AW2 - FPL 11 - 12 Q1 0101 - Kahulugan at Katangian NG Akademikong Pagsulat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino sa Piling Larang

Pangalan _____________________________________________________________ ​Petsa:​___________________

Kakayahang Pampagkatuto
Sa pagtatapos ng gawaing ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay
● naiisa-isa ang mga uri ng akademikong sulatin, at
● natatalakay ang kakanyahan ng mga akademikong sulatin batay sa kahulugan, mga
katangian, at mga layunin ng naturang uri ng sulatin.

Panuto

Basahin ang maikling teksto. Sagutin ang mga tanong nang may tiyak at malinaw na
paliwanag. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Talumpati Tungkol sa Kabataan ng Makabagong Henerasyon


“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.” Ito ang mga salitang halos araw-araw mong
maririnig mula sa mga matanda, sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakabibingi na nga ‘di
ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong henerasyon na
maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa buhay, maraming nais
maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi
nakikita ang bagay na iyon dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan noon.
Hindi pa ipinapanganak ang marami sa kanila ay marami nang inaasahang dapat na
maging sila ayon sa pamantayan ng marami sa lipunan.

Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba puwedeng hayaan natin silang mamuhay sa mundo na
kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na
rin.

Yunit 1.1: K
​ ahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat 1
Filipino sa Piling Larang
Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi
man sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas magiging maliwanag
ang mundo dahil sa kanila.

Sanggunian:​ ​Sandy Ghaz. Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang
Pag-Asa. 5 Halimbawang Talumpati Tungkol sa Kabataan. Philippine News. Nakuha sa
https://philnews.ph/2018/12/12/halimbawa-ng-talumpati-5-talumpati-kabataan/

Tanong 1
Sino ang ​target ​na mambabasa ng teksto at ano ang layunin ng teksto para sa t​ arget​ nitong
mambabasa?

Tanong 2
Anong mga katangian ng akademikong pagsulat ang taglay ng tekstong binasa, sa kabila ng
bahagi lamang ito ng kabuuang sulatin?

Yunit 1.1: K
​ ahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat 2
Filipino sa Piling Larang
Tanong 3
Ano ang mahalagang mensahe na nais ihatid ng teksto para sa mga mambabasa?

Tanong 4
Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga ganitong uri at paksa ng akademikong
sulatin para sa iyong nais tahaking akademikong kurso sa kolehiyo?

Yunit 1.1: K
​ ahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat 3
Filipino sa Piling Larang

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Paglalarawan Mungkahing


puntos

Sagot at Nilalaman Tama ang sagot. Malalim ang kaisipang


ng Paliwanag nakapaloob sa paliwanag. May mga
5 puntos pinagbatayan at hindi nakatuon lamang sa
pansariling opinyon.

Organisasyon ng Malinaw ang kabuuang paliwanag sa dahilang


Ideya organisado ang paglalahad ng mga ideya mula
3 puntos sa pinakasimpleng ideyang may pinagbatayan
hanggang sa pagbibigay ng pangunahing ideya
na nais bigyang-diin.

Paggamit ng Wika Mahusay ang pagpapaliwanag sa dahilang


2 puntos tama ang salitang pinili para sa ideya, tama
ang pagkakabuo ng mga pangungusap, at
masasabing may mataas na retorika at tamang
gramatika sa wikang Filipino.

Kabuuan
10 puntos

Yunit 1.1: K
​ ahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat 4

You might also like