Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region __________
Schools Division __________
__________________________ NATIONAL HIGH SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Q2 AP VIII

ITEM PLACEMENT NO. OF


ITEM ITEMS
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE PLACE
MENT REMEMBER/ UNDERSTAND/ APPLY/ ANALYZE/ EVALUATE/ CREATE/

KNOWLEDGE COMPREHENSION APPLICATION ANALYSIS SYNTHESIZE EVALUATION

Nasusuri ang kabihasnang 1,2,3,4,5,


Minoan, Mycenean at AP8DK
1-8 8
kabihasnang klasiko ng T-IIa-1 6,7,8
Greece
9,10,11,12,
Naipapaliwanag ang AP8DK
kontribusyon ng 9-16 13,14,15, 8
T-IIc-3
kabihasnang Romano 16
Nasusuri ang pag-usbong
at pag- unlad ng mga
klasikong kabihasnan sa: • 17,18,19,
Africa – Songhai, Mali, 17-24 20,21,22, 8
atbp. • America – Aztec,
Maya, Olmec, Inca, atbp. 23,24
Mga Pulo sa Pacific –
Nazca
Naipapahayag ang
pagpapahalaga sa mga 27,28,29,
kontribusyon ng AP8DK
27-32 8
kabihasnang klasiko sa T-IIf-8 30,31,32
pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan
Nasusuri ang mga
pagbabagong naganap sa
Europa sa Gitnang
Panahon • Politika 33,35,36,
(Pyudalismo, Holy Roman 33-41 39 34,41 9
Empire) • Ekonomiya 37,38,40
(Manoryalismo) Sosyo-
kultural (Paglakas ng
Simbahang Katoliko,
Krusada)
Natataya ang impuwensya 42,43,44,
ng mga kaisipang AP8DK
42-50 45,46,48, 47,49 9
lumaganap sa Gitnang T-IIi-13
Panahon 50
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Pangkat: ______ Iskor:
________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ang nagpasimula sa:
a. klasikal na kabihasnan ng Greece c. Pagpapalawak ng teritoryo ng Greece
b. sinaunang kabihasnan ng Greece d. Organisadong pamumuno sa Greece
2. Nagwakas ang kabihasnang Minoan dahil sa
a. sagupaan ng mga lungsod-estado c. pananakop ng Knossos
b. pananakop ng Mycenean d. pananakop ng tribong Dorian
3. Ang mga Minoan ay yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang
pangunahing dahilan nito?
a. Mapalakas ang sandatahang panlakas
b. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito
c. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produkto mula sa Crete
d. Napapalibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete
4. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwahiwalay na lungsod-estado sa sinaunang
Greece?
a. Iba-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece na naging dahilan ng pagtatag
ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado
b. Ang Greece ay nasa Timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang
mabundok
na lugar
c. Mahahaba ang mga daungan ng Greece na naging dahilan ng paglalarawan ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado
d. Iba-iba ang kulturang nabuo sa Greece na naging dahilan ng iba’t ibang kabihasnang umusbong
dito
5. Itinuturing na “Ama ng kasaysayan”. a. Phidias b. Herodutos c. pericles d. Hippocrates
6. Mataas ang kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong konklusyon ang maaaring
mabuo rito?
a. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba’t ibang
diyos
b. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya
c. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Roman
d. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya noong Panahong Hellenistic
7. Umusbong ang kabihasnang Minoan sa isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapakita
ng ugnayang heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga
mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang kabihasnang Minoan
a. I at II b. II at III c. II at IV d. I,II at III
8. Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan?
a. Nabago ang kultura sa daigdig
b. Ang kaayusan at kaunlaran sa lipunan ay halaw mula sa klasikal na panahon ng Europe
c. Batayan sa mga pangunahing kaalaman ang kontribusyong Europeo sa iba’t ibang larangan
d. Nananatili at patuloy pa ring ginagamit at pinagyayaman ang kontribusyong Europeo
9. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at Carthage?
A. isa B. dalawa C. tatlo D. apat
10. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?
A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan
B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga
mamamayan
11. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. hindi matatag na pamumuno C. may sariling paraan ang bawat isa
B. paglusob ng mga tribong barbaro D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
12. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano?
A. Amerika B. Aprika C. Asya D. Europa
13. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya?
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Diktadurya D. Republika
14. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero?
A. Haciendero B. Negosyante C. Patrician D. Plebeian
15. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na?
A. Haciendero B. Negosyante C. Patrician D. Plebeian
16. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya?
A. Roma B. Florence C. Milan D. Venic
17. Anong kontinente ang malapit sa equator ang nakakaranas ng pinakamainit at pinakamaulang
panahon? a. Asya b. Europa c. Africa d. America
18. Maya, Aztec, at Inca ay mga Imperyong umusbong at umunlad sa________?
a. Asya b. Europa c. Africa d. Mesoamerica
19. Isa sa pinakamalawak na lungsod pangkalakalan na naghatid ng katanyagan sa Kabihasnang
Africa? a. Ghana, Mali at Songhay c. Polynesia,Melanesia at Micronesia
b. Maya, Aztec at Inca d. wala sa nabanggit
20. Maraming Isla sa Pasipiko ang matatagpuan noon at hindi pa pinamamahayan. Nahahati to sa
tatlong
malalaking bahagi.
a. Ghana, Mali at Songhay c. Polynesia, Melanesia at Micronesia
b. Maya, Aztec at Inca d. wala sa nabanggit
21. Ang bansag sa kalakalang umunlad sa hilagang Africa at kanlurang Sudan. Tinitungo ito ng mga
nomadikong mangangalakal o tinatawag na caravan.
a. wala sa nabanggit b. monopoly c. Polynesia d. Trans-Sahara
22.Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec. Ang tawag sa seremonya kung saan maglalaban
ang dalawang pangkat ng manlalaro sa isang ball court ay_____ .
A. tik-a-tok B. tohua C. pok-ta-tok D. quipu
23.Ang topograpiya ng Andes ay maganda at kaaya-aya, at sa lugar na ito naitatag ang unang
pamayanan. Napalawak ng mga Inca ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ni____.
A. Avllu B. Pachacuti C. Tlacaelel D. Viracoch
24.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng
Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo sa Pacific ay naniniwala sa banal na
kapangyarihan
o mana.
C. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o karagatan.
D. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng pacific ay animismo.
25. Ang paniniwalang ito ng mga monghe noong panahon ng Medieval na naging malaking
impluwensiya
sa pamumuhay ng Tao.
A. Ang pagtratrabaho at pagdarasal C. Pagpapakain ng libre sa mga nangangailangan
B. Pagkain ng ipinagbabawal D. Pagsasakripisyo ng buhay
26. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagbagsak ng imperyong Romano? Maliban sa ____ .
A. iniwan ng mga sundalo ang kanilang tanggulan
B. paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
C. paglawak ng kapangyarihan ng Kapapahan
D. pagtanggol ng mga Romano sa kanyang sarili laban sa mga barbaro
27. Ang miyembro ng College of Cardinals na may karapatang maghalal ng Papa.
A. Arsobispo B. Kardinals C. Obispo D. Pari
28.Alin sa sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa Simbahan sa Gitnang Panahon?
A. Ang simbahan ay hindi nakikialam sa pagpapasiya ng pamahalaan.
B. Ang Simbahan ay naging pangunahing institusyon sa Gitnang Panahon
C. Hindi niyakap ng mga Aleman ang Kristiyanismo
D.Mahina at di kinikilala ang simbahan sa Gitnang Panahon
29. Ang tawag sa karapatan ng hari na pumili ng mga Obispo ng Simbahan ay ______ .
A. interdict B. investiture C. lay investiture D. verdict
30. Ang pag-aalis ng mga karapatan at pribilehiyo sa isang kasapi ng Simbahan ay tinatawag na ____.
A. curia B. interdict C. investiture D. lay
31. Mahalagang pangyayari sa Panahon ng Medival ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi
nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na
naglalarawan sa Kapapahan?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng
Papa
bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
B. Itinuring ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
C. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang katoliko noong panahong
Medieval.
D. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang political ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
32.Ito ay kalipunan na kumikilala sa posisyon ng Papa bilang pinakamataas na estado ng Papa ay ang .
A. batas Canon B. curia C. interdict D. papacy
33. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero, at serf. Alin sa
sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
B. Malaya nilang napauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
D. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
34.Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik ng pag-unlad ng mga bayan?
A. Bagong pamamaraan sa pagtatanim C. Paglakas ng kalakalan
B. Bagong teknolohiya sa pagtatanim D. Pagtatayo ng “guild”
35. Sa unang bahagi ng Panahong Medieval, bihira lang ang magsasakang nagmamayari ng lupa. Ang
dahilan nito ay _______ .
A. nagbibigay sila ng lupain kapalit ng proteksyon.
B. nabili ng mga panginoon ang lupain ng mga magsasaka.
C. maganda ang pamumuno ng panginoon.
D. marami ang nagbibigay ng lupain kapalit ng proteksyon sa ginagawang katiwala.
36.Ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang manor?
A. Pakikipagkalakalan C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
B. Pagsasaka D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan
37. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging
emperador
ng imperyo noong 800 CE? A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short
38. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa
panawagan ni Papa Urban II Noong 1095. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim.
B. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.
C. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.
D. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe.
39. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Ang krusada ay bigong tagumpay”?
A. Ang landas ng buhay ay mayroong katapusan.
B. Ang layunin ay dakila ngunit hindi nagtagumpay.
C. Anumang pagsisikap ay mayroong kabiguan.
D. Maraming buhay ang nasawi.
40. Alin sa mga sumusunod ang unang naganap sa panahong medieval.
A. Bumagsak ang Rome. C. Nakoronahan bilang Emperador si Charlemagne.
B. Naitatag ang piyudalimo. D. Pinamahalaan ni Clovis ang mga Franks.
41. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbibigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe.
Dahil dito hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo”. Ano ang
ipinapahiwatig ng pahayag?
A. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
B. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro.
C. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.
D. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteskyon.
42. Ito ay isang sermonya kung saan ang isang pinunong secular ay pinagkakalooban ng mga simbolo
bilang pamumuno ng simbahan.
A. Batas Canon B. Interdict C. Investiture D. Lay investiture
43.Ang nagsisilbing pangkalahatang pinuno ng Simbahan?
A. Arsobispo B. Obispo C. Pari D. Santo papa
44.Ang paniniwalang ito ng mga monghe noong panahon ng Medieval na naging malaking impluwensiya
sa pamumuhay ng Tao.
A. Ang pagtratrabaho at pagdarasal C. Pagpapakain ng libre sa mga nangangailangan
B. Pagkain ng ipinagbabawal D. Pagsasakripisyo ng buhay
45.Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagbagsak ng imperyong Romano? Maliban sa ____.
A. iniwan ng mga sundalo ang kanilang tanggulan
B. paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
C. paglawak ng kapangyarihan ng Kapapahan
D. pagtanggol ng mga Romano sa kanyang sarili laban sa mga barbaro
46. Ang miyembro ng College of Cardinals na may karapatang maghalal ng Papa.
A. Arsobispo B. Kardinals C. Obispo D. Pari
47. Alin sa sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa Simbahan sa Gitnang Panahon?
A. Ang simbahan ay hindi nakikialam sa pagpapasiya ng pamahalaan.
B. Ang Simbahan ay naging pangunahing institusyon sa Gitnang Panahon
C. Hindi niyakap ng mga Aleman ang Kristiyanismo
D.Mahina at di kinikilala ang simbahan sa Gitnang Panahon
48.Ang pag-aalis ng mga karapatan at pribilehiyo sa isang kasapi ng Simbahan ay tinatawag na ____ .
A. curia B. interdict C. investiture D. lay
49. Mahalagang pangyayari sa Panahon ng Medival ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi
nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na
naglalarawan sa Kapapahan?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng
Papa
bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
B. Itinuring ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
C. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang katoliko noong panahong
Medieval.
D. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang political ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
50.Ito ay kalipunan na kumikilala sa posisyon ng Papa bilang pinakamataas na estado ng Papa ay ang
______ .
A. batas Canon B. curia C. interdict D. papacy
ANSWER KEY
1. A 26. D
2. B 27. B
3. B 28. C
4. B 29. D
5. B 30. B
6. D 31. A
7. D 32. C
8. D 33. D
9. C 34. B
10. C 35. D
11. C 36. B
12. D 37. A
13. D 38. A
14. C 39. C
15. D 40. A
16. A 41. D
17. C 42. A
18. D 43. D
19. A 44. B
20. C 45. D
21. D 46. B
22. C 47. C
23. B 48. B
24. A 49. A
25. B 50. C

You might also like