Pagsusuri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SHANA A.

AMBUYAO

I. TUNGKOL SA PELIKULA

A. PAMAGAT NG PELIKULA: “Rewind”- Pinamagatan itong “Rewind” sapagkat may parte sa kwento kung
saan nabigyan ng pagkakataon sa buhay ang isang pangunahing upang baguhin ang isang
pagkakamaling kanyang ngawa sa buhay.

B. DIREKTOR: Mae Czarina Cruz

C. PRODUSYER: ABS-CBN Productions

D. PANGUNAHING TAUHAN

1. Marian Rivera-Dantes- bilang Mary, isang pangunahing tauhan sa kwento, asawa ni John, at isang
ulirang ina na tinalikuran ang pangarap para sa pamilya.

2. Dingdong Dantes- bilang John, asawa ni Mary, mainiting ang ulo at makasarili sa kwento ngunit
nagbago sa huli.

3. Pepe Herrera- bilang Mang Jezz o Lodz, nagbigay ng pagkakataon kay John upang bumalik sa araw
bago ang aksidente.

4. Jordan Lim- bilang Austin, ana nina Mary at John.

5. Hannah at Lucio- mga kasama ni John sa trabaho at tauhan niya.

6. Hermie- tatay figure ni John at boss sa kompanya ninong din ni John.

7. Tatay Nestor- bayolohikal na ama ni John.

E. TEMA NG PELIKULA

“ Huwag mong gawing mundo ang trabaho”. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pamilya at mga tao
sa ating paligid. Ito ay nagpapaalala na higit sa lahat ay mas mahalaga pa rin ang ating pamilya sapagkat
iwan man tayo ng lahat, ang ating pamilya ay mananatili sa atin kahit pa tayo ay magkamali sa buhay.
Ang trabaho, nariyan lang yan. Mawala man ay maaari kang humanap ng kapalit ngunit kung pamilya
mo ang nawala, hindi ka makahahanap ng mga taong kayang kang tanggapin at intindihin kahit ano ka
pa.

F. BUOD NG PELIKULA

SIMULA

Ang kuwento ay nagsimula sa masayang pamilya nina John at Mary kasama ang kanilang anak na si
Austin. Hang kumakain ay ibinalita ni Austin ang kanyang play sa school at iniimbita ang kanyang ama
kahit alam niyang football ang nais ni John sa anak. Pumayag naman si John sa imbita ni Austin.Si John
ay isang empleyadong nasa mataas na posisyon. Dumating ang araw na kaarawan ng CEO ng kompanya
nina John. Si sir Hermie, ninong ni John at father figure niya sapagkat ang bayolohikal na ama ni John ay
malayo ang loob ni John sa kanya kaya’t ang mga tao sa kompanya ay inaasahang ipromote ni sir Henry
si John. Sa kabila naman ay todo asikaso si Mary, asawa ni John sa cake na bilang surpresa sa kaarawan
ni sir Hermie. Sobrang devoted ni John sa kanyang trabaho. Literal na binigay ang buhay sa kanyang
trabaho kaya’t nakalimutan niyang may pamilya siya. Pag uwi ay lagging pagod mainitin ang ulo at hindi
matinong kausap. Si Mary naman ay sinubukang mag apply sa Singapore upang subukang ituloy ang
pangarap na naudlot dahil mas pinili si John. Natanggap siya at sasabihin sana niya ito sa kanyang asawa
ngunit hindi siya makahanap ng oras dahil sa trabaho ng asawa. Dumating ang araw na pinakahihintay ni
John ang kaarawan ng kanyang ninong/sir Hermie sa pagaakalang mapropromote siya. Sa selebrasyon ay
naghanda pa siya ng presentasyon para kay si Hermie. Nang magsalita si Hermie ay tila gumuho ang
mundo ni John nang hindi siya ang ipromote nito.

GITNA

Sa galit ay nagresign si John sa trabaho ng hindi sinasabi sa kanyang asawang si Mary. Pagdating sa
bahay ay tahimik lang siya. Kinabukasan ay ang kaarawan ng kanyang anak at presentasyon sa school.
Habang papunta sa eskwelahan ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa aksidente at
pagkamatay ni Mary. Sa gitna ng pagdadalamhati ni John ay pumunta sa kanilang bahay si Mang Jess o
Lodz ang binayaran ni Mary na mag kakabit ng ilaw para sa sorpresa ni Mary sa kaarawan sana ni John sa
sususunod na lingo. Sa pag-aya ni John kay Lodz sa inuman ay sinabi ni Lodz na kaya niyang ibalik sa
araw bago mangyari ang aksidente si John upang maitama ang kanyang mali ngunit dapat ay may kapalit
si Mary na mamamatay sa araw din na iyon. Pumayag si John at binalik nga siya sa araw ng kaarawan ni
Henry. Sa panahong iyon ay hindi na nagalit si John nang hindi siya ang na promote ni Henry bagkus ay
nagmadaling umuwi upang makasama ang kanyang pamilya. Kinabukasan sa paghahanda nila
papuntang school ni Austin ay nalaman ni John ang di sinasabi ni Mary na pag aapply niya sa Singapore
culinary arts. Nagalit ulit si John at nagtalo sila. Ipinaliwanag naman ni Mary na di na matiyempuhan si
John dahil lagi na lang siyang umuuwing pagod o kung di ay galit. Kasabay nito ang pagpapakita ulit ni
Lodz na nagpaalala sa pagigigng maksarili na naman ni John. Habang papunta sa school ay humingi ulit
ng tawad si John kay Lodz at sinabing siya na lang ang mamatay sa araw na iyon. Nangyari ulit ang
aksidente ngunit laking gulat ni John na buhay pa siya at si Mary. Sa pagdating nila sa school ay
nagsimula na ang show at naibigay pa ni John ang relo na bigay ng kanyang tatay Nestor kay Austin.

WAKAS

Habang dumadadaloy ang play nina Austin ay nagpakita ulit si Lodz kay John. Sinundan siya ni John at
nakiusap kung maaari pa siyang mabuhay upang makasama ang pamilya ngunit sa huli ay namatay si
John tulad ng usapan.

II. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL

A. MUSIKA

Napakalaki ang naging ambag ng musika sa pelikula sapagkat mas nabigyan nito ng karagdagang
emosyon ang malulungkot na tagpo sa kuwento. Ang malungkot na piano music at intense na music na
nakapagbibigay ng excitement at nakapagbibigay diin sa kalungkutan ng kuwento.

B. SINEMATOGRAPIYA

Napakaganda ng lightings. Malinaw ang mga tagpo at nababagay ang mga gunamit na panahon sa
kuwento. Kuhang-kuha ang lighting sa mga ospital kung saan dinala si Mary at lighting sa performance ni
Austin na kkadalasang ganoon ang sitwasyon tuwing mga play sa eskwelahan. Sa kabuuan ay maganda
ang naging dala ng lightings sa kuwento.
C. PAGKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

Madaling intindihin at sundan ang daloy ng kwento. Ang usapan ay makatotohanan at ang mga eksena ay
masasabing napagdaraanan ng karamihan. Kaya naman madaling maantig ang damdamin ng mga
nanunuod dahil nakakapasok ang kwento sa tunay na buhay. Maganda din ang bawat flashback ng
kuwento dahil kahit papaano ay nasusundan naman ang kuwento.

D. PAGGANAP NG MGA ARTISTA

Dahil magkabiyak ng puso sa tunay na buhay sina Dantes at Rivera, natural ang kanilang chemistry sa
ginampanang papel. Mahusay din ang timing ni Herrera, kapwa sa magagaan at seryoso niyang mga
eksena. Hilaw na hilaw naman ang pagganap ni Lim; mas mainam kung binawasan na lamang ang
kanyang mga diyalogo para hindi mahalata na ilang siya sa pagsasalita. Kahit ganoon man ay maganda
naman ang pagganap ng ibang supporter actors sa kuwento sapagkat kuhang -kuha nila ang tamang
ekspresyon ng mukha at emosyon ng bawat salita.

III. KAHALAGAHANG PANTAO

A. PAGLAPAT NG TEORYANG REYALISMO

Makikita sa kuwento ang realidad na nangyayari sa tunay na buhay mag-asawa. Hindi mawawala ang
away dahil sa trabaho at babae. Kadalasang nakikita ito sa ating lipunan ngayon kung saan ang mga mag-
asawa ay naghihiwalay dahil sa mga third-party o pagkakamali ng isa. Ipinakikita rin sa kuwento ang
nagiging bunga ng atin mga kaduwagan sa buhay. Ang trauma na naibibigay ng pagkakamali kung saan
sa kuwento ay iniwan ni Austin ang kanyang ama pagkatapos ng aksidente sa takot na baka matulad din
siya sa kanyang ina. Naipakita rin sa kuwento na isa sa hindi matatawarang papel ng ating mga lolo’t lola
kung saan hindi natatapos ang kanilang obligasyon sa kanilang anak sapgkat itinutuloy rin nila ito sa
kanilang mga apo.

B. PAGLALAPAT NG IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Kultural

Makikita sa kuwento ang kulturang Pilipino. Ang pagbibigay ng regalo sa ating mga minamahal sa buhay
at ang katolismo o Kristiyanismo. Nakikita sa kuwento ang kahalagahan ng panalangin sa ating
Maykapal. Makikita sa pelikula ang pagdarasal ni Austin at pagbibigay galang at alaga sa litrato ni Hesus
na hindi lumalayo sa kinagisnan ng mga katoliko sa bansa.

C. ARAL

Ang aral sa kwento ay ang pag-aasawa ay hindi isang fairytale na pagkakasal ay tuloy tuloy na ang ligaya,
bagkus, ito ang simula ng pagsubok dahil lalabas ang mga nakatagong ugali sa araw araw na
pagsasamahan. At hindi ito laging maganda. Ang hamon ay kung kaya mong maunawaan, mahalin at
punuan ang mga pagkukulang ng iyong kabiyak ng puso. Sinasabi rin na sa relasyon, hindi tama na may
maapakan para may makalipad. Hindi kailangang manatili sa anino ang isa para ang isa lang ang masilayan
ng araw. Dapat sabay at nagtutulungan. Dapat sandigan at lakas ang bawat isa.

D. KABUUANG PANANAW

Maganda at konektado sa reyalidad ng buhay ang pelikula. Nakadadala ang mga emosyon at linya ng
mga tauhan at nakapagbibigay ng aral sa bawat manonood.

You might also like