Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bosque , Karl Miguel R.

B475

“The Barber’s Tale”

 Semonic Planes

Ang pelikulang “The Barber’s Tale” na ginawa ni Jun Robles Lana noong taong 2013 na pinag

bibidahan ni Eugene Domingo. Tungkol ito sa mag asawang nagngangalang Marilou at Jose.

Ang asawa ni Marilou ay isang kilalang barbero sa kanilang lugar sa probinsya, nag ka meron

sila ng isang anak pero ito ay namatay din dahil sa mahina ang puso ng kanyang anak simula

nung ito ay pinanganak at di tumatagal ng anim na taon ay yumao din. Na mumuhay ng simple

ang mag asawang si Marilou at Jose kahit sila ay nasa panahon ng Martial Law. Ang napansin ko

sa pelikulang napanuod ko ay makikita mo agad o maiisip na ito ay parang sinaunang palabas na

nasa panahon ka nga ng Martial Law, makikita dito ang pag gamit ng darker tone na

maiihalintulad sa mga pahanong 1970s. Sa pelikulang ito mararamdaman ng manunuod ang

bigat ng emosyon at hirap ng panahong iyon, makikita mo sa mga bawat muka ng isang karakter

ng pelikula ang kanilang mga nararanasang hirap at na raramdaman. Sa pelikulang ito makikita

dito ang mga babaeng Pilipino na kinokontrol ng kanilang asawa na parang pinahihirapan,

Pinakikita sa pelikulang ito na ang mga babae ay kayang gawin ang mga ginagawa ng mga lalake

katulad ng ginawa ni Marilou simula nung namatay ang kanyang asawa ay siya na din ang nag

tuloy ng barbirya sa kanilang lugar at kaya din nila mabuhay ng sarili at kakayahang mag

desisyon para sa sarili nila.


 Iconic Plane Analysis

Sa pelikula na “The Barber’s Tale” merong ideya na tungkol sa mang gugupit mahilig

mag kwento o mangatha ng ibat ibang kwento na napupulot sa barbershop. The Barber’s

Tale o sa tagalog ay mga kwentong barbero lamang, hindi lamang ito tungkol kay

Marilou , tungkol din ito sa panahon ng Martial Law na nadanasan ng mga Pilipino.

Minsan may pinakikitang scene tungkol sa pag kamatay ng asawa ni mayor na si Cecilla

ay ibinibintang sa mga NPA dahil pinatay daw ng mga ito ang kanyang asawa, ngunit sa

katotohanan miski alam ni Mayor Alfredo na ang totoong dahilan ng pag kamatay ng

asawa sa ay dahil sa kanya din kaya nag pakamatay si Cecilla.

Sa panahong ito pina kikita ng batas na sila ay mahigpit gawa ng may mga curfew sa

daan, ang mga pananamit ng mga kababaihan ay maayos na naka mahabang mga palda.

Ang nararanasan ng mga babae ay noong panahaong iyon ang mga babae ay mga sunod

sunudan lamang sa kanilang mga asawa o mas mababa ituring kesa sa mga lalake.

Mababa din ang tingin ng mga tao sa mga babae noon kase akala nila hinde kaya gawin

ng mga babae ang mga ginagawa ng lalake, tulad ng pag gugupit ni Marilou na walang

nag titiwala sa kanyang tao na mag pagupit nung hinde pa sya kilalang magaling na mag

gugupit katulad ng kanyanbg yumaon na asawa.


 Contextual Plane

Sa ginawwang pelikula ni Jun Robles Lana noong taong 2013 pinakikita dito ang mga karanasan

ng mga tao katulad ng pag kakaiba iba ng prinsipyo at pang aabuso noong 1975 na panahon ng

Martial Law. Ginawa nila ito upang ipaalala sa mga tao ngayon ang mga pang yayare noon at

nag popromote ng pag kakapare parehas ng babae at lalake. Ang babae at lalaki ay dapat ay

pantay lamang at pede mag tulong tulong upang mag pabagsak ng may may mga kapang yarihan

katulad ng ginawa ng mga NPA sa palabas na ito. Sapagkat kaya siguro ginawa ng author ang

palabas na ito upang malaman ng mga Kabataan ngayon tulad ko na istudyante palang at mga

namumulat sa henerasyon ngayon ang mga pang yayari na nakakalimutan na ng karamihan. Sa

penikulang pinapakita ang mga pang aabuso na ginawa ng mga may makapang yarihan noong

Martial Law. Noong panahon na yon dumami ang mga nagging rebelde o NPA dahil ayaw nila

makaranas ng pag hihigpit sa panahon ni President Marcos, na kung sino ang mahuling tutol o

may ayaw nito ay pina dadakip at tinotorture hanggang sa ipapatay. Bilang manunuod parang

namulat ako sa ng yareng Martrial Law o sa kwento ng “Barber’s Tale” halos galit ang

naramdaman ko sa sa sistemang pang aabuso ng may mga kapang yarihan sa mga taong

namumuhay ng simple at payapa. Naawa ako sa mga taong na buwis ng buhay para matamo ang

kanilang nanais na kalayaang mabuhay ng tahimik tulad sa karakter na pinakita ni Reven na

kaibigan ng inaanak ni Marilou na saw isa pakikipag bakbakan laban sa mga sundalong

nakaharap nila nung sila ay pupulong. Nag papasalamat naman ako at hinde kona inabutan ang

dating buhay na pang aaabuso at hirap ng mga may kapangyarihan na tao na dinat nan ng aking

lolo at lola nung naranasan nila ang Martial Law.

You might also like