Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Di – Masusing Banghay Aralin sa Filipino -10

Petsa: Marso 11, 2021


Oras: 8:20 – 9:20
Asignatura: FILIPINO
Taon/Seksyon: Grade – 10 DIAMOND, PEARL, EMERALD, RUBY

I. LAYUNIN:
a. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya sa napakinggang usapan ng
mga tauhan(F10PN-11a-b-71)
b. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan(kolokasyon) (F1OPT-11a-b-71)
c. Nabubuo ang masistematikong panunuri sa mtilohiyang nabasa/napanood
(F10PD-11a-b-69)
II. PAKSA:
SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGNATE
Sanggunian: Self Learning Module, Filipino 10 – PANITIKANG PANDAIGDIG(pp. 174-179)
Kagamitan: Laptop. Tv
III. PAMAMARAAN:
PANIMULA
A. PANGGANYAK:
 Magpapakita ng mga larawan na may katawagan sa Ingles at susuriin upang
makabuo ng salita na may bagong kahulugan sa Filipino.
B. GAWAIN:
 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang kahulugan ng
mitolohiya at ano-ano ang mga elementong bumubuo sa mitolohiya.
C. PAG-AANALISA
 Ipababasa ang mitohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”
 Tatalakayin ang akda sa pamamagitan ng pagsagot sa mg batayang tanong.
D. PAGLALAHAD
 Pagbibigay ng Pangkatang Gawain. Papangkatin ang klase sa tatlong
pangkat. Bawat pangkat ay magbibigay ng mga salitang maisasama sa
punong salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.
Halimbawa:

ulan

alat Tubig pampaligo

kanal

E. PAGLALAPAT
 Ipatukoy mula sa mga nakalahad na kaisipan ang mga pangunahing paksa
at ideya batay sa napakinggan. Pumili ng isa sa mga pangunahing paksa.
 Pagtitibayin ang lahat ng mga isinagawang Gawain sa pamamagitan ng pag-
uulat.
IV. PAGTATAYA
 Suriin Ang elementong taglay ng binasang mitolohiya sa pamamgitan ng
pagsagot sa mga tanong sa flow chart.
V. TAKDANG-ARALIN
 Pag-aralan ang Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon(pp. 32-38, SLM)

Inihanda ni:
JUFFY L. MASTELERO
Guro

Itinala ni:
GNG. MALYN M. LIM
Filipino Coordinator

You might also like