ESP5 Q4 Week5 8 Mod2 EsP5PD IVe I 15 PagalingGlocelynF. Amalia Labi I

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Edukasyon sa
Pagpapakatao 5
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Nananalig Ako sa Diyos

MELC: Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng


pasasalamat sa Diyos. (EsP5PD – IVe-i – 15)

Inihanda ni:

GLOCELYN F. PAGALING
Guro III
Badoc South Central School Sped Center
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan– Modyul 2: Nananalig Ako sa Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glocelyn F. Pagaling


Editor: Aloha M. Agrimano
Tagasuri: Amalia Labi-I, Rosalinda P. Salmasan,
Aloha M. Agrimano
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Amalia Labi-I
Rosalinda P. Salmasan,
Division Design & Layout Artist: Bryan S. Maneja

Inilimbag sa Pilipinas ng

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Nananalig Ako sa Diyos
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Ang pagpapasalamat ay isang bagay na mabuti ayon sa Biblia. Sa lahat ng


mga bagay na tinatanggap natin at patuloy pa nating tatanggapin mula sa nag-
iisang Diyos, dapat lamang na kilalanin ang mga ito sa pamamagitan ng taus pusong
pasasalamat at pagpupuri. Bilang mga naturuan ng mga salita ng Dios, magiging
kalalabisan at kakulangan na tayo ay hindi matutong tumanaw ng utang na loob,
lalo pa nga sa Dios.
Bakit kailangang magpasalamat sa Diyos?
Maraming mga dahilan kung bakit kailangan nating magpasalamat sa Diyos.
Una sa lahat, ito ay pagtanaw sa kabutihan ng Diyos sa ating lahat. Ikalawa, ang
mga biyayang tinatanggap natin, saan ba nagmumula? Mayroon bang bagay na nasa
atin na hindi nagmula sa Diyos? Lahat ng bagay na ating tinataglay o tinatangkilik
ay nagbubuhat sa Kaniya, kaya naman marapat lamang na makita sa atin ang
pagpapasalamat at pagpupuri.
Nakapaloob sa modyul na ito ang mga paraan ng pasasalamat sa Diyos.
Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahan na naipamamalas mo
ang kakayahang:
MELCS * Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos
(EsP5PD – IVe-i – 15)

1
Subukin

Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay tumutukoy ng pagmamahal sa kapwa at


MALI naman kung hindi.

1. Ang pamilyang walang problema ay itinuturing na biyaya ng


Diyos.
2. Ang panalangin o pakikipag-usap sa Diyos ay basehan ng isang
taong relihiyoso.
3. Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay pagpapakita ng
pasasalamat sa Diyos.
4. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat isa ay tanda ng
pasasalamat sa Diyos.
5. Itinaboy ni Cardo ang mga batang lansangan.

Balikan

Isulat ang kung ang sitwasyon ay tumutukoy ng pagmamahal sa kapwa at


X naman kung hindi.

1. Nagbigay ng pagkain, face mask at alcohol ang pamilya Rivera sa


mga frontliners sa kanilang barangay.
2. Hindi pinansin ni Pia ang matandang nanghihingi ng tulong.
3. Iniiwasan ni Bien ang mga mahihirap niyang kamag-aral.
4. Kinalinga ni Martha ang mga biktima ng bagyo sa kanilang lugar.
5. Ipinagmaramot ni Cardo ang mga luma niyang laruan.

Aralin

2 Nananalig Ako sa Diyos


Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa iba’t ibang pamamaraan ayon sa
relihiyong kinabibilangan, bagamat iba iba ang gamit na katawagan ay iisa lamang
ang Diyos na ating tinutukoy at pinaniniwalaan. Ang pagpapasalamat sa Diyos sa
mga bagay na kaloob at patuloy na ipinagkakaloob Niya sa atin ay isang mabuting
gawain ng bawat nilalang. May mga bagay na dapat nating ipagpasalamat ngunit
hindi lamang natin ito napapansin, tulad ng biyaya ng buhay, maayos na tirahan,

2
buo at masayang pamilya, pagkain, mga kaibigan at marami pang iba. Subukan
nating isulat ang mga bagay na mayroon tayo sa kasalukuyan at sa aking palagay
ay umaapaw ang mga biyayang ito. Ang buhay at ang kalakasan natin ay nagmula
sa Diyos. At higit sa lahat, hindi ba’t karapatdapat ding ipagpasalamat ang kaloob
Niyang mga biyayang espirituwal, gaya ng mga salita ng Diyos, ng pag-asa na
ibinibigay Niya upang tayo ay magkaroon ng pag-asa sa problemang kinakaharap
ng ating bansa sa kasalukuyan at gayundin ang pananampalatayang ibinigay sa atin
upang magkaroon ng kabuluhan ang ating buhay sa mundo. Lahat ng mga ito ay
karapatdapat nating ipagpasalamat sa Diyos.

Tuklasin

Basahin ang panalangin ng pasasalamat at sagutin ang mga katanungan tungkol


dito.
Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos

Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang


sawang ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang
natatanggap ko upang makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na
nangangailangan.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang
malaman ko ang dahilan ng aking buhay. Ibinabalik ko po ang karangalan sa Inyo
sa aking pagkakalikha.
Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga
mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking
kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging
masaya sa araw-araw.
Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang
magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming
balikat.
Maraming salamat din po sa kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po
ang ginagamit namin sa paglaban sa pagsubok ng buhay.
Maraming salamat din po sa inyong bugtong na Anak na siyang tumubos ng
aming Kasalanan.
Amen.

Ayon sa panalangin, anu-ano ang mga dapat ipagpasalamat sa Diyos?

1.

2.

3.

4.

5.

3
Suriin

Ang tao sa kaniyang pamumuhay - ay nangangailangan ng masasandalan at


mahihingan ng tulong sa mga panahong nakakaranas siya ng kagipitan. Nariyan
ang kaniyang pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan upang tugunan ang
pangangailangang ito.
Ngunit sa usaping ispiritwal, hindi matutugunan ng mga materyal na
bagay ang mga pangangailangan ng sinumang tao. Tanging sa Diyos lang tayo
umaasa dahil naniniwala tayo na sa Kaniya lang magmumula ang tugon sa ating
kawalan at tanging Diyos lang ang makakasapat. Sa Diyos tayo tumatawag kapay
may gusto tayong hilingin. Sa Diyos tayo tumatawag kapag wala na tayong
malapitan.
Sa lahat ng ito, bawat tao ay may iisa lamang tugon na katanggap-tanggap,
ang magpasalamat.

Paano mo ipinapakita ang pagmamahal at pasasalamat mo sa Diyos?

Gumawa ng isang simpleng panalangin ng pasasalamat sa Diyos.

PANALANGIN

Pagyamanin

Gawain 1
Lagyan ng tsek (/) ang angkop na hanay kung ito ay iyong isinasabuhay o hindi.
Maging matapat sa iyong pagsagot.
Hindi
Ako
Mga Katangian Ako
Ito Ito
1. Palaging pumupunta sa lugar ng pagsamba.

4
2. Sinusunod ang mga paniniwala at gawing relihiyong iyong
kinabibilangan.
3. Pantay sa pagbabahagi ng pagkain sa mga kapatid.
4. Tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad na mga kamag-
anak o kaibigan.
5. Kalmadong makipag-usap kahit naiinis.
6. Sinisikap na huwag pagtawanan ang pagkakamali ng iba.
7. Umiiwas sa kamag-aral na humihimok gumawa ng masama.
8. Iginagalang ang mga panrelihiyong paniniwala ng ibang tao.
9. Nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang dumarating sa iyo
at iyong pamilya.
10.Sinisikap na makatulong sa iba sa abot ng makakaya.

Isaisip

Ang pagmamahal at pasasalamat sa Diyos na ipinahahayag sa panalangin ay


nakapagdadala ng kapayapaan na tumutulong sa atin na madaig ang sakit ng
paghihirap at kabiguan. Ang araw-araw na pasasalamat ay pagpapakita
ng pagpapahalaga sa kung anong mayroon tayo ngayon, anuman ang mayroon tayo
noon o anuman ang nais nating makamtan sa hinaharap. Ang pagkilala at
pagpapahalaga sa mga kaloob at talentong ibinigay sa atin ay tinutulungan din
tayong kilalanin na kailangan din natin ng tulong mula sa mga kakayahan at talento
ng ibang tao.
Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Diyos.Tulad na lamang ng
ating pamilya na isang biyaya mula sa Kaniya, ang lahat ng biyayang ipinagkakaloob
sa atin at sa paggabay sa araw-araw. Nararapat lamang na pasalamatan natin ang
Diyos. Maraming paraan upang magpakita ng pasasalamat sa Diyos tulad na lamang
ng panalangin o palagiang pagdarasal, paggawa ng kabutihan sa kapwa at iba pa.

Tandaan Natin!
 Kilalanin ang mga biyayang kaloob ng Diyos
 Ipakita ang pasasalamat sa mga nilikha ng Diyos
 Makiisa sa pagdarasal para magpasalamat sa mga biyaya ng Diyos at para sa
kabutihan ng lahat.

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Isulat ang N kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos


at HN kung hindi.

5
1. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpunta sa pook dalanginan.
2. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain bilang pasasalamat sa mga
biyayang natanggap.
3. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit.
4. Pagsira at pagwasak sa mga halaman at tanim ng kapitbahay.
5. Pagsasalita nang mahinahon.
6. Pagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na natatanggap araw-araw.
7. Hindi pagpansin sa mga taong humihingi ng tulong.
8. Paghadlang sa kasambahay na magkaroon ng oras ng pamamasyal at
pagpunta sa pook sambahan.
9. Masiglang pagbati sa mga miyembro ng pamilya.
10.Pagkilos nang maayos sa loob at labas ng bahay.

Gawain 2

Panuto: Ano ang gagawin mo upang maiwasto ang maling ugali at maipakita ang
isang tunay na pananalig?

1. Palagi kang nagagalit at sumisigaw


kapag nag-uutos sa iyong
nakababatang kapatid.

2. Nakagawian mo na ang
pagpapakalat ng maling kuwento
tungkol sa iyong mga kamag-aral.

3. Nahihiya kang umamin na ang


tiyahin mo ang nagpapaaral sa iyo
dahil hindi kayo kayang suportahan
lahat ng mga magulang ninyo.

4. Masiglang- masigla ka sa pagsali sa


isang samahan na mayroong
outreach program para sa mga
biktima ng bagyo.

5. Dahil sa kahirapang iyong


naranasan, nakalimutan mo na ang
manalangin at magpasalamat sa
Diyos.

6
Tayahin

Panuto: Punan ang graphic organizer upang maipakita ang iba’t-ibang paraan ng
pasasalamat sa Diyos.

Iba’t ibang paraan ng


pagpapakita ng
pasasalamat sa Diyos

Karagdagang Gawain

Basahin at ibigay ang sariling


reaksiyon:
9
Ang Panginoon ang
nagbibigay buhay sa lahat
Kaya pasasalamat sa Kaniya
ay tunay na nararapat.

7
Susi sa Pagwawasto

*Maaaring iba-iba ang sagot sa ibang mga Gawain.

Isagawa

10.
N 9.N
8. HN
7. HN
6.
N
5.
4.NHN
3. HN
2.
N
1,
N

Sanggunian
Ylarde, Zenaida R., Peralta, Gloria A., EdD 2016 Edukasyon sa
Pagpapakatao 5 Kagamitan ng Mag- aaral, Philippines. Vibal
Publishing House, Inc. Department of Education Materials
Council Secretariat.

Department of Education. “K to 12 Most Essential Learning


Competencies With Corresponding CG Codes,” Pasig City;
Department of Education Central Office, 2020

8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like