Professional Documents
Culture Documents
ELE06 - 2nd Semester SY 2023 2024
ELE06 - 2nd Semester SY 2023 2024
MODYUL
ELE0PAGTUTURO NG FILIPINO SA
6 ELEMENTARYA 11
(PANITIKAN NG PILIPINAS)
2ND SEMESTER
S.Y. 2023-
2024
BEED-3
PROF. GLENDA P. FLORES
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) P a g e 1 | 60
Nilalaman
Pahina
Aralin 9 - Dula 48 – 51
Mga Sanggunian 57
Lagom-Pananaw
Bawat bansa ay may sari-sariling kultura, may sari-sariling pambansang identidad
na madaling pagkakilanlan ng bawat isa. Kung natural lamang sa bawat isa ang
magkaroon ng sariling wika, natural lamang din na magkaroon ang bawat isa ng sariling
panitikan. Panitikang magsasalamin sa tangi at tunay na sarili—pagkatao , pagkalahi at
pagkabansa.
Sa Modyul na ito, sasaklawin ang ilang piling panitikan upang bigyang
pagpapahalaga sa likas na katarunungan at may pagmamalasakit sa kabuluhan ng
kultura at Panitikang Pilipino. Ang pagka-Pilipino ng Pilipinas ay sumisikat tulad ng araw
na tinutunton at tinitingala sa silangan ang katalinuhan, katapangan, kagitingan,
kabayanihan at kalayaan ng lahing kayumanggi.
LAYUNIN:
PANGKALAHATANG PANUTO
Mga Aralin:
1. Panggawaing Panitikan
Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayo’t
ganitong uri ng gawain at karunungan.
2. Masining na Panitikan
Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan.
3. Malikhaing Panitikan
Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guniguni at
damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito ay binansagang gayon sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayari binigyang-kulay ng isang
maalab na damdamin at muling hinubog ng guniguni ng kumatha.
b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain ukol sa
kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon.
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraa'y gisingin sa ating mga
puso ang damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at maghandog sa mambabasa.
Ang bisa ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang ito'y
nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahon, gaya rin naman na ang mga pintura ay
nagsasalita sa pamamagitan ng gramatika ng mga kulay, liwanag, at anino. Subalit ang mga
salitang nilimbag ay isa lamang kasangkapan. Ang matatag kaisipan, ang marahas na damdamin
ng puso, ang pag-ibig, ang kalungkutan, lumbay, galak, pakikiramay. paghihiganti, panibugho, at
ang matatamis at masasaklap nakaranasan ng kaluluwa….. ang lahat ng ito ay natititik sa panitikan
ng isang bansa.
Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ginagamit ayon sa hinihingi
ng hangarin:
5. Relihiyon at Edukasyon - ang tayog, lalim, at lawak ng isang panitikan ay nakukuha rin sa
pananampalatayang dala ng relihiyon at sa kabihasnan at kalinangang naituturo ng pilosopiya ng
edukasyon ng bansa.
Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula (poetry) at Tuluyan (prose). Ang panitikang
patula ay masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at
tugma o malayang taludturan. Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak at direktang
paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.
Tulang Pandulaan
Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya.
Maikling Kuwento
Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
Sanaysay
Ito ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa anumang
paksa.
1. Pormal o maanyo - seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa
katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga salita
at mabisang pangungusap.
Talambuhay
Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o buhay ng isang tao na isinulat
ng iba.
1. Maikli - pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng
gagamiting mga pangyayarı.
Dula
Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa
pamamagitan ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na
ginaganap sa isang tanghalan. Ito ay naglalahad ng katotohanan, propaganda o editoryal na may
layuning makisangkot ang mga manonood. Masasalamin dito ang kahapon, kasalukuyan at bukas
ng isang bayan. Masasabing ito ang pinakamagandang uri ng panitikan sapagkat pumapasok dito
ang lahat ng uri ng tula - may damdamin, may tinuturo, pumupuna, nanunudyo, naratibo - na
nagbibigay ningning sa kabuuan ng dula.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lagom-Pananaw
Sa mga naunang talakay ay binigyang panimula ang mga anyo ng
Panitikan.
Sa araling ito at susunod na mga aralin ay iisa-isahin ang iba’t ibang anyo at uri ng panitikan.
Sasaklawin ang mga kahulugan, kahalagahan at kariktan ng Panitikan.
Ang tula ay isa sa kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng
kadakilaan. Ito ang tatlong bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan
upang mag-angkin ng karapatang matatawag na tula, ani Juan C. Balmaceda.
Ang bugtong ay isang palaisipan at pahulaan. Inilalahad nito ang malarawan,
masagisag, madalumat, o dili kaya’y sa makatotohanan o realistikong pamaraan.
LAYUNIN:
Maraming pakahulugan ang mga eksperto sa wika at panitikan tungkol sa tula. Sinasabing
ito ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng mga taludtod at saknong. Ang tula o poem sa wikang
Ingles ay instrumento ng manunulat para ipadama ang kanyang nararamdaman at para ipakita ang
kanyang pagiging makata. Ang mga topics ng tula ay walang limitasyon. Puwede kang sumulat
tungkol sa iyong minamahal o di kaya naman sa kalikasan.
Ginagamit ito upang mabisa at malikhaing maiparating ang damdamin sa pamamagitan ng
mga salita at tugma.
Ito rin ay isang uri ng akdang pampanitikan na karaniwang nahahati sa dalawang anyo,
ang malaya at taludturan. Sa malayang anyo, malaya ang manunulat na gumawa ng tulang ayon
sa kaniya ang haba, tugma, o kung gaano karaming tuludtod o saknong.
Wala ring bilang ang pantig nito kaya naman sinasabing mas pagpapahayag ng damdamin
ang nananaig kaysa sa mga panuntunan.
Sa kabilang banda, ang isang tulang taludturan naman o tulang pormal ay binubuo ng
mga pamantayan sa pagkakasulat nito. Mayroong mga tulang sinusulat na may bilang ang pantig
sa bawat saknong. Mayroon ding mga tula na kinakailangan ng tugma sa bawat taludtod. Ang iba
naman ay nililimitahan din ang haba at kabuuan ng tula sa pamamagitan ng pagbibigay ng bilang
sa dami ng saknong.
Putol
(Michael Coroza)
Dinampot
ng basurero
kumatas
ang dugo
Umiling-iling
ang basurero’t
bumulong, “Sayang,
wala na namang kapares.”
ELEMENTO NG TULA
Ang tula ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o
rhythm. Kilala rin ito bilang patula sa panitikan. Kabilang sa tula ang sumusunod:
Ritmo
Tumutukoy sa pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at
hindi nagbibigay-diin na mga pantig.
Metro
isang serye ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig
sa bawat linya.
Mga Elemento
Sukat
Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,
Pantig – ang paraan ng pagbasa
Halimbawa:
isda = is da = dalawang pantig
Ako ay isang tao = A ko ay i sang ta o = pitong pantig
May apat na uri ng sukat ito:
Wawaluhin – walong pantig
Lalabindalawahin – sandosenang pantig
Lalabing-animin – labing-anim na pantig
Saknong
Tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
2 na taludtod – couplet
3 na taludtod – tercet
4 na taludtod – quatrain
5 na taludtod – quintet
6 na taludtod – sestet
7 na taludtod – septet
8 na taludtod – octave
Tugma
Isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay tumutukoy sa
magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
May dalawang uri ito:
Tugmang ganap (Patinig)
Tugmang di-ganap (Katinig)
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kariktan
Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at
kawilihan
Halimbawa
Maganda – marikit
Talinhaga
Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.
Iba-iba ang uri ng tula. Kahit mayroong panuntunan sa pagsulat nito at mayroon itong
dalawang anyo, nahahati pa rin ito sa iba’t ibang uri na nagbibigay ng kaibahan sa mga tulang
maaaring isulat.
Lahat naman ito ay nagpapahayag ng damdamin ngunit nagkakaiba sa uri ng
pagsasalaysay at pagpapakita ng tema at emosyon.
Mayroong iba’t ibang uri ang tulang liriko: Awit, soneto, oda, dalit, elehiya.
Awit
Soneto
Ito ay isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Karaniwang tumatalakay naman ito
sa kaisipan, diwa ng makata.
Oda
Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang
elemento ang oda.
Elehiya
Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating babasahin ang elehiya. Ito ay tulang
damdamin na may temang kamatayan o pagluluksa.
Dalit
Tumutukoy naman ito sa isang uri ng tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati,
kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwang para ito sa mga Diyos o pinaniniwalaang panginoon
upang magpakita ng pagsamba. Karaniwan din itong isang saknong lamang.
Tulang Pasalaysay
Mayroong dalawang uri ng tulang pasalaysay: ito ang mga epiko at awit o korido.
Epiko
Ito ay isang napakahabang tula, isang uri ng kuwento tulad ng mga nobela, na nakasulat
nang patula. Karaniwang ang bida o pangunahing tauhan sa epiko ay isang bayani o mahalagang
tao sa isang lipunan. Mahalagang bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o lipunan ang epiko.
Binibigyang halaga rin ng mga tao sa isang lipunan o pangkat ang pangunahing tauhan sa isang
epiko.
Awit o kurido
Ito naman ay karaniwang may walong sukat o kung minsan ay hindi sinusunod. Ito ay
karaniwang ginagawa sa ibang bansa tulad ng Europa, Espanya, Gresya, at Pransya.
Mayroong apat na uri ng tulang patnigan ang kinikilala: ang Balagtasan, Karagatan, Duplo,
at ang kontemporaryong FlipTop Battle o Battle Rap.
Balagtasan
Ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’ Baltazar. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawa
o tatlong manunula sa iisang paksa. Magsasalitaan ng pagsagot ang bawat panig na pinagigitnaan
ng isang lakandula o lakambini.
Karagatan
Ito ay isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang
tanghalan. Nagmumula sa isang alamat ang paksa ng tula.
Duplo
Ito ay isa namang paligsahan sa pangangatwiran sa anyong patula. Hango ito sa Bibliya na
binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
Bugtong
Mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning
ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at
maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan
Ito ay nagsimula pa bago dumating ang mga kastila kung ang pag-uusapan ay ang
kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay ginamit upang libangin ang mga tao sa mga oras na wala silang
ginagawa. Dahil dito nakasanayan na itong gawin ng mga taong pagkakatipon sa patay o sa gabi.
Hanggang sa kasalukuyan mayroon pa ring mga tao na nagsasagawa nito. Iyon nga lamang hindi
na kasindami ng mga tao noon.
Sa totoo lamang, nagsimula ang Bugtong sa panahon ng ating mga ninuno noong sila ay
bumuo ng mga karunungang bayan. Nagbigay sila ng mga nakakalitong tanong na parang patula,
at hindi nila direktang ibinibigay ang pinahuhulaan.
Tatlong matatanda,
naghaharap-harapan Kalan
Salbahing langgam
likod ay igapang Bangka
Maliit pa si Totoy,
marunong nang mangahoy Itak o gulok
Isang pinggan,
abot-bayan Buwan
Tandang ko sa parang,
namumula ang tapang Siling labuyo
1. Kumatha ng maikling tula. Maaring malaya o di-malayang tula. Maaari ring tula ng pag-ibig,
pamilya, kaibigan karanasan, panlipunan, atbp. Lagyan ng pamagat at isulat sa malinis na
papel.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lagom-Pananaw
Sumasaklaw sa dalawang uri ng panitikan ang araling ito, ang Salawikain at
Kuwento.
Ang Salawikain ay “mga pangungusap na hitik sa gintong aral” at hindi binabanggit ng
minsanan o sabay-sabay. Ito’y karaniwang mapitagang itinutugon ng “hamak na
mamamayan” sa isang pag-uusap o pagtatalo, samantalang ang Kuwento ay maikling
pagsasalaysay ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mgay tatlo hanggang limang
tauhan, isang pangyayari, isang suliranin, isang pokus, isang kakintalan, isang solusyon
at isang diwa.
LAYUNIN:
Salawikain
Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang
matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang bawat kasabihan ay
may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong mga
sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi. Ito ay naaayon sa opinion at saloobin ng
indibidwal na gumawa o sumulat nito.
Nag-iiwan ito ng aral at pilosopiya sa bawat magbabasa. Ang mga ibang kasabihan ay
naging bahagi na ng ating kulturang pangwika, lalo na iyong mga sinulat at binigkas ng mga dakila
nating mga bayani at mga batikang manunulat. Marami sa mga ito ay karaniwan na nating
nababasa sa mga aklat at ginagamit bilang pampakulay sa mga pananalita. Mahalaga ang
salawikain sa buhay ng isang Pilipino.
Maikling Kuwento
- Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa
rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar
Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
- Tema- Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang
maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipan ng
mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga
naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng
tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong
daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.
1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino
nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan
at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
ito ang problemang haharapin o kinakaharap ng tauhan o mga tauhan sa kuwento.Tumutukoy
ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay
maaaring:
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Mula sa mga salita, parirala, na nasa ibaba, ikonekta ang mga ito (kahit hindi sunod-sunod)
at bumuo o gumawa ng isang maikling kuwento. Maaaring kuwento ng karanasan, kuwento
ng kathang-isip, kuwento ng pag-ibig, kuwento ng pamilya, kuwento ng katatakutan,
kuwento ng kabiguan, kuwento ng paglalakbay, at iba pa.
1. Sa hindi bababa na sampung pangungusap, maaari mo bang ikuwento ang naging buhay o
karanasan mo sa panahon ng pandemya?
Lagom-Pananaw
Ang alamat at pabula ay mga kuwentong–bayan na maaaring kathang isip lamang
o hango sa isang tunay na pangyayari. Ang alamat ay tungkol sa pinagmulan na
maaaring pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punong kahoy, ng ibon,
bulaklak at kung ano-ano pang mga bagay. Ang pabula naman ay karaniwang tungkol
sa iba’t ibang uri ng tao na inilalarawan sa kani-kanilang iba’t ibang pag-uugali, sa
kanilang pang-araw-araw na sitwasyon sa buhay.Lamang, mga hayop ag kumakatawan
sa tao bilang mga tauhan sa kuwento. Ang mga hayop na iyo ay kumikilos, nagsasalita
at may isip, asal na parang sa tao.
LAYUNIN:
Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang
panahon kung kailan ito nangyari.
Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan.
Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kuwento. Sino-sino ang mga gumaganap sa
kuwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng
pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kuwento. Ang saglit
na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay
nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay
ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kuwento.
Mga Bulaklak
Bulaklak
Makahiya
Rosas
Sampaguita
Waling-Waling
Gulay
Ampalaya
Mga Lugar
Baguio: Mina ng Ginto
Bulkang Mayon
Pilipinas
Maria Makiling
Mga Prutas
Bayabas
Durian
Kasoy
Lansones
Mangga
Pakwan
Pinya
Saging
Sampalok
Pabula
Noon, ang palaka at ang ahas ay magkasama dahil ang palaka ay inampon ng ahas
noong ito ay maliit pa. Ang ahas ay mabait sa palaka. Katunayan, pinangunguha pa ng
ahas ang palaka ng pagkain. Habang lumalaki ang palaka, siya ay tinuruan ng ahas kung
paano manguha ng ikabubuhay.
Ngunit dumating ang panahon na tumanda at humina na ang ahas. Dahil dito, hindi
na siya makakuha ng kanyang sariling pagkain.
Sa umpisa, ipinangunguha siya ng pagkain ni palaka, ngunit sa katagalan, mga tira-
tira na lang ang ibinibigay ng palaka sa ahas.
Minsan, nang wala ang palaka at nakaramdam ng matinding gutom ang ahas at
hindi rin siya makahanap ng pagkain dahil hindi siya makakita at makarinig dala ng
katandaan. Umisip siya ng paraan upang magkaroon ng pagkain. Ang naisip ng ahas ay
ikalat ang kanyang malagkit na dagta sa daan upang kung sino man ang daraan ay madikit
doon at hindi na makaaalis at siyang magiging pagkain niya.
Di-nagtagal, mayroon ngang nabitag. Naramdamam ng ahas na may gustong
kumawala. Nilapitan niya ito para kainin. Ang hindi niya alam, dahil sa kalabuan ng
kanyang mga mata at kahinaan ng kanyang mga tenga, ang pagmamakaawa ng palaka ay
hindi niya namalayan. Mismong ang palakang ampon niya pala ang kanyang hinapunan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Magbasa ng mga alamat mula sa Pilipinas. Pumili ng dalawa at suriin. Suriin ang
elemento at bahagi nito. Isumite ang napiling alamat at ang pagsusuri sa malinis na
papel.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Bakit nga ba mga hayop sa halip na mga tao ang ginagamit na tauhan sa pabula?
Ipaliwanag.
2. Magbigay ng limang halimbawa ng pabula.
Lagom-Pananaw
Sasaklawin sa araling ito ang ilang pamamaraan o estratehiya sa pagtuturo
ng panitikan na makakatugon sa madaling pag-unawa ng mga mag-aaral sa elementarya.
LAYUNIN:
1. Dugtungang Pagkukuwento
2. Picture Frame
a. Pagsusunud-sunurin ng mag-aaral ang mga larawan. Ito ay iaayon sa
pagkaganap ng mga pangyayari. Pagkatapos, ito ay igagawa ng buod.
b. Bibigyan ng siwasyon at ito ay isasagawa ng mga mag-aaral .
3. Pakwadrong Pagsasalaysay
Paglalahad ng isang kuwento na may tugtugin habang binabasa ang kuwento,
magpatugtog ng mga awiting instrumental.
Kwadro 7
Wakas
Ibigay ang
katapusan ng
________________.
4. Aklat-Ulat
1. Pamagat ng aklat
2. May akda ng aklat
3. Pamagat ng kuwento o napiling kabanata ng nobela.
5. Pagbabalita (Newscasting)
Gumamit ng mga gamit-biswal sa pagbabalita.
Mga Tanong:
5. Bakit?______________________________________________________
6. Editorial Cartoon
a. Batay sa cartoon, anong isyu o pangyayari ang ipinahayag?
b. Ano ang nakukuhang kaisipan na naipahayag ng cartoon?
c. Sangayon ka ba sa opinion ng lumikha ng cartoon?
7. Concert Writing
Habang nagsusulat may background music na naririnig. Tiyakin lamang na hindi
nakaistorbo ang musikang pinili sa pag-iisip at pagsusulat ng mga mag-aaral.
9. Kuwadro
Ang guro ay maghahanda ng mga larawang nagpapakita ng mahahalagang
pangyayari sa kuwento. Hindi wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga larawan pag
ipinakita sa klase. Ang mag-aaral ang siyang magsasaayos nito. Isalaysay ng mga mag-
aaral ang kuwento pag naayosna ang pagkakasunod-sunod ng mga larawan. Sa
pamamagitan din ng mga larawang ito, matututo ang mga mag-aaral na makuha ang
nangingibabaw na kaisipan ng akda.
Hal. Dapat bang patawarin o lapatan ng parusa si Nyora Memay dahil sa di-makataong
pagtrato sa mga katulong?
Ikaw Tauhan
Pagkakatulad Pagkakaiba
_____________ ____________
_____________ ____________
Ugnayan
Bakit?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Sa iyong palagay, alin sa mga estratehiya ang pinakamabisang gamitin para sa pagtuturo
ng panitikan sa elementarya ? Bakit?
Lagom-Pananaw
Tatalakayin sa araling ito ang parabula na kung saan ito’y isang uri ng kuwento na
hango sa banal na aklat o Bibliya. Ito ay katawagan sa mga kuwento na ginamit ng ating
Panginoon sa kanyang pangangaral. Ito ay nagmula sa salitang Griyego “parabole” na
ang ibig sabihin ay pagkukumpara. Samantalang ang Kuwentong-bayan ay binubuo ng
mga kuwento ng buhay, mga alamat at mga romansa.
LAYUNIN:
PARABULA
Halimbawa ng Parabula:
ANG MGA MANGGAGAWA SA UBASAN
May isang may-lupa na magang-maaga pa’y lumalabas na ng bahay para sumundo ng mga
upahang taong gagawa sa kanyang ubasan. Napagkasunduan nilang magbabayaran ng arawan-
isang denarius sa isang araw na pagtatrabaho.
Makaikatlong oras, lumabas na muli ang may-lupa. Nakita niya ang iba na nakatayo lang
sa may palengke nang walang ginagawa. Kinumbinse niya ang mga ito. “Pumunta kayo sa
ubasan ko at magtrabaho. Babayaran ko kayo nang husto. At nagsitungo nga ang mga ito.
Makaanim na oras, makasiyam na oras, lumabas ulit ang may-lupa at gayundin ang ginawa.
Mag-iikalabing isang oras na, lumabas pa uli siya. May nakita pa siyang ibang nakatayo rin.
Tinanong niya ang mga ito. Bakit buong araw na yatang nakatayo kayo rito nang walang ginagawa?
Walang umupa sa amin, sagot ng mga ito.
Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho, anyaya ng may-lupa.
Dumating ang gabi, kinausap ng may-ubasan ang kapatas. Tawagin mo na ang mga
trabahador at bayaran sila ng kanilang sahod, simula sa pinakahuling kinasundo hanggang sa
pinakauna.
Ang mga manggagawang kinasundo sa ikalabing isang oras ay nagsidating at bawat isa ay
tumanggap ng isang denarius. Nang dumating ang mga naunang kinasundong trabahador, umasa
silang higit ang sasahurin. Ngunit bawat isa sa kanila ay tumanggap din ng tig-iisang denarius.
Bumubulong-bulong ang mga ito laban sa may-ubasan nang tanggapin nila iyon. Isang oras lang
nagtrabaho ang huling kinasundo, maktol nila, ginawa ninyong pantay ang sahod sa amin
samantalang kami ang sobrang nagpagod at nagbilad sa araw.
Sinagot ng may-ubasan ang isa sa kanila. Kaibigan, huwag ninyong isiping hindi ako
makatarungan sa inyo. Di ba sumang-ayon kayong magtrabaho sa halagang isang denarius?
Kunin ang sahod ninyo at makaaalis na kayo. Gusto kong bigyan ang mga taong huling kinasundo
ng pantay sa ibinigay ko sa inyo. Wala ba akong karapatang gawin ang gusto ko sa sarili kong
pera? O naiinggit kayo dahil mapagbigay ako?
Ang kaharian ng langit ay tulad din dito, ang huli ang nauuna at una ang nahuhuli. (Maeo
20:1-16. Isina Filipino ni Joey A. Arrogante).
Kuwentong Bayan
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Magbasa ng isang talinghaga sa Bibliya. Suriin at bigyang paliwanag ang mga aral na
mapupulot dito. Isulat ang magandang balita kung saang aklat, chapter, verse ng Bible ito
makikita.
1. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang uri ng
manggagawa sa ubasan? Ipaliwanag.
2. Kung isa ka sa manggagawa maghapong nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng
araw ngunit ang tinanggap mong upa ay kapareho rin ng isang oras lamang na nagtrabaho,
magrereklamo ka rin ba? Bakit?
Lagom-Pananaw
Mula at Alamat, dalawang salitang bumubuo sa mulamat. Mula na ang ibig sabihin
ay simula o umpisa at alamat na ang tinutukoy ay leyenda, legend sa Ingles, na ang ibig
sabihin ay isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay tungkol sa pinagsimulan ng
mga bagay-bagay. Samakatuwid, ito ay mga kuwento tungkol sa simula ng simula.
LAYUNIN:
Mitolohiya Noon
Sinasabing ang mitolohiya ay nag-umpisa pa bago naitaguyod ng kanya-kanyang mga sekta ang
relihiyon. Buhat dito, ang mga lokal na lumaking nakikinig sa mga mito ng kanilang bayan ay
tiningala ang mitolohiya bilang kanilang relihiyon at ginagamit nilang gabay upang mabuhay ng
matiwasay.
Ang pinakamainam na halimbawa ay ang Griyego, na kung saan ang kanilang mitolohiya ay kitang-
kita sa kanilang literature, kultura, arkitektura at porma ng sining.
Ang mga sinaunang tao ay nagpatayo ng mga monumento, estatwa, gusali at mga larawan
para sa tinitingala nilang mga diyos at diyosa. Noon rin ay nagsasagawa sila ng mga ritwal para sa
mga diyos at diyosa na pinaniniwalaan ng mga tao upang maitaboy ang mga masasamang
elemento at ispirito at humingi ng gabay sa kanilang pagdedesisyon.
Mitolohiya Ngayon
Troy, Clash of the Titans at Percy Jackson na ibinase sa Mitolohiya ng Griyego at Roma
Maraming mga bansa ang mayroong sari-sariling mitolohiya. Mayroon silang kani-kanilang
bersyon ng diyos at diyosa, diwatas, engkanto at iba pa.
Mitolohiyang Pilipino
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon
sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang Taga-Rome hanggang ang
katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema
sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang
kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong
supernatural.
Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang
nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman
nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay
binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang
paniniwala at kultura.
Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang nilikha.
Isinulat ni Virgil ang “Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha
ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan
nila bilang isang imperyo. Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang
“Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang makatang
1. Zeus / Jupiter
- hari ng mga Diyos; Diyos ng kalawakan at panahon
- tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
- asawa niya si Juno
- sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera / Juno
- reyna ng mga Diyos
- tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa,
- asawa ni Jupiter
3. Posiedon / Neptune
- kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades / Pluto
- kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares / Mars
- Diyos ng digmaan
- buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
6. Apollo / Apollo
- Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
- Diyos din siya ng salot at paggaling
- dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena / Minerva
- Diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
- kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
9. Hephaestus / Vulcan
- Diyos ng apoy, bantay ng mga Diyos
Mitolohiyang Griyego
Kilala ang mitolohiya ng mga Griyego sa buong daigdig dahil popular itong ginagamit na
basehan ng mga pelikulang tumutukoy sa mga diyos at iba pang mga makapangyarihang nilalang.
Sa kanilang mitolohiya, mayroong mga nilalang na ang tawag ay Titan. Sila ang mga mas
nakakataas sa mga Olympians.
Ilan sa mga Titans ay sila Oceanus, Hyperion, Tethys, Theia, Crius, Iapetus at Prometheus.
Ang mga diyos naman ay sila Zeus, Hera, Poseidon, Demeter, Hades at Hestia, Apollo, Artemis,
Athena at iba pa.
Ang bawat makapangyarihang nilalang na ito ay may kanya-kanyang karakter na
bumabagay sa kung ano ang kanilang kapangyarihan. Halimbawa nito ay si Ares, ang Diyos ng
Digmaan. Walang ginawa ang Diyos na ito kundi magtanim ng poot sa damdamin at gulo sa isipan
ng mga tao.
Ang bawat Diyos ay may sari-sarili rin paboritong mga bayan sa Gresya, tulad na lamang ng
Athens na paborito ni Athena at Sparta ni Ares. Mayroon silang mga kanya-kanyang rebulto at mga
pook sambahan sa kanilang “patron city”. Bukod sa mga Titans at Olympians, mayroon ding mga
tinatawag na demi-god, o mga taong may dugong Diyos. Ang mga pinakasikat na demi-gods ay sila
Hercules, Perseus, Achilles, Orpheus, Hippolyta, Helen of Sparta, at Theseus.
Ang bawat mito ng mga Griyego ay punong-puno ng kuwento ng pakikipagsapalaran. Ito ay
maaaring dahil sa pakikidigma din ng bansa sa mga ibang nasyon upang mapalawak ang kanilang
teritoryo.
Sabi ng mito ng Griyego, ang sinaunang mundo ay punong-puno ng kaguluhan, kamatayan
at kadiliman. Ang tanging nilalang lamang noon ay sila Erebus, ang Gabi at ang Kamatayan.
Hanggang sa isinilang si Nyx, isang malaking ibong may pakpak na itim.
Mitolohiya ng Romano
Saturn – Kronus
Jupiter – Zeus
Neptune – Poseidon
Venus – Aphrodite
Pluto – Hades
Vulcan – Hephaestus
Minerva – Athena
Diana – Artemis
Mitolohiya ng Tsina
Ang mito ng Tsina, tulad ng karamihan ng mga mito ng ibang bansa, ay mayroong mga
naisasalaming bahagi ng kultura, tradisyon at kasaysayan ng kanilang bansa. Mayroon mang
halong kababalaghan ay hindi mawawala ang pinagbasehan nilang katotohanan na ginagamit na
basehan ng mga eksperto sa pag-aaral ng kasaysayan.
Sa pagbuo ng mundo at kalawakan, ang nakatala sa mito ng mga Tsino ay nag-umpisa ang
kalawakan bilang isang magulong lugar. Ang kalangitan at ang kalupaan ay walang pinagkaiba, at
ito ay ihinambing sa isang itim na itlog. Sa itim na itlog na ito ay sinasabing dito isinilang si Pangu
na natulog ng 18,000 na taon, at sa buong oras na ito ay nabuo ang Yin at Yang sa itim na itlog na
ito.
Nang magising siya, naisipan niya na siya ay nakulong sa itlog na ito kaya binasag niya
mula sa loob nito at itinulak upang maghiwalay ito at nang siya ay makalabas na. Ang dakong itaas
ng kanyang hinati ay naging kalangitan at ang ibaba naman ay ang kalupaan. Mula rito ay mayroon
nang iba’t ibang bersyon ng kuwento ng pagkalikha sa mundo.
Nasabing mayroong tumulong sa kanya na nilalang. Sa iba’t-ibang bersyon, mayroong nagsabi na
ito ay isang dragon, phoenix at pagong.
Matapos ang halos dalawampung-libong taon ay namatay siya at ang kanyang katawan ay
ang naging bahagi ng kalupaan, at ang mga nakatirang organismo sa kanya ay naging tao.
Mayroong bersyon din na nagsasabing mayroong diyosa na dumating at siya ang lumikha ng tao.
Kung sa Griyego mayroon silang Zeus, sa Tsino may katumbas siya na si Shangdi. Siya ang
pinaka-importanteng konseptong panrelihiyon noong panahon ng Shang Dynasty.
Ang ginamit na salitang Intsik para sa kanyang pangalan ay nangangahulugang Diyos, na
parehong ginagamit na ngayon upang tukuyin ang Diyos na tinitingala ng mga Kristyano ngayon.
Ang kauna-unahang babaeng diyosa sa bansang Tsina ay si Nuwa. Siya ang mitolohikal na tauhan
na kilala sa paglikha ng tao pagkatapos ng matitinding delubyo. Sa mga sumunod na kuwento na
tungkol sa kanya ay nabanggit na mayroon na siyang asawang si Fuxi.
Si Nuwa ay kadalasang inilalarawan na mayroong katawan ng ahas at may ulo ng tao. Ayon
sa mga mito na tungkol sa kanya at sa paglikha ng tao, si Nuwa ay naghulma ng mga tao gawa sa
dilaw na putik.
Nang siya ay napagod sa kanyang ginagawa, naglubog ng tali sa dilaw na putik at ito ay
iwinasiwas at nagkalat. Ang mga kalat na putik ay sinasabing mga ‘commoner’ at ang mga
nahulma ay ang mga may-kaya.
Mitolohiya ng Hapon
EPIKO
MGA EPIKO
Higit nating makikilala ang ating pagka-Pilipino sa ating mga epiko. Nasasalamin natin dito
ang maraming pangarap ng lahing kayumanggi.
2. Hudhud- ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Aliguyon, ang bayani ng lahing Ifugaw, at ang
kadakilaan at kaluwalhatian ng kasaysayan ng kanilang lahi. May mga bahagi ng tulang ito
na hanggang ngayon ay inaawit pa ng mga Ifugao sa mga kasalan at ibang pagdiriwang.
Noong araw, ang buong daigdig ay pulos lupa at patag, maliban sa Bundok Amuyaw sa
Silangan at Bundok Kalawitan sa Kanluran. Ang mga tao ay nakatira sa kapatagan. Noon ay
nabubuhay na nang matiwasay ang mga tao, malabathala at walang kamatayan. Kapag ibig
(Ito raw ang naging simula ng digmaan sa daigidig, dahil tumalab ang sumpa ni Makanungan.)
PRINSIPE BANTUGAN
Si Haring Madali ng kahariang Bumbaran ay kapatid ni Prinsipe Bantugan. Balita sa lakas at
tapang si Prinsipe Bantugan kaya't walang nangangahas dumigma sa kanilang kaharian. Maraming
mga dalaga ang naakit kay Prinsipe Bantugan kaya't nainggit si Haring Madali. Ipinagbawal niya sa
lahat ng nasasakupan na kausapin si Prinsipe Bantugan. Nagbanta pa ang hari na ang sinumang
mahuling nakikipag-usap sa prinsipe ay lalapatan ng parusang kamatayan. Dahil sa matinding
kalungkutan ay umalis si Prinsipe Bantugan at nagtungo sa ibang lupain.
Sa kasamaang palad, ang prinsipe ay inabot ng sakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng
kahariang nasa pagitan ng dalawang dagat. Nagulumihanan ang magkapatid na hari at prinsesa ng
naturang kaharian nang malaman ang nangyari. Hindi nila nakilala si Prinsipe Bantugan kaya't
tinawag ang konseho.
Pinagpulungan nila kung ano ang gagawin sa katawan ng prinsipe. Habang sila ay
nagpupulong ay isang loro ang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakaburol ay ang balitang
Prinsipe Bantugan ng kahariang Bumbaran. Pagkasabi nito ay lumipad na ang loro at bumalik sa
Bumbaran. Ibinalita nito kay Haring Madali ang sinapit ng kapatid nitong prinsipe. Nang malaman ni
Haring Madali ang sinapit ng kapatid ay nanaig ang pagmamahal dito at napawi na ang kinikimkim
na inggit sa kapatid. Kaagad lumipad sa langit ang hari, kasama ang isang kasangguni upang
bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Samantala, ang bangkay naman ng Prinsipe ay pinilit
madala sa Bumbaran ni Prinsesa Datimbang. Nagdiwang lahat nang muling mabuhay si Prinsipe
Bantugan. Nanauli sa dati ang mabuting pagtitinginan ng magkapatid.
Sa kaharian naman ni Haring Miskoyaw, nabalita ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan.
Ang naturang hari ay dating kalaban ni Haring Madali, kaya naghanda kaagad upang salakayin ang
Kahariang Bumbaran. Kasalukuyang nagdiriwang noon ang buong kaharian dahil sa pagkabuhay ni
Prinsipe Bantugan nang sumalakay sina Haring Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at nagkaroon
ng labanan. Buong tapang na lumaban si Prinsipe Bantugan ngunit dahil kabubuhay pa lamang,
siya ay nanghina at nabihag. lginapos siya ngunit nakawala naman nang manumbalik ang kanyang
lakas. Nilagot niya ang gapos at buong tapang na nakipaghamok hanggang sa malupig ang mga
kaaway.
BIDASARI
Ang Bidasari ay nasasalig sa isang matandang paniniwalang ang buhay ay napatatagal
kung ang kaluluwa ay pinaiingatan sa isda, hayop o anumang bagay
na may buhay. Ito ay isang epiko-romansang Malay.
Kasalukuyang maligaya ang lahat, lalo na ang sultan ng Kembaya dahil sa pagdadalantao
ng sultana nang biglang sumalakay ang higanteng ibong si Garuda. Iniwan nila ang kaharian upang
magsipagtago, ngunit ang sultan at sultana ay napahiwalay sa karamihan. Inabot ng panganganak
ang sultana sa tabi ng ilog at marahil sa kalituhan at sa laki ng takot ay naiwan nila ang sanggol sa
isang Bangka sa ilog.
Isang mangangalakal na nagngangalang Diyuhara ang nakapulot sa sanggol. Iniuwi ito at
pinangalanang Bidasari. Habang lumalaki ay lalong gumaganda si Bidasari. Maligaya si Bidasari
hanggang sa siya'y maging ganap nang dalaga.
Samantala, ang sultan ng Indrapura, si Sultan Mongindra, ay may dalawang taon nang
kasal kay Sultana Lila Sari. Ang sultana ay mapanibughuin at laging nangangambang baka
maagaw sa kanya ng iba ang kanyang asawa. Dahil sa pangamba ay naisipan ng sultana na
magpahanap sa mga kawal ng babaing higit na maganda kaysa kanya. Nakita ng mga kawal si
Bidasari at dahil sa pinapaniwala siyang gagawing dama ng sultana ay sumama siya.
Ipinakulong ni Lila Sari si Bidasari at tuwing aalis ang sultan ay pinarurusahan ang dalaga.
Nang hindi na makatiis si Bidasari sa pahirap ay sinabi niya kay Lila Sari na kung ibig nitong
mamatay siya ay kunin ang gintong isda sa hardin ng ama ng dalaga. Sinabi pang kuwintasin ito ni
Lila Sari kung araw at ibalik sa tubig kung gabi. Hindi raw maglalaon ay mamamatay siya.
Pinahintulutan ng sultana si Bidasari na makauwi sa kanila pagkatapos makuha ang isda.
Kapag kinukuwintas ni Lila Sari ang isda sa araw ay nakaburol sa kanila
Bidasari. Sa gabi lamang siya nabubuhay. Ipinagtayo ng ama si Bidasari ng palasyo na malayo sa
Indrapura. Ito'y dahil sa takot na tuluyang patayin ni Lila Sari si Bidasari.
Palagay na palagay na ang loob ni Lila Sari sa paniwalang mamamatay na si Bidasari.
Isang araw ay naisipan ni Sultan Mongindra na mangaso. Napagawi siya sa palasyong
kinaroroonan ni Bidasari. Natawag nito ang kanyang pansin at pinilit niyang buksan ang pinto.
Nakita niyang walang tao, pinasok ang mga silid at isa sa mga iyon ay natagpuan niya ang
nakaburol na si Bidasari. Ginising niya ito, ngunit hindi ito magising. Kinabukasan ay bumalik ang
sultan at binantayan ang nakaburol hanggang gabi. Labis na humanga ang sultan sa kagandahan
ng dalaga. Nang sumapit ang gabi ay nabuhay Si Bidasari. Ipinagtapat ni Bidasari ang ginawa sa
kanya ni Lila Sari. Dahil dito ay nagalit ang Sultan. Pinakasalan niya si Bidasari at siyang pinaupo
sa tabi niya sa trono. Si Lila Sari ay naiwang nag-iisa sa kanyang palasyo.
Pagkalipas ng mga taon ay nakabalik na ang mga tao sa Kembaya. Ang tunay na mga
magulang ni Bidasari ay nagkaroon ng isa pang anak na pinangalanang Sinapati. Isang anak na
lalaki naman ni Diyuhara na inakala ni Bidasari na siyang tunay na kapatid ang dumating sa
Kembaya. Nang makita niya si Sinapati ay nagulat siya sapagkat kamukhang-kamukha nito.
Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura sa pagbabakasakalıng si Bidasari ang nawawalang
anak. Gayon na lamang ang pagtataka dahil magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Nang
sabihin ni Sinapati na naghahanap siya ng kapatid na nawawala, naiwan sa bangka, ayon sa
pagtatapat ng ama ay inamin ni Diyuhara na si Bidasari nga iyong hinahanap niya.
Si Sinapati ay iniharap kay Sultan Mongindra at naging maligaya ang lahat nang
magkakilala ang magkapatid sapagkat si Bidasari pala'y tunay na prinsesa.
EPIKO NG TAGALOG
EPIKO NG ILOKO
Biag ni Lam-ang - ito ay akda ni Pedro Bukaneg tungkol sa isang bayani at ang kanyang matapat
na mga alaga, isang puting tandang na manok, at isang aso.
BIAG NI LAM-ANG
Pedro Bukaneg
Hango sa Epikong Ilokano
EPIKO NG BIKOL
IBALON
Ito ay tungkol sa bayaning si Baltog, ang unang nakarating sa Bikol mula sa kaharian ng
Samar. Kasama ng ama, tinuruan nila ang mga mamamayan ng wastong pamumuhay at mga
industriya. Itinuro rin nila ang mahusay na pagpapasunuran ng panginoon at alipin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Aralin 8 SANAYSAY
Lagom-Pananaw
Pagsasalaysay ng isang sanay kung bigyan-pakahulugan ito noon ni Alejandro G.
Abadilla. Isa sa mga akdang pampanitikan, ang sanaysay. Para mahusay itong maisulat,
kailangan ang masinop na pag-aaral at kasanayan. Katunayan, kabilang sa matatawag
na sanaysay ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, diskuro at
panunuri at ang mga sulating pampamahayagan gaya ng editoryaal, artikulo-tanging pitak man o
tanging balita.
LAYUNIN:
Pormal Na Sanaysay
Ang sanaysay na pormal ay mayroong seryosong tono paksa at mayroong masusi at
komprehensibong pagsasalaysay ng mga katotohanan, pangyayari, at karanasan. Gumagamit din
ito ng pormal o akademikong salita. Ginagawa rin ang buong sanaysay gamit ang mga
impormasyong mahahalaga at ginagamitan ng pananaliksik. Maayos din ang pagkakasunod-sunod
ng ideya sa sanaysay na ito.
Di Pormal Na Sanaysay
Ang di pormal na sanaysay naman ay tumatalakay naman sa isang paksa o usaping
pangkaraniwan na o mas nananaig ang opinyon o obserbasyon. Gumagamit din ito ng mga balbal
o mga salitang magagaan lamang at karaniwang hindi sumusunod sa nakasanayang paraan ng
pagbibigay ng ideya at pangyayari.
Mabisa ang sanaysay bilang lunsaran ng damdamin at pagbibigay ng kaalaman. Dahil isa
ito sa pinakamahahalagang akdang pampanitikan na mayroon tayo, may mga hakbang na
kinakailangang isakatuparan upang makasulat at makabuo nang maayos at masinop na sanaysay.
Mahalagang matutuhan ang wastong pagsulat ng sanaysay dahil ginagamit ito sa paaralan,
maging sa propesyonal na larangan.
Dahil ang isa sa mga layunin ng pagsulat ng sanaysay ay ang magbigay ng kaalaman at
opinyon, marapat lamang na alamin ang adhikain sa pagsulat. Tukuyin kung nais mo lamang bang
magkuwento o magbahagi ng iyong damdamin. Alamin kung nais mo bang magbigay ng
impormasyon o tanging misyon mo ay ang aliwin ang iyong mambabasa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Aralin 9 DULA
Lagom-Pananaw
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo.Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang
tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong
dalubhasa sa larangan ngpagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga
mandudula, dramatist o dramaturgo.
LAYUNIN:
Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan. Ginagawa sa
dula ang buhay ng tao na sadyang pabago-bago at paiba-iba ang takbo. Kung minsan
ay malungkot, kung minsan naman ay masaya. Kung minsan ay mapagbiro, kung
minsan naman ay walang kibo.
Bahagi ng Dula
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto
upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa
yugto.
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.
6. Parodya – kapag mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna kaya’y pambabatikos
na katawa-tawa ngunit nakasasakit ng damdamin ng pinag-uukulan.
7. Proberbyo- Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na
salawikain, ang kuwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang
buhay.
At marami pang iba’t ibang uri ng dula ayon sa ginagawang eksperimento ng mga
mandudula.
Senakulo-karaniwang itinatanghal noon tuwing Mahal na Araw ay hango sa Pasyon, ang aklat ng
kabutihan at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo.
Panunuluyan – ito ay isang gabi lang. Ito ay pamaskong dula. Inilalarawan ditto sina Jose at
Maria sa kanilang paghahanap ng lugar na mapagsisilangan kay Hesus na ang wakas ay
sa simbahan sa Araw ng Kapaskuhan.
Salubong- ang yugtong itinatanghal sa madaling araw ng muling pagkabuhay ni Hesus.
Tibag – ang yugtong malaon nang umakyat sa langit si Hesus at sa Herusalem ay naisipang
paghanapin ni Emperatris Elena, kasama ang anak na si Constantino, ang krus na
pinagpakuan kay Hesus.
2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan
gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap
3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng
tauhan o ng mga pangayayari
B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng
dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang
walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.
C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa
manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang
kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng
diyalogo ay kinakailangan malakaskaysa normal na pagsasalita
Mapanghamon na gawain ang pagsulat ng dula. Kahit ang mga beterano na sa pagsulat
nito ay humaharap pa rin sa maraming hamon. Ang sumusunod ay pangkalahatang metodo o
paraan ng pagsulat ng dula.
1. Brainstorming ng Naratibo
Pagpasiyahan kung anong kuwento ang nais ibahagi. Isipin ang pangunahing tauhan at
kung paano tatakbo ang kaniyang kuwento.
Ano ang gagawin niya?
Magsisiyasat ba siya ng misteryo?
Sasailalim ba siya sa isang ritwal (coming-of- age story, halimbawa)?
Maglalakbay ba siya?
Magdaraan ba siya sa serye ng mahihirap na pangyayari upang makamit ang kaniyang
hangad?
Magdadala ba siya ng kaguluhan?
2. Mahalagang Idea
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Gumawa ng isang dula (yugto) sa larawang nasa itaas. Ilarawan ang gawi at kilos ng mga
tauhan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lagom-Pananaw
Maraming mga estratehiyang magagamit ng guro sa klase. Ang mga kagamitang
ito at mga teknik ay nagiging epektibo at makabuluhan kapag ang guro ay may tiyaga,
sipag at pagkamalikhain. Sa tulong ng mga estratehiyang ito at sa mahusay na pagtuturo
na guro, walang dahilan para hindi matuto ang mga mag-aaral.
LAYUNIN:
1. Inquiry Chart
Para sa Tunguhin, Kilos at Kinalabasan
4. Guide – O-Rama
Pagpapasagot ng mga tanong na may kaugnayan sa teksto.
9. Cycle Graph
Pag-uugnay ng karanasan sa tulong ng pangkatang Gawain.
Binhi
Sibol
Lider
detalye
PAKSA
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Sa iyong palagay, alin ang mas epektibo sa mga estratehiyang tinalakay? Ipaliwanag.
Mga Sanggunian:
Arrogante, J.A. et. al. (2004). Panitikang Filipino Antolohiya, National Book Store, Mandaluyong
City.
Lalic, E. D at Matic, A.J. ( 2004). Ang Ating Panitikang Pilipino. Trinitas Publishing, Inc.
Lorenzo, C.S, et. al. (2010). Literatura mg Iba’t Ibang Rehiyon ng Pilipinas. Binagong Edisyon.
Grandbooks Publishing, Inc. Pateros, Metro Manila.
Lumbera, Bienvenido, et al. ( 2006). Paano Magbasa ng Panitikang Filipino. Mga Babasahing
Pangkolehiyo. Ikalawang Limbag. The University of the Philippine Press. Quezon, City.
Panganiban, Jose Villa, et. al. Panitikan ng Pilipinas. Rex Book Store. 1996
Internet Entry:
https://www.panitikan.com.ph/tula-
https://www.panitikan.com.ph/paano-gumawa-ng-sanaysay
https://www.wikakids.com/2017/11/bugtong.html
https://www.wikakids.com/2017/11/ano-ang-alamat.htm
https://www.myph.com.ph/2011/09/dula.html#.YDDdu-gzZPY
https://www.elcomblus.com/metodo-o-paraan-ng-pagsulat-ng-dula/
http://mga-salawikain.com/
http://kuwentosentral.blogspot.com/2008/10/mga-uri-ng-maikling-kuwento.html
https://208500232771798456.weebly.com/mga-uri.html
https://pinoycollection.com/alamat/
https://m.pinoyedition.com/mga-
pabula/?fbclid=IwAR0NMUK9FMkw3YHuZwzcfap0ReFXU6unQLYxv5E2jCuetkwlMF4gRIu-ao4
https://m.pinoyedition.com/salawikain/?fbclid=IwAR3SVklKIbAj1Ca4TjdxnIhK5ImDSDtGgihLK0O2E
D_qUpeXaBRLAqVLPLw
https://wennchubz143.blogspot.com/2015/08/mitolohiya.html?m=1&fbclid=IwAR1nVpkdD5iHOqkA
Gnvhttps://takdangaralin.ph/mitolohiya/?fbclid=IwAR2DcMHLdNJ3cffFaow5LVlTExP2LuHA-
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-
epiko_788.html?fbclid=IwAR0bE78yi4PCnkF3NVEotfnqhuyALKrtZ9u4nSRRN7crgeCZH5BwLa8Ccl
Nabatid: