Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Langaw Sa Isang Basong Gatas”

Ni Amado Vera Hernandez (Ka Amado)

Amado Vera Hernández


 Isang makata at manunulat sa wikang Tagalog.
 Setyembre 13, 1903 – Marso 24, 1970 (67 taong gulang)
 Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung
saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong
Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School).
 Kanyang magulang ay sina Juan Hernandez, Clara Vera
 Ang kanya asawa ay si Atang de la Rama
 Kilala rin siya bilang “Manunulat ng mga Manggagawa”, sapagkat isa siyang
pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at
pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang
kapanahunan.
 Si Amádo V. Hernández ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan noong 1973.
 Nagsimula siya bílang manunulat at editor bago ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Pagkaraan ng digma, naging kinatawan siya ng Newspaper Guild of
the Philippines sa pamunuan ng Congress of Labor Organizations (CLO).
Naging pangulo siya ng CLO noong 1947 at nahalal ding Konsehal ng Maynila
noong 1945 at 1947.

3 Mga nobela
 Ang mga nobelang pangsosyopolitika ni Hernandez ay ayon sa kaniyang mga
karanasan bilang isang gerilya, obrero ng manggagawa at prisonerong
pampolitika.
1. Mga Ibong Mandaragit! ,1969
2. Luha Ng Buwaya, 1972
3. Archei Ang batang mabait, 1998

18 Mga Tula
 Isang Dipang Langit
 Panata sa Kalayaan
 Ang Mga Kayamanan ng Tao
 Ang Dalaw
 Bartolina
 Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan
 Bayang Pilipinas
 Ang Taong kapos
 Bayani
 Sa Batang Walang Bagong Damit
 Isang Sining ng Pagbigkas
 Ang Panday
 Inang Wika
 Ang Tao
 Pamana
 Ang Aklasan
 Mahatma Gandhi
 Ang Uod
7 Mga Maikling Kuwento
1. Wala nang gamot si Nene
2. Kulang sa Dilig
3. Langaw sa Isang basong Gatas
4. Dalawang kiloMetro sa Lupang Di-Malipad ng uwak
5. Ipinanganak ang Isang daliri sa Sosyaledad
6. Limang Alas, Tatlong Santo
7. Isang Aral para kay Armando
4 Mga Dula
Karamihan sa kaniyang mga dula ay batay sa kaniyang karanasan habang nasa
bilangguan:
1. Munting lupa , 1957
2. Hagdan sa Bahaghari, 1958
3. Ang Mga Kagalang-galang, 1959
4. Magkabilang Mukha ng Isang Bagon, 1960
3 Mga Sanaysay
1. Si Atang at ang Dulaan
2. Si Jose Corazon de Jesus at ang Ating Panulaan
3. Pilipinismo: Susi sa Bayang Tagumpay
Langaw Sa Isang Basong Gatas
Mga Tauhan
 Mang Bandong – isang ordinaryong mamamayan na tinanggalan ng karapatan
sa sariling lupa at pilit pinaalis sa kanyang lupain na binili ng korporasyon ng
Royal Lanes.
 Ana – asawa ni Mang Bandong. Siya ay maalagain at maasikaso sa pamilya at
ibang tao.
 Tonying -anak ng mag-awasang Ana at Mang Badong. Siya ay nagaaral sa
kabayanan
 Don Lamberto – siya an glider ng korporasyon ng Royal Lanes. Sumisimbolo sa
mga taong may mataas na posisyon at kumikita ng malaking salapi gamit ang
illegal na pamamaraan.
 Pena – katiwala ng Royal Lanes na siya ding pumilit paalisin sa kanilang
kabahayan ang pamilya ni Mang Bandong.
Mga Tagpuan:
 Bahay ni Mang Bandong – isang lumang bahay na kahit ilang taon na ang
lumipas, umulan man, ito ay matibay pa rin.
 Bakuran ni Mang Bandong – may sukat na isang ektarya
 Royal Lanes – bagong katatayong subdibisyon sa katabi ng kalupaan nina Mang
Bandong. Ito ay isang magarbong bahay na titirhan ng mga miyembro ng para-
parang masalapi.
 Talipapa – Ito ay isang maliit na pampublikong bilihan ng mga isda na may
apat na kilometro ang layo mula sa bahay nina Mang Bandong.

Ang Buod ng Kuwento


Nabasa ni Bandong ang El Fili ni Rizal na natutungkol kay Kabesang Tales, ito ang
nagpatatag sakanyang loob na ipaglaban ang kanyang mga ari-arian na ipinamana pa
ng kanyang mga ninuno. Hindi na pumunta si Bandong sa Kabesa sapagkat alam
niyang siya ay ikukulong.Natatakot siya na walang mag-aalaga sa kanyang asawa at sa
kanilang mga anak.
Hanggang dumating ang isang araw na gumulantang sa mundo ni Bandong. Nagising
silangginigiba ang kanilang bahay at pinuputol ang mga matatandang punongkahoy.
Nakipag-away si Bandong sa mga gumigiba sa kanilang bahay ngunit tuluyan pa rin
silang pinaalis ng mgaarmadong pulis dahil wala siyang titulo na magpapatunay na
siya ang may-ari ng lupa at matagal na ring hindi nagbabayad ng buwis.
Nakitira ang pamilya ni Andong sa kapatid ni Ana. Nang sila ay nakaluwag-luwag
bumuo sila ng samahan at pinamunuan nila ito, ang mga miyembro ay ang mga kapit-
bahay nilang kapwa rinnila inagawan ng lupain. Ang grupo ay laging nagrarally sa
Royal Lanes na isang pribadongkorporasyon. Hanggang sa isang araw ay napuno ang
nakaupo sa pinakamataas na posisyon ngkorporasyon, nagbanta ito sa mag-asawa na
itigil ang kanilang ginagawa kung ayaw nilangmapahamak.
Isang araw nagtungo si Ana sa talipapa para bumili ng kanilang pananghalian. Dinakip
siya sadaan at dinala sa malaking bodega. Hinalay siya ng anim na kalalakihan.
Makalipas ang tatlongaraw siya rin ay kinitlan ng buhay. Ang nag-utos ng lahat ng ito
ay ang pinuno ng korporasyon. Dumating ang balita kay Bandong na ang katawan ng
kanyang asawa ay natagpuan sadamuhan. Agad na kumaripas sa takbo si Bandong at
nadatnan ang malamig na bangkay ng asawa sa damuhan. Alam na niya agad na ang
pinuno ng korporasyon ang responsibilidad sa pangyayaring ito. Agad na gumawa ng
aksyon si Bandong nang di nalalaman ng grupo. Araw-araw niyang minanmanan ang
pinuno ng korporasyon.
Hanggang sa isang araw, nang naglakad ang pinunong korporasyon ay agad na
sinunggaban ni Bandong at sinaksak ito sa tadyang. Pagkatapos,agad siyang
kumaripas sa takbo at isinigaw ang, "Naipaghiganti na kita, Ana!"Naging WANTED
si Bandong at malaki ang perang nakapatong sa kanyang ulo. Nagpalipat-lipatng
taguan si Bandong. Ang mga anak niya ay nasa pangangalaga ng kapatid ni Ana
samantalang ang panganay ay nasa bayan na walang kamalay-malay sa mga
pangyayari maging ang pagkamatay ng kanyang ina. Ipinadakip ang mga anak ni
Bandong at ipinalabas sa media, radyo at diyaryo upang mapilitang lumabas ito.
Walang magawa si Bandong kaya't siya ay sumuko na. Makalipas ang isang araw ay
agad na binitay si Bandong sa salang pagpatay. Isinalibro ng panganay ni Bandong na
nakapag-aral sa bayan ang buhay ng kanyang itay. Nabasa ito ng mga Pilipino at
nabuhayan sila ng pag-asa na ipaglaban ang kanilang karapatan.

You might also like