Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Tarlac State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pasulat na Ulat
EED FIL 1
Komunikasyon

RIVERA, KAREN ANGEL S.


SANTOS, KATRINA V.
SANTOS, KRIZELYN T.
SUAREZ, MARK JOMMEL
BEED 2-C
BB. SHINDY ABEGAIL MORALES

Center of Development
2 x 2 picture
Republika ng Pilipinas
KOLEHIYO NG PANGGURONG EDUKASYON
CENTER OF DEVELOPMENT
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level III by the Accrediting Agency of
Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACUP), Inc.

PANGALAN
Rivera, Karen Angel S.
Santos, Katrina V.
Santos, Krizelyn T.
Suarez, Mark Jommel

Antas at Pangkat: BEED 2-C


Asignatura: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Komunikasyon)
Paksa: Komunikasyon

I. LAYUNIN

A. Pangkaisipan:
- Nakikilala ang kahulugan at Uri ng Komunikasyon
- Natutukoy ang mga Antas, Elemento at Proseso ng Komunikasyon
- Nalalaman ang tatlong salik ng mensahe
- Nagugunita ang Komunikasyon bilang Diskurso

B. Pangkaasalan
- Naipapaliwanag ang kahalagahan ng Komunikasyon at Proseso at salilk ng
mensahe sa araw araw nating pamumuhay at pakikipagkomunikasyon.

C. Pangkasanayan
- Malalaman ang mga Antas, Elemento, Proseso, Salik ng Mensahe ng
komunikasyon sa pamamagitan ng word puzzle.
- Makikilala ang mga salita tungkol sa komunikasyon bilang diskursyo.

II. PAKSANG-ARALIN

Sanggunian:
 https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
 https://www.slideshare.net/CNuggets/komunikasyon-56876352
 https://www.slideshare.net/reannaregencia/uri-ng-komunikasyon
 https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
 https://www.slideshare.net/jelalalaban5/mga-sangkap-o-elemento-fil1-lala
 https://www.slideshare.net/dorotheemabasa/komunikasyon-119125816
 https://www.scribd.com/document/271188474/Mga-Sangkap-at-Proseso-Ng-
Komunikasyon

Kagamitan: Laptop, Video Presentation, Video Report, PowerPoint, Cellphone


INTRODUKSYON

Ang layunin ng pasulat na ulat na ito ay upang talakayin ang Komunikasyon at ang iba't
ibang mga uri, antas, elemento, proseso nito. Ipinapakilala rin ang Tatlong salik ng Mensahe at
Komunikasyon bilang Diskurso. Ang Paksang ito ay ibinibigay upang mapaunlad ang
pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral. Bilang karagdagan, magkakaroon din ng maikling
talakayan at pagpapaliwanag ng iba pang mga paksa, gayundin ang ilang mga gawain at
aktibidad, ay iniaalok upang madagdagan ang kaalaman at impormasyon ng mga mag-aaral sa
kahalagahan ng komunikasyon habang binubuklat nila ang mga pahina ng pasulat na ulat na ito.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin (Panalangin at Pagsayaw)
- https://youtu.be/saymwePh4Cw
- https://youtu.be/WZJAIkmT3Rg

b. Pagbati
Isang mapagpala at magandang araw sainyong lahat. Kami ang Ika-walong pangkat mula
sa BEED 2-C. Bago tayo magsimula sa ating talakayin ngayon, ay aanyayahan naming kayong
iyuko ang inyong mga ulo para sa ating panalangin ngayon araw at susundan neto at pagtatala sa
mga lumiban at tao ay magbabalik araw at magkakaroon ng simpleng aktibidad o pagganyak na
patungkol sa aming tatalakayin ngayon, ito ay ang Komunikasyon.

c. Pagtatala ng Lumiban
Kami ay nagagalak at nagpapasalamat na walang lumiban sa ating klase ngayong araw.

d. Balik-Aral
Maari ba kayong mag kwento sa natutunan ninyo sa nagdaang aralin na inyong tinalakay
at kung maari kayo ay magbigay ng halimbawa neto, upang sa gayon malaman naming kung
kayo ba talaga ay aktibong nakikinig at nagtatala sa ating isinagawang pagtalakay noong
nakaraan.

B. Pagganyak
Ang guro ay magpapalaro ng isang laro na tinatawag na Word Search. Ang mga mag-
aaral ay magkakaroon lamang ng 10 minuto upang mahanap ang lahat ng mga salita na may
kaugnayan sa paksa patungkol sa Komunikasyon na makatutulong sakanila upang magkaroon na
ng kaalaman patungkol sa paksang tatalakayin. Susundan ito ng pagtatanong ng pamprosesong
tanong para magkaroon ng komunikasyon sa klase.
K O M U N I K A S Y O N B C X
C Y W E D R Y I O P A U D F Z
A S N E C A T A N Q U C L Z Y
P A N G M A S A N E M O R A A
R U S I Q O D A F D S S L G L
O T R Z A Y O I L L R I U E U
K N C K L U N C N A M Y C E K
S A O O A H R E U A V A M S H
E F S O S Y A L T L D G H D U
M E T E S S G X Z O E V Z A B
I Y P T S A N E L Y S S C Z E
K S F Y J S S K B N R Y W X R
A C M A B N M A P R U I O P B
U P A R A L A N G U A G E M A
S D F Q A I E D I B E R B A L

 KOMUNIKASYON * BERBAL
 KINESICS * DI BERBAL
 KULAY * PARALANGUAGE
 PROKSEMIKA * SOSYAL
 OCULES * TSANEL
 PANGMASA
Pamprosesong Tanong:
1. Ngayong nakita niyo ang salitang Komunikasyon, tsanel, pangmasa, ocules, at iba pa
may palaisipan na ba sa inyo kung anong tatalakayin natin ngayong araw?
2. Kapag narinig nyo ang salitang Komunikasyon, ano ang una ninyong naiisip?

C. Paglalahad (Pagtatalakay)
Talakayin ng mga guro ang mga paksa.

KOMUNIKASYON
Ito ay nanggaling sa salitang latin na 'communicare' na ang ibig sabihin ay maibahagi.
Ito din daw ang prosesonng pagpapadala ng ideya, kaisipan, at damdamin at pagtanggal ng
mensahe sa pamamagitan ng simbilikong cues na maaring verbal at di berbal. Maraming
manunukat ang nagbigay ng kani-kanilang palagay sa kung ano nga ba ang Komunikasyon.

AYON KAY BERLO, 1960


Ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag ugnayan. Dito pumapasok ang
interaksyon ng bawaw tao o elemento na sangkot sa Komunikasyon.

AYON KAY STEWART TUBBS, 2010


Ang Komunikasyon daw ay bahaginan ng karanasan sa pagitang isa o higit pang mga tao.

URI NG KOMUNIKASYON
May dalawang uri ang Komunikasyon, ito ay Berbal at Di-Berbal.

BERBAL
Ang berbal ay ginagamitan ng wika or salita at sa mga letrang sumisimbolo sa kahulugan
ng mensahe. Ito ay uri ng Komunikasyon na kung saan ang impormasyon ay naibabahagu o
naihahatid sa pamamagitan ng mga salita, maaring pasulat or pasalita. Ito din ang ginagamitan ng
makabuluhang tunog.

DI-BERBAL
Ang di-berbal ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan ay hindi
sinasalitang tunog kung hindi sa pamamagitan ng kilos ng katawan.

Halimbawa ng Berbal na Komunikasyon:


1. Paggawa ng pagbati sa iyong kaibigan para sa kanyang pagkatapos sa pag-aaral.
2. Pagturo ng guro sa kanyang estudyante.

Halimbawa ng Di-Berbal na Komunikasyon:


1. Pag gamit ng nguso upang ituro ang nais na ipakuha..
2. Pagkaway sa kaklase bilang pagbati.
MGA URI NG KOMUNIKASYON DI-BERBAL

1. KINESICS
Ito ay ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan, kasama rito ang expresyon ng mukha
na nagpapakita ng emosyon.

2. OCULESIS
Ito ay aksyon ng mata tulad ng pagtitig, pananaliksik at pakindat na nagdadala ng
kahulugan sa sinumang kausap

3. PROKSEMIKA
Ayon kay Edward T. Hall, ito ang katawagang nangangahulugang pagaaral ng
komunikatibong gamit ng espasyo o distansya.

4. KRONEMIKA
May kaugnayan ang oras, ang paggamit ng oras ay maaring kaakibat ang mensahe.

5. HAPTIK
Ito ang pahawak ng isang tao o ang paggamit ng sense of touch.

6. AYKONIKS
Mga simbolo na nakikita sa ating paligid.

7. PARALANGUAGE
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita pagbibigay diin sa mga salita.

8. KULAY
Ito ay nagpapakita rin ng komunikasyong di-berbal. Binibigyang kahulugan ang amoy
bilang isa sa mga di berbal na mensahe.

ANTAS NG KOMUNIKASYON
Ngayon, sabay sabay nating alamin ang Antas ng Komunikasyon. Mayroong iba’t-ibang
antas ng komunikasyon tayong makikita at ginagamit. Subalit, hindi nga natin ito namamalayan
sa ating pang araw-araw na buhay. Heto ang mga halimbawa:

1. INTRAPERSONAL
Ito ay ang pakikipagusap sa sarili. Tinatawag ito na pinakamababang antas ng wika.
Ito’y tumutukoy sa pag-usap ng indibidwal katulad lamang sa replektibong pag-iisip, pakikinig
sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili. Ang
ating kakayahang makipag-usap sa ating sarili ay tinukoy bilang intrapersonal na komunikasyon.
Kasama rito ang pagkakaroon ng kamalayan sa sariling emosyon.
Ang komunikasyong intrapersonal ay ang pinakamababang antas ng komunikasyon at
tumutukoy sa pag-uusap ng isang indibidwal sa kanyang sarili – sa maiisip na pag-iisip,
pakikinig sa sarili, pagmumuni-muni, o kahit pakiramdam ng sariling kilusan. Kasama sa mga
aktibidad na intrapersonal ang pakikipag-usap sa sarili sa salamin.
Halimbawa

 Pinapagilatan ni Peter ang kanyang sarili sa salamin dahil siya ay hindi nakapasa sa
pagsusulit.
 Pinag-iisipan ni Hector kung anong kurso ang papasukin nito sa kolehiyo na naaayon sa
kanyang mga talento.
 Ikaw, kaya mo bang mag bigay ng halimbawa nito? Mahusay!

2. INTERPERSONAL
Ito ay ang pakikipagusap sa ibang tao. Ito rin ay ang pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang
indibidwal tungkol sa iba’t-ibang mga paksa. Ang komunikasyong interpersonal ay isang uri ng
komunikasyon dahil nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Isa ito sa mga
pangunahing sangay ng pasalitang komunikasyon. Ang simpleng pakikipag-usap sa karaniwang
tao at mag-anak ay mga halimbawa na ng komunikasyong interpersonal. Maaaring pasalita, di-
pasalita, pasulat o pakikinig ang interpersonal na komunikasyon.
Maaaring sa pagitan ito ng dalawang tao o isang grupo. Sa interpersonal na
komunikasyon, mayroong mananalita at tagapakinig at maaring parehong gampanan ito ng bawat
kalahok o kasapi ng usapan. Ang interpersonal na komunikasyon ay pwedeng maganap ng
harapan (face to face) o sa pagitan ng isang midyum o paraan (sa harap ng kompyuter at iba pa).

3. PAMPUBLIKO
Pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang mga politiko na nagkaroon
ng talumpati sa madla Tumutukoy ito sa komunikasyon sa pagitan ng isa at mas malaki pang
pangkat ng mga tao. Ang mgasitwasyong kakikitaan ng ganitong uri ay mga seminar,
kumperensiya, kongreso, at palihan na kungsaan may isang tagapagsalita at maraming
tagapakinig. Nagkakaroon din ng pagkakataon angtagapagsalita at tagapakinig na magpalitan ng
ideya sa tuwing nagkakaroon ngopen forum.

4. PANGMASA
Katulad lamang ito ng pampubliko, subalit ito’y mayroong mas malawak na sakop.
Halimbawa nito ay ang SONA ng presidente. Ito ay lebel ng komunikasyonkung saan hindi
malinaw sa tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga
tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang
pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson Ito ay komunikasyong gumagamit
ng mass-media, radio, telebisyon at pahayagan.

5. PANGORGANISASYON
Ito’y komunikasyong nagaganap sa loob ng isang grupo o pangkat. Ilan sa mga
halimbawa ang pagpupulong ng mga guroat pagpupulong ng mga mag-aaral.

6. PANGKULTURA
Dito natin makikita ang komunikasyon tungkol sa kultura. Komunikasyong ginagawa na
may kaugnayan sa paniniwala, tradisyon o kultura. Halimbawa: lakbay-aral sa museo.

7. PANGKAUNLARAN
Ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.
Komunikasyong ginagawa na may kaugnayan o layunin ay ang pag-unlad. Halimbawa: seminar,
Symposium at iba pang kauri.

ELEMENTO NG KOMUNIKSAYON

1. TAGAHATID
Ang tagahatid ng mensahe ang pinagmumulan ng mensahe o ang nagpapadala ng
mensahe (impormasyon). Siya din ang nagpapasya kung ano ang layunin niya sa pakikipag-usap.
Siya angbumubuo ng mensahe kaya tinatawag din na "enkoder". Kung ikaw ang tagahatid o ang
pinagmumulan ng mensahe dapat lang ay ma "aware" ka kung sino ang kausap at kung ano ang
inyong pinag-uusapan upang kayong dalawa ay magkaintindihan. Ang taga hatid ang
pinagmumulan ng Komunikasyon na maaring pagpapadala ng mensahe, pagtatanong o
pangungumusta.

2. MENSAHE
Ito ang ipinapadala na impormasyon ng tagahatid sa tagatanggap. Maaring masaya,
malungkot, impormatibo at iba pa na gustong ipahatid ng tagahatid sa tagatanggap.
Ikinokonsidera dito ang katayuan ng isang tao. Ang mensahe ay maaring naka sulat, naka litrato,
biydo o kaya naman ay berbal na ipinahayag.
3. TSANEL
Ito ay ang daluyan ng mensahe. Ikinokonsidera dito kung anong paraan ang gagamitin
upang maihatid ang mensahe. Maaring verbal o di-verbal. Ito ang elemento ng komunikasyon na
nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa tagapaghatid ng mensahe. Maaari itong sensory organs
at mediated channels. Ilan sa mga halimbawa ng sensoring daluyan ay ang pandinig, paningin, at
pandama. Samantala, ang pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet ay itunuturing bilang
mediated na daluyan.

4. TAGATANGGAP
Ito ang pinadadalhan ng mensahe. Sila ang nag-iinterpret o ang nagbibigay kahulugan sa
mga mensahe kaya tinatawag na "dekoder". Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing
tugon sa mensaheng ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal
(pasalita/pasulat) at di- berbal (simbolo).

5. GANTING MENSAHE "FEEDBACK"


Ito ang proseso ng pagbabalikan ng mensahe, ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa
bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon. Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing
tugon sa mensaheng ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal
(pasalita/pasulat) at di- berbal (simbolo).

TATLONG SALIK NG MENSAHE

1. ANG WIKA
Pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. Behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. ito ay isang Sistema na binubuo ng
mmga tunog ng isinaayos sa paraang arbitaryo na ginagamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan.

MGA ANTAS NG WIKA

1) MGA BALBAL NA SALITA


Gamit sa salita o pariralang itinuturing na hindi pormál at karaniwang ginagamit sa
mababàng uri ng lipunan, gaya ng tinatawag na salitâng lansangan o salitâng palengke. May
katumbas itong “Slang” sa Ingles at Itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Halimbawa:
syota, yosi, erpat.

2) WIKANG KOLOKYAL
Ito ang mga wikang ginagamit sa pang araw araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang alang dito ang salitang madaling maintindihan
Halimbawa: akala, lika, naron, kanya-kanya, antay, lugal.

3) WIKANG PANLALAWIGAN
Ito ay karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan. Isang palatandaan
ng lalawigang tatak ay ang punto o accent. Halimbawa nito ay kaibigan-tagalog, gayyem-
ilokano, hadok-bikolano

4) WIKANG PAMBANSA
Ito ay ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyon pangmadla. ginagamit sa
paaralan at sa pamahalaan. Halimbawa ito ay aklat, ina, ama, dalaga, masaya.

5) WIKANG PAMPANITIKAN
Pinakamayamang uri. kadalasay ginagamit ang salita sa ibang kahulugan. gumagamit ng
idyoma, tayutay at ibat ibang tono tema at punto. Halimbawa nito ay mabulaklak ang dila, di
maliparang uwak, kaututang dila, teingang kawali.
2. SIMBOLO
Ito ay sagisag na kumakatawan sa isang bagay o kaisipan . Halimbawa nito ay ilaw ng
tahanan-nanay, ama ng tahanan-tatay, bala’t sibuyas.

3. TAGAPAGPAHAYAG AT TAGAPAGTANGGAP
Tumatanggap at nakakatanggap ng mensahe message channel feedback.

MGA SANGKAP AT PROSESO NG KOMUNIKASYON

1. ENKODER
Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Siya o sila
angtumutukoy sa mensaheng pinapadala.

2. DEKODER
Sa madaling salita, siya angmagde-decode. Katulad ng tagapagdala ng mensahe, ang
kawastuhan ng pagde-decode niya sa mensahe aymaaaring maapektuhan ng kanyang layunin,
kaalaman, kakayahan, pag-uugali, pananaw o persepsyon at kredibilidad.

3. MENSAHE
Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Maaaring naglalaman ng mga
impormasyon, ideya o palagay ang mensahe, o kaya’y pagpapahatid ng saloobin, damdamin o
emosyon.

4. TSANEL
Ito ang midyum o daanan ng mensahe.

a. DALUYANG SENSORI
Tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang0amoy, panlasa at pandama

b. DALUYANG INSTITUSYUNAL
Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsulat,telegrama, telepono at iba pa.

5. ANG TUGON O FEEDBACK


Tumutukoy ito sa sagutang Feedback ng enkoder at dekoder matapos nilangmaibigay at
maunawaan ang mga hatid na mensahe. Dapat tandaan na sa sandaling ang isang tao ay
nagpapadala ng tugon o Feedback, siya ay nagiging tagapagdalana ng mensahe o nagiging
enkoder at ang dating tagapagpadala ng mensahe ay nagiging tagatanggap na o dekoder.

TATLONG URI NG FEEDBACK O TUGON

1. TUWIRANG TUGON
Ang isang tugon kapag ito'y ipinapadala at natanggap agad-agaran matapos ipadala at
matanggap ang mensahe

2. DI TUWIRANG TUGON
Ito'y ipinahahayag sa pamamagitan ng anyong di-berbal. Halimbawa nito ay pagngiti,
pagtango o pagkaway ng kamay.

3. NAANTALANG TUGON
Ay iyong mga tugon nanangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap

a. MGA POTENSYAL SA SAGABAL NA KOMUNIKASYON


Ito ang tinatawag sa Ingles na communication noise o Filter. Bawat proseso ng
komunikasyon ay maaaring magkaroon ng potensyal na sagabal. Ito ang mga bagay-bagay
namaaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon o sa komunikasyon mismo, Maaari itong
matagpuan satagapagpadala ng mensahe, sa mensahe mismo, sa daluyan ng mensahe o di kaya
ay sa tagatanggap nito.
URI NG SAGABAL

1. SEMANTIKONG SAGABAL
Ang pagkakaroon ng isang salita ng dalawa o higit pang kahulugan, pangungusap na
hindi tiyak ang kahuluganat hindi maayos na organisasyon ng isang pahayag ay mga halimbawa
ng semantikang sagabal.

2. PISIKAL NA SAGABAL
Halimbawa nito ay ang mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning
teknikal na kaugnay ng sound system, hindimahusay na pag-iilaw at hindi komportableng upuan.

3. PISIOLOHIKAL NA SAGABAL
Tinutukoy naman dito ay ang mga kapansanan mismo ng enkoder o dekoder ang
hindimaayos na pagbigkas sa mga salita, hindi mabigkas ang mga salita, at may kahinaan ang
boses.

4. SIKOLOHIKAL NA SAGABAL
Ay ang mga biases, pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng
mga nakagawiang kultura na maaaringmagbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga
mensahe.

b. KONSTEKTO/SITWASYON
Ang konteksto ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.
Ayon kina Barker at Barker, ang elementong ito ang isa sa mga pinakamahalaga dahil
naaapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon.
Ito ay may limang dimensyon ang dimensyong pisikal, sosyal, kultural, historikal at sikolohikal

DIMENSYON NG KONSTEKTO O SITWASYON


1. PISIKAL
2. SOSYAL
3. KULTURAL
4. HISTORIKAL
5. SIKOLOHIKAL

c. SISTEMA
Nangangahulugan ito ng relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso
ngkomunikasyon. Ang sistema o ang ugnayan ang nagdidirekta sa kung ano at paano
kanakikipagkomunikasyon. Nangangahulugan lamang na ang proseso ng komunikasyon ay hindi
lamangnagaganap sa isang tagpuan at tagpo lamang : ito ay patuluyang proseso o gawain.

WIKA BILANG DISKURSO


Ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag, pasulat o pasalita man. Ito ay
nangangahulugan ding pakikipagtalastasan. Ito ay ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng
isang mahusay na usapin. Ang Diskuro ay isang interaktibong gawain tungo sa isang mabisang
paglalahad ng mga impormasyon.

ANO NGA BA ANG WIKA BILANG DISKURSO?


Ang wika ay isang diskurso sapagkat dahil sa wika ay malaya nating naipapahayag ang
anumang nais nating sabihin, sa pasalita o pasulat mang paraan. Kung wala ang wika bilang
isang diskurso ay hindi magiging posible ang pakikipagtalastasan sa ibang tao. Upang
maisagawa ang isang mahusay na usapin, magiging midyum ang wika sa mga paksang nais
nating talakayin, o ang mga impormasyong nais nating ilahad.

D. Paglalapat (50-minuto na aktibidad)


Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay may lima hanggang
sampung miyembro. Ito ang aktibidad mas kilala sa tawag na “Pass the Message”. Pipili ng isang
lider ang bawat grupo, ang lider na iyon ang magsisilbing tagahatid “sender” ng mensahe o
salita. Ang kaniyang mga miyembro ang magsisilbing “tsanel” mula sa lider ipapasa niya isa isa
sa kaniyang mga miyembro ang mensahe hanggang sa makarating sa. Dito malalaman ng guro
kung ang mensahe na naipasa ay tama o wasto at doon magkakaroon ng iba’t ibang uri ng
feedback na mula sa mga miyembro neto. Sa aktibidad na ito malilinang ang
pakikipagkomunikasyon ng mga estudyante at malalaman nila ang kahalagahan ng
komunikasyon at bmalilinaw sakanilang ang wastong paggamit ng proseso ng komuniksyon at
dahil ito ay mahalaga sa pang araw araw nilang pamumuhay.

E. Paglalahat
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon at ilagay sa patlang.

Komunikasyon Berlo-1960 Berbal Di-Berbal Stewart


Tubbs-2010
Kinesics Kronemika Olphatorics Intrapersonal Interpersonal
Wika Wikang Kolokyal Enkoder Simbolo Ganting
Mensahe “Feedback”
Mensahe Sistema Diskurso Konteksto o SItwasyon
__________1. Ang di-berbal ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan
ay hindi sinasalitang tunog kung hindi sa pamamagitan ng kilos ng katawan.
__________2. Ito ay ginagamitan ng wika or salita at sa mga letrang sumisimbolo sa kahulugan
ng mensahe. Ito ay uri ng Komunikasyon na kung saan ang impormasyon ay naibabahagu o
naihahatid sa pamamagitan ng mga salita, maaring pasulat or pasalita. Ito din ang ginagamitan ng
makabuluhang tunog.
__________3. Ayon kay_______ang Komunikasyon daw ay bahaginan ng karanasan sa pagitang
isa o higit pang mga tao.
__________4. Ayon kay______ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag ugnayan. Dito
pumapasok ang interaksyon ng bawaw tao o elemento na sangkot sa Komunikasyon.
__________5. Ito ay nanggaling sa salitang latin na 'communicare' na ang ibig sabihin ay
maibahagi. Ito din daw ang prosesonng pagpapadala ng ideya, kaisipan, at damdamin at
pagtanggal ng mensahe sa pamamagitan ng simbilikong cues na maaring verbal at di berbal.
__________6. Ito ay ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapin.
__________7. Mga wikang ginagamit sa pang araw araw na hinalaw sa pormal na mga salita,
ginagamit sa okasyong impormal at isaalang alang dito ang salitang madaling maintindihan.
__________8. Nangangahulugan ito ng relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng
proseso ngkomunikasyon.
__________9. Ito ay ang kung saan nagaganap ang komunikasyon. Ayon kina Barker at Barker,
ang elementong ito ang isa sa mga pinakamahalaga dahil naaapektuhan nito ang iba pang mga
elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon.
__________10. Pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. Behikulo ng
ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
IV. PAGTATAYA

Pagsusulit na may pagpipilian


Panuto: Piliin ang Titik ng Tamang Sagot.

1. Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Maaaring naglalaman ng mga impormasyon,


ideya o palagay ang mensahe, o kaya’y pagpapahatid ng saloobin, damdamin o emosyon..
a. Wika
b. Tsanel
c. Tugon o Feedback
d. Mensahe
Tamang Sagot: d. Mensahe
2. Gamit na salita o pariralang itinuturing na hindi pormál at karaniwang ginagamit sa
mababàng uri ng lipunan, gaya ng tinatawag na salitâng lansangan o salitâng palengke.
a. Wikang Kolokyal
b. Mga balbal na salita
c. Wikang Panlalawigan
d. Wikang Pambansa
Tamang Sagot: b. Mga balbal na salita

3. Ito ay ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyon pangmadla. ginagamit sa paaralan at


sa pamahalaan.
a. Wikang Kolokyal
b. Mga balbal na salita
c. Wikang Panlalawigan
d. Wikang Pambansa
Tamang Sagot: d. Wikang Pambansa

4. Ito ay ang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan. Isang palatandaan
ng lalawigang tatak ay ang punto o accent.
a. Wikang Pampanitikan
b. Mga balbal na salita
c. Wikang Panlalawigan
d. Wikang Pambansa
Tamang Sagot: c. Wikang Panlalawigan

5. Ito ay ang pinakamayamang uri. kadalasay ginagamit ang salita sa ibang kahulugan.
gumagamit ng idyoma, tayutay at ibat ibang tono tema at punto.
a. Wikang Pampanitikan
b. Mga balbal na salita
c. Wikang Panlalawigan
d. Wikang Pambansa
Tamang Sagot: a. Wikang Pampanitikan

6. Ito ay sagisag na kumakatawan sa isang bagay o kaisipan.


a. Wika
b. Simbolo
c. Tagapagpahayag at Tagapagtanggap
d. Tsanel
Tamang Sagot: b. Simbolo

7. Ito ay nangangahulugan ding pakikipagtalastasan


a. Wika
b. Mensahe
c. Diskuro
d. Tsanel
Tamang sagot: c. Diskurso

8. Ito ay ang ay isang uri ng komunikasyon dahil nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang
tao. Isa ito sa mga pangunahing sangay ng pasalitang komunikasyon.
a. Interpesonal
b. Intrapersonal
c. Pampubliko
d. Pangmasa
Tamang sagot: a. Interpesonal

9. Ito ay ang pinakamababang antas ng komunikasyon at tumutukoy sa pag-uusap ng isang


indibidwal sa kanyang sarili sa maiisip na pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagmumuni-muni, o
kahit pakiramdam ng sariling kilusan.
a. Interpesonal
b. Intrapersonal
c. Pampubliko
d. Pangmasa
Tamang sagot: b. Intrapersonal

10. Tumutukoy ito sa komunikasyon sa pagitan ng isa at mas malaki pang pangkat ng mga tao.
Ang mgasitwasyong kakikitaan ng ganitong uri ay mga seminar, kumperensiya, kongreso, at
palihan na kungsaan may isang tagapagsalita at maraming tagapakinig
a. Interpesonal
b. Intrapersonal
c. Pampubliko
d. Pangmasa
Tamang sagot: c. Pampubliko

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Isulat sa isang buong papel ang iyong kasagutan.


Magbigay ng 5 sitwasyon na kung saan naipapakita ang proseso ng Komunikasyon.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Kaalaman sa Paksa/Nilalaman - 40 %
Presentasyon/Organisasyon - 30 %
Pagkamalikhain/Kagamitang Pampagtuturo - 20 %
Pisikal na Kaanyuan/Kaangkupan ng Kasuotan - 10 %

KABUUAN 100 %

You might also like