AP Exam 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- WerternVisayas
Division of Capiz
VICENTE ANDAYA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Sigma Capiz

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan- 8

PAGSUBOK I: PAGPIPILIAN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang sagot. Isulat ang bawat letra ng
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong aytem?
a. mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian
b. tinagurian silang middle class o panggitnang uri.
c. nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod.
d. nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampulitika at pang-
ekonomiya.

2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance?


a. muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko
b. muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano
c. panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
d. panibagong kaalaman sa agham

3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?


I. schism sa Simbahang Katoliko
II. pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent
III. pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto ng Wittenberg Church
a. I - II – III c. III - I - II
b. II - I – III d. I - III – II

4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The end justifies the means
”?
a. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap kung mabuti ang kaniyang hangarin.
b. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging mabuti ang bunga nito.
c. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan.
d. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamamahala.

5. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa karanasan?
Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate.
a. John Locke c. Rene Descartes
b. John Adams d. Jean-Jacques Rousseau

6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition?


a. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa timog Europe.
b. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala.
c. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo.
d. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko.
7. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?
a. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.
b. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe.
c. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang Pangangailangan.
d. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.

8. Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsahan sa kapangyarihan.


Nagbunga ang paligsahang ito ay sa pagpapalawak ng mga nation-state. Alin sa sumusunod na bansa
ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain?
a. Spain c. Portugal
b. England d. Netherlands

9. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?


1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.
2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay.
3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sariling bansa.
4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang Pilipino.
A. 1,2,3,4 C. 2,3,4
B. 1,2,3 D. 3,4

10. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang magsimula ang
Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na malaki ang tulong
sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo?
a. Magkakampi ang France at United States
b. Magkasabay na nilabananan ng Inglatera ang United States at France.
c. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States.
d. Ginamit na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang Inglatera.

“When you say “It’s hard”, it actually means “I’m not strong enough to fight for it”. Stop saying it’s
hard. Think positive!”Good Luck!

(Sana All Makakapasa!)

Inihanda nina: Iwinasto ni: Inaprobahan ni:

MARITES A. SORIANO MARLON RELLENTE JIMMY B. BILLONES, Ph.D.


Teacher III HT-I Principal III

ILYN F. TABAQUIRAO
Teacher I

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI- WerternVisayas
Division of Capiz
VICENTE ANDAYA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Sigma Capiz
TALAHANAYAN AT ISPESIPIKASYON
Araling Panlipunan- 8
Ikatlong Markahan

Kasanayan/ Layunin Dami ng Kinalalagyan Bahagdan


Aytem ng Aytem

1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng


Rebolusyong Pangkaisipan sa 5 1, 2, 3, 4, 5 50%
Rebolusyong Amerikano at Pranses.
(AP8PMD-IIIi-9)

2. Nasusuri ng mga mag-aaral ang mga 5 6, 7, 8, 9, 10 50%


dahilan, pangyayari at epekto ng
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo). (AP8PMDIIIh-8)

Total 10 10 100%

Inihanda nina: Iwinasto ni: Inaprobahan ni:

MARITES A. SORIANO MARLON RELLENTE JIMMY B. BILLONES, Ph.D.


Teacher III HT-I Principal III

ILYN F. TABAQUIRAO
Teacher I

You might also like