Ap7 LP4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagadian Diocesan Schools

IMMACULATE CONCEPTION HIGH SCHOOL OF PITOGO INC.


Poblacion,Pitogo, Zamboanga del Sur
LEARNING PLAN IN
ARALING PANLIPUNAN 7

TEACHER’S NAME: GRADE LEVEL: 7


RICHARD B. GAMIL JR

ACTIVITY/ LESSON TITLE: QUARTER: 1


Ilog ganges sa india, paghahanap ng
malinis na tubig sa kanlurang asya, at
kakulangan ng lupain sa japan
WEEK NUMBER: 4 DATE:

CONTENT STANDARD:Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa


paghubog ng sinaunang tao

PERFORMANCE STANDARDS: Malalim na nakapag-uugnay sa bahagi ng ginampanan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang asyano.

Learning Competencies: Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
Learning Resources: Essential Araling Panlipunan 7

John Kenny Benosa, APTek, Second printing of the First Edition,2020, TECHFACTORS INC.

Core Values Integration:


Deepen appreciation and work for preservation of our culture heritage and respect for ASIAN diverse culture.

Pre-assessment
Panuto: Isipin na ikaw ay naglalaro ng isang mobile game kung saan magtatayo ka ng isang bagong
pamayanan. Kasama sa bagong lugar ang kaunting mga sangkap sa pagtatayo ng mga gusali. Mayroon ka
lamang 30 kahoy, 30 bato, 30 bakal at 30 sako ng pagkain, kalakip ang dalawang manggagawa na makatulong
sa pagtatayo ng siyudad. Makikita sa ibaba ang mga kinakailangan sa pagtatayo ng mga gusali at kung ano ang
silbi ng bawat isa.

- Bahay (5 kahoy, 5 bato, 5 pagkain)

May karagdagan 2 manggagawa

- Minahan (5 kahoy, 10 bakal, 5 pagkain)

Nagdadagdag ng 5 bakal bawat minute

- Taniman (10 kahoy, 5 bato, 5 pagkain)

Nagdadagdag ng 5 pagkain bawat 5 minuto

- Batuhan (5 kahoy, 10 bakal, 5 pagkain)

Nagdadagdag ng 5 bato bawat minute


- Estatwa ng Pinuno (10 kahoy, 10 bakal, 10 pahkain)

Nagpapatunay na pagmamay-ari mo ang lupain

1. Alin sa mga gusali ang una mong itatayo? Bakit?

2. Paano mo paramihin ang mga sangkap na taglay mo sa loob ng isang oras?

3. Bakit hindi mo dapat unahing itayo ang estatwa sa simula?

INTRODUCTION:

Panuto: Tukuyin kung ang kilos ng mga tao kaugnay sa kanilang kapaligiran ay isang POSITIBO o
NEGATIBONG halimbawa ng ugnayan ng tao at kapaligiran.
1. Pangangalaga sa mga ilog at dalampasigan.
2. Pagkuha ng mga basura o coral reef para ibenta.
3. Pagpapasabog ng bundok pra gawing daanan.
4. Pagtatapon ng basura sa tabing-dagat.
5. Pag-imbak ng panggatong para sa taglamig.
6. Pagkain ng malalamig na pagkain sa tag-init.
7. Pagsusuot ng manipis na damit sa taglamig.
8. Pagpapastol ng hayop sa damuhan.
9. Paggawa ng tulay na nagkokonekta sa mga isla.
10. Pagtatanim ng puno sa paanan ng bundok.

DAY 1:

CHUNK 1:
INTERACTION:

Pagtalakay

Ilog Ganges sa India

Ang Ilog Ganges ay kabilang sa mga ilog ng india na nagbibigay-buhay sa kanilang mga lupain. May
haba itong nagsisimula sa paanan ng Himalayas hanggang Look Bengal. Ang tubig nito ay ginagamit ng mga
tao sa kanilang mga gawaing pang-agrikultura at pang araw-araw na pamumuhay. Tinatayang may 350 milyon
ang namumuhay sa paligid ng ilog.

May malalim na kahulugan na kahulugan din ang ilog dahil itinuturing ito na sagradong ilog sa relihiyon
ng Hinduismo. Nagsimula ang ganitong paniniwala sa India nang 4,300 taon na ang nakalipas. Tinatawag ito ng
mga Hindu na Gangamai o “Inang Ganges” at sinasamba bilang isang diyosa dahil paniniwalang
nakapagpapagaling ang tubig nito. Kaya naman, milyon-milyong mga Indian at Bangladesh ang naglalakbay
papunta sa ilog na ito upang makibahagi sa buhay na ibinibigay ng ilog. Ilan sa matitingkad na tradisyon sa ilog
ang pagpapaanod ng buslo ng bulaklak, paliligo, at pagdarasal.

Learning Experiences
GAWAIN 1: Pagsasanay
Panuto: Suriin ang sumusunod na paraan ng pamumuhay ng mga tao kaugnay sa kanilang kapaligiran.
Tukuyin at isulat kung positibo o negatibo ang kanilang paraan ng pakikipag-ugnayan sa kapaligiran.
Paraan ng Pamumuhay Kaugnay sa Positibo/Negatibo
Kapaligiran
1. Pagtatanim ng palay sa tag-araw.
2. Paglilinis ng ilog bago ang tag-ulan.
3. Labis na pagkuha ng langis mula sa
lupa.
4. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
5. Pagsusunog ng gubat upang gawing
tirahan.
6. Pagtatanim ng puno sa paanan ng
bundok.
7. Paggawa ng tulay na mag-uugnay sa
mga isla.
8. Pagpapastol ng hayop sa damuhan.
9. Pagsusuot ng manipis na damit sa
taglamig.
10. Pagtatapon ng basura sa tabing-dagat.

DAY 2:
CHUNK 2: PAGTALAKAY
Paghahanap ng Malinis na Tubig sa Kanlurang Asya

Malaking hamon sa mga bans ana malayo sa mga karagatan at lawa ang makahanap ng malinis na tubig.
Noon pa man, mahirap na para sa mga taga-Kanlurang Asya na makapag-imbak ng malinis na tubig na
magagamit sa pagkonsumo at pagtatanim. Ang mga Ilog Tigris at Euphrates ay hindi sapat para sa lahat. Kaya
naman, nagsagawa ng ilang hakbang ang mga sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya upang matugunan ang
pangangailangang ito. Sa Turkey, halimbawa, makikita ang mga sinaunang irigasyon na nakakonekta sa Ilog
Euphrates na ginamit sa agrikultura. Marami ring mga natagpuang sinaunang balon na ginagamit sap ag-igib ng
tubig na maiinom. Ang iba naman ay gumagamit ng tubig-dagat at sinasala ang asin upang makonsumo ang
tubig para sa inumin.

Kakulangan ng Lupain sa Japan

Matagal nang suliranin sa bansang Japan ang kakulangan sa lupain. Maraming bundok ang makikita sa
buong kapuluan ngunit kakaunti lamang ang lupang magagamit para pagtaniman at tirahan. Kung kaya, madalas
nag-aagawan sa teritoryo ang mga makapangyarihang pamilya, na humahantong sa ilang siglong sigalot. Ang
ganitong mga tunggalian ang nagbigay-

INTEGRATION
Day 3:
A. CLOSURE/SY

Panuto: Basahin ang maikling balita na nasa pahina 27 sa iyong modyul. Gamit ang kaalaman sa ugnayan
ng tao at kapaligiran, kompletuhin ang talahanayan ng mga posibleng epekto ng mga Gawain ng tao sa
kanilang kapwa at kapaligiran.

Gawain Epekto sa mga Tao Epekto sa Kapaligiran

Pagtatapon ng basura at dumi


sa Manila Bay

Paglilinis ng Manila Bay

Pagpapanatili ng kalinisan ng
Manila Bay

INTERVENTION

Panuto: Gumawa ng isang “Descriptive Essay” na kung saan ito ay naglalarawan sa tatlong paksa sa
modyul na ito. Ito ay naglalayon na mabahagi sa lahat ang sitwasyon ng ating kontinente at karatig-
bansa.

Nilalaman 15 puntos

Organisasyon 10 puntos

Kahusayan 5 puntos

TOTAL 30 puntos

INTERVETION
Day 4:

Post- assessment
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang pahayag o tanong sa bawat bilang. Bilugan ang letra o
titik ng tamang sagot.

1. Anong ilog sa India ang nagbibigay-buhay sa kanilang mga lupain?

a. Ilog Ganges*

b. Ilog ng Japan

c. Ilog ng Thailand

d. Ilog ng China
2. Saang bansa na sakop ng Asya ang matagal ng nakaranas sa suliranin ng kakulangan sa lupain?

a. India

b. Pilipinas

c. Japan*

d. Thailand

3. Anong ilog ang dinarayo ng libo-libong tao araw-araw?

a. Ilog Ganges

b. Ilog Varanasi*

c. Ilog ng Thailand

d. Ilog ng China

4. Anong planta ang sumisipsip sa mga tubig-dagat, pinoproseso ito at ipinamahagi sa mga
kabahayan?

a. Desalinasyon*

b. Purified Water

c. Ilog Euphrates

d. Ilog Tigris
5. Ito ay tanyag sa Hindu bilang “Gangamai”.
a. Ilog Ganges*
b. Ilog Varanasi
c. Ilog Tigris
d. Ilog Euphrates

PREPARED BY: CHECKED BY: APPROVED BY:

RICHARD B. GAMIL JR JELLY ANN E. TAN FR. ALGIE P. PITOGO


Teacher Academic Coordinator School Director

You might also like