Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

IKA-SAMPUNG

Bayuin National High KURSO/


PAARALAN BAITANG/
School ANTAS
MATAPAT
FILIPINO
GURO: Shyne Ivy J. Laririt DISIPLINA:

ORAS/PETSA
11:00-12:00 n.u. Ika-apat na
PANG-ARAW-ARAW NG MARKAHAN:
Abril 24,2024 Markahan
NA BANGHAY PAGTUTURO
ARALIN SA FILIPINO

I.LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na


Kurikulum.Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa
paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation
Assessment.Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil
ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at
nilalaman.
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El
Pangnilalaman Filibusterismo bilang isang obrang pampanitikan.
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Mga Kasanayan Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang
sa Pagkatuto pangyayari sa kasalukuyan. (F10PB-IVh-i-92)
D. Mga Layunin Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naiisa-isa ang mga tauhan na binanggit sa kwento.
B. Nakaguguhit ng isang simbolong maaaring maiugnay sa iyong pamilya.
C. Napahahalagahan ang kabanata sa pang-araw-araw na buhay sa
pamamagitan ng pagsulat ng sariling karanasan tungkol rito.
II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay
sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a. Paksa
Kabanata VIII: Maligayang Pasko
III. KAGAMITANG PANTURO
Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit
na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Obra Maestra, Batayang Akdang Pampanitikan ,El Fillibusterismo
1. Mga pahina ng Pahina 57-63
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang Biswal, Powerpoint, mga larawan, video clip
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa
bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog, gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A. Balik – aral sa Pang-araw-araw na gawain
nakaraang aralin o a) Panalangin
pagsisimula ng Magsitayo ang lahat para sa
bagong aralin isang panalangin. Cathlyn,
ito ay iyong pangunahan.

Ama, maraming salamat po sa panibagong araw


na ipinagkaloob mo sa amin. Salamat po sa
iyong pag-iingat sa amin sa araw-araw.
Dalangin ko po na kami po ay iyong palaging
gabayan. Maraming salamat po sa lahat ng mga
biyayang dumadating sa buhay namin. Ama,
patawarin mo po kami sa mga pagkakasalang
nagagawa namin. Nawa po ay ang inyong
presensya ang maghari ngayong hapong ito.
Ang lahat ng dalangin kong ito ay iniaalay ko sa
matamis mong pangalan, Amen.

Magandang hapon din po.

b) Pagbati
Magandang hapon sa
inyong lahat.

c) Pagsasaayos ng silid-
aralan (Aayusin ng mga mag-aaral ang linya ng upuan
Bago kayo umupo ay at pupulutin ang mga kalat)
ayusin muna ang linya ng
inyong mga upuan, at
pakipulot na rin ng mga
kalat na inyong nakikita. Ma’am, wala pong liban ngayong araw.

d) Pagtatala ng liban sa klase


Mayroon bang liban sa
araw na ito?

Mabuti kung ganon.


Senyales lang iyan na kayo
ay interesadong matuto sa
araw na ito. Ang mensaheng nakapaloob sa kabanata ay
pagsisikap na maiahon ang sarili sa kahirapan sa
e) Balik-aral kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Kahapon ay tinalakay natin
ang Kabanata VI Si Basilio,
anon ga ulit ang mensaheng
nakapaloob sa kabanata,
Krisha?

Mahusay, batid kong


naunawaan ninyong lahat
ang araling tinalakay natin
kahapon.
B. Paghahabi sa Ngayon bago tayo dumako sa
Layunin ng Aralin panibago nating aralin ay
ipapangkat ko kayo sa dalawang
grupo at pag katapos ay mayroon
akong ipapakita sa inyong mga
larawan kung saan ang gagawin nyo
lamang ay bubuohin ninyo ito at
paunahang magpaskil sa pisara.

Nauunawaan ba?
Opo.
Mabuti kung ganoon.

UNANG PANGKAT
(Pupunta sa unahan ang mag-aaral at ipapaskil
ang larawan na kanilang nabuo.)

IKALAWANG PANGKAT

(Pupunta sa unahan ang mag-aral at ipapaskil


ang larawan na kanilang nabuo.)

Mahusay! Christmas tree po mam.


Ano ang iyong nakikita sa unang
larawan, Ashley?

Magaling! Tama ang iyong sinabi ,


sa unang larawan ay makikita nagjn
ang Christmas tree. Isang masayang pamilya po mam.

Ano naman ang iyong nakikita sa


ikalawang larawan, Ishii?

Mahusay! Sa ikalawang larawan .


naman ay makikita natin ang isang
masaya at buong pamilya na sama-
samang nagdiriwang ng
kapaskohan. Ang okasyon po na makikita sa larawan ay
sumisimbolo sa kapaskohan.
Anong okasyon naman ang nakikita
ninyo sa larawan?

Maraming Salamat! Ang makikita


natin sa mga larawan ay
sumisimbolo sa kapaskohan . Masaya, sapagkat katulad na lamang ng nasa
ikalawang larawan ay sama-sama rin po ang
Kapag nakikita nyo ang nasa aming pamilya na nagdiriwang ng kapaskohan.
larawan, ano ang inyong
nararamdaman? Bakit?

Tungkol po sa Maligayang Pasko

Maraming salamat!
Sa inyong palagay ano kaya ang
magiging paksa natin ngayong
araw?

Mahusay!
Ang ating paksang tatalakayin
ngayong araw ay ang Kabanata Vlll
patungkol sa Maligayang Pasko.
Ngunit bago tayo magpatuloy sa
ating talakayan ay alamin muna Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay
natin ang layunin na dapat nating inaasahang:
makamit sa araw na ito.
A. Naiisa-isa ang mga tauhan na binanggit
Maari nyo bang basahin ng malakas sa kwento.
at sabay sabay ang ating layunin. B. Nakaguguhit ng isang simbolong
maaaring maiugnay sa iyong pamilya.
C. Napahahalagahan ang kabanata sa pang-
araw-araw na buhay sa pamamagitan ng
pagsulat ng sariling karanasan tungkol
rito.

Maraming Salamat!
C. Pag – uugnay ng Bago tayo magpatuloy sa ating
mga halimbawa paksang tatalakayin ngayong araw
sa aralin ay bigyang kahulugan muna natin
ang mga salita na makakaksalamuha
natin sa video clip na ating
panunuorin.

Talasalitaan:
1. Imahe- larawan
2. Salapi- pera
3. Tampipi- lalagyang gawa sa
dahon ng niyog
4. Natitigmak- lubhang basa,
babad
5. Kataga- salita
1. Imahe- larawan
2. Salapi- pera
3. Tampipi- lalagyang gawa sa dahon ng
niyog
4. Natitigmak- lubhang basa, babad
5. Kataga- salita

Ayan malinaw ba sa inyo ang mga


salitang may mga malalim na
kahulugan? Opo.

Mabuti kung ganon.


D. Pagtalakay ng Ngayong araw ay tatalakayin natin
bagong konsepto ang kabanata 8 (Maligayang Pasko)
at paglalahad ng ng El Filibusterismo.
bagong kasanayan

Ngunit bago tayo magpatuloy ay


nais ko munang panoorin at
pakinggan ninyo ang buod ng
kabanata 8 (Maligayang Pasko) at
itala sa inyong kwaderdo ang mga
tauhan na babanggitin sa kwento.

Naunawaan ba?

Mabuti kung ganon. Makinig at Opo.


unawaing mabuti ang kwento.

Naunawaan ba ang mga


mahalagang pangyayari sa inyong
pinanoof?

Mabuti kung ganon. Opo.


Ngayon ay mayroon akong mga
katanungan na nais kong sagutin ng
ilan sa inyo.

Sino-sino ang mga nabanggit na


tauhan sa kwento?

Si Huli,Hermana Penchang at Tata Selo po.


Ayan tama, ang mga tauhan sa
kwento ay sina Huli,
Hermana ,Penchang at Tata Selo.

Tungkol saan ang inyong pinanood,,


Jamaica?
Tungkol po ito sa Maligayang Pasko.

Tama! Mahusay!
Ang ating kabanatang napanood ay
patungkol sa Maligayang Pasko.

Bakit maligayang pasko ang


pamagat ng kabanata 8.
Maligayang Pasko ang pamagat ng Kabanata 8
sa El Filibusterismo dahil sa ipinahihiwatig ni
Rizal namasyado tayongmapaniwalain sa
mgahimala. Sa kabanatang ito, inakala ni Huli
namaghihimala ang birhen. Tiningnan nya ang
ilalim ng birhen kung andun ang dalawandaan at
limampung piso. Pero wala ito. Isa itong ugali
nating mga Pilipino nakadalasan, umaasa tayo
sa mga himala.

Magaling!
Kung ikaw si Huli iiwan mo rin ba Hindi po! Sapagkat ang pasko ay isa sa
ang iyong lolo sa mismong araw ng pinakamahalagang okasyon para sa akin
pasko tulad ng ginawa niya? Bakit? sapagkat sa pamamagitan nito ay nakakaroon ng
oras ang pamilya upang magsama-sama.
Napipi si Tandang Selo dahil maraming
trahedya ang nangyari sa kanya at sa pamilya
Mahusay maraming salamat!
Sa tingin nyo , bakit kaya napipi si nito.
Tata Selo?

Ayan tama ang iyong sinabi


Sapagkat tunay nga na
napakaraming trahedya ang dinanas
at nangyari sa kanya at sa kanyang
pamilya, kaya ito ang naging
dahilan kung bakit naging pipi si
Tata Selo. Ang pagkapipi ni Tata Selo ay maaaring
simbolo ng kawalan ng boses at kapangyarihan
Ano naman ang sinisimbolo ng
ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop
pagkapipi ni Tata Selo sa mga
ng mga Espanyol. Ipinapakita nito ang kahinaan
Pilipino noong panahon ng mga
ng mga ordinaryong mamamayan na hindi
espanyol?
maaaring ipahayag ang kanilang saloobin at
labanan ang pang-aapi.

Ayan maraming salamat sa


pagbabahagi ng inyong mga
opinyon at kasagutan. Batid kong
kayo ay may natutuhan sa ating
paksang tinalakay ngayong araw

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong
kasanayan # 2

F. Paglinang sa Para sa ating pangkalahatang


kabihasaan gawain ay muli ko kayong
(Tungo sa ipapangkat sa tatlo. Ang bawat
Formative pangkat ay guguhit ng mga
Assessment) simbolong maaring iugnay sa
pagsasama-sama ng kani-kanilang
pamilya tuwing pasko. Pagkatapos
ay isasalaysay ninyo ito sa harap ng
klase.

Bago kayo magsimula ay narito ang


ating pamantayan. Maari nyo bang
basahin ang ating pamantayan?

(Babasahin ng mga mag-aaral ang pamantayan)


Maraming salamat! Ngayon ay
maaari na kayong magsimula,
mayroon lamang kayong limang
minuto oara tapusin ang inyong
gawain.

(pagkalipas ng limang minuto)


Tapos na ba ang bawat pangkat?
Opo.

Kung ganon ay simulan na natin


ang pagpepresenta.

Maaari ng magpresenta ang unang


pangkat. (isasalaysay ng unang pangkat ang kanilang
iginuhit na mga simbolo)

Ayan napakahusay ng isinagawang


presentasyon ng unang pangkat.

Sumunod ay ang ikalawang (isasalaysay ng unang pangkat ang kanilang


pangkat. iginuhit na mga simbolo)

Mahusay!
Ngayon ay pakinggan naman natin (isasalaysay ng unang pangkat ang kanilang
ang ikatlong pangkat. iginuhit na mga simbolo)

Maraming salamat!
Binabati ko kayo sapagkat kayong
lahat ay napakahusay sa inyong
isinagawang presentasyon. Para sa
unang pangkat kayo ay nakakuha ng
labing walong puntos, ang
ikalawang oangkat naman at
nakakuha ng labing limang puntos
at ang ikaylong oangkat ay
nakakuha ng dalawampung puntos.
Ngayon ay bigyan natin ang inyong
mga sarili ng “ I love clap”. Maaari
bang magsitayo ang lahat.

Gagayahin nyo lamang ang aking


gagawin. Naunawaan ba?
Opo.

(123,…123)

I ,I Love….
(123,…123)
I, I Love…

Maraming salamat!
Maari na kayong magsi-upo.
G. Paglalapat ng Nayon ay maaari ba kayong
Aralin sa Pang- kumuha ng kwaderno. Batay sa
araw – araw na ating paksang tinalakay ngayon ay
buhay) susulat kayo ng sarili ninyong
karanasan na maaari ninyong
iugnay sa inyong pang-araw-araw
na buhay. At pagkatapos ay tatawag
ako ng ilan sa inyo upang
magbahagi ng inyong ginawa.

Naunawaan ba?
Opo.
Maaari na kayong magsimula.
Mayroon lamang kayong limang
minuto sa paggawa.

Tapos na ba ang lahat?


Opo.

Maaari mo bang basahin ang iyong


iyong ginawa, Sean?
(babasahin ng mag aaral ang kanyang ginawa)

Maraming salamat!
Sino pa ang nais magbahagi?

Joseph, maaari mo bang basahin


ang iyong ginawa? (babasahin ng mag aaral ang kanyang ginawa)

Ayan napakahusay! Maraming


salamat sa inyong pagbabahagi ng
inyong mga karanasan
H. Paglalahat ng Ngayon ay muli nating pagnilayan
Aralin ang ating paksang tinalakay.

Sa kabuuan ,ano kaya ang nais


iparating sa atin ng kwento, cyrish?

Ang aral na natutunan ko po sa kabanata na ito


ay hindi pala lahat ng tao ay masaya kapag
sumapit ang pasko. May iba na napipilitang
lumayo, may iba din na pinaghihigpitan ng
magulang at may iba ring nawawalan ng tinig
dahil sa kalungkutan. Kaya kapag kumpleto
kayong magkakapamilya at masaya ang inyong
pasko ay dapat pagpasalamat tayo sa Diyos
dahil sa mga binigay niyang biyaya at para sa
maligayang pasko

Mahusay! Maraming salamat


cyrish. Ang akin pong natutuhan ay ang mga Pilipino
Ano naman ang inyong natutuhan po ay mapaniwalain sa mga himala. Ang
sa ating paksang tinalakay ngayong paghahanap ni Huli ng Salaping inaasahang
araw Leigh Ann? ibibigay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig
lamanh po ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang
gawa at nasa Diyos ang awa. Ang pagkapipi ni
Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-
alis sa mga Pilipino ng kalayaang magpahayag
ng kanilang nais sabihin.

Ayan maraming salamat!


Batid kong kayong lahat ay may
natutuhan sa ating tinalakay
ngayong araw.
I. Pagtataya ng Ngayo ay magkakaroon tayo ng
aralin isang pagsusulit, sapagkat natitiyak
ko na may natutuhan kayo sa ating
talakayan ngayong araw.

Panuto: Ilagay sa inyong sagutang


papel ang salitang TAMA kung
tama ang pangungusap ay wasto at
MALI naman kung hindi.

1. Umalis si Huli sa mismong


sa mismong araw ng pasko.
2. Noong gumising si Huli, ay
naghimala ang birhen at
hindi na sumikat ang araw.
3. Umalis si Huli para
tulungang makalaya ang
kanyang ama na si
Kabesang Tales.
4. Si Tata Selo ay napipi dahil
hindi siya makapagsalita
nung Nakita niya si Huli.
5. Dinalaw ni Huli ang
kanyang Lolo na si Tata
Selo nung araw ng pasko.
6. Noong araw sa Pilipinas,
ang pasko ay kinatatakutan
ng mga bata.
7. Ang mga Kabataan noon ay
kunukurot kung hindi sila
sumusunod sa mga gustong
ipagawa sa kanila.
8. Naawa ang mga tao nung
nalaman nilang napipi si
Tata Selo.
9. Nagalit si Tata Selo kay
Huli dahil di niya ito
dinalaw noong araw ng
Pasko.
10. Noon pa man ay masaya
ang pagdiriwang ng pasko
sa Pilipinas.

Malinaw na ba ng lahat? Opo.

Kung ganon pakibasa ng lahat ang


panuto. Panuto: Ilagay sa inyong sagutang papel ang
salitang TAMA kung tama ang pangungusap ay
wasto at MALI naman kung hindi.
Maraming salamat.

Mayroon lamang kayong tatlong


minuto upang sagutin ang
pagsusulit. Opo.

Nauunawaan ba? (Magsisimulang magsagot ang mga mag-aaral)

Maaari na kayong magsimula.

Opo.
(Makalipas ang dalawang minuto)

Tapos na ba ang lahat?


(Makikipagpalitan ng papel sa katabi ang mga
Kung ganon ay makipagpalitan ng mag-aaral)
papel sa katabi at ating iwawasto
ang inyong mga sagot. Sagot:
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Mali
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Tama

(Ipapasa ang mga papel)

Pakipasa ng mga papel papunta sa


unahan.

(Sasabihin ang mga nakuhang


puntos ng mga mag-aaral) Wala na po.

Wala na bang katanungan o nais


linawin?

J. Karagdagang Takdang Aralin


Gawain at Takdang- Basahin at unawaing mabuti ang
Aralin susunod na kabanata.
(Kukuha ng kwaderno ang mga mag-aaral at
isusulat ang takdang-aralin)

Tapos na bang magsulat? Opo.

Joshua, pakibasa ng inyong sinulat. Takdang Aralin


Basahin at unawaing mabuti ang susunod na
kabanata.

Maraming Salamat.

Nauunawaan ba ang gagawin? Opo.

Mabuti naman.

Ako ay lubos na nagpapasalamat sa


inyong pakikiisa at alam kong
marami kayong natutuhan sa araw
na ito. Binabati ko kayo! Salamat po.
Mayroon pa bang katanungan? Wala na po.

Hanggang dito na lamang, paalam


na sa inyong lahat.
Paalam na rin po.
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat lingggo. Paano mo
naisakatuparan. Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor
sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng
80% resulta ng pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng paggabay ng guro
(bawat pangkat)
C. Nakatutulong ba ang remedyasyo sa
pagkatuto ng mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
sa remedyasyon
E. Alin sa aking mga estratehiya ang
epektibong gamitin? Bakit nasabing
ito ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang aking
naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang iyong
ginamit o tinuklas na maaari mong
ibahagi sa iba ang guro?

Inihanda ni:
Bb. Shyne Ivy J. Laririt
Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:
Anabelle D. Mutya
Gurong tagapamatnubay

Pinagtibay ni:
Roger Abante Mga Komento at Mungkahi:
Punong Guro
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

You might also like