Esp DLP w4 g10-ms

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

RAMON MAGSAYSAY CUBAO

PAARALAN: BAITANG/ANTAS: GRADE 10


HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA
GURO: MS. SEVGI CARINA E. SALTING ASIGNATURA:
PAGPAPAKATAO

ARAW AT IKATLONG
MARCH 4-7, 2024 MARKAHAN:
PETSA: MARKAHAN

I. MGA KASANAYAN
10.1 Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay (EsP10PB-IIIc-10.1)
10.2 Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay (EsP10B-IIIc-10.2)
10.3 Napangangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang
mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na
A. Mga Kasanayan sa mahalaga kaysa buhay
Pagkatuto b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos
ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at
kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos. (EsP10PB-IIId-
10.3)
10.4 Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag
sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan (EsP10PB-IIId-10.4)
B. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggalang sa buhay.
Pangnilalaman
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
C. Kasanayan sa Pagganap
paggalang sa buhay (i.e., maituwid ang “culture of death” na umiiral sa lipunan)

Pangkognitibo: Napapangatwiranan ang mga isyu tungkol sa paglabag ng


paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan;

D. Mga Tiyak na Layunin Pagpapahalaga: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng paggalang sa buhay;


at

Pagganap: Nakagagawa ng mapanindigang posisyon tungkol sa kahalagahan ng


paggalang sa buhay.
II. NILALAMAN (PAKSA) MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa K to 12 124-125
MELCS
2. Mga Pahina sa 254-276
Kagamitang Pang-
Mag-aaral

Worksheets, Marker, Tarpapel, Papers, Colored Papers, PowerPoint


3. Iba pang Kagamitang
Presentation, Art Materials, Manila Paper
Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Tumayo tayong lahat upang manalangin.
Sino ang maaring magdasal para sa araw na ito? (nagtaas ng kamay)
Ako po ma’am!
Ok, Kevin, pumunta ka rito sa harap at ipanalangin
mo ang buhay na biyaya sa atin ng Panginoon.
(nag-sign of the cross ang ilan)
(yumuko ang mga mag-aaral at tumahimik)
“Panginoon maraming salamat po sa araw na
ito, salamat din po sa buhay na ipinagkaloob mo
sa amin dalangin po naming na gabayan ninyo
po kami at ingatan, gano’n din po ang aming
guro upang maturuan kami ng maayos.
2. Pagbati Maraming salamat po, Amen.”
Amen. Maraming salamat, Kevin. Magandang umaga
klase!
(sabay-sabay) Magandang umaga din po,
3. Pagsasaayos ng silid aralan Binibining Sevgi!
Bago kayo umupo, paki-ayos ang inyong mga pwesto
at paki-pulot ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga
upuan. (inayos ng mga mag-aaral ang kanilang pwesto)
(pinulot ng mga mga mag-aaral ang mga kalat)
4. Pagtatala ng liban
Para sa attendance ngayong araw, pag tinawag ko
ang pangalan sabihin “Present!” ng may sigla, at
kung lumiban naman ang inyong kaklase may isang
mag-isa ng “Absent!” para sa kanya. Naunawaan ba?

(tinawag isa-isa ng mga pangalan, mula lalaki (sabay-sabay) Opo!


hanggang sa mga babae)

5. Balik Tanaw
No’ng nakaraang lingo ating tinalakay ang tungkol sa
Espirituwalidad at Pananampalataya. Natutunan
natin na ang ating Espiritu ang siyang dahilan kung
bakit tayo ay bukod-tangi. At ang pananampalataya
naman ang ating personal na ugnayan sa Diyos.
Pinag-aralan din natin ang iba’t-ibang mga relihiyon,
pamamaraan ng paglago ng ating pananampalataya,
at ang apat na uri ng pagmamahal.

Ngayong linggo, aalamin naman natin ang tungkol sa


mga isyung moral tungkol sa buhay.

B. PAUNANG PAGTATAYA
Para simulan ang ating bagong aralin, bibigyan natin ito ng
“twist”.

Panuto: Bumuo ng pitong grupo mula sa klase pagkatapos ay


pumila ng maayos, at sundin ang mga sumusunod:
1. Pakinggan, at basahin ang kwento na sinulat ni
William Kirkpatrick na may pamagat na “The
Lifeboat Exercise.”
2. Ang bawat isa ay kailangang bumuo ng paper boat
bago sagutan ang aytem ayon sa kanilang bilang
mula sa pila.
3. Ang unang makakatapos ng pagsusulit ay
makakakuha karagdagang tatlong puntos, ang
sumunod naman ay dalawang puntos, at ang mga
nahuli ay isang puntos.

Naunawaan ba ninyo ang inyong gagawin? (sabay-sabay) opo!

Simula na natin, ang gawain na ito ay tatapusin sa loob


lamang ng limang minuto.

The Lifeboat Exercise


(Hango sa aklat ni Willim Kirkpatrick)

Isang barko ang nasiraan sa gitna ng karagatan at


nanganganib lumubog. Dahil dito, inihanda ng mga
tauhan ng barko ang mga lifeboat upang mailigtas ang
mga pasahero. Ngunit limitado lamang ang bilang nito at
hindi lahat ng mga pasahero ay makagagamit nang sabay-
sabay. Nangangahulugan ito na may maiiwan at di tiyak
ang kanilang kaligtasan. Ang mga nasa loob ng barko ay
ang mag-asawa kasama ang kanilang anak, accountant,
manlalaro ng basketball, guro, doctor, inhinyero, artista,
mang-aawit, pulis, sundalo, isang may kapansanan,
matandang babae at iba pa.
Kinuha mula sa: ESP 10 Modyul

Mga katanungan:
1. Kung ikaw ang may hawak ng lifeboat sino-sino ang
mga sasakay sa lifeboat?
a. Guro, Doktor, Pulis.
b. Manlalaro ng Basketball, Artista, Sundalo.
c. Matanda, Mag-asawa, Anak, at Batang may
kapansanan.
d. Lahat ng nabanggit.

2. Mula sa iyong binasa, ano ang pinaka-malaking


balakid upang mailigtas ang lahat ng pasahero?
a. Limitadong kagamitan.
b. Limitadong oras upang sumagip.
c. Bilang ng pasahero na kailangang iligtas.
d. Nahirapang pumili kung sino ang mga
isasagip.

3. Mula sa iyong binasa, ano ang dapat na maging


konsiderasyon sa pagpili kung sino-sino ang isasakay
sa lifeboat?
a. Kung sino lamang ang makakayanang iligtas
sa limitadong oras.
b. Unahin ang may pinakamataas na
kontribusyon sa lipunan.
c. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan
o kalagayan ng tao.
d. Mahalagang isang alang-alang ang edad sa
pagpili ng sasakay sa lifeboat.
4. Maituturing bang mabuting halimbawa ang iyong
binasa sa pagpapakita ng kasagraduhan ng buhay?
a. Opo, dahil naging susi ito upang maging
mabuti ang ating pagtingin sa buhay.
b. Opo, dahil nagbibigay ito ng positibong
pagtingin sa kasagraduhan ng buhay.
c. Hindi po, dahil balakid ito upang mabawasan
ang halaga ng pagtingin sa buhay.
d. Hindi po, dahil ipinapakita nito ang
pagsasantabi sa buhay ng iba.

Sagot: 1. D. 2. A. 3. C. 4. D.
Aytem No.5 Panuto: Sumulat ng isang pangungusap tungkol
sa aral na napulot mula sa iyong binasa.
_____________________________________________

Ang sagot ay dapat makitaan ng mga keywords tulad ng:


1. Mahalaga ang buhay
2. Ingatan ang buhay
3. Respetuhin ang buhay
4. Iligtas, Sagipin
5. Huwag tumingin sa estado

(natapos ang pagtataya)

Mahusay, group 7 dahil kayo ang unang nakatapos meron


kayong karagdagang tatlong puntos.

Sa bawat aktibidad na ating gagawin sa sesyon na ito ay may


makukuha kayong kalakip na puntos. Magkakaroon tayo ng
maliit na pagkilala sa susunod na linggo para sa mga
nagtagumpay na tapusin ang ating aralin.

C. PAGGANYAK
Magtungo naman tayo sa ikalawang pagsubok. Pamilyar na
kayong lahat sa “4 Pics 1 Word” kaya naman tiyak akong
madali na lang ito sa inyo!

Panuto: Ang bawat grupo ay bibigyan ng tatlong minuto


upang suriin at tukuyin ang mga isyu na inilalarawan sa
bawat kahon. May ibinigay na clue sa bawat aytem upang
mapadali ang inyong sagot.

Gawin lamang ito sa loob ng tatlong minuto. Ang unang


makatatapos ay bibigyan ng karagdagang tatlong puntos,
sumunod naman ay dalawang puntos, at ang mga nahuli ay
may isang puntos.

Naunawaan ba ang inyong gagawin, klase? (sabay-sabay) Opo!


(nagsimula ang mga mag-aaral sa ikalawang
gawain)

(tumayo si Andrea upang sumagot ng tanong)


Simulan na ang ikalawang pagsubok! Ang mga isyu po na pinakita sa larawan ay
aborsyon, euthanasia, pagamit ng droga,
(Natapos ang tatlong minuto) pagpapatiwakal, at alkoholismo.

Pagbati sa inyong lahat! At sa group 5 na unang nakatapos (tumayo si Kevin upang sumagot ng tanong)
ng ating ikalawang pagsubok.

Okay, Andrea. Maari mo bang ibahagi kung ano-ano ang mga


isyu na ipinakita sa mga larawan? Sa panahon po ngayon talamak ko pong nakikita
at nababasa ang tungkol sa pagpapatiwakal o
suicide dahil marami po ang nababalitaan ko na
dumadaranas ng depresyon na hindi pa gaanong
Mahusay! Maraming salamat, Andrea. O sige, tawagin binibigyang importansya o solusyon sa bansa
naman natin si Kevin. natin.

Kevin, alin sa mga isyung ito ang madalas mong nababasa at


naririnig na pinag-uusapan, at bakit? Ipaliwanag ng direkta
ang iyong sagot.

(tumayo si Angeline upang sumagot ng tanong)


Sa tingin ko po ma’am kaya po siya isyu sa buhay
dahil itong mga gawain na po na ito ay
nagpapakita ng hindi pagrespeto sa buhay na
Maraming salamat sa iyong pagbabahagi, Kevin. Hindi narin ibinigay po sa atin ng Diyos.
bago sa akin ang usapin na iyan, mamaya sa ating diskusyon
mas bigyan pa natin ito ng mahabang pagproseso.

Okay, Angeline. Kung ikaw ang tatanungin, bakit sinasabing


mga isyu sa buhay ang mga ipinakita sa larawan?

Maraming salamat, Angeline. Para sa inyong kaklase ang


mga isyu na ito raw ay nagpapakita ng hindi natin pag-
respeto sa buhay na binigay ng DIyos.

Maaring ang ilan sa inyo ay sumasang-ayon sa inyong


kaklase o ang iba naman ay may ibang posisyon tungkol dito.

D. PAGLINANG NG ARALIN
Mas lalo pa nating palalimin ang inyong mga sariling
posisyon sa pamamagitan ng ikatlong pagsubok para sa
aralin na ito.

Panuto:
1. Ang bawat grupo ay pipili ng isang isyu mula sa
naging sagot sa ikalawang pagsubok.
2. Gamit ang manila paper at marker, isusulat dito ang
deskripsyon, at isang headline ng balita tungkol sa
isyung napili.
3. Kailangang sagutin ng hindi lalagpas sa tatlong
pangungusap ang mahalagang tanong: Paano
nakaaapekto sa buhay ng tao ang isyu na ito?
4. Ididikit sa pisara ang kanilang output.

Maging malikhain, matalino, at mabilis sa inyong pagsasagot.


Ang grupo na unang makatatapos ng gawain ay may
karagdagang limang puntos, ay sumunod naman ay tatlong
puntos, at ang mga nahuli ay dalawang puntos.

Mga isyung maaring pagpilian:


1. Pabor sa Aborsyon
2. Di Pabor sa Aborsyon
3. Pabor sa Paggamit ng Droga
4. Di Pabor sa Paggamit ng Droga
5. Euthanasia
6. Alkoholismo
7. Pagpapatiwakal
(sabay-sabay) Opo!
Naunawaan niyo ba ang gawain?

Ang gawain na ito ay gawin lamang sa loob ng tatlong


minuto kasama na ang pagdidikit sa pisara kapag tapos na.

Ang inyong tatlong minuto ay simula na! (nagsimula ang mga mag-aaral sa ikatlong
gawain)
(tapos na ang anim na minuto)

Okay! Pagbati sa group 1 dahil sila ang unang nakatapos ng


ating ikatlong gawain.

Panatilihin lamang natin ang inyong mga naging sagot sa


pisara. Dumako na tayo sa pinakamahalagang parte ng ating
sesyon sa araw na ito.

PAGTATALAKAY NG ARALIN

Ang mga isyu na ating natuklasan kanina ay ang mga


kontrobersiyal na pinag-uusapan, pinagmumulan ng debate,
at iba’t-ibang pagpapahayag ng posisyon, sa kasalukuyang
panahon.

Ano ng aba ang isyu? Ang isyu ayon sa Cambridge Dictionary,


ay isang paksa o problem na pinag-iisipan at pinag-uusapan
ng mga tao.

Ito rin ay binigyang kahulugan ng website ng


depinisyon.com, bilang isang mahalagang katanungan na
kinapapalooban ng dalawa o higit pang posisyon na
magkasalungat at kailangan ng mapanuring pag-aaral.

Ang mga isyu na ito ay kinakailangang gamitan ng


matalinong paghuhusga, ngunit dahil sa iba’t-ibang mensahe
ng media ay nagkakaroon rin ng walang batayan, mababaw,
at hindi sinuri na posisyon mula sa mga isyung moral na ito.

Napag-aralan natin na ang buhay natin ay ibinigay ng Diyos,


tayo ay pinagkalooban niya ng Espiritu kaya’t espesyal ito at
dapat lamang na pahalagahan.

Tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan, at


palaguin ang ating sariling buhay pati ang buhay ng ating
kapuwa. Ngunit sa katotohanan, nakakalungkot man ngunit
may mga taong taliwas na ipinapakita at isinasagawa ang
pagwawalang-halaga sa kasagraduhan ng buhay.

Una nariyan ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot.

Okay, group (tawag sa pumili ng di pabor sa paggamit ng


ipinagbabawal na gamot) pumili ng isang magsasalita sa
harap, at ibahagi sa amin ang inyong naging sagot mula sa
ikatlong pagsubok. (tumayo ang isang magbabahagi at
ipinaliwanag ang kanilang sagot)

Mahusay na pagpapaliwanag. Ang paggamit ng


ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung moral na
kinakaharap ng ating lipunan. Ito ay isang estadong sikiko
(psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na
gamot na nagtutulak sa isang indibiduwal na ulit-ulitin at
tuloy-tuloy itong gamitin.

Naapektuhan nito ang isip at katawan ng isang tao. Ito rin


ang isa sa mga pinagmumulan ng krimen sa ating lipunan.

Ang ilan sa mga dahilan kung bakit may ilang tao na


gumagamit ng ipinagbabawal na gamut ay dahil sa: gusting
mapabilang sa isang grupo (peer pressure), kuryosidad,
pagrerebelde sa pamilya, o upang makalimot sa problema.

Walang mabuting maidudulot ang paggamit ng droga sa


katawan ano man ang maging dahilan o motibo sa paggamit
nito.

Dahil sa droga ang isip ng tao ay nagiging blank spot o ang


pagiging hirap sa pagproseso ng impormasyon na
nagdudulot ng maling pagpapasiya at pagkilos. Pinapabagal
din nito at pinapahina ang isang tao na siyang magiging sanhi
ng pagkakaroon ng maraming kabiguan sa buhay.

Sagutin sa inyong isipin: gusto mo bang maging bigo sa


buhay?

Ikaapat na pagsubok: Gumawa ng slogan bilang


panawagan para sa mga gumagamit ng pinagbabawal na
gamot.

Mahusay! Ang gaganda ng mga mensahe na inyong ginawa


sa slogan. Ngayon, patuloy na makinig at unawain ang ating
talakayan.

Sunod naman nating pag-usapan ang alkoholismo. Ang


alkoholismo o labis na pagkonsumo ng alak ay unti-unting
nagpapahina sa enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip, at
sumisira sa kapasidad na maging malikhain.

Ito rin ang kadalasang pinagmumulan ng maraming


kaguluhan, na nauuwi sa krimen.

Naapektuhan hindi lang ang isip kundi pati narin ang


katawan tulad ng cancer, sakit sa atay, at kidney na maagang
ikamamatay ng isang tao.

Sige group (tawag sa grupo ng alkoholismo), ibahagi sa klase


ang headline ng balita na iyong nakalap. (tumayo ang isang magbabahagi at
ipinaliwanag ang sagot)

Maraming salamat sa dagdag na impormasyon group.

Ikalimang pagsubok: Mula sa ating aralin, isulat ang mga


epekto ng alkoholismo. Isulat ang sagot sa imahe ng bote
ng alak na dinikit ng guro sa harap.

Ngayon dumako tayo sa isa sa mga kontrobersiyal na isyung


moral. Ang aborsyon.

Ang aborsyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng fetus o sanggol


sa sinapupunan ng ina. Sa ibang bansa ito ay legal upang
kontrolin at pigilan ang pagdami ng populasyon ngunit sa
Pilipinas nananatili parin itong iligal.

Ano-ano ba ang mga pamantayan ang maaring maging


basehan sa paghuhusga kung ito ba ay dapat gawing legal o
panatilihang iligal sa Pilipinas.

Dalawang Pamantayan, at mga Indikasyon


Indikasyon Pamantayan
Pro-Choice Pro-Life
Sanggol/ Hindi pa ganap na Itinuturing na
Fetus tao dahil hindi pa isang tao mula sa
kayang mabuhay sa sandal ng paglilihi.
labas ng bahay-bata
ng ina.
Pagbubuntis/ May tamang Tungkulin na
Pagsilang ng pagpaplano dapat iwasan ang
Anak kung nais ng pagbubuntis kung
magandang buhay hindi pa nais
para sa anak. magka-anak
Pagtanggap Hindi na kailangang Maaring gamitin
ng Lipunan gawin palihim ang bilang regular na
ganitong proseso paraan para hindi
lalo na kung bunga ituloy ang
ito sa kaso ng rape o pagbubuntis.
incest.
Pagtanggap Maiiwasan ang Ang ipinalaglag na
sa Anak pagpapadala ng mga sanggol ay
sanggol sa mga nawalan ng
bahay-ampunan na karapatang lumaki
kulang sa kapasidad. at maging kapaki-
pakinabang sa
lipunan.
Kalusugan Sa pangkalahatan ay Maaring magdulot
ligtas na ng komplikasyon
pamamaraan. tulad ng
pagdurugo at
impeksiyon.
Relihiyon Nilalabag ang Ang pakikipagtalik
kauutusan sa ay may layuning
relihiyon magparami, at
sinumang bata ay
anak ng Diyos.

Ikaanim na gawain: Suriin kung anong pamantayan ang


inilalarawan sa deskripsyon. Itataas ang papel na “Pro-
choice” kung ito ay pabor sa aborsyon, at “Pro-life”
naman kung ito ay di pabor sa aborsyon.

1. Itinuturing na isang tao mula sa sandal ng paglilihi.


(Pro-life)
2. Hindi pa ganap na tao dahil hindi pa kayang
mabuhay sa labas ng bahay-bata ng ina. (Pro-choice)
3. Tungkulin na iwasan ang pagbubuntis kung hindi pa
nais magka-anak. (Pro-life)
4. Maiiwasan ang pagpapadala ng mga sanggol sa mga
bahay-ampunan na kulang sa kapasidad. (Pro-
choice)
5. Sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan. (Pro-
choice)

Ngayong alam na ninyo ang dalawang pamantayan at (tumayo ang dalawang magbabahagi mula sa
indikasyon. Pakinggan naman natin ang dalawang grupo sa magkabilang grupo at ipinaliwanag ang sagot)
kanilang pagbabahagi ng mga headline ng balitang kanilang
nakalap mula sa gawain tungkol sa aborsyon.

Maraming salamat sa mahusay na pagtatalakay ng


napapanahong mga balita tungkol sa aborsyon.

May dalawang uri ng aborsyon: Kusa (Miscarriage) ito ay


pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng
pagbubuntis, at ang Sapilitan (Induced) o ang pagwawakad
ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol sa
pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng gamot.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino may mga oras na kung kalian
ang isang kilos na nararapat gawin ay maaring magdala ng
mabuti at masamang epekto. Ito ay matuturing na
problemang etikal.

Sa pagpili ng nararapat na kilos sa isang dilemma halimbawa


tulad ng pagpapalaglag. Maaring piliin ang kilos na may
masamang epekto kung matutugunan nito ang apat na
kondisyon mula sa Prinsipyo ng Double Effect.

Prinsipyo ng Double Effect


1. Ang layunin ng kilos ay dapat mabuti.
2. Ang masamang epekto ay hindi direktang nilayon
ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may
layuning mabuti.
3. Ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa
pamamagitan ng masamang pamamaraan.
4. Kailangan ng mabigat at makatuwiran na dahilan.

Tandaan: ang apat na kondisyon na ito ay dapat matugunan, Day 2 (ikalawang Araw)
isa man sa mga ito ang hindi magampanan ay hindi na
maaring piliin ang isang kilos na may masamang epekto.

Ngayon ay dumako tayo sa isyu ng Pagpapatiwakal

Trigger warning: Dahil hindi magaan ang usapin na ito,


kumuha kayo ng isang piraso ng papel at kung meron man
tayong matatalakay na nakakapag-trigger ng hindi (sabay-sabay) Opo!
magandang emosyon ay maaring isulat sa papel na iyan
bilang paraan ng pagpapakalma sa sarili.

Malinaw ba klase?

Ang pagpapatiwakal ay sadyang pagkitil ng isang tao sa


sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Ang
malinaw na motibo kung bakit ito isinagawa ng isang tao ay
tanging makakapagsabi kung ito ay pagpapatiwakal.

Iba ang nag-aalay ng buhay para sa iba tao kagaya ng mga


sundalo at mga bayani, sa isinisuko mismo ang sariling
buhay.

Isa sa malaking dahilan bakit nila ito ginagawa ay dahil sa


kawalan ng pag-asa. Ito ay pagkawala ng tiwala sa sarili at sa
kapuwa, at ang pagkawala ng paniniwala na may magandang
bukas na darating.

Ito ang limang paraan na pwede mong gawin upang


tulungan ang iyong kakilala o mahal sa buhay na
nakakaranas ng pagkawala ng pag-asa sa buhay, o emotional
pain.
(tumayo ang magbabahagi, at ipinaliwanag ang
sagot)

Mula sa Internet:
https://www.nimh.nih.gov/health/publications/5-action-
steps-for-helping-someone-in-emotional-pain

Sige pakinggan natin ang group (pumili ng isyu ng


pagpapatiwakal) sa kanilang pagbabalita.

Maraming salamat mula sa kanilang balita makikita natin na


hanggang ngayon marami parin talaga ang mga lumalaban
para mabuhay.

Kaya ngayon bilang parte ng ating talakayin. Meron ako


ritong inihanda na mga lollipop at care emojis.

Panuto: Kayo ay gagawa ng D-I-Y saving lollipop. Gupitin


ayon sa hugis ang care emoji pagkatapos ay sulatan ng
maikling mensahe ng pag-asa, o encouragement para sa
pangkalahatan. (Hal. Mahalaga Ka). Sa likod na parte naman
ay itapat at idikit ang lollipop kung nasaan ang puso sa care
emoji.

Inspirasyon ng gawain, kinuha mula sa internet:


https://www.diyartpins.com/festival-crafts/children-s-day-
crafts/397-a-creative-packaging-idea-for-a-lollipop-like-a-
flower

Ang gawaing ito ay bilang pakikiisa sa layuning maiwasan ang


bilang ng mga indibiduwal na ninanais na kunin ang sarili
nilang buhay.

Pagkatapos ng gawain, at ng ating sesyon ibigay ninyo ito sa


inyong kakilala na dumadanas ng matinding kalungkutan, o
sa kapuwa ninyo estudyante kahit hindi niyo kilala na sa
tingin ninyo ay kailangan ng ganitong paalala.
(tumayo ang magbabahagi at ipinaliwanag ang
Maging bahagi tayo ng pagkakaroon nila ng munting pag-asa sagot)
na may igaganda pa ang kanilang buhay.

Gawin ito sa loob ng tatlo hanggang limang minuto.

Maraming salamat sa inyong pakikibahagi. Hindi na ako


makapaghintay sa magandang memoryang inyong
makukuha mula sa ating gawain.

Itabi niyo muna iyan at dumako naman tayo sa huling isyung


moral. Ang euthanasia.

Sige last group, paki-bahagi sa klase ang inyong naging


gawain.

Mahusay na pagpapaliwanag maraming salamat last group.


Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan
napapadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at
wala nang lunas na karamdaman.

Ito rin ay tinatawag na “assisted suicide” dahil may


pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang
kaniyang buhay, ngunit ibang tao ang gagawa nito para sa
kaniya.

Ika-pitong gawain: Kung ikaw ay may kapatid nakaasa sa


life support, at sinabi ng doctor na napakababa na ng
tyansa na siya ay magising pa; ipatatanggal mo ba ang life
support o hindi?

Pumili ng isang kinatawan mula sa inyong grupo, kayo ay


bibigyan ng tig-30 segundo upang sagutin ang tanong.

Hindi ipinipiliit ang paggamit ng mga hindi pangkaraniwang


mga pamamaraan at mamahaling mga aparato upang
pahabain ang buhay ng tao.

Ang pagpapatigil sa paggamit ng life support ay hindi


itinituring na masamang gawain. Ito ay pagsunod lamang sa
natural na proseso. Ang ipinagbabawal ay ang magpapadali
ng buhay sa pagbibigay ng lason, o labis na dosis ng gamot.

Sa lahat ng isyung ating nabanggit makikita natin ang madiin


na paninindigan na ang buhay ng tao ay mahalaga. Sagrado
kung kaya’t hindi natin dapat ginagawa ang mga isyung
moral o mga gawaing taliwas sa utos ng Diyos.

Paano ba naging sagrado ang buhay ng isang tao?


1. Ayon sa bibliya, ang kabanalan ng buhay ay
maiuugnay sa kapangyarihan ng Diyos bilang
dakilang manlilikha.
2. Sagrado ang buhay ng tao dahil ang kanilang
dignidad ay nagmula sa Diyos. (Pope Francis)

Ang tao ay nilikha na may likas na pagkahilig sa kabutihan.


Kahit iba-iba man ang impluwensiya galling sa media at
Karapatan, nararapat lamang na gamitin ang mapanuring
pag-iisip upang makabuo ng mabuti at tamang posisyon.

E. PAGLALAPAT NG ARALIN
Ang inyong mga natutunan ay hindi dapat manatili bilang
isang kaalaman. Kaya sa bahaging ito, kayo ay inaasahan na:

Panuto: Gamit ang pitong grupo sa klase, at ang napiling isyu


mula sa naunang gawain. Kayo ay gagawa ng magasin na
hindi lalagpas sa tatlong pahina. Ito ay dapat kakitaan ng
mga sumusunod:

1. Titulo ng Magasin (ayon sa napili na isyu)


2. Larawan at Pangalan ng mga Manunulat (pwedeng
pormal, o creative)
3. Mga impormasyong ilalagay sa magasin:
a. Deskripsyon ng Isyu
b. Tig-iisang pahayag patungkol sa isyu (hindi
lalagpas sa apat na pangungusap)
c. Pangkalahatang panayam o panawagan
tungkol sa Isyu (bigyang diin ang
kasagraduhan ng buhay)

Pamantayan sa Pagmamarka ng Magasin


Partikular Derisions Puntos
Nilalaman Natugunan ang lahat ng 15
kahilingian para sa magasin.
Pagkamalikhain Gumamit ng mga malikhaing 10
elemento sa lahat ng parte ng
magasin mula titulo hanggang
panayam.
Kaayusan Sumunod sa ibinigay na 5
format at malinis ang
pagkakagawa.
Kabuuang Puntos 30

Orihinal na disenyo ni Bb. Sevgi Salting

Maaring sundin na format ngunit maging malikhain.

F. PAGLALAHAT (PAGBUO NG BATAYANG KONSEPTO)


Pagbati sa inyong lahat dahil nakaabot na tayo sad ulo ng
ating sesyon ngayong araw. Para sa inyong huling gawain.
Panuto: Sabayan ang kantang inilipat mula sa tono ng Araw-
Araw by Ben&Ben. Ito ay pinamagatang “Sagrado”

For academic purposes only, no copyright infringement


intended.

Sagrado
(mula sa tono ng Araw-Araw ng Ben&Ben, at isinulat ni Bb.
Sevgi Salting)

Umaga na sa ating duyan (sumabay sa pagkanta ang mga mag-aaral)


'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal o mahiwaga

Ang buhay ay sagrado


Gawa ng Panginoon
Kaya wag mong sayangin
Sa gawa tulad nito

Pagdroga, at naglasing ka pa,


euthanasia

o pagtiwakal
pag-abort narin,
sana'y wag gawin

May pag-asa,
Kaya tumahan na,
Ika'y mahalaga.

Youtube Link (Time stamp: 00:3-2:00)


https://www.youtube.com/watch?v=V4qjAyb4lNI

Mahusay! Mula sa naging awitin nawa ay napaalalahanan


tayo ng mga mahahalagang konsepto na ating tinalakay, at
ang mahalagang aral na ang ating buhay ay sagrado dapat
ingatan, pahalagahan at mahalin.

G. PAGTATAYA
Para sa aralin na ito ang panayam mula sa paglalapat na
gawain na pagbuo ng magasin ang magsisilbing ninyong
pagtataya.

H. TAKDANG ARALIN
Wala na kayong takdang aralin para sa aralin na ito kundi
ang tapusin ang inyong performance task #3 ang pagbuo ng
magasin.

Tapos na ang ating klase, paalam grade 10! Paalam din po, ma’am sev!

Inihanda ni Binigyang Pansin at Sinuri ni:


SEVGI CARINA E. SALTING
ESP Practice Teacher DR. RUBY P. TRINIDAD
ESP Dept-OIC, Master Teacher II
Petsa:

Pinagtibay ni:

DR. ARLIANA A. ARBOLEDA


Principal IV
Petsa:

You might also like