TALUMPATI

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

TALUMPATI

Hindi tuluyang mahahagkan ang lalim ng karunungan sa apat na sulok ng silid-


aralan o maging sa isang guhit ng lapis sa pahinang laan bagkus ang sukat nito'y laon
lamang masisilayan kung ganap na mahuhubog sa talino at gawa ang indibidwal na
handang tumipan sa hamon ng grupong magigiting at may hawak na pagkakakilanlan.

Sa ngalan ng pagiging Pilipino na kumakatawan na may mayamang kultura,


angking galing sa larangan ng musika, at maging sa teknolohiya. Kasamang taglay nito
ang nararapat na tugon sa paglilok sa mga ginugunitang yaman ng ating bansa. Kung
ang talino at angking lakas ay yaman, saan nga ba natin ito masisimulan?

Ikinasa ng Kagawaran ng Edukasyon ang DepEd Memorandum bilang


dalawampu't tatlo , dalawang libo dalawampu't tatlo, ang pagsasagawa ng National
Festival of Talents sa kasalukuyang taon na may temang, "Reinforcing 21st Century
Learning and Fostering Creative lndustries through Talents and Skills Exhibition" na may
layuning ipamalas ang galing at kahusayan ng bawat kabataang Pilipino sa tagal at lawak
ng panahon sa larangan ng musika, pagpapayaman ng ating kultura, at kahusayan sa
teknolohiya. Kalakip na tunguhin nito ang magbigay ng mga pagkakataon para sa mga
mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralang elementarya at sekondarya,
gayundin ang mga mula sa Alternative Learning System , Indigenous People Education ,
Special Needs Education Program, at Madrasah Education Program (MEP), ito'y upang
maipakita ang kanilang mga talento at kakayahan, gayundin ang tipan na tuklasin ang
kultura ng bansang kinabibilangan.

Sa pagsiklab ng iba't-ibang talento, sa hindi iisang gawa na may dala-dalang


matatayog at pula puting mga pangarap na sa kabila ng pagkakakilanlan, pinagmulan,
angking lakas sa larangan ng talino at gawa maging sa malumlom na kapansanang
tinatamasa'y marunong na nagkakaisa sa puso't diwa.

Ganap na mahuhubog ang landas ng pagkakakilanlan hindi sa pananaw ng kapwa


kundi sa tuwirang pagkilala mismo sa sarili at maalab na tuklas sa tagumpay na hindi
para sa isa pero sa tagal at lawak ay batid na tagumpay ng lahat.

Mula sa kilalang pahayag ng ating magiting na Pambansang bayaning si Rizal,


"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" kung gayon ay tamasa at sawi ang
pagsasawalang bahala sa pundasyon ng ating hinaharap bagama't nasa susunod na
henerasyon nakasalalay ang mabutihing pamamahala at pagkakakilanlan ng ating
bansa. Kung gayon ang National Festival of Talents ay pagbutihin na maisumite nang sa
gayon ay marami pang mga kabataan ang malawak na matunghayan sa likha ng mga
maestro obrang talento ng bawat kabataang Pilipino.

Aniya nga nila, "Basta Pilipino, talentado!"Kung kaya't kilala tayo sa nagkakaisang
himig, talino at magkakonektadong diwa sa gawa.

Zyanne Margaux A. Dionisio na may puso para sa kinabukasan at sa kabataang


Pilipino. Maraming Salamat.

You might also like