Lingguwistiko at Heograpiko

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Lingguwistiko at Heograpikong Varayti sa Pilipinas

Ulat ni: Aivejen Ruto Padulle

Introduksiyon:
Ang Pilipinas ay isang bansa na binubuo ng iba't ibang mga lalawigan, lungsod, at
mga isla. Dahil sa kanyang geograpikal na lokasyon, ang Pilipinas ay may iba't ibang
heograpikong katangian at kultura. Ito rin ang nagdulot ng pagkakaiba-iba ng mga
lingguwistikong varayti sa bansa. Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang mga lingguwistiko
at heograpikong varayti na matatagpuan sa Pilipinas.
Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: mayroon itong mahigit 100
na wika at mahigit 400 na diyalektong sinasalita. Heterogeneous ang sitwasyong pangwika
sa Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga
wikang ito. Homogeneous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang
sinasalita ng mamamayan dito.

nagkakaiba ang mga wika.


Nariyan ang
kuwento sa Bibliya tungkol sa
tore ng Babel na nagsalaysay sa
di-
pagkakaunawaan at
pagkakawatak-watak ng mga
tao sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng
iba't ibang wika. Maaaring
tingnan
din ito sa perspektiba ng
kalikasan ng wika bilang
arbitraryo at
dinamiko. Ang wika ay
sinasabıng arbitraryo sapagkat
ang mga
tunog at mga salitang bumubuo
nito ay hindi likas at kung gayon
ay
idinikta ng tao. Ang bawat wika
ay may katawagan sa mga bagay
nagkakaiba ang mga wika.
Nariyan ang
kuwento sa Bibliya tungkol sa
tore ng Babel na nagsalaysay sa
di-
pagkakaunawaan at
pagkakawatak-watak ng mga
tao sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng
iba't ibang wika. Maaaring
tingnan
din ito sa perspektiba ng
kalikasan ng wika bilang
arbitraryo at
dinamiko. Ang wika ay
sinasabıng arbitraryo sapagkat
ang mga
tunog at mga salitang bumubuo
nito ay hindi likas at kung gayon
ay
idinikta ng tao. Ang bawat wika
ay may katawagan sa mga bagay
Nagkakaiba ang mga wika sa kuwento sa Bibliya tungkol sa tore ng Babel na
nagsalaysay sa di-pagkakaunawaan at pagkakawatak-watak ng mga tao sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng iba't ibang wika. Maaaring tingnan din ito sa perspektiba ng kalikasan
ng wika bilang arbitraryo at dinamiko. Ang wika ay sinasabıng arbitraryo sapagkat ang
mga tunog at mga salitang bumubuo nito ay hindi likas at kung gayon ay idinikta ng tao. Ang
bawat wika ay may katawagan sa mga bagay-bagay. Ang salitang 'maganda' sa Filipino ay
'beautiful' sa Ingles, 'Utsukushii’ sa Hapon at ‘Guapo/a’ sa Espanyol. Ang wika ay dinamiko
dahil sa inobasyon o mga pagbabago sa mga pangyayarı, kaisipan, at karanasan ng mga
nagsalita nito. Habang lumilipas ang panahon, maaaring mabago ang mga tunog,
mapalitan o madagdagan ang mga salita at mabago ang gramar ng isang wika.

Lingguwistiko at Heograpikong Background


Batay sa heograpikong lokasyon, nahahati sa tatlong malalakinng grupo ang mga
wika sa Pilipinas:
1. Ang Northern Philippine
2. Meso-Philippine
3. Southern Philippine groups
A. Kabilang sa Northern Philippine group ang Cordilleran subgroup, na
kinabibilangan ng mga wikang Dumagat, Northern Cordilleran, Ilokano, Central
Cordilleran, at Southern Cordilleran.
B. Ang Meso-Philippine group ay binubuo ng North at South Mangyan, mga wika sa
Palawan, Central Philippine, na kinabibilangan ng Tagalog, Bikol, Bisaya, at
mga wika sa East Mindanao.
C. Ang mga wikang Subunon, Danao, at Manobo ang bumubuo ng Southern
Philippine group.
Samantala, ang mga wikang Ivatan, South Mindanao, Sama, at Sangil ay hindi
nabibilang sa alinman sa tatlong grupong ito dahil malayo na ang pagkakahawig nito sa ibang
mga wika sa Pilipinas. Higit na malapit sa wikang Yami ng Taiwan ang Ivatan, ang wikang
sinasaita sa Batanes at Babuyan Islands. Ang Sama, ang wikang ginagamit sa malılit na pulo
sa timog ng Pilipinas ay kinikilala na kabilang sa grupo ng mga wika sa Sabah (Malaysia).
Ang mga wika sa South Mindanao tulad ng Bagobo, Blaan, Tboli, at Tiruray ay hindi rin
kaugnay ng ibang wika sa Plipinas. Gayundin ang Sangil ay higit na malapit sa Indonesian
kaysa sa Plipinas.
Ang lahat ng wika sa Pilipinas ay kabilang sa Austronesian language family kung
saan nabibilang dito ang mga wika ng Indonesia, Malaysia, Polynesia, Melanesia,
Micronesia, gayundin ang iba pang wika sa Taiwan at Indochina. Dahil nagpapamalas
ng mga pagkakatulad sa ilang mga salita o cognates, ipinapalagay na ang mga wikang ito ay
nagdevelop mula sa iisang wika o mother language na sinasalita ng isang maliit na grupo
noong unang panahon. Higit na maraming cognates, pagkakapareho ng mga tunog at
pagkakahawig sa pagbuo ng mga pangungusap ang makikita sa mga wika sa Pilipinas na
nagpapahiwatig na sila ay nagmula sa isang pamilya. Kaugnay nito, ipinakilala ni Consuela
Paz ang tinatawag na Proto-Philippine language family bilang subordinate ng Austornesian
language family na kinabibilangan ng mga wika sa Pilipinas.
Batay naman sa "The Sentence Patterns of Twenty-Sx Philippine Languages= ni Dr.
Ernesto Constantino kung saan pinaghambing niya ang piling 26 wika sa Plipinas, nakita na
komon sa mga wika ang sumusunod na tunog / p t k q (glottal stop) b d g m n ng s h l r w at y
/ bilang mga consonant at / i a u / bilang mga vowel. Gayundin, magkakatulad ang mga
sentence pattern ng mga wikang ito.
Dahilan ng Lingguwistikong Varayti
• (1) Ang heograpikong lokasyon ng mga speech community (o mga lugar kung saan
ginagamit ang mga partikular na wika) na maaaring nahihiwalay ng isang anyong
tubigan o kabundukan.
• (2) Language boundary dulot ng migrasyon o pagilipat ng komunidad sa ibang lugar
marahil dala ng isang mapinsalang kalamidad o giyera, o ang unti-unting pagsasama
ng dalawang dating magkahiwalay na komunidad.
WIKA AT DIYALEKTO
• Ayon sa mga dalubhasa sa wika o lingguwista, ang batayan ng pagkakaiba ng wika at
diyalekto ay ang "mutual intelligibility." Kapag ang dalawang tao ay nag- usap sa
magkaibang speech variety at hindi sila nagkaintindihan, magkaibang wika ang
kanilang ginagamit.
• Samantala ang dalawang tao na nag-usap sa magkaibang speech variety at nagkaroon
ng kaunting disturbance sa pag-unawa dulot ng pagkakaiba sa tono, ilang mga salita
at pagbubuo ng mga ito, diyalekto ng isang wika ang kanilang ginagamit
Ang komunikasyon ay ang paglilipat ng mensahe mula sa ispiker o source tungo sa
kausap o receiver gamit ang isang wika. Walang komunikasyong mamamagitan kapag
ang gagamitin ay magkaibang wika. Ang pisikal o heograpikong anyo at language
boundary ay hindi lang nagreresulta sa pagkakaiba ng mga wika ngunit pati rin sa
pagkakaroon ng mga diyalekto.
Wika- tumutukoy sa lipon ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
upang magkaintindihan ang isang grupo ng tao.
Diyalekto- ay varayti o subordineyt ng wika at ito'y sinasalita sa
loob ng mas maliit na grupo.
Halimbawa:
Ang Tagalog ay isang wika na sinasalita sa Metro Manila. Ang mga diyalekto nito ay ang
Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Laguna, Tagalog-
Bulacan, at Tagalog-Quezon.
• Sa kabila ng pagkakaiba sa tono, ilang mga bokabularyo at pagbubuo ng mga salita,
mayroong “mutual intelligiblity" o pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang nag-
uusap gamit ang magkaibang diyalekto ng Tagalog.
Ayon kay Curtis McFarland (1983), ang Diyalekto ay nauuri sa tatlo:
1. Ang Dialectal variation ay tumutukoy sa distribyusyon ng ilang mga salita,
aksent, pagbigkas ng wika sa loob ng isang language area katulad ng wikang
Tagalog sa Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Quezon. Sa
kabila ng lang baryasyon ng wikang Tagalog sa mga lugar na ito, hindi ito
magsisilbing batayan upang hatiin ang Tagalog erya sa iba't ibang distinct' o
natatanging diyalekto.
2. Ang Discrete dialect ay hiwalay sa ibang mga diyalekto dulot ng heograpikong
lokasyon at pagiging 'distinct' na diyalekto. Halimbawa nito ay ang Tagalog-
Marinduque na hindi maikakaila na mas malayo sa ibang diyalekto ng Tagalog.
3. Ang social dialect ay naiiba sa “heograpikal' na diyalekto dahil ito ang sinasalita
ng iba't ibang uri sa lipunan. Ang mga taong kabilang sa isang grupo ay may ibang
pananalita kompara sa iba na mula sa ibang uri sa lipunan kahit na sila ay nasa
iisang lugar.

Epekto ng Lingguwistikong Varayti

 Ang pagkakaroon ng varayti ng wika ay may kaugnayan sa pagkakawatak-


watak ng mga pulo, na may kani-kaniyang mga wika at diyalekto. Ang mga
Filipino ay maituturing na multilingguwal dahil mahigit sa isang wika ang
kanilang alam. Ang ibig sabihin dito ng kaalaman sa wika ay pagiging
marunong umunawa at/o makapagsalita nito.
 Maliban sa mga wika sa Pilıpinas, nariyan din ang impluwensiya ng wikang
Ingles bilang isa sa dalawang wikang opisyal ng Pilipinas. Ang isa pang
wikang opisyal o ang wikang ginagamit sa pamahalaan at edukasyon ay ang
Filipino.
 Sa paggamit ng ibang wika maliban sa kaniyang katutubong wika, ang tao ay
hindi maiwasang magkaroon ng ilang pagkakamali o lingguwistikong
interference sa tono, pagbuo ng mga salita o gramar dahil nariyan ang
impluwensiya ng una o katutubong wika.
Mapapansin ito sa mga Bisaya, Bikolano, Ilonggo na nagsasalita ng wikang Filipino.
May pagkakaiba sa kanilang aksent, tunog, at gramar. Madalas napagpapalit ng mga Bisaya
ang /i/ at /e/, ang /u/ at /o/. Ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon nila ng tatlong vowel
sounds lamang-ang /i/, /u/, at /a/. Gayundin sa mga nagsasalita ng mga diyalekto ng Tagalog,
may pagkakaiba sa kanilang gamit ng wikang Filipino. Dahil dito mayroong baryasyon sa
paggamit mismo ng wikang Flipino.
Heograpikong Varayti:
A. Luzon:
1. Tagalog - Ang Tagalog ay ang pangunahing wika sa Luzon at ang batayan ng wikang
Filipino. Ito ay ginagamit sa Kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan.
2. Ilokano - Ang Ilokano ay ang pangalawang pinakamalawak na sinasalita sa Luzon,
partikular sa mga probinsya ng Ilocos at Cordillera.
3. Kapampangan - Sinasalita ito sa mga probinsya ng Pampanga, Tarlac, at Bataan. Ito ay
may malawak na bokabularyo at may sariling sistema ng pagsulat.
B. Visayas:
1. Cebuano - Ang Cebuano ay ang pangunahing wika sa rehiyon ng Visayas at ang
pinakamalawak na sinasalita sa Pilipinas. Ito ay sinasalita sa Cebu, Bohol, at iba pang mga
lalawigan sa rehiyon.
2. Hiligaynon - Kilala rin bilang Ilonggo, ito ay sinasalita sa Iloilo, Bacolod, at iba pang mga
lugar sa Western Visayas.
3. Waray - Sinasalita ito sa Eastern Visayas, partikular sa Samar at Leyte. Ito ay may sariling
sistema ng pagsulat.
C. Mindanao:
1. Bisaya - Ang Bisaya ay isang pangkat ng mga wika na sinasalita sa Mindanao. Ito ay
binubuo ng mga varianteng Cebuano, Hiligaynon, at Waray.
2. Maranao - Ito ay sinasalita ng mga Maranao sa Lanao del Sur at iba pang mga lugar sa
Mindanao.
3. Tausug - Sinasalita ito ng mga Tausug sa Sulu at iba pang mga lugar sa Mindanao.
Lingguwistiko Varayti:
A. Sosyal at Ekapangkat na Pagkakaiba:
1. Wikang Pambansa - Ang wikang Filipino ang opisyal na wika ng Pilipinas. Ito ay batay sa
Tagalog at ginagamit sa edukasyon, pamahalaan, at media.
2. Wikang Ingles - Ito ay ginagamit bilang pangalawang wika at pangkomunikasyon sa mga
pangkat na may iba't ibang mga wika.
B. Dayalekto:
1. Dayalektong Urban - Ito ay ang dayalekto na ginagamit sa mga malalaking lungsod tulad
ng Maynila, Cebu, at Davao. Ito ay may impluwensya mula sa iba't ibang mga wika.
2. Dayalektong Rural - Ito ay ang dayalekto na ginagamit sa mga maliliit na bayan at
malalayong lugar. Ito ay may mga katangian at bokabularyo na natatangi sa bawat rehiyon.
Wikang Filipino Bilang Lingua Franca
• Sa gitna ng pagkakaroon ng mga varayti ng wika sa Pilipinas, kailangan ng isang
wikang magbubuklod sa mga Pilipino at ito ay ang wikang Filipıno.
Ang pagpili nito bilang pambansang wika ay nakabatay sa dalawa:
• Ayon sa 1973 Constitution, "Ang Batasang Pambansa ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagdevelop at pormal na pag-adap ng isang komon na wikang pambansa na
kinikilalang Filipino." Ayon naman sa 1987 Constitution, “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito, dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika."
• Ito ay ibinatay sa wikang Tagalog at iba't ibang wika sa Pilipinas kasama na ang
impluwensiya ng mga dayuhang wika.
Wikang Pilipino ang unang tawag sa wikang pambansa at ito'y napalitan ng Wikang
Flipino sa 1987 Constitution kaalinsabay ng walong dagdag na letra sa Ortograpiyang
Filıpino. Ito ang pambansang lingua franca, ang wikang ginagamit sa buong Pilipinas
bilang midyum ng interaksiyon ng mga Flipinong magkaiba ang katutubong wika.
KONGKLUSYON
Ang Pilipinas ay may iba't ibang lingguwistiko at heograpikong varayti na
nagpapakita ng kanyang kultura at kasaysayan. Ang pagkakaiba-iba ng mga wika at
dayalekto ay nagpapakita ng pagiging malikhain at mayaman ng kultura ng mga Pilipino. Ito
rin ang nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakabuklod ng mga mamamayan sa bansa.
Inihanda ni:

AIVEJEN RUTO PADULLE


Tagapag-ulat

Ipinasa kay:

MARY GRACE D. VALLE


Guro sa MAFIL

You might also like