Professional Documents
Culture Documents
Modyul 10 5 Galanza
Modyul 10 5 Galanza
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo na tutulong
sa iyong magkaroon ng pundasyon sa pag-aaral ng kabuuan ng El Filibusterismo.
Sa pagtugon ng mga gawain sa modyul na ito, magiging batayan mo ang mga kasanayan sa
Kasaysayan sa Pagsulat ng nobelang El Filibusterismo:
• Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa pama- magitan ng pagbibigay ng
halimbawa (F10PT-IVd-e-84)
• Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa -tao, magulang)
(F10PB -IVd – e -88)
• Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda (F10PU -IVd - e -87)
• Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon; pamamalakad sa pamahalaan;
Kabayanihan, karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at
pagsasamantala sa kapwa, kahirapan, karapatang pantao, paglilibang, kawanggawa, paninindigan
sa sariling prinsipyo, at iba pa (F10PB -IVd - e -89)
• Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang
hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin (F10WG -IVd - e -80)
Pagkatapos mg aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
Natutukoy ang kaisipang masasalamin at natatalakay kung ano ang pananaw at
nararamdaman hinggil dito sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain o graphic organizer.
Nakakasulat at nakapagpahayag ng sariling paniniwala at pagpapahalagang kaugnay nito
sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong.
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagsulat ng
sanaynay gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/
damdamin.
Ang galing mo, tiyak akong hindi ka nahirapan at ito’y iyong napag-tagumpayan.
Tara, pumunta naman tayo sa iyong susunod na gawain!
GAWAIN 2: BUOIN MO AKO!
PANUTO: Gamit ang mga clue, hulaan ang mga larawan. Pagkatapos, bumuo ng isang
pangungusap o isang kasabihan sa pamamagitan ng paggamit ng mga naisagot na mga salita.
Isulat sa papel ang sagot ng mga larawan at isang pangungusap o dikaya’y kasabihan.
___K__Y
__
1.
__I_I__N
2.
__N__T_
3.
__L__A_
N
4.
PA_ _ _ A _ _
G_
5.
PANGUNGUSAP/KASABIHAN:
Paghahawan ng Sagabal!
Panuto: Basahin at tingnan ng maigi ang mga matatayog na salita at ang kahulugan nito dahil ito’y
magsisilbing gabay mo upang lubusang maintindihan ang babasahing teksto tungkol sa Kabanata
11-18 ng El Filibusterismo.
TALASALITAAN
Pulong- miting
Palaisipan- malaking suliranin/malaking isipin
Bantog- kilala/sikat
Magyakag- humikayat
Kimika at Pisika- Chemistry at Physics (asignatura)
Mapahihinuhod- mapasang-ayon/mapahintulot
Sinasangguni- kinukonsulta
Panlulumo- panghihina/pagkalungkot
Naninimdim- nalulungkot
Napahinuhod- pu,ayag/sumag-ayon
Masilayan- makita
Kadayaan – panlilinlang/pandaraya
KARAGDAGANG ARALIN:
B.
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga matalinghagang salitang nakasulat nang pahilis sa mga
pahayag at gamitin ito sa isang sariling pangungusap bilang pagbibigay-linaw at halimbawa.
1. Si Padre Camorra ay nasa ikapitong langit nang masilayan ang mga dalaga.
KAHULUGAN:
PANGUNGUSAP:
2. Nagsunog ng kilay si Placido kaya matataas ang kanyang marka.
KAHULUGAN:
PANGUNGUSAP:
3. Nagtaingang-kawali si Don Custodio kaya ibinasura niya ang
panukala.
KAHULUGAN:
PANGUNGUSAP:
4. Sumabog ang dibdib ni Placido sa panlalait ni Padre Millon.
KAHULUGAN:
PANGUNGUSAP:
5. Ang bawat puting buhok ko ay magiging tinik sa aking ulo na di dapat ipagmalaki.
KAHULUGAN:
PANGUNGUSAP:
GAWAIN 4: PAGTATAYA
GAWAIN 4: TUKUYIN MO!
Panuto: Basahin ang mga pahayag na hinango sa mga kabanatang binasa. Tukuyin ang
kaisipang masasalamin sa bawat isa at talakayin kung ano ang iyong pananaw at nararamdaman
hinggil dito. Isulat ang iyong sagot sa papel at graphic organizer na makikita sa ibaba.
MGA KAISIPAN
kabuluhan ng pamamalakad sa kabayanihan
edukasyon pamahalaan
karuwagan paggamit ng kapangyarihan ng
kapangyarihan salapi
karapatang pantao kawanggawa paninindigan sa
sariling prinsipyo
Isa sa mga pangunahing kaisipang binigyang-pansin ni Rizal sa mga kabanatang iyong binasa ay
ang kahalagahan ng edukasyon upang ang inaasam-asam na pagbabago para sa mga Indio ay
makamit. Sa ibaba ay mababasa ang dahilan kung bakit ayaw ng mga prayle na matuto ang mga
Indio ng wikang Kastila.
"Ngunit hindi dapat matuto ng Kastila ang mga Indio, hindi ba ninyo
naiisip?" pahayag ni Padre Camorra. "Hindi nila ito kailangang
matutuhan dahil kapag ito'y nangyari magsisimula silang makipagtalo sa
atin na hindi nila marapat gawin. Ang dapat lamang nilang gawin ay
magbuwis at sumunod."
1. Naniniwala ka bang ang edukasyon ay matibay na sandata o kalasag upang makamit ng isang
tao o bansa ang inaasam-asam na pagbabago? Bakit?
2. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng bukás na isipan at wastong edukasyon upang ang
isang tao o bansa ay manatiling malaya sa kapangyarihang maaaring umalipin sa kanya o dito?
3. Bilang kabataan, paano mo pinahahalagahan ang edukasyong iyong tinatamasa sa
kasalukuyan? Sa iyong palagay, paano kaya ito makatutulong sa iyo upang makamit ang iyong
mga hangarin sa buhay?
Magaling! Mahusay mong naisagawa ang inaasahang pagganap. Patunay ito na naunawaan
mo ang kabuuan ng ating aralin.
Sanggunian
Aklat:
Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 10 (Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan)
WebsaytKawing:
https://www.slideshare.net/slideshow/elfilibusterismo-kabanata-139-buod-at-talasalitaan/267009145?
fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR3Vd4evQsnqSvpP5N_6DNw803lSHeZ6w4e8Lf5OqzIbpm7entQJ
g9OT11Y_aem_AZ9QumlFsS6WBmlrxO23sK9cJ8Cy4NlFevWLgc5alYJ5WY2E-
vNTeZywUid8aUnCZS_17JNe_1UnAH1ry1gHcNb9
Para sa mga katanungan o puna, o sumulat sa:
Facebook:
Mrs. Jean P. Catarata
Ms. Bernadette D. Galanza