Pagsusuri NG Pelikula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Name: Muñoz, Ivan Jomari A.

Course: AB Psychology

GE 223: Sinesos

Pagsusuri ng Pelikula (Movie Review)

I. Thy Womb

Matagal nang mag-asawa sina Shaleha at Bangas-An. Kumadrona si Shaleha at


mangingisda naman ang asawa niya. Subalit damang-dama nilang mayroong
puwang sa kanilang pagsasamahan. Ito ay dahil hindi kayang bigyan ng anak ni
Shaleha si Bangas-An. Tatlong beses na rin siyang nakaranas ng pagkalaglag. Sa
tuwing mag-aampon sila ng mga sanggol, kinukuha naman ang mga ito ng
kanilang mga tunay na magulang kapag lumaki na. Araw-gabi, walang palya si
Bangas-An sa paghahanap ng babaeng makapagbibigay sa kanya ng anak.

Kaya imbes na magloko ang asawa, si Shaleha na mismo ang naghanap ng


babaeng maaaring pakasalan ni Bangas-An. Masakit man ay kaya niyang tiisin ang
hapding nararamdaman kung iyon lamang ang makapagpapasaya sa kanyang
asawa. Tumatanda na siya at ito lamang ang tanging paraan para matugunan niya
ang pangarap ng kanyang asawa na magkaroon ng anak sa paniniwalang ito ang
magpapala sa kanila at siyang simbolo ng banal na grasya ni Allah.

Ilang babae rin ang kanilang tinungo hanggang sa natagpuan nila si Mersila na
agad namang pumayag sa kanilang alok sa tulong ng isang tagapamagitan. Inubos
nila ang lahat ng kanilang ari-arian upang matugunan ang dowry ni Mersila.
Maluha-luha man, inialay rin ni Shaleha ang mga gintong alahas niya para sa
pangalawang asawa ng kanyang asawa. Maging ang motor ng kanilang
naghihingalong bangka ay ibinenta nila para makalikom ng napakalaking halaga—
isang daan at limampung libong piso.

Subalit isang kagimbal-gimbal na rekisito ang nakapaloob sa dowry ni Mersila.


Iyon ay sa oras ng kanyang panganganak, kailangang hiwalayan ni Bangas-An si
Shaleha. Sa pagtatapos ng pelikula, nagluwal ng isang malusog na sanggol si
Mersila. Si Shaleha mismo ang nagpaanak sa kanya. Nasiyahan si Shaleha sa iyak
na kanyang naulinigan. Subalit nabalot din siya ng kapanglawan dahil alam niyang
ang iyak na iyon ang hudyat na kailangan na niyang lumisan.

Muli, hiniling niya kung maaaring mapasakanya na lang ang pusod ng sanggol.
Pinahintulutan naman siya ni Mersila. Sa tuwing pangangasiwaan niya ang
panganganak ng mga buntis, lagi niyang hinihingi ang mga pusod ng mga sanggol.
Dahil malinaw kay Shaleha na hindi niya kayang magsilang ng anak, ang mga
pusod ng mga sanggol, kahit paano, ay nakapagbibigay sa kanya ng pakiramdam
na siya ay isang nanay rin. Isang pakiramdam na pinaaalalahanan siyang, sa dami
ng sanggol na dumaan sa kanyang mapaglingkod na mga kamay, isa na rin siyang
ina kahit sila man ay hindi nagmula sa kanyang sariling sinapupunan.

Para sakin, ang pelikulang ito ay nagpapakita kung gaano katapang ang mga
babae sa kahit na anong aspetong ibigay ng buhay. At kahit pa wala kang anak ay
hindi padin mababawasan ang pagiging babae mo. Natural na sa isang babae ang
nature nila bilang isang ina. Hindi man ikaw ang nanganak ay hindi ibig saibihin
nun na wala ka nading karapatan maging ina. Basta ikaw ay may puso para sa mga
bata, ikaw ay magiging ina.

II. The Lorax

Ang pelikulang “The Lorax” ay nagpapakita ng kasaysayan ng modernong


panahon. Ito ay hinggil sa isang lipunan kung saan naglaho ang mga puno dahil sa
kasakiman o konsumerismo ng mga tao. Umaasa sila sa kompanya ni Ginoong
O’hare dahil ang kompanya niya ay nagbibigay ng malinis na hangin para sa
lipunan bilang isang produkto na nakalagay sa bote. Nakapaikot ng mga pader
ang Lungsod Thneedville kung saan tinatago ang mga sira ng lupa. Ginawa ito
para hindi balikan ang mga puno at alamin ang sikreto nito sa siyudad para hindi
maging libre ang malinis na hangin.
Ang bidang si Ted ay naghahanap ng puno para maipakita at ipagyabang sa
kanyang kasintahan na si Audrey. Sa paghahanap niya ng puno, ang lola niya na si
Norma ang nagpakilala sa kanya kay Once-ler, isang negosyante, dahil alam ng
lola niya na may maituturo ang taong ito kay Ted. Lumabas si Ted sa mga pader
ng Thneedville at nakita niya ang realidad ng polusyon sa paligid ng siyudad.
Ikinuwento ni Once-ler kay Ted ang nangyari sa lupa sa labas ng siyudad. Ayon kay
Once-ler, gusto niyang magtayo ng isang negosyong damit na puwedeng maging
sombrero, bandana, pantalon, atbp. naisip niya na may maraming panggamit ang
telang “Thneed”. Kailangan niya ng tela o dahon galing sa mga puno upang
maisagawa ito. Nagbabala ang isang tauhan na si Lorax na nagaalaga ng gubat na
huwag sirain ang lahat ng mga puno rito. Subalit naging sakim si Once-ler at
nakalimutan niya na mahalaga ang kalikasan upang mabuhay ang mga tao. Sa
bandang huli dahil sa pagsira ni Once-ler sa lahat ng mga puno ay naging
maalinsangan at malungkot ang Lorax at ito ay naging sanhi ng paglisan ng mga
hayop na naghanap ng bagong tirahan. Pagkatapos ng pagkasira ng kalikasan ni
Once-ler, naitayo ang kompanya ni O’hare na bumebenta ng hangin bilang
produkto dahil sa kawalan ng puno.

Dahil sa mga pangyayari, nagkaroon ng inspiration si Ted na lumaban kay ginoong


O’hare at itinanim ang huling binhi na binigay ni Once-ler sa sentro ng Thneedville
bilang simbolo ng pagbabago sa Lorax. Sinasalamin ang pelikulang “The Lorax”
ang elementong tagpuan, tauhan, at ang pananaw ng pelikula sa kasaysayan
ngayon.

Una, sa pelikulang ito, nagsasalamin ang tagpuan o ang mga teknolohiyang bagay
sa totoong buhay ngayong panahon. Gaya ng tagapagdala ng lalagyan ng hangin
imbis na tubig at ang mga ‘CCTV’ o ‘bidyo kamera’ para-irekord ang tagpuan na
halos pareho sa totoong buhay. Nagpapakita ito ng mga teknolohiya sa panahon
na iyon at ngayon na ginagamit sa araw-araw.

III. In Time
Si Will Salas (Justin Timberlake) ay nasa isang mundo kung saan pagtuntong mo ng
25 years old ay di na magbabago ang hitsura mo. At mula sa oras na iyon ay
masisimula nang mag-countdown ang high tech na orasan sa braso mo.
Magkakaroon ka ng libreng isang taon. Pero kung gusto mo ng dagdag pa doon,
kailangan mo nang pagtrabahuan. Oras ang pinambabayad sa lahat ng gastusin.
Oras rin ang sinusweldo ng mga nagtatrabaho. Namatay ang nanay ni Will dahil sa
pagtaas ng presyo ng pamasahe sa bus. Dahil wala siyang pambayad, kinailangan
niyang tumakbo pauwi. Di siya umabot sa time refill ni Will.

Matapos nito ay nakakilala si Will ng isang lalaking may maraming oras. Niligtas
niya yun mula sa isang gang lord na gustong nakawin ang oras niya. Dahil dito,
binigay nito sa kaniya ang oras niya bago ito nagpakamatay. Dito nagsimula ang
pagbabago sa buhay ni Will. Nakarating siya sa lugar ng mga mayayaman kung
saan obvious na obvious na out of place siya. Dito niya nakilala si Sylvia Weis
(Amanda Seyfried). Si Sylvia ay anak ng isa sa mga pinakamayaman na tao sa area
nila Will. Isyu niya naman ang pagiging boring ng buhay niya.

Di magtatagal ay tutugisin si Will ng mga Timekeepers dahil sa “pagpatay” kay


Raymond Leon, ang lalaking nagbigay sa kaniya ng oras. Kaya ihhostage niya si
Sylvia at dadalhin pabalik sa bahay niya. Sumunod dito ay nagkaroon ng
maraming barilan, nakawan at paghahabol sakanila ng mga pulis.

Pagkatapos nilang magnakaw, binibigay naman nila sa mahihirap yung nanakaw


na oras. Kaya yun. Masisira ang balance na pinakaiingatan ng mga mayayaman.
Maiiwan ang mga pabrika na walang laman dahil may oras na ang mga isang kahig
isang tuka na maglamyerda.

Huling eksena ng pelikula ay ang pagpasok ng dalawa sa National Treasury para


nakawan ito.

Para sakin, napakaganda ng pelikulang ito. Napanuod ko ito ng buo sa telebisyon,


masasabi kong maganda ang napuntahan ng mga ninakaw ni Wil dahil napunta ito
sa mahihirap. Nakakapukaw din ng atensyon at nakakainteresado dahil dun sa
relo nilang nagcocountdown ng kanilang buhay. Para sakin, hindi magtatagal,
hindi man ganito kaeksakto ang mangyayari sa hinaharap, pero may posibilidad
na muhkang maging ganito nadin ang kahihinatnan dahil sa mga makabagong
teknolohiyang maari pang maimbento ng mga tao.

You might also like