Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

INIURIA

Isinulat ni: JAMES P. ABUYOG

(May 2019)

Sa nakalipas na dalawampung taon. Ilang beses na


akong nakaranas ng sexual assault na hindi ko alam
kung ano ang gagawin pag nangyari ulit. Bilang
isang paraan upang maprotektahan ang aking sarili,
sinusubukan ng aking utak na palitan ng masasayang
alaala ang masalimoot na pangyayari .

Sa senaryong naisip ko bilang tugon sa pangyayari


nagpakita ako ng maraming depensa at determinasyon
na sabihin sa kanya na tigilan ako at hayaang
mabuhay ng matiwasay, pagkatapos ay sinigawan ko
siya ng ilang segundo, Lumingon ako,taas noo akong
naglakad pabalik sa harap ng pintuan, at nagmartsa
pabalik sa aking silid

Ngunit hindi iyon ang nangyari. Sa halip na


lumaban ako at ipagtanggol ang sarili, napapikit
lang ako at hinayaan sya dahil malinaw sa akin na
walang magbabago. Ang aking kakayahang makipag-
usap, mag-isip, at kumilos ay tila nawala na parang
bula. Binigyan ko ang aking sarili ng pahintulot at
paghihikayat na huminga ngunit kinasusuklaman ko
ang aking sarili sa pagiging mahina.

Sariwa pa sa aking isip ang kanyang boses.


Tumigil siya sa paghampas sa akin at sa huli sya’y
tumingin sa akin. Sinubukan kong huwag siyang
tingnan sa mga mata. Hindi ko alam kung gaano ako
katagal tumahimik. Pero narinig ko na s tinanong
nya ako kung ano ang mali. Ang natatandaan kung
tugon sa kanya ay, "Hindi mo ako dapat tratuhin ng
ganito. A pamangkin mo ako!!"

Gayunpaman, ang aking mga binti ay nanginginig,


Kinakabahan talaga ako at nanginginig. Nawalan ako
ng lakas na makatayo kaya umupo na lang ako dun
habang tinatanaw syang umaalis sa silid ko. Walang
bakas na pagsisisi ang nakita ko sa kanyang mukha.
Nakikita ko lang ang kaligayahan sa kanyang mukha,
habang tinitingnan ko ang kanyang mukha tila
natutuwa sa ginawa nya sa akin doon ako nadurog ng
isang milyong beses.

Nanginginig ang aking mga kamay. Nag isip ako ng


lahat ng posibleng paraan para tumugon sa ganitong
pangyayari at pinalitan ng mga senaryong makakalma
ang aking sarili sa masalimoot na pangyayari. Para
sa akin ito ay isang paraan para maprotektahan ko
ang aking sarili upang wala akong maramdaman sa
sandaling ito. Ang diwa koy hindi ko maramdaman
para akong nasa alapaap habang dinaramdam ang
nangyari , hindi ko kayang harapin kahit ang
pinakamaliit na tanda ng buhay na maaaring magbalik
ng matagal nang nakalimutan, gusto ko nalang ibaon
sa limot lahat.

Pagkatapos ay napagtanto ko. Para akong nabubuhay


sa panaginip. Ang nasa isip ko ay kalimutan nalang
ang nangyari and lokohin ang aking sarili na hindi
totoo ang lahat.

Ngayon ang kailangan ko lang gawin ay pumili ng


isa. Pumili ng isa sa mga sumusunod ng naiisip ko
na tugon sa mga ganitong pangyayari. Sinisikap
kong panatilihing kalmado ang aking sarili ngayon,
lumalaban ako sa sakit at lungkot upang makapagisip
kung ano ang dapat gawin. Nagkakaroon ng digmaang
sa loob ng aking isip.

(May 2020)

Nabanggit ko sa unang pahina ang aking


pinagdaanan. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit
ako nananatili. At nakuha ko ang sagot na wala
akong pagpipilian kundi manatili. Wala akong ibang
pagpipilian at sa palagay ko ay walang
makakaintindi. Tinitingnan ko ang lahat ng mga
kuwento na kapareho sa nangyari sa akin na
kumakalat sa social media. Nakita ko ang epekto
nito sa mga biktima, ang sabi doon nakaka-trauma
ito sa mga biktima. Nanginginig ako at umiiyak
habang binabasa ang kwento nila, at tulad nila,
naawa ako dahil alam kong marami sa atin ang
nakaranas ng ganito at kamag anak pa ang
lumapastangan sa ating pagkatao. Sa tingin ko ako
ay nasa isang pare-parehong estado kami. Sa tuwing
may naaalala ako. Hindi ko nakikita ang mga alaala
ko sa sarili kong mga mata. Ang aking ginawa ay
magpanggap lang na hindi ito nangyari.
Nasa kwarto ako kung saan nangyari ang lahat.
Naaalala ko kung paano niya hinawakan ang aking mga
katawan kung paano ako nakiusap sa kanya na itigil
ito dahil ito ay kasuklam-suklam, kung paano ang
aking mga pag-iyak ay naging pagmumura sa kanya,
kung gaano magmakaawa, ngunit walang nakakaalam sa
likod ng saradong pinto. Nakikita ko ang aking
sarili na nakahiga sa sahig na gawa sa kahoy,
walang magawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin
habang umiiyak. Ang sahig, ang dingding, ito ay
nagpapaalala sa akin kung paano niya ako inabuso.

Nang maglaon sa araw na iyon, sinubukan niyang


gawin ulit yon , ngunit pagod na pagod ako para
lumaban, kaya hinayaan ko na lang siyang hawakan
ang katawan ko. Nasusuka na ako sa ginagawa nya
pero nandito pa rin ako Hindi ko alam kung bakit,
pero sa tingin ko natatakot lang akong abandunahin.
Ito ay nakakatakot sa akin,ngunit ang palagi kung
tanong mayroon ba akong pagpipilian?

(March 2021)

Nasa bahay ako ng lolo't lola ko. Nanatili ako


doon ng isang linggo para iwasan ang lalaking iyon.
Sa di inaasahan na pangyayari dumating ang tita ko

Tinanong niya ako, "Ano ang nangyari?" Alam ko


may hindi tama.Pwede mong sabihin sa akin, "Ngunit
tinitigan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-iyak."
Pagkatapos ay sinabi niya, "Alam ko ang lahat,
Huwag ka ng mag-alala." Gusto niyang sumama ako sa
kanya. upang bumalik doon sa bahay nila. Hindi ko
inaasahan na hindi na ito mangyayari muli, ngunit
nabuhayan ang loob ko sa wakas mayroong isang tao
ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa akin.

Habang patungo kami sa kanila tinanong niya ako,


"Kailan ito nagsimula?" Napahinto ako saglit,
sinusubukang alalahanin kung kelan nagsimula ang
lahat. "Summer of 2019", sagot ko.

Nag-alok siya pag-usapan ito ulit ngunit


tumanggi na ako, at malugod niyang hinayaan ako sa
gusto ko. Sa tingin ko kailangan ko ng oras para
mag-isip.

(2023)

Sinusubukan kong kalimutan ang nangyari at


magpatuloy sa buhay ngunit nasasaktan pa rin ako sa
nangyari sa akin. Hindi ito ang pinakamagandang
sandali sa buhay ko pero ang masasabi ko lang ito
ay mahalaga para mas mapabuti pa ang pananaw ko
bilang tao

Hindi ako ang tao na nagbabalik-tanaw sa kanilang


buhay at nagnanais na gumawa ng mga bagay bagay at
baguhin ito. Kapag tinanong ako "Kung maaari mong
baguhin ang isang bagay mula sa iyong nakaraan, may
babaguhin ka ba?" Tanging sagot ko sa kanila.
"Wala akong babaguhin"

Lahat ng mabuti at masama na nangyari sa akin ay


nakatulong kung ano ako ngayon.

Tinatawag ako ng isang boses na alahanin ko sya


Hindi ko kaya.Hindi ako tinuruan ng tamang paraan
para magsabi ng mga bagay-bagay. Itinuro ko sa
aking sarili hangga't kaya ko pa dadamdamin ko
lahat ng mag isa .

Kailangan ko ng oras para mag-isip. Kailangan


kong malaman kung paano maramdaman ang aking
nararamdaman nang wala poot at galit sa aking puso.
At kailangan kong ipaintindi sa sarili ko na kaya
ko.

You might also like