Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1.

Paa ng prayle
- Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng
tatsulok ang paa ng prayle,ipinapahiwag nito kung
sino ang pinakabase at tunay na nagpapalakad ng
bayan. Ang Sapatos namanang nagpapahiwatig ng
pagiging "maluho" ng mga prayle at ang "pagtalikod
nila sa aral ni kristo".Ang nakalabas na binti sa ibaba
ng abito at ang mga balahibo ay nagpapahiwatig
naman ng "kalaswaan"ng pamumuhay ng mga
prayle.

2.Helmet ng Guardia Sibil


- Ito ay simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na
hukbong sandatahan nanang-abuso sa karapatang
pantao ng mga Pilipino sa kanyang kapanahunan.

3.Latigo
- Ito ay simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal
na hukbong sandatahan. Magingsi Rizal ay personal
na naging biktima ng latigo ng Alperes. Ang
paglalagay ni Rizal ng latigo aynagpapahiwatig na
hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa
kanya ng alperes ng Calamba noongkanyang
kabataan.

4.Kadena
- Inilagay ni Rizal ang kadena bilang simbolo ng
kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalimng
pamumuno ng mga Kastila.

5.Suplina (Pamalo sa Penitensiya)


- Ang Suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa
kolonoyal nasimbahan upang saktan ang kanilang
mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito'y
makapaglilinis sakanilang mga nagawang
kasalanan. Sa paningin ni Rizal, ang pananakit at
pagpapahirap ng mga guardiasibil sa mga Pilipino
ay hindi pa sapat para sa kanila, kailangan pang sila
na mismo ang magpapahirap atmanakit sa kanilang
mga sarili.

6. Punong kawayan
- Ay isang mataas ngunit malambot na puno na
kadalasang sumasabay lamang saihip ng hangin.
Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang
pamamaraan ng mga Pilipino sapakikibagay sa mga
nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga
Kastila sa kanilang lipunan.

7.Lagda Ni Rizal
- Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang
pangalan sa triangulong nakaukol sakaniyang
kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa
kapanahunan na kaniyang inilalarawan

1.Bulaklak ng sunfower
- Ang sunfower ay isang natatanging bulaklak na
may kakayahan na sumunodsa sikat ng araw.
Sinisimbolo nito ang mga "Pilipino na naliliwanagan"
sa pamamagitan ng pagbabasa ngNoli Me Tangere
ukol sa mga ginagawang pagsasamantala ng mga
kasla. Iniligay ni Rizal ang bulaklak ngsunfower na ito
sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga
mambabasa na sundan atipagpatuloy ang
pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kapanahunan
ay ninanais ni Rizal na magingliwanag ng kaniyang
bayan.
2.Simetrikal na sulo
- samantala ang sulo naman ang nagsisimbolo ng
Noli Me Tangere na nagbibigay ngliwanag o
kamalayan sa mga tao. Pinapahiwatig nito
ang pagtatapos ng kamangmangan at simula
ngpanibagong uri ng pamumuhay na hindi
magpapaapi sa mga kastila.

3.Ulo ng Babae
- ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay walang iba kung
hindi ang "INANG BAYAN" kungmapapansin ito ay
malapit sa pinag-uukulan niya ng paghahandog sa
nobela. Ang "A Mi Patria" namalapit sa ulo ng babae
ay nangangahulugang "Inang Bayan" kung isasalin
ito.

4.Krus
- ang Krus ay siyang simbolo ng pagiging relihiyoso
ng mga Pilipino. Mapapansin na inilagay niRizal ang
krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat, ito
ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas nglahat ng
mga bagay. Simbolo rin ito ng paggamit ng mga kastila
ng relihiyon sa pananakop.
5.Dahon ng laurel
- ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang
sibilisasyong kanluranin. Ito ayginagawang korono
para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang,
matatalino, at mapanlikhaingmamamayan. Isang
paglalarawan ni Rizal na kaniyang pag-asa na ang
mga kabataang Pilipino ay pipitasinang mga laurel
na ito upang gawing korona ng Inang Bayan. Ang
dahon ng laurel na nagpapahiwatig ngkorona ay
sumisimbolo ng kapurihan at karangalan ng ating Inang
Bayan.

You might also like