Kasaysayan NG Pagsasaling Wika Sa Daigdig

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

KASAYSAYAN NG PAGSASALINGWIKA SADAIGDIG

Kabanata I Savory (The Art of Translation,1968)

Ang Pagsasaling-wika sa Iba’t ibang Panahon

Ang PAGSASALING-WIKA ay sinasabing kasintanda na rin halos ng PANITIKAN.

Andronicus -kinikilalang unang tagasaling-wika. Isinalin niya nang patula sa Latin ang
Odyssey ni Homer na nasusulatsa wikang Griyego noong 240B.C.

Naevius at Ennius gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego. Katulad ng
mga sinulat ni Euripides.

Euripides (484 BCE - 406 BCE) isang sinaunang Griyegong manunulat ng dulang
trahedya.Kalimitang may desperasyon at biyolente ang kanyang mga dula.Sa huling bahagi
ng kanyang buhay, nagsimula siyang sumulat ng mga trahedyang-komedyana may
masasayang mgakatapusan, ang simula ng bagonggawi sa dramang Griyego. Halimbawa
ng kanyang mga akda: Hecuba Iphigenia at Aulis Hippolytus

Cicero isang Romanong pilosopo atconsul. Siya rin ay isang


bihasangmanunulumpati,manunulat, kinikilalangpinakamagaling sa wikangLatin at nakilala
rin bilangisang mahusay natagasaling-wika. Halimbawa ng kanyang mg aakda: In Verrem
De Inventione De Oratore

Iskolar sa Syria isang pangkat nanakaabot sa Baghdad at doon ayisinalin nila sa wikang
Arabic angmga sinulat ni Aristotle, Plato,Galen, Hippocrates at maramipang ibang pantas at
manunulat. Nakilala ang lungsod ng Baghdad bilang isang paaralan ngpagsasaling-wika na
naging bukal ngkumalat na karunungan sa Arabia. Ngunit dumating ang panahong nawalan
ng sigla ang tagasaling mga iskolar sa Baghdad sapagkat napabaling ang kanilang kawilihan
sa iba namang bagay na pang intelektwal, tulad ng pagsusulat ngmga artikulong
pampilosopiya.

Pagkaraan ng tatlong siglo, napalitan ng Toledo ang Baghdad bilang sentro ng karunungan
sa larangan ngpagsasaling-wika.

Adelard - nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid nanoon ay naisalin na sa Arabic.


Retines naman ang nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.Dahil sa palawak nang palawak
na pag-uugnayan ng mga bansa, noong 1200 A.D. ay nakaabot na sa Toledo ang mga
orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa wikang Griyego. Dahil dito nagkaroon ng
pagkakataon ang mga tagasaling-wika na magsalin nang tuwiran saLatin mula sa Griyego.

Liber Gestorum Barlaam et Josaphat ang orihinal na teksto nitoy nasusulat sa Griyego.
Barlaam at Josaphat dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-Diyos.
Noong nagsimula ang pagsasalin sa Biblia. Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ni Tyndale at
Coverdale. Wycliffe - isang paring Katoliko ay bihasa saLatin. Pero naisip niya na hindi
dapat Latin ang gamitin sa pagtuturo ng Kasulatan dahil iilan lamang ang marunong nito.
Isinulat niya: Ang kaalaman sa kautusan ng Diyos ay dapat ituro sa wika na pinakamadaling
maunawaan dahil ang itinuturo ay ang salita ng Diyos. Kaya si Wycliffe at ang kaniyang
mga kasama ay bumuo ng isang grupo para isalin ang Bibliyasa wikang Ingles. Ang
pagsasalin ay tumagal nang mga 20 taon.

Coverdale - HINDI nakalagay sa unang inilimbag na kumpletong Bibliya sa Ingles ang


pangalan ng nagsalin nito. Siya ay si Coverdaleat ang kaniyang salin ay lumabas noong
1535. Nakakulong noon ang kaibigan niyang si Tyndale dahil sa ginawa nitong may
kaugnayan sa pagsasalin ng Bibliya. Binitay si Tyndale nang sumunod na taon.

Martin Luther (1483-1646) angkanyang salin sa wikang Aleman aykinikilalang


pinakamabuting salin.Dito nakilala sa larangan ngpandaigdig na panitikan angbansang
Germany.

Jacques Amyot isang obispo sa Auxerre na siyang kinikilalangPrinsipe ng Pagsasaling-wika


sa Europa.

(1559) Lives of Famous Greeland Romans ni Plutarch Plutarch - ay isang historyanong


Griyego, biograpo at manunulat na pangunahing kilala sa kanyang isinulat na Parallel Lives
at Moralia. Siya ay itinuturing ngayon na isang Gitnang Platonista. Siya ay ipinanganak sa
isang prominenteng pamilya sa Chaeronea, Boeotia na isang nayon mga 20 milyang
silangan ng Delphi.

Sir Thomas North sinalin ang nasabing akda sa Ingles mula sa wikang Aleman.

John Bourchier isang Ingles na nakilala noong1467-1553. Karamihan sa kaniyang mga salin
ay mula sa wikang Kastila. Nakatalasa kasaysayan ng pagsasaling-wika saAlemanya
bilangt agapagsalin ng Chronicles ni Froissart.

Froissart isang awtor napaksa at estilo ay kanyanglabis na kinagiliwan.

Ang panahon ng unang Elizabeth ang itinuturing ni Savory na unang panahonng


pagsasaling-wika sa Inglatera,bagamat ang panahon ng pangalawang Elizabeth ang
kinilalang pinakataluktok.

Thomas North kinikilalang pinakadakila sa mga tagasalin sa Inglatera nang panahong iyon.

George Chapman ang salin niya sa mga sinulat ni Homer ay nalathala sa pagitna ng 1598 at
1616.

John Florio (1603) lumabas ang salin niya sa Essays ni Montaigne. Isa itong babasahinn
itinuturing na kasing husay ng Plutarch ni North.

Montaigne isang Pranses na naglathala ng pinamagatang Essais,na itakda ang kahulugan ng


essay ayon sa naging hangarin ng manunulat na maging isang pagtatangka na
makapagpahayag ng mga kuro-kuro.

Ang ikalabim pitong siglo ay maituturing na tulad halos ng dalawang nakaraang siglo na
ang kinawilihan ay ang pag-aaralat pagsasalin ng mga literatura sa ibang bansa.
Hobbles ang mga salin niya saThucydides at Homer ay hindi gaanong nagustuhan ng mga
magbabasa.

John Dryden nagsalin ng Juvenal at Virgil, gayundin ay hindi gaanong nagustuhan ng mga
mambabasa. Subalit siya ay ibinilang sa isa sa mahusay na tagapagsalin noong kanyang
panahon dahil pinag-ukulan niya ng maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin. Siya ang
kauna-unahangkumilala na ang pagsasaling-wika ayisang sining.

Ang pagsasaling-wika ay masasabing kasin sigla pa rin ng mga nakaraang siglo nang
sumapit ang ikalabing-walong siglo.

Alexander Pope ang salin niya sa Ingles na akda ni Homer na Iliad ay lumabas sapagitan ng
1715 at 1720; ang kanyang Odyssey ay noong 1725.

Homer - ay isang mala-alamat na unang Griyegong manunula at rapsodista,na binigyan ng


kredito, ayon sa tradisyon,sa pagkakalikha ng Iliad a tOdyssey (dalawang dakilang epikong
Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troyat sa mga naganap pagkaraan),
bagaman maaaring dalawang magkaibang mga taoang sumulat ng mga ito. Karaniwang
sinasabing nabuhay si Homer noong ika-8siglo BK. Isa siyang bulag na
mang-aawit,manunula, at manunulat na nagbuhat sa Chios, isang pulo sa Gresya William
Cowper nagsalin din sa Ingles

A.W. von Schlegel siya ay nagsalin ng mga gawa ni Shakespeare sa wikang Aleman.

William Shakespeare – Maraming tao ang nagsasabing siya ay isa sa mga dakilang
manunulat sa lahat ng panahon. Sumulat siya ng mga magagandang kuwento ng trahedya,
mga nakakatuwang komedya at walang katumbas na kasaysayang kuwento ng Ingles. Ang
kanyang mga tula at palabas ay patungkol sa mga nararamdam ng mga tao tulad ng
pag-ibig, pagka-inggit, galit at marami pang iba. Siya ay pinag-aaralan ng mga bata sa mga
paaralan sa buong mundo. Sinulat niya ang kanyang mga likha sa pagitan ng 1585 at 1613

Alexander Tytler 1792)nailathala ang isa kanyang namumukod tanging aklat na Essay on the
Principles of Translation. T atlong panuntunan sa pagkilatis ng isang salin. Ang isang salin ay
kailangang katulad ng orihinal sa diwa o mensahe. Ang estilo at paraan ng pagkasulatay
kailangang katulad ng sa orihinal. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang
basahin tuladng sa orihinal.

Thomas Carlyle (1824) nagsalin nang William Meister ni Goethe.

Johann Wolfgang von Goethe ay isang Alemang manunulat. Isa siya sa pinakadakila sa
lahat ng mga manunulat na Aleman. Isa siyang makata, nobelista, at mandudula, subalit isa
rin siyang aktor, tagapangasiwa, siyentipiko,heologo, botaniko, at pilosopo. Nagkaroon siya
ng napakahalagangimpluho sa maraming mga manunulat attagapag-isip noong ika-19
daang taon atmaging sa pangkasalukuyang panahon.Makasaysayan ang nasabing
akdasapagkat ito ang nagpapatunay sa mgamambabasang Ingles na mayroon dinnamang
mga henyong manunulat saAlemanya nang mga panahong iyon.Dahil din sa kanyang mga
salin at mgasinulat, ay nagsimulang pagtuunang-pansin
Omar Khayyam ang kanyang salinng Rubaiyat noong 1859 ay tinawagni Savory na
pinakadakilang salin.Dito nagsimulang mauso ang isanguri ng saknong sa tula na may apat
napentamento na ang ikatlong linya ayhindi magkatugma.Hindi tingangka ni FitzGerald
naisalin ng literal ang Rubaiyat ni OmarKhayyam; sa halip ay sinikap niyangmapanatili ang
likas na kagandahangestilo nito na siyang kinagiliwan nanglabis ng mga mambabasa.
Edward FitzGerald - ay isangmakata at manunulat naIngles, nahigit na nakikilala bilang
makata nguna at pinakabantog na salinwikangnasawikang InglesngAng

Matthew Arnold noong 1861,ay nagpugay sa mga mambabasaang On Translating Homer,


isangsanaysay na tumatalakay sa isangsimulain na ang salin aykailangang magtaglay ng
bisangkatulad ng sa orihinal.Ang pagsasaling literal ay hindikasinghalaga ng pagpapanatili
ngbisang pang-estetiko ng orihinal sasalin. F.W. Newman ang kanyang salinng Homer ay
kaiba sa gustongipabatid ni Arnold sa kanyang salin.Ayon kay Newman, ang isang salinay
kailangang maging matapat saorihinal, na kailangang madama ngbumabasa na ang
kanyang binabasaay isang salin at hindi orihinal.

Nang sumapit ang Ikadalawangpung siglo ay isa nalamang karawinang gawain ang
pagsasaling-wika.

Ritchie at Moore (1919) naglathala sila ng isang artikulo na nagsasabing ang tunay na
panitikan ng France ay hindi lubusang maabot sa pamamagitan lamang ng mga salin.

Tolstoy magmula sa Russia, kundi dahil sakanyang pagsasalin at pagsulat ng ma akda ay


maaring hindi na nakilala at dinakila sa buong daigdig.

Chekoy, Strindberg At Ibsen - dahil sa pagsasalin ang mga drama nila ay nakapasok at
lumikha ng sariling langit-langitan sa makabagong panahon.

Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa


kani-kanilang wikang mga mahuhusay na akdang nasusulat sa ibatibang wika sa layuning
maihatid sa higit nanakararaming bahagi ng mambabasa ang mgapagsasalin ay ang
pagsasalin ng mga pyesa ngliteratura na nagtataglay ng mga bagong kaalaman
atkarunungang buhat sa ibang bansa na karaniwan aysa higit na maunlad na wika
nasusulart na tulad ngwikang Ingles.

Mga Pagsasalin Sa Biblia Ayon kay Savory, mayroong dalawang kadahilan kung bakit hindi
maiiwasang mabanggit ang pagsasalin ng Biblia? Una, sapagkat ang paksa sa Biblia, lalo na
sa Matandang Tipan, ay tumatalakay sa sa tao sa kanyang pinagmulan, sa kanyang layunin
atsa knayang destinasyon. Ikalawa, kung bakit naiiba ang Biblia sakaraniwan sa larangan ng
pagsasaling-wika ayang di mapasusubaliang kataasan ng uri ngpagkakasulat nito.

Ang Bibliang kinagisnan natin,kahit sa anong wika nasusulat, ay isang salin. Ang orihinal na
manuskrito o teskto nitoay sinasabing wala na. Wikang Aramaic ng Ebreo sa wikang ito
nasusulat ang kaunaunahang teksto ng Matandang tipan. Naging malaganap noong unang
siglo A.D. Origen buhat sa salin niya sa wikang Griyego noong ikatlo ngsiglo na nakilala sa
tawag naSeptuagint. Jerome isa sa iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na
tagasaling-wika sa Biblia noong kanyang kapanahunan.
Ayon kay Savory, mayroong tatlong dinadakilang salin ng Biblia. Ang kay Jerome sa Latin.
Ang kay Luther sa Aleman. At ang kay Haring James sa Ingles ng Inglatera na tinawag
na Authorized Version.

John Wycliffe sinasabing sa kanya nagmula ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Biblia,
ayon kay Savory noong ikalabing-apat na siglo. Nagkaroon ito ng Dalawang Edisyon. Una,
noong 1382 sa tulong ng isang tagasalin nanagngangalang Nicholas. Ikalawa, noong 1390.

John Purvey Kalihim ni Wycliffe, at siyang nagrebisa ng unang bersyon upang maalis ang
mga pangungusap na literal o mga istrukturang sunod sa Latin.

William Tyndale (1526) nagsagawang pagsasalin sa Ingles buhat sawikang Griyego na salin
naman niErasmus. Naging kakaiba ang kanyangsalin dahil sa paggamit niya ngmasalimuot
na mga talababa(footnotes) o notasyon. Erasmus - na nakikilala rin bilangErasmus ng
Rotterdam, o payak nabilang Erasmus, ay isang Olandes nahumanista ng Renasimyento,
Katolikong pari, kritikong panlipunan, guro, atteologo. John Rogers siya ang nagpatuloy
sapagsasalin isinagawa ni Tyndale.

Taong (1538), nagkaroonng kautusan na ang lahatng simbahan ay dapatmagkarron ng


isangbersyon lamang ng Bibliaupang magamit ng lahat. Coverdale muli niyanirebisa ang
Biblia niMathew. Tinawag angnasabing nirebisang Bibliana Great Bible at nagingpopular
nang mahabangpanahon ito ay nagtataglayng mga Salmo.

William Whittingham at John Knox (1560)lumitaw ang Geneva Bible. Ito ay isinagawa
nilaupang makatulong sa pagpapalaganap ngProtestanismo. ang nasabing Biblia ay
tinagurianding Breeches Bible. Nang mga panahong iyon ay nagkaroon na rin ngmga
pagtatakang ang mga Katoliko Romano namagkaroon ng sartil nilang Biblia. Douai Bible.
Ang New Testament ay nalathaladiumano sa Rheims noong 1582. Ang Old
Testamentnaman ay noong 1609. Taong 1603, nagdaos ng isang kumperensya siHaring
James, na dinaluhan ng mga arsobisbo saat iba pang mga pari sa Hampton.

Obispo Winchester taong (1870) nagmukahi siya narebisahin muli ang Autorized Version,
dahil sa paglakadng panahon tumaggap din ng mga puna ang nasabingsalin. Noong 1881,
nailimbag ang naribesang salin atnakilala sa tawag na English Revised Version. Taong 1970,
maituturing itong pinakahuling salin ngBiblia na tinawag na The New English Bible na
inilimbagng Oxford University Press.

Tatlo ang dahilan kung bakit napagkaisahangmuling isalin ang Biblia:1. Marami nang mga
natuklasan ang mga arkeologona naiiba sa diwang nasasaad sas maramingbahagi ng mga
unang salin;2. Nitong mga huling araw higit na naging masiglaang pag-aaral sa larangan ng
linggwistika. Dimatatawaran ang naitutulong ng karunungan salinggwistika sa
pagpapalinaw ng maramingmalabong bahagi ng Biblia. Ang mganagpakadalubhasa sa mga
wikang Ebreo, Aramaicat Griyero, halimbawa, ay malaki ang maitutulongsa paglinaw sa
maraming dapat linawin sa mgakontrobersyal na bahagi ng Biblia; at3. Ang sinaunang
wikang ginamit sa klasikangEnglish Bible ay hindi na halos naunawaan ngkasalukuyang
mambabasa, bukod sa kung minsanay iba na ang inihahatid na diwa.
Nagsasalungatang Paniniwalaa Pagsasalin ng mga Akdang Klasik Gaya ng pagkakaalam
natin, ang kalakhan ngkinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinalna nasusulat sa
Griyego at Latin. Sa pagpasok sa ika20 siglo, ang daigdig ng pagsasaling-wika ay
halosumiinog lamang sa pagsasalin sa Ingles ng mgaliteratura ng Griyego at Latin. Ayon kay
Woolf, ang wikang Griyego ay isang wikangmay pang-akit na waring
napakamakapangyarihan.Ito, aniya, ay maugnayin, mabisa, tiyak, at waring mayaliw-iw na
nakaliligayang pakinggan. Mapapangkat sa dalawang ang tagasaling-wika saIngles ng
Panitikang Griyego.

Maraming henerasyon ding nangibabaw ang wikangGriyego sa lipunan ng mga iskolar at


palaaral. Sakatotohanan, haggang sa mga unang taon ngkasalukuyang siglo, ang kaalaman
sa wikang Griyegosa dakong Europa at maging sa ilang dako ngdaigdig ay kinikilalang tatak
ng isang taong maymataas na pinag-aralan. Ang panitikang Griyego ay laging
babalik-babalikanng mga iskolar at mananaliksik sa buong daigdigsapagkat malaki ang
naging impluwensya nito sapanitikan ng lahat halos ng wika.

Ayon kay Savory, Mapapangkat sa dalawang angtagasaling-wika sa Ingles ng Panitikang


Griyego. Una, ang pangkat ng mga makaluma o tinatawag na Hellenizers.

Layunin ng mga makaluma na maging Matapatdiumano sa pagsasalin sa paghahanngad


namapanatili ang orihinal na diwa at katangian ngkanilang isinasalin. Ikalawa, ang mga
makabago o Modernizers.

Naglalayon ang pangkat na ito ng makalikha ngmga salin sa kanilang wika, mga
salingnahubadan na ng mga katangian at idyoma ngwikang isinalin at nabihisan na ng mga
katangianat idyoma ng wikang pinagsalinan.

Robert Browning ayon kay Savory, siya ay nagpaliwanag saPanimula ng kanyang salin ng
Agamemnon na ang isangtagasaling-wika ay kailangang maging literal hanggat
maaari,maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa likas nakakayahan ng wikang
pinagsasalinan. Robert Bridges nagbigay-diin sa paniniwalang higit namahalaga ang estilo
ng awtor kung ang isang mambabasa aybumabasa ng isang salin. Naniniwala sina Edward,
FitzGerald at Samuel Butler, na saalinmang salin ng mga akdang klasika ay dapat maging
naturalang daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain. Si Newman mismo diumano
ang nagsabi na sa kanyangpagsasalin ay pinilit niyang mapanatili ang kanyang binabasa
ayisang salin at sapagkat salin ay isa laman panggagaya sa orihinal. Salungat na salungat
naman dito, ayon kay Savory, angpaniniwala ni Arnold na isa rin sa tagapagsalin ni Homer
na angsinasabing katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan ngpagpapaalipin sa
orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin.

Samantala, unti-unting nahalinhan ng Rome angAthens bilang sentro ng karunungan nang


mgapanahong iyon. Ang mga palaaral na datiy sa Athens nagsitungo saRome na
nagsasagawa ng pananaliksik at pag-aaral. Nang lumaon, ayon kay Savory nalipat na sa
Romepati ang mga aklatan sa Athens upang magamit ngmga palaaral na nagsisipagsaliksik
doon. Nilinaw ni Savory, na ang pinakamataas na uri ngwikang Griyego ay umiral ng
maikling panahon lamankung ihahalintulad sa Latin.
Kung ano ang diumano ang naging bilis ng pag-akyatng wikang Griyego ay siya rin namang
naging bilibng pagbagsak nito. Hindi gayon, aniya, ang naging kapalaran ng wikangLatin.
Dahil sa kahalagahan nito ay nanatili itongwikang pamapanitikan hanggang sa panahon
niHorace at Virgil. Ang Aeneid ay ang pagsasalin sa Ingles ng kungpaano ito sinasabi Virgil
sa Latin. Kung ang nasabingepiko ni Virgil ay isasalin naman sa paraang tuluyannaniniwala
raw si Day-Lewis na ang gayon ay hindimagiging makatarungan para kay Virgil. Sinabi pa
rinni Day-Lewis diumano na upang mahuli ngtagapagsalin ang hilig at damdamin sa
orihinal nateksto, kinakailangang magkaroon ng ispiritwal napagkakaugnayana ang awtor
at ang tagapagsalin.

Machine Translation:Papalit sa tao? Kung mapapalitan ng makina ang tao bilang


tagasalingwika ay hindi pa natin masabi sa ngayon. Napakabilis ngpag-unlad ng syensya.
Kung meron na ngayong mgarobot na parang mga taong nakapagsilbi sa mgarestoran,
nakapagsasagawa ng operasyon sa mgaospital at mga robot na nadidiktahan mula sa
controltower sa daigdig kung ano ang gagawin sa kanilangkinalululanang spaceship sa
kawalan.Ayon kay Finlay (translating 1971: 156-7) sumigla angpananaliksik ng bansang
America sa Mtn dahil sa unangmay-sakay-na-taong spaceship na pinalilipad ng
Russianoong 1961.

Noong 1980 ay nagkapalad ang awtor na ito na makadalosa isang kumperensya sa


pagsasalin-wika sa RELC(Regional Language Center), Singapore. Nagpaikut-ikot ang
talakayan sa mga posibilidad na angtransformational generative grammar ni Chomsky at
ibapang modelong panggramatika ay makatutulong nangmalaki sa pagbuo ng
mapananaligang Mtr. Hindi pa maabot ng isip ng kasalukuyang mga sayantistkung papaano
mabisang maisasalin ang mga idyoma. Angmga linggwista man ay walang maibigay na
pormula paramagamit ng mga sayantist. Maraming kahulugan ang maarting ikarga sa isang.
Angisang halimbawa, na may 20 ibat ibang kahulugan sadiksyunaryo ay malaking
problema sa MTn. Bagamat magiging mabils ang proseso ng aktwal napagsasaling-wika sa
pamamagitan ng MTr (kung sakali itoymaimbento na), napakaraming oras naman ang
magugugolsa pre-editing at post- editing ng tekstong isusubo nito. Saibang salita , hindi na
mga tao ang magsasagawa ngpagsasalin, ngunit mas mahirap at mas matagl naman ang

Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computermachine. Ang taong gumagamit ng


kanyang kompyuterna pag-iisip ay buhay- may puso at damdamin,malikhain. Kulang pa sa
nalalamang mga teorya ang mgalinggwista tungkol sa paglalarawan at paghahambing
ngmga wika upang magamit sa pagbuo ng Mtr.

Kabanata IIUNANG YUGTO NG KASIGLAHAN Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay


masasaning nagsimulamagkaayo noong panahon ng pananakop ng mga kastila,kaugnay ng
pagpapalaganap ng kristyanismo. Kinakailangan ngmga kapuluan ang mga katesism, mga
akdang panrelihiyon, mgadasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng IglesiaCatolica
Romana. Bagamat nadikubre ni Magellan ang ating kapuluan noong 1521,ang aktwal na
pananakop o kolonisasyon ng Espaa ay nagsimulanoon lamang 1565 nang dumaong sa
Cebu ang ekspidisyongpinamumunuan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi,kasama ang
sundalong-pare na si Fr. Andres de Urdaneta. Halos tatlundaan at talumput tatlo taon na
napasailalim sakapangyarihan ng bansang Espaa ang Pilipinas.
Kalimitan, ang nagiging hari ng Espaa ay maymatapat na paniniwala na mabisang
mapalalaganapang Kristyanismo sa pamamagitan ng wikang Kastila.Subalit ang kanilang
mga sekreto ay hindi sinunod ngkaramihan ng mga prayle na hali-haliling namuno
saPilipinas. Unang dahilan: Batay sa kanilang karanasan sa timogat Hilagang America, higit
na nagiging matagumpayang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa pamamgitanng paggamit
ng mga wika ng mga katutubo. Ikalawang dahilan: Mas katanggap-tanggap sakatutubo ang
marinig na ginagamit ng mga prayleang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salitang
Diyos. Ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mgakastila: May lihim silang
pangamba na baka kungmatuto ang mga indios ng wikang Kastila ay magingkasangkapan
pa nila ito tungo sa pagkamulat sakanilang kalagayang pulitakal at sila ang balikan.

Sa nabanggit na koleksyon ni Teodoro Agoncillo ay209 na lahat ang nakatalang Religious


Works nakaramihan ay salin o adapsyon mula sa mgamanuskrito, pamplet,aklat at iba pa
na orihinal nanasusulat sa wikang Kastila.IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN Nang
pumalit ang America sa Espaa bilangmananakop ng Pilipinas, nagbago na rin, mangyaripa
ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wiak.Ang naging isan sa pangunahing
kasangkapan ngpananakop noong panahon ng kastila ay krus orelihiyon; noong panahon
naman ng Americano ayaklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikangIngles. Karamihan sa
mga isinaling dula ai itinampok samga teatro. Noong mga panahong iyon ay teatroang
siyang pinakapopular na libangan ng mga taosapagkat wala pa noong sinehan at
telebisyon.

IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN Ang maituturing na ikatlong yugot ng kasiglahan


sapagsasaling-wika ay ang mga pagsasalin sa Filipino ngmga materyales, pampaaralan na
nasusulat sa Ingles,tulad ng mga akalt, patnubay, sanggunian, gramatika,at iba pa, kaugnay
ng pagpapatupad sa patakarangbilinggwal sa ating sistema ng edukasyon.IKAAPAT NA
YUGTO NG KASIGLAHAN Ang maituturing namang ikaapat na yugto ngkasiglahan sa
pagsasaling-wika ay ang pagsasalin ngmga katutubong panitikang di-nating makabuo
ngpanitikang talagang matatawag na pambansa.

Isa sa maituturing na realistikong hakbang tungo sapagbuo ng pambansang panitikan ay


ang isinasagawang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano), isangsamahan ng mga
manunulat ng ilocano. Pumili angmga manunulat ng Ilocano ng mahuhusay na kwentosa
wikang Iloco at isinalin nila ito sa Filipino. Inilimbagnila ito at tinawag nila ito na aklat na
KURDITAN. Maaring itoy ituring na ikalimang yugto ng kasiglahansa pagsasaling-wika na
unti-unit nangayongnagkakaanyo. Mababanggti na kasama nangayon sa kurikulum ng
ikalawang taon sa hayskulang pagtuturo ng Afro-Asian Literature. Totoong Inglespa nag
midyum na ginagamit sapagkat ang mga salinsa Ingles ng Afro Asia Literature. Asng
magagamit oavailable sa ngayon mga salin ng mga manunulat nabanyaga na sinusundan
ng mga manunulat na lokal.

You might also like