Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL - A.Y.

2023-2024

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) -


IKAAPAT NA MARKAHAN
MODYUL 14: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL
SA SEKSUWALIDAD

SUBMITTED BY: SEVGI CARINA SALTING


ADVISER: DR. RUBY P. TRINIDAD
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aktibidad, at diskusyon mula sa aralin 14 sa


libro ng Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga nakapaloob na gawain ay orihinal na
likha ng may akda, at ang mga diskyuson o aralin ay kinuha mula sa libro.

Sa paggamit ng modyul, basahin ng mabuti ang mga panuto sa bawat gawain at


unawain ang pagtatalakay ng aralin.

Kasanayan sa pagkatuto 13.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan


ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad
(EsP10PI-IVa-13.3)
13.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan
ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad
(EsP10PI-IVa-13.2)
13.3 Napangangatwiranan na: Makatutulong sa
pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng
paggalang sa pagkataong tao at tunay na layunin nito
ang kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa
kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad
ng tao. (EsP10PI-IVb-13.3)
13.4 Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa
isang isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad (EsP10PI-IVb-13.4)

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa


mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad.

Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mga mag-aaral ng malinaw na


posisyon tungkol sa isyu sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad.

BALIK TANAW
Noong ikatlong markahan napag-aralan natin ang apat na mahahalagang aralin tulad
ng: Pagmamahal sa Bayan, Espiritwalidad at Pananampalataya, Mga Isyung Moral
tungkol sa Buhay, at ang Pangangalaga sa Kalikasan.
Natutunan natin na ang buhay ay sagrado, at ito ay ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Ito
ay dapat nating ingatan, at alagaan. Para sa panibagong markahan, ating tuklasin ang
iba’t-ibang mga isyu laban sa moralidad ng tao. Umpisahan natin ito sa pagtatakalay ng
mga Isyung Moral Tungkol Sa Seksuwalidad.

Sa pagtatapos ng gawain, inaasahan na maisakatuparan ang mga sumusunod:


a. Naipaliliwanag ang mga isyung moral tungkol sa seksuwalidad;
b. Nakapagpapahayag ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad; at
c. Nakabubuo ng “Mensahe ng May Pananagutan” na nagpapakita ng malinaw na
posisyon tungkol sa isang isyung moral ng seksuwalidad.

PAUNANG PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na aytem. Isulat ang
sagot sa patlang.

________________ 1. Ito ang tawag sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata.


________________ 2. Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa
wastong edad, at hindi pa kasal.
________________ 3. Ito ang tawag sa mahahalay na paglalarawan na may layuning
pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
________________ 4. Ito ay ang pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera.

SANG-AYON KA BA O HINDI?
PANUTO: Basahin mabuti ang mga sumusunod na pahayag. I-tsek ang kahon kung
ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon.

Mga Pahayag Sang-ayon Hindi Sang-ayon

1. Ang pakikipagtalik ay normal para sa


kabataang nagmamahalan.

2. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung


may mabigat na pangangailangan sa
pera.

3. Ang pagtingin sa mga malalaswang


babasahin o larawan ay walang epekto
sa ikabubuti at ikasasama ng tao.

4. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas


sa tunay na esensiya ng seksuwalidad.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong ng hindi lalagpas sa dalawang pangungusap:


1. Ano ang iyong napansin mula sa mga pahayag?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ikaw ba ay nahirapan, o nadalian sa pagpili kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa
mga pahayag? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ang kahulugan tungkol sa mga pahayag na ito ay atin pang matutuklasan sa


pagpapatuloy ng gawain. Ngunit, malinaw na ang mga pahayag na ito ay tumutukoy
sa mga isyu at reyalidad na kinakaharap ng kasalukuyang henerasyon patungkol sa
usapin ng kanilang seksuwalidad.

Kapag sinabi nating seksuwalidad, ano ang pumapasok sa iyong isipan? Maaring ito
ay patungkol lamang sa biyolohikal na katangian ng isang tao, o ‘yong iba naman ay
naiisip na tungkol ito sa mga gawaing seksuwal na hindi dapat ginagawa o
tinatangkilik ng mga kabataan.

Kasama na mga gawaing seksuwal na ito ay ang seksuwal na pang-aabuso.


Panoorin at pakinggan ng mabuti ang palabas na may titulong “Sexual Abuse
and Teenagers” na matatagpuan sa YouTube.

Maari ding pindutin ang link na ito upang direktang mapanood ang bidyo:
https://youtu.be/aOwmLMnZwi4?si=cV9W_KXfmvgD6eKe

Paalala: Kung ikaw ay nakararanas, o may


kakilalang dumaranas ng ganitong gawain,
ang modyul na ito ay isang ligtas na espasyo
para sa iyong pinagdaraanan. Kung ikaw ay
hindi komportable sa bahaging ito, maari
mong hindi panoorin ang bidyo.
Mula sa iyong pinanood, sagutan ang mga sumusunod na katanungan ng hindi lalagpas
sa tatlong pangungusap:

1. Ano ang mga emosyon na iyong naramdaman habang pinapanood ang bidyo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Anong bahagi ng palabas ang pumukaw ng iyong damdamin?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang magbibigay ng payo, ano ang maaring gawin ng isang kabataan
upang maiwasan ang pang-aabusong seksuwal?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PAGTATALAKAY NG ARALIN
Ang seksuwalidad ay tumutukoy sa pagiging ganap na babae o lalaki ng isang tao;
nangangahulugang magiging ganap kang taoat bukod-tangi sa pamamagitan ng
pagtukoy ng iyong pagka-lalaki o pagka-babae.

Ang bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad upang
maging ganap ang pagiging babae o pagkalalaki ng isang tao. Sinasabi na ang
seksuwalidad at pagkatao kung hindi mapag-iisa ay maaring magdulot sa isang
kabataan na masangkot sa mga isyung seksuwal.

Ang mga sumusunod ay ang mga isyung seksuwal na patuloy na nakikibaka ang mga
kabataang Pilipino. Ito ay ayon sa sarbey ng National Secretariat Youth Apostolate,
NSYA.

Pakikipagtalik bago ang kasal (Pre-Marital Sex) - ito ay gawaing pagtatalik ng


isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad, o nasa edad na subalit hindi pa
kasal.

Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging


manlilikha ng Diyos kapag tumuntong siya sa edad na pagbibinata o pagdadalaga
(puberty)

Mga dahilan kung bakit pumapasok sa maagang pakikipagtalik ang mga kabataan:
pinaniniwalaan na ito ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao. Ito ay tama
kung ang gumagawa nito ay napagsang-ayunan, karapatan ng tao na makipagtalik at
makaranas ng kasiyan, at panghuli ito ay ekspresyon ng pagmamahal.

Ngunit sa kabila ng mga dahilan na ito, laging tandaan na ang pakikipagtalik ay hindi
parte ng pangangailangang biyolohikal ng tao. Hindi ito tulad ng bahay, pagkain, o
tubig na kinakailangan upang mabuhay ng maayos at matatag ang isang tao.

Bakit nga ba hindi ka dapat pumasok sa maagang pakikipagtalik? Una, ito ay


nagpapababa ng dignidad at integridad ng pagkatao. Ang pakikipagtalik ay dapat
bukas sa katotohanang ito ay hahantong sa pagbuo ng pamilya. Ang pakikipagtalik
nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment, at
dedikasyon sa katapat na kasarian, at panghuli, ang kabataan ay hindi pa handa sa
maaring maging bunga ng pakikipagtalik.

Tandaan: Hindi sinasabi na masama o mali ang pakikipagtalik dahil ito ay pinagkaloob
ng Diyos sa tao. Sa katunayan, ito ay regalo ngunit isang banal na kaloob na maari
lamang gawin ng mga taong ipinagbuklod sa sakramento ng kasal.

Pornograpiya - ay ang mahahalay na paglalarawan sa paraan ng babasahin,


larawan,o palabas na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa sa
pamamagitan ng panonood.

Ang ilan sa mga epekto ng pornograpiya sa tao ay: maaring maging kabahagi sa
abnormal na gawaing seksuwal o paghahalay. Sa mga mag-asawa, ito ay maaring
magdulo ng kahirapan sa pagkakaroon ng malusog na ugnayan, at panghuli ang
pornograpiya ay ginagamit ng mga pedophiles upang kuhain ang kanilang biktima.

Sinasabi na “sining” ang pornograpiya ngunit malayong-malayo ito kung ikukumpara


natin sa hubad na estatuwa na matatagpuan sa UP Diliman. Ang pornograpiya ay
naglalayon na hikayatin ang tao na tumingin at pag-isipan ng masama ang mga
hubad na larawan, samantala ang UP Oblation kahit hubad ang ginamit na simbolo,
ito naman ay naglalarawan ng pagpapakita ng ganap na pag-aalay ng sarili sa Diyos.

Tandaan: Ang tao na nagiging kasangakapan ng mga pagnanasa ay hindi


nagpapakatao. Bagkus, tinatrato ang sarili o ang kapuwa bilang isang bagay, o
kasangkapan.

Pang-Aabusong Seksuwal - ito ay may dalawang kahulugan: isinasagawa ng


nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang
gawaing seksuwal, o paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan
ng iba (sexual harassment)

Ang mga bata, kabataang mahina ang loob, madaling madala, mapupusok,mahihirap
at galing sa hiwalay na pamilya ang mga kadalasang biktima ng seksuwal na
pang-aabuso.
Prostitusyon - sinasabing pinaka-matandang propesiyon. Ito ay ang pagbibigay ng
panandaliang-aliw kapalit ng pera. Binabayaran ang pakikipagtalik.

Dahil sa kahirapan, hindi nakapag-aral, walang muwang o nakaranas ng abuso noong


bata ang tao ay nasasangkot sa prostitusyon. Malinaw sa atin na mali ang
prostitusyon dahil sa katuruan ng ating relihiyon. Ngunit, ang prostitusyon, ayon sa
mga peminista ay marapat lamang dahil ito ay nagbibigay ng trabaho, ang
prostitusyon tulad ng pornograpiya ay maihahalintulad daw sa sining, at may
konsento naman ito ng gumagawa at alam niya ang kanyang kinasasangkutan.

Ngunit sa kabila ng mga dahilan na ito, malinaw na mali ang prostitusyon dahil
sinasamantala nito ang kahinaan ng babae o lalaki, at ibinababa ang dignidad ng tao.

Ito ay ilan lamang sa mga isyu tungkol sa seksuwalidad. Sa lahat ng mga isyung ating
napag-aralan, ano nga ba ang katotohanan na dapat nating panghawakan?

Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat


isa sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya
namang dahilan kung bakit tayo nilalang ng Diyos.

Ngunit, ang pakikipagtalik ay parte ng seksuwal na faculdad ng tao at ito ay may


dalawang layunin lamang: ang magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa
(unitive)

Tandaan natin na tayo ay may kalayaan na gamitin ang ating kakayahang seksuwal
ngunit ang ating kalayaan ay mapanagutan at nauukol dapat sa paggawa lamang ng
mabuti.

Kung ikaw ay may karanasan o dumaranas ng mga pangaabuso, hinihikayat kitang


maging bukas o huwag ilihim ang iyong pinagdadaanan. Humanap ka ng taong iyong
mapagkakatiwalaan na maaring makatulong upang malagpasan at malabanan mo
ang iyong suliranin.

Gayundin, mas mainam kung ikaw ay makahanap ng propesyonal na tulong na tiyak


na may karunungan sa iyong kalagayan at maaring makapagbigay ng mga paraan
upang ito ay malagpasan.
PAGLALAPAT NG GAWAIN
PANUTO: Basahin ang “Responsible Boy/Girls Creed” sa ibaba at buoin ang kontrata
sa pamamagitan ng pasagot ng mga hinihinging impormasyon.

Ako si _________________________________ (buong pangalan), ____________


(edad) taong gulang. Sa naging aralin natutuhan ko na ingatan ang aking sarili, at
pahalagahan ang aking dignidad bilang tao.

Kaya sa araw na ito ____________________ (petsa), sisikapin ko na maging isang


responsable likha ng Diyos na iingatan, at pahahalagahan ang seksuwalidad ng sarili
pati ng aking kapuwa.
PAGLALAHAT
PANUTO: Buoin ang concept map ng mga konseptong o termino na tinalakay mula sa
aralin.

PAKSA:

TAWAG SA GANAP NA PAGKALALAKI O BABAE:

APAT NA ISYU TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD:

DALAWANG LAYUNIN NG PAKIKIPAGTALIK:

PAGTATAYA
PANUTO: Sumulat ng isang mensahe na naglalaman ng iyong posisyon tungkol sa
isyung moral sa sekswalidad. Gamit ang espasyo sa ibaba para sa inyong kasagutan.
END OF MODULE

DISCLAIMER: THIS IS NOT AN OFFICIAL MODULE RELEASED BY DepEd. ALL


INFORMATION WAS TRANSFERRED FROM THE DAILY LESSON PLAN.

You might also like