Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Kahirapan

Magandang umaga saating lahat, narito ang aking ginawang talumpati na nais kong ibahagi sainyo, halina’t
makinig sa aking inihandang talumpati. Ito'y isang talumpating aking inihahandog para sa mga kabataang
kagaya ko. Bago ko simulan ang aking talumpati, tatanungin ko muna kayo. Kagaya ko bilang isang kabataan,
may kamalayan ba kayo sa mga nangyayari sa ating lipunan? Sa panahon ngayon, dahil sa kahirapan,
maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, kahit mga kabataan ngayon ay gumagawa na rin ng hindi
kanais nais na gawin, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gumawa ng mga bagay na
hindi kanais nais. Kahit magtago pa tayo saan mang sulok ng mundo, ang kahirapan ay hindi pa rin
maiiwasan dahil parte na ito ng buhay ng pamumuhay ng isang tao. Namumuhay tayo ng sa mga
pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. taon taon ay mas lumalala pa ang
mga problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan ng
kahirapan ay ang gobyerno sa kadahilanang kinukuha nila ang mga pondo na para sa mga nangangailangan.
Ang isang dahilan rin ng kahirapan ay ang katamaran, ang presensya ng pagiging matiyaga ay onti-onting
nawawala. Wag sana tayong tamarin na tumayo sa sarili nating mga paa. Wag natin sanayin ang ating mga
sarili na umasa sa iba. Bukod doon, wag sana tayong "kukurap" pagdating sa mga taong "corrupt". Hindi lahat
ng opisyal sa gobyerno ay may magandang hangarin. Ang iba sa kanila ay pinapalala pa ang kahirapan sa
kaban ng bayan na basta nalang nila kinukuha. Bilang isang taong may kakayahang magdesisyon at
mangatwiran para sa sarili, nararapat lang na tayo ay maging responsable at huwag umasa at maging
reklamador sa pamahalaan lalo pa't mahirap ang kanilang tungkulin sa ating lipunan. Sana, sa paglagas ng
mga pahina ng kalendaryo, unti-unti nating malutas ang problema lalong lalo na ang kahirapan. Huwag
nating naisin ang mabuhay sa kakapusan ng pera, dahil alam kong hindi tayo mananatili dito. Kaya para sa
mga kabataang pinoy, huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng
hinaharap. Simulan nating kunin muli ang para sa atin. Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng
ating buhay? Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging
isang mahirap at hindi maituring na isang pabigat sa ating lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y
magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi
lamang ako kundi tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa upang makaahon tayo sa kahirapan. Ano pa
nga bang hinihintay natin? Ang patuloy na pag-lala ng kahirapan na ating natatamasa ngayong hinaharap,
bakit hindi tayo kumilos, magsumikap tayong lahat habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay.
Mahirap maging mahirap. dito na nag tatapos ang aking talumpati maraming salamat sa inyong pakikinig.

You might also like