mga intelektuwal na nagtatataas pa sa empirikal pinanggalingan.
na interpretasyon ng diskurso at hustipikasyon gaya Ayon nga kay Santos (1994), ang obrang Urbana
na lamang ng pananaw na ang galing sa siyudad ay at Felisa ay isang mahusay na alulod ng urbanidad
mas matalino at mas may alam sa lipunan, kumpara at ahente ng kolonisasyon sapagkat dito nila hustong
sa nanggaling sa probinsya. Isang tahasang halimbawa natutunan kung paanong gagarin ang mga gawi
ng diskriminasyon. Ngunit maaari rin naman nating ng mga Kastila. Naging bahagi rin ng aklat ang
sabihin na sa magkapatid, bagamat magkaiba sila ng paglalahad ng mga dapat ikilos sa lahat ng larang ng
mundo at kulturang ginagalawan ay nagagawa pa rin buhay. Pinangunahan ito ng pagtalakay ng tungkol sa
28 Malay Tomo 32 Blg. 1

pagpapahalaga sa Diyos at pagsunod sa magulang. asal ay katutubo sa mga Pilipino. Ang kagaslawan na
Tahasang inilatag din sa aklat ang mga dapat na ikilos ating napupuna sa mga kabataan sa ngayon ay hindi
sa simbahan, ang pakikipagkapuwa-tao, pagdalo katutubong asal kundi dala ng mga dayuhang buhat sa
sa piging, pakikipagsulatan, pakikipag-ibigan, iba’t ibang dako ng sansinukob (Alzona, 1895).
paglalakad sa lansangan, at paglagay sa estado. Bantad sa katotohanan ng ‘Moralistikong Pananaw’
Hindi rin kinaligtaang talakayin ang mga dapat igawi o Didaktikong Persperktiba ang naglandas sa aklat na
ng babae sa lipunan. Ginamit na instrumento ni de ito. Pastoral ang pangangaral (dala marahil sa bokasyon
Castro ang pagsusulatan nina Urbana at Felisa sa ng awtor), ang oryentasyon ay nakapangyayari sa mga
paraang tagubilin upang isa-isahin ang mga paraan at panghabang-buhay at unibersal na katotohanan, at
regulasyong dapat gawin ng isang lalaki at babae sa mga di mapapawing pagpapahalaga. Matalinghaga at
lungsod. Pangunahin sa mga tagubilin ni de Castro ang lubhang malalim ang Tagalog na ginamit. Tahasan at di
pagkilala sa Diyos nang higit sa lahat at ang pagdakila mapapasubalian ang ugnayan ng bumabasa sa teksto,
sa mga magulang, kahinhinan, ang pagiging masunurin naging mabisa sa buhay ang mga kaisipang binigyan ng
sa mga ipinag-uutos ng nakatataas (i.e. banayad na dugo at laman ng mga elemento ng likhang-isip, kung
paraan ng pagpapasunod sa mga nasa pamahalaan kaya’t paborito itong basahin sa lahat ng tahanan ng
lalo na sa simbahan), dagdag pa ang pangaral sa mga Pilipino noon. Sa perspektibang didaktiko, tulad
pagiging matimpi, malinis sa diwa at kaanyuan, at nito, napahalagahan sa ganitong kritikal na oryentasyon
ang pagiging mapagpakumbaba. Hindi rin nakaligtas ang prinsipal na papel ng may-akda bilang saserdote,
ang wastong pagbabantas sa pagsulat. Ilan lamang siya ay isang pambihirang nilalang na may kakaibang
ito sa mga estilong ginamit ni de Castro upang ilahad lalim at lawak ng isipan na kaniyang inihandog sa
ang mga reglamentong paulit-ulit na ipinaaalala sa mga Pilipino.
pamamagitan ng mga bibig nina Urbana at Felisa. Ang Simboliko naman ang mga pangalang ginamit; ito
mga nabanggit na pamantayan sa mga dapat ikilos ay ay sumasagisag sa mga kabutihang-asal. Magmula
matamang itinuro sa mga paaralan noong panahon ng sa pangalan ng may-akda na si Modesto, ito ay
Kastila at itinuring bilang mga batas ng kabutihang nangangahulugang mayumi at disente. Ang Urbana ay
asal ayon sa pamantayan ng mga kolonisador. Ito ang sumasagisag sa urbanidad, pagiging sopistikada, at may
idyosinkretikong estilo ng panulat ng may-akda. kaalaman sa kagandahang-asal. Malinaw na ibinabadya
Isinusulong naman ni Alzona (1895) ang pananaw ng kaniyang pangalan ang katotohanang nag-aaral siya
na “ang mga Pilipino ay hindi na nangangailangan ng sa isang kolehiyo sa Maynila at ang kaniyang kapatid
“Emily’s Post” upang magturo sa kanila ng ukol sa naman na si Felisa ay ipinapamaraling maligaya,
pakikipagkapuwa-tao, sapagkat mayroon na tayong masaya. Maging ang bunsong kapatid na si Honesto
isang Padre de Castro na nag-iwan sa atin ng mga ay hindi rin nakaligtas sa sinasagisag ng kaniyang
gintong-aral na dapat ugaliin ng mga Pilipino hindi pangalan na may kahulugang marangal, matapat,
lamang sa mga nakaraang araw kundi sa ngayon man at malinis na budhi. Panghuli, maging ang guro ni
at sa hinaharap.” Urbana na si Prudencia ay may ipinapahiwatig ding
Nakatala sa aklat na ito ang mga nakabibighaning kahulugan na maingat, mahinhin, at mabini. Ang antas
asal ng Pilipino, gayundin ang mga masasagwang ng paggamit ng mga sagisag sa pangalan ng mga tauhan
kilos na dapat ilagan o iwasan. Mababasa rito ang ay gumigiya sa nais ipaunawa at ipangalandakang
mabubuting aral sa anak at sa mga magulang na kahulugan na nakaangkla sa mga kabutihang-asal
kung susundin ang lahat ay masasabing tayo’y lahing na nakalundo sa nais ipaabot ng may-akda sa mga
mapapalad at higit na marangal sa lahat. Datapwat, mambabasa gamit ang wikang Tagalog bagamat ang
may mga ilang tala na hindi na akma sa kasalukuyang mga pangalang ginamit ay may bahid ng wikang
panahon. Espanyol.
Ang mga kasaysayan sa ating bayan ay pawang Kung gayon nga, sang-ayon na rin sa kaisipan ni
isinulat ng mga tagaibang lupa na nagsasabi na McLuhan (1964), may mahalagang gampanin ang
ang mga Pilipino noong mga unang panahon ay wika sa pagbibigay ng kahulugang nais iparating ng
magagalang sa matatanda lalong-lalo na sa magulang awtor sa target na mambabasa. Upang pagtibayin ang
at kaanak, maiingat sa katawan, malilinis sa bahay, at kaniyang mga aral ay humango si Padre Modesto de
marurunong tumupad sa pangako. Ang kahinhinang- Castro sa Banal na Kasulatan na akma sa kaniyang mga
Urbana at Felisa Maria Fe G. Hicana 29

isinulat. Sa simpleng salita, naging “mouthpiece” niya Sa isang banda, kung dadalumating mabuti,
ang magkapatid sa paghahatid ng aral. ang bawat isa’y masasabing gamitin ito lalo na sa
Nag-uumapaw ang mga tagubilin ni Urbana kay “paghihiwatigan” nating mga Pilipino, Kinagawiang
Felisa. Maging ang kanilang pagsasalitaan ay di komunikasyon natin ang penomenog ito dahil ito’y
mapapasubaliang mga usapin hinggil sa nararapat nakalublob sa ating kultura. Ayon kay Maggay (2002),
iasal kung nasa simbahan, sa eskwelahan, nasa aliwan, maraming mekanismo ang Pilipino sa pagpaparating
namamasyal; gayundin ang wastong asal sa pagdalaw, ng niloloob o iniisip. Habang tumataas ang antas
maging ang nararapat gawin sa sarili at ang kalinisan ng pakikipagpalagayang-loob, tumataas din ang
ay hindi nakaligtas. Binigyang-diin din ang wastong berbalisasyon at pagtatapatan ng tunay na damdamin
bantas at gamit sa pagsulat na noong mga panahong at kaisipan. Sa sandaling ang “ibang tao” ay ituring
iyo’y napakatibay na sandata. na “di ibang tao”, magaang na naibubulalas ang nasa
Bagamat napakatagal na ng panahon ang lumipas sa loob; naihahayag ang sadyang totoo; at ang pormal
sa pagkakalimbag ng aklat, masasabing sa isang banda, na pakikitungo ay madalas napapalitan ng pagbibiro,
kung sisipating mabuti ay maituturing na ang ilang harap-harapang pagpapahayag, at masayahing
nabanggit na aral sa aklat ni de Castro ay angkop pa pakikipag-usap. Ang mga binanggit ni Padre Modesto
rin sa ating panahon tulad ng kaasalan sa kapuwa, de Castro ay nasa hangganan ng “linya ng ibang tao”
simbahan, piging, at pagdalaw. Sa nararapat iasal lamang dahil sa kulturang Pilipino. Hindi maiiwasan
sa piging, ang sulat na ito ni Urbana kay Felisa ay ang maaanghang na biro hanggang sa umabot sa
mga bilin niya sa kaniyang dalawang nakababatang panunudyo dahil sa lubos namang kilala ang mga
kapatid tungkol sa karapat-dapat na asal nila kapag kausap lalo na’t kung kabarkada o ‘kaberks’ (sa
sila’y naanyayahan sa isang piging sapagkat maaaring bulgar na salita) ang linya ng kahatulan ng usapan ay
makasira sa imahe ang maling gawain. Una, sinabi naiiba pagdating sa antas ng “di ibang tao” na hindi na
niyang pagdating sa bahay ay kailangang bumati ng maisasaalang-alang ang mga aral ni de Castro.
“magandang gabi” o “magandang araw” sa may bahay, Datapwat, sa isang banda, upang maging pantay ang
saka isusunod ang mga kaharap. Huwag magpapatuloy timbangan, masasabing may ilang bahagi sa aklat, tulad
sa kabahayan hanggang hindi inaanyayahan. Bago ng ilang mga aral sa dalaga, ay maaaring sabihing hindi
lumuklok ay hintayin muna na pagsabihan at huwag na akma sa panahong ito. Dahil sa matuling pagbabago
pipili ng mahal na luklukan. Iwasan ang mamintas, ng ating kabuhayan na hatid ng bagong kabihasnan.
itago na lamang sa sarili. Litaw na litaw sa puntong Ayon sa aklat, ang isang dalaga ay di dapat na maglakad
ito ang paghihiwatigan nating mga Pilipino lalo na mag-isa nang huwag matukso o malapastangan, gaya
kung saang posisyon at sino ang nararapat umupo ng mapagbiro at mapagsamantalang mga lalaki. Ang
sa luklukan dahil ito ay may ipinahihiwatig na ganitong kaasalan ay bihirang-bihira nang maganap
katungkulan o posisyon. Idinagdag pa ni Urbana na sa kasalukuyang panahon. Gayundin, hindi dapat
kapag nasa mesa ay huwag makikiluklok sa matatanda makikipag-usap nang mag-isa sa lalaki at baka siya’y
at sa pagkain ay iwasan ang pag-ubo, pagsinga, o pagparinggan ng mahahalay na salita. Sa panahon
pagbahin. Huwag ding magpapauna sa matanda sa natin ngayon, panahon ng digital, ang mga babae ay
pagsubo - sa pahiwatig ito ay nangangahulugang kahalubilo na ang iba’t ibang kasarian kahit na sa
kawalang-galang sa nakatatanda. Dagdag pa niya na kapuwa babae, nakikihalubilo na rin sa iba’t ibang
iwasang kumaing namumuno ang bibig, dalas-dalas at kilusang panlipunan, hindi na lamang sa bahay ang mga
malalaki ang subo. Masama ang mahalatang maibigin babae. Nagtatrabaho na ang kababaihan sa ngayon at
sa alak. Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at huwag kadalasang magtatrabaho pa uli sa mga gawaing-bahay
namang magpapauna ng pagtindig - pahiwatig pa rin pagkagaling sa trabaho. Nabigyan na rin ang kababaihan
ng kawalang-galang sa mga nakatatanda. At sa pag- at kalalakihan ng puwang sa lipunan kumpara sa
alis, sinabi ni Urbana na bago umalis sa dulang ay isinulat ni Padre Modesto de Castro. Malaki na ang
magpasalamat sa Diyos, ang dapat mamuno ay ang isinulong ng ating lipunan pagdating sa pag-uugali ng
may-bahay. Magpasalamat sa may-bahay. Bagamat, lalaki’t babae. Kung susuysuyin ang isinulat sa aklat,
mangilan-ngilan na lamang o marahil ay mabibilang mababanaag ang ugali ng lalaki na parang mabangis na
na lamang sa mga daliri ang sumusunod sa ganitong hayop na walang inaabangan kundi ang masunggaban
kaasalan. at mapagsamantalahan ang babae. Naging likas na sa
30 Malay Tomo 32 Blg. 1

karamihan ng mga lalaki nang panahong yaon ang pangangailangan ng pamilya. Taliwas sa kasalukuyan
maging mapagsamantala sa paglugso sa kapurihan ng na maging ang tubig ay hindi na maaaring hingiin,
isang babae sa bawat pagkakataon na dapat layuan, lalo na sa Maynila, wala ng libre, lahat ay tumataas
Ilagan, at katakutan ng mga babae (Alzona, 1895). Sa maliban na lang daw sa mga unano, pahayag ng
situwasyon sa kasalukuyan, hindi na mahalay malasin ilan na idinadaan na lamang sa biro. Wala na ring
ang babae kung maglalakad o maglalakbay nang mag- mapagtamnan dahil walang sapat na espasyo para
isa, gayundin naman kung makipag-usap sa lalaki rito lalo na sa Maynila na mahal ang presyo ng lupa.
ay hindi na manganganib. Mas nakararami ang mga Gayumpaman, nakaatang pa rin sa mga magulang ang
babae sa Pilipinas kumpara sa mga lalaki. Tahasan na kabutihang dapat asalin ng bata, nakasalalay pa rin sa
rin ang usapan ng iba’t ibang gender sa chat room, sa kanila ang paghubog ng kaisipan at katauhan ng bata.
iba’t ibang platform ng mga social networking site. Ang aral tungkol sa katungkulan sa bayan ay
Mas liberal at hayagan ang mga paksang tinatalakay ibinilin ni Urbana kay Felisa na ituro kay Honesto
at wala na halos parametro ang nakatakda. Virtual sakali’t siya ay maglilingkod sa bayan. Ang mga
ang usapan ng mga babae at lalaki, bakla at tomboy, tagubiling ito ay napapanahon sa kasalukuyan. Isa sa
bisexual at transgender, queer, at iba pang gender sa mga tagubilin ay ganito:
social media kaya madali ang magpahayag at magkubli
sa katotohanan at nagagawa ng iba na manloko dahil Cailan mai houag lilimutin nang puno ang
sa nakatago nitong identidad. caniyang
Sa isang banda, may hinirang naman si Padre catungkulan, lumingap sa lahat, mahal man at
Modesto de Castro na bagong tao na maging huwaran hindi,
ng mga binata. Pinangalanan siyang Amadeo at sapagkat cun ang paglingap niya ay laganap sa
naging kabiyak ni Felisa. Ang isa namang sulat ay lahat
nagpapaunawa ng mga kailangan sa magsisipag- ay di lamang siya ang mamahalin nang tauo,
asawa upang lumawig at lumigaya ang kanilang cundi
sampo nang kaniyang familia, at sa panahon
pagsasama. Labing-apat na bagay ang binanggit sa
nang
aklat na kailangang isaalang-alang. Binigyang-tuon
caguipitan, ay di magpapabaya ang kaniyang
din ni de Castro ang tungkol sa kalasingan. Tinuligsa
pinagpaquitaan nang magaling.
niya ang mga kasamaang ibinubunga ng pagkalasing
na nakasisira sa kaluluwa at katawan ng tao. Pacatatandaan, na ang isang guinoo, o mahal na
Isa ring bahagi sa aklat ang pagtalakay sa maraming marunong tumupad sa catungculan, tapat na
aral na ukol sa mga magulang. Buong kahinahunang loob
ipinaliwanag ni Padre Modesto de Castro ang tungkulin sa manga caibigan, mapag-ampon sa manga
ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang pagtuturo mabababa,
ng kahinhinan, ang pagkatakot sa Diyos at iba’t iba maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay
pang ikabubuti ng kaluluwa at katawan. Makikita ito ligaya
sa kaasalan sa sarili na dapat gawin ni Honesto, sa at capurihan nang bayan, at hari nang lahat
simbahan at sa eskwelahan. nang puso.
Marami pang tagubilin sa mga magulang na dapat Sa batayang uica’; ang tunay na camahalan, ay
nilang ituro sa kanilang mga anak ang ipinangalandakan nasa
ni de Castro, ngunit sa panahong ito ay tila nakakaligtaan pagmamahal sa asal, at sa paggawa ng magaling.
na ng ilang magulang ang magturo sa kanilang anak ng
lahat ng kailangan sa ikabubuti ng buhay. Marahil ay Ang bahaging ito ay naglalaman ng panghabang
dahil sa paniwalang ang paaralan ang may tungkuling panahong batas. Nang ito’y isulat ng may-akda,
magsabalikat ng bagay na ito. Isa pa, kapuwa abala marahil ay di niya nagugunitang ang kaniyang
ang mga magulang sa paghahanap-buhay dala na tinubuang bayan ay darating sa isang panahong ang
rin ng takbo ng panahon. Kaiba sa kalagayan noon pagtupad ng katungkulang pambayan ay malalagay sa
na bawat bakuran ng tahanan ay may tanim na mga kamay ng pinagpupunuan at ng di namumuno lamang.
gulay at prutas at may mga alagang hayop kaya’t kahit Hindi niya marahil naisip na tayo’y sasapit sa panahong
ama lamang ang naghahanap-buhay ay sumasapat sa ang tao ang maghahangad sa isang tungkulin, haharap
Urbana at Felisa Maria Fe G. Hicana 31

sa bayan at magsasabing ibig niyang maglingkod, “May naquiquita ca namang na pasa sa bahay
siya’y isang bayaning makapagliligtas sa kaaba-abang nang
kalagayan ng kaniyang mga kababayan, siya’y isang patay na may panyong lucsa at ang baroi pula.
matalinong magiging takbuhan ng mga sinasawi ng Ano ang
kapuwa-tao, siya’y isang mayamang nahahandang ipinaguiuica sa canila nang manga tauong ito?
mag-abuloy sa lahat ng nagsasalat, at sa ibang salita, Tulig.
siya’y isang bagong Mesias na sumilang sa Belen May maquiquita ca namang anac na naglulucsa
upang tumubos sa sangkatauhan. sa
Magulang o asaua, ay di matagalan nang
dalauang buan
Winika ni Urbana ang ganito:
at inaalis na ang lucsa.”
“Ang mga camahalan sa bayan, ang
cahalimbawa’y Ano pa’t kahit na maikli ang aklat na ito ay
korona na di ipinagkaloob cundi sa may punung-puno naman ng mahahalagang tagubilin na
carapatan, mapapakinabangan at magagamit ng lahat kung ukol
caya di dapat pagpulitang camtan cundi din lamang sa ikapagkakaroon ng karangalan ng bawat
tanggihan, isa. Ito’y isang aklat na maihahanay sa mga lalong
cung di mapupurihan; ang camahalan at piniling aklat o klasika ng iba’t ibang bansa at hindi
carangalan mahuhuli sa lahat ng mga aklat na naisulat na.
ang dapat humanap ng ulong puputungan, at di
ang
KONGKLUSYON
ulo ang dapat humanap ng coronang
ipuputong…”
Sa akdang Urbana at Felisa, ang wika ay
ipinapalagay na reperensyal; hindi nito inaangkin
May mga kaugaliang pangkaraniwan dito sa ang kapangyarihan bilang wikang walang kahulugan
Pilipinas na pinupulaan ni Padre Modesto de Castro, maliban sa mga taglay na salita kundi isang kalipunan
gaya ng nauukol sa handaan at pagsasaya sa bahay ng o sistema na nagtuturo roon sa iba pang realidad na
namatayan, na magpahanggang ngayon ay iyan at iyan nasa labas ng wika. Sa madaling salita, ang wika ay
din ang mga ugaling umiiral sa ating mga bayan. Aniya: instrumento lamang upang ibaling ng mga mambabasa
sa mga panlabas na realidad na matatagpuan sa personal
“Cun dumadalao sa patay ay iilagan ang tauanan o pampublikong buhay ng isang nilalang. Simbolismo
at nang di uicain nang namatayan na di sila ang ginamit na mga pangalan; sumasagisag sa
dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang nararapat na ikilos at ihayag. Mapapansin ang uri ng
hapis. wikang ginamit sa aklat at ang baybay ng mga ito ay
Ang ipapanhic ay muchang nagpapaquita ng tahasang matutukoy na sinasalamin nito ang Tagalog
lumbay nang panahong sulatin ang aklat.
at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay Sa aklat na “Kritisismo: Mga Teorya” ni Reyes
sa (1992), sinabi niya na ang mga panitikan (lalo na
saquit. Ilagan ang maingay na pangungusap at noong ikalabinsiyam na dantaon) ay ginamit tungo
nang di sa mga dahilang hindi matatawag na estetiko. Isinulat
maañgat sa pagdamay sa hapis na kanilang ang mga dalit, tulang relihiyoso, at maging ang
layon. mga akdang prosa upang magamit sa kolonisasyon,
Capootan ang pagbibiroan at nang di uicaing Hispanisasyon, at Kristiyanisasyon ng mga katutubo.
walang Ang akdang ito na isinulat ng isang pari sa panahon ng
pinag-aralang mahal na asal.” pananakop ng mga Kastila ay nakatuon sa mabubuting
aral at mahahalagang tagubilin. Mahirap matukoy kung
Ang kaugalian tungkol sa pagluluksa ay pinapansin hanggang saan ang bisang naidulot ng aklat na ito sa
din ng may-akda. Ang wika niya: mga Pilipino lalo pa’t mahirap nang matagpuan sa mga
bookstore ang aklat na ito sa kasalukuyan. Sa pagsusuri
32 Malay Tomo 32 Blg. 1

ni Alzona sa kaniyang “Ang Bisa sa Lipunang Pilipino pinanggagalingan ng pagkasuwail natin sa kasalukuyan.
ng Urbana at Felisa” sinabi niyang “kung itatanong Madalas tayong magtangkang lumusot at ikutan
sa akin kung aling aklat sa panitikang Tagalog ang sa ang batas, at nang maisahan ang mga awtoridad at
ngayon ay dapat basahin ng lahat ng mamamayan ay makapangyarihan.
wala akong maitutugon kundi ang “Urbana at Felisa” Lahat ng kultura ay may panloob na
ni Padre Modesto de Castro. Sa aking palagay ay pakahulugan na kailangang pasukin at unawain muna
nararapat na ipalimbag ang aklat na ito ng pamahalaan sa loob upang mabatid kung ano ang saysay nito at
at ipamudmod sa lahat ng Pilipino upang ang tilamsik kabuluhan. Ang pananaw na ito ay mahalaga lalo na
man lamang ng mabubuting aral at tagubilin ni Padre sa mga panahong nadadala tayo, nagsusuri ng kultura,
Modesto de Castro ay mapaukit sa puso’t diwa ng at hinihila ito sa mga direksyong nagmumula sa mga
bawat kabataan na siyang maipagkakapuri ng ating puwersa sa labas. Marahil ang ating “pagkawala
lahi at magpapakinang sa kanilang katayuan sa mga sa sarili” ay matutugunan ng panunumbalik ng
ginintuang dahon ng haharaping panahon. Dagdag kakayahang magturing at bigyan ng pangalan ang likas
pa niya, “kung tunay na patay man ang kumatha ng na katauhang matagal na nalingid sa ating kamalayan.
Urbana at Felisa, ang pangalan naman niya ay buhay Wika nga ni Maggay (2002) “nawa ang pag-aaral na
pa rin sa ating mga guniguni, sapagkat siya ang tanging ito ay magsilbing munting ambag sa panawagan na
nakapag-iwan sa atin ng isang lapat at mabisang manumbalik tayo sa ating sarili.”
gamot na nagbibigay-lunas sa lasong makamandag Nais kong wakasan ang talakay mula sa mga
na nasasanghap ng ating mga kabataan. Ito’y ang mali katuruang isinaad sa akda na sana’y tumimo sa ating
at di tumpak na gawain ng ating kabataan sa ating isipan at magluwal ng bagong silang na kaisipan sa
lipunan sa ngayon. Ang kaniyang iniwan ay isang panahon ngayon:
mahalagang hiyas na magpapatampok ng karangalan “Ang wiwikain ko ay pinapalad ako, at ang
sa bawat sumupling na bunso ng Inang Bayan. Sa kahalimbawa ko ay nagsabog nang binhi, ay ang
ating pagtahak sa magulong landas ng buhay, nawa’y tinamaan ko ay mabuting lupa.
ang mahalagang hiyas na iyan na kaniyang iniwan ay “Ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap
magsilbing tanglaw sa pagtalunton natin sa tugatog ng ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap
walang hanggang tagumpay”. ng koronang ipuputong. Ang karangalan, sa karaniwan,
Marahil ay walang kaguluhan sa ating bayan kung ay may kalangkap na mabigat na katungkulan. Ang
talagang maisasabuhay ang mga aral ng may-akda magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa
ngunit hindi ito ang realidad dahil nariyan pa rin ang karaniwan ay hindi magandang nasa.”
katotohanang may mga puwersa ng kadiliman na “Ang karangalan sa mundo ay para rin ng mundo
naglulunoy sa ating lipunan; mga namamayagpag na may katapusan. Huwag magpakita ng kalupitan sa
upang mamayani ang kanilang kapangyarihan at pagnanasang igagalang ng tao. Huwag kalilimutan
puwersang naninibasib sa mga mahihina; at sa ubod ang katungkulang lumingap sa lahat, mahal man at
ng ganitong kalagayan, malalim ang mga pinag-ugatan hindi. Katapatan ng loob sa kaibigan, mapag-ampon
nito dahil sumala sa mga kabutihang-asal. Mahapdi sa mababa, maawain sa mahirap at tumupad sa
man sa mata, lumalatay man sa katawan, mahirap man katungkulan ay pupurihin ng bayan.”
tanggapin ang katotohanang ito—ngunit ito ang tunay “At sa kinakamtan kong tuwa ang nakakaparis ko
na kulay at pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan— ay isang magsasakang kumita nang aliw, uupo sa isang
marahil manlulupaypay at maghihinanakit ang may- pilapil, nanonood ng kaniyang halaman, at sa kaniyang
akda sa kalagayang ito ng ating bayan kung siya’y palayan na parang inaalon sa hirap nang hangin, at sa
nabubuhay; o di kaya’y isa siya sa mananawagan bungang hinog na anak ay butil na gintong nagbitin sa
sa lahat ng magulang, kabataan, at sa lahat sa mga uhay, ay kumita nang saya.”
politikong nagnanais humawak ng kapangyarihan sa
darating na halalan—nawa’y hindi pa huli ang lahat!
Ang Urbana at Felisa nawa’y di lamang manatiling
aklat, manapa’y umukit sa kaibuturan ng bawat isa.
Ang pagkakasanay sa pailalim na paghihimagsik
noong panahon ng kolonisasyon ay maaaring
Urbana at Felisa Maria Fe G. Hicana 33

SANGGUNIAN

Alzona, Encarnacion. 1895. “Ang Bisa sa Lipunang Pilipino


ng Urbana at Feliza.” Print.
Lachica, Veneranda. 1996. Literaturang Filipino. Grand
Water Publishing. Print.
Maggay, Melba P. 2002. Pahiwatig, Kagawiang
Pangkomunikasyon ng Filipino. ADMU Press. Print.
Martinez, Juliana. 1938. Urbana at Felisa. Aklatang J.
Martinez, Doroteo Jose, Maynila. Print.
McLuhan, Marshall. 1964. By Mentor, Understanding
Media: The Extensions of Man New York; MIT Press,
Cambridge. Print.
Potter, J. & Wetherell, M. 1987. Discourse and Social
Psychology: Beyond Attitudes and Behaviour. London:
Sage. Print.
Reyes, Soledad S. 1992. Kritisismo. Anvil Publishing, Inc.
Print.
Santos, Ronell. 1994. “Ang Lipunan at Kasaysayan sa
Urbana at Feliza.” Di-inilathalang tesis. Unibersidad ng
Pilipinas, Diliman. Print.

You might also like