Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lesson 2: Kaligtasan

JUAN 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya't ibinigay niya ang
kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
- Huwag mapahamak at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Napakagandang pangako, hindi na mapahamak magkakaroon pa ng eternal life.
Sino ang aayaw doon? (Tanungin ang mga tao)

(1) Pero saan nga ba tayo ililigtas? Meron bang panganib na darating? (Tanungin ang
mga tao kung saan sa palagay nila ililigtas)
Sa aklat ng 1 Tesalonica 1:10, sa galit na darating, may galit palang paparating!
Sa aklat ng Zefania 1:18 (Basahin at ipaliwanag) ganoon katindi ang galit na darating.
Sa ngayon ay parang wala lang pero pag dating noon at tiyak na darating kasi ito ay
nakasulat sa biblia.
Sa aklat ng Revelation 21:8 - ang tawag doon ay ikalawang kamatayan.
At sa aklat ng Mateo 25:41 inihanda talaga iyon para sa diablo at sumusunod sa
kanya. (Tanungin, “Tayo kaya, kanino sumusunod?”)
Sa aklat ng Juan 5:28-29 (Basahin) may itinakdang panahon ang Panginoon kaya
dapat malaman natin.
Sa aklat ng Deuteronomy 30:15 pinamimili tayo nasa harap daw natin ang buhay at
kamatayan.

(Tanungin)
(2) Sino nga ba ang mga ililigtas? LAHAT ba maliligtas?
Sa aklat ng Juan 3:16 ang sumampalataya. Dahil sa aklat ng Mateo 7:21 Hindi
LAHAT ng tumatawag sa Panginoon ay maliligtas.
Palatandaan na ligtas aklat ng Gawa 16:14 (KJV), mahilig sa kabanalan kaya’t
binuksan ang kanyang puso.
At sila ay tinatawag na anak ng Diyos, Juan 1:12. (Magbigay ng halimbawa na ang
makasalanan ay naligtas)
Aklat ng Lukas 19:1-9 (Zaqueo) (Basahin at ipaliwanag)
V3 Sinikap na makita si Jesus gustong makilala si Jesus
V6 Tuwang tuwang tinanggap si Jesus (Natutuwa po ba tayo?)
V8 May pagsisisi
V9 Dumating ang kaligtasan sa bahay na iyon.

(3) Sino ang magliligtas?


Sa aklat ng Gawa 4:12 walang ibang pangalan ibinigay para tayo maligtas kundi
pangalang Jesus lamang. Wala ng iba pa.
Sa aklat ng Juan 14:6 Siya lang ang daan patungo sa Ama kaya’t kung ang kaligtasan
ay mahalaga sa atin sikapin natin na mapabilang tayo sa mga anak ng Diyos. Amen.

You might also like