Pagtutulay Pahina 152

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGTUTULAY PAHINA 152

Paksa: Masusing Pag-aaral sa Uri ng Pagnenegosyo na Single-Propreitorship: Mga


Bintahe at Disbentahe nito

Maikling kaligiran ng paksa:


Kung abot-kaya at mainam na pamamaraan ng pag-uumpisa ng negosyo ang pag-
uusapan, Single-proprietorship ang nais ng karamihan. Ang single-proprietorship ay isang uri ng
pagnenegosyo kung saan ang isang indibidwal lamang ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng
negosyo gamit ang sariling kapital, oras, at mga materyales. Ito ay kadalasang pinipili ng mga
baguhang negosyante dahil sa simplisidad ng operasyon at mas mababang mga regulasyon.
Sa ilalim ng ganitong uri ng negosyo, ang may-ari ay siyang lumilikom ng kita at siya ring may
pananagutan sa mga posibilidad ng mga kaswalti, kaalinsabay ang pamamahala sa lahat ng
aspeto na umiikot sa kaniyang negosyo.

Layunin ng pagaaral na ito na:


-Malaman kung ano ang mga bintahe at disbintahe ng uri ng pagnenegosyo na single-
proprietorship.
-Malaman ang naging karanasan ng mga negosyante na gumagamit ng ganitong uri ng
pagnenegosyo
-Matuklasan ang mga dahilan kung bakit ito ang madalas na ginagamit na uri ng pag-
nenegosyo ng mga negosyante.
Mga suliraning nais nitong tugunan:
Profile ng mga negosyante ng single-proprietorship sa Lungson ng Pasig
a. Edad
b. Taon mula nang magnegosyo
c. Estado ng pamumuhay
d. Karanasan
Paglalahad ng Suliranin (SOP) Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pangangalap ng
datos ukol sa sari-saring kursunada ng mga Entrepreneur patungkol sa Sole-proprietorship;
kung ito ba ay higit na epektibong pamamaraan ng pag-bubukas ng negosyo o hindi. Nilalayon
ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga tiyak na katanungan.
1. Paano at bakit mas epektibo ang pag-tatayo ng sariling negosyo?
2. May makabuluhang pagkakaiba ba ang Sole-proprietorship kaysa iba pang mga uri ng
pagnenegosyo tulad ng Partnership at Corporation? Anu-ano ang mga ito?
Mungkahing metodolohiya ng pag-aaral, kasama ang disenyo at pangangalap ng datos.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa isang masusing kwalitatibong uri ng pananaliksik
na kung saan nangalap ang mga mananaliksik ng mga datos sa pamamagitan ng
pakikipagpanayam gamit ang ilang mga katanungang inihanda para sa mga partisipante.
Iminumungkahi na ang mga susunod na mananaliksik ay magsagawa ng mas malalim at mas
malawak pang obserbasyon, panayaman, at karagdagang mga katanungan sa pagsisimula ng
negosyo. Ito ay makadaragdag kuntribusyon sa kaalaman at nalakap na mga datos ukol sa
Sole-proprietorship.
Iminumungkahi na ang mga susunod na mananaliksik ay magsagawa ng mas malalim at
mas malawak pang obserbasyon, panayaman, at karagdagang mga katanungan sa pagsisimula
ng negosyo. Ito ay makadaragdag kuntribusyon sa kaalaman at nalakap na mga datos ukol sa
Sole-proprietorship.

You might also like