Professional Documents
Culture Documents
FINAL-GR2 Week3 PEACECUR
FINAL-GR2 Week3 PEACECUR
LESSON EXEMPLAR
Paaralan: LIMAS ELEMENTARY SCHOOL Baitang: 2
Guro: EILEEN A. TOMOMBAY Markahan: 3
Petsa/ Oras: Week 3 Quarterly Theme Compassion
https://youtu.be/St5XywdcX_0?si=CZqkX1dHDGYAv-sE
Pagkain at Inumin
Ang pagkain at inumin na mula sa likas na yaman ng
ating komunidad ay isa sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao. Sa mga yamang-lupa nagmumula
ang mga halaman, prutas at mga hayop na ating kailangang
sa araw-araw. Mula naman sa yamangtubig ang ating mga
inumin.
Kasuotan o Damit
Kailangan natin ng proteksiyon sa katawan kaya
mahalagang magkaroon ng tamang damit na isusuot. Ang
kasuotan ay mula rin sa mga likas na yaman.
Nanggagaling ang mga telang ginagamit sa paggawa ng damit
sa mga puno, halaman o maging sa balahibo o balat ng
hayop. Ang sapatos at iba pang sapin sa paa na bahagi pa rin
ng kasuotan ay galing rin sa mga ito.
Tirahan
Ang tirahan o bahay ay isa pang mahalagang
pangangailangan ng bawat tao sa komunidad. Ito ay
pahingahan ng bawat kasapi ng pamilya. Ligtas ang bawat
kasapi ng pamilya kung sila ay nasa loob ng tahanan. Ang
mga bahay, maging ang kasangkapan dito ay gawa sa bato at
marmol. Mayroon din naming gawa sa kahoy. Pinakasikat at
nagpapakita ng tatak ng pagkaPilipino ang mga bahay na yari
sa pawid at kawayan- ang bahay kubo. Ang mga ginagamit na
materyales sa paggawa ng bahay ay mula sa mga puno,
halaman, at mga mineral tulad ng buhangin, graba, at iba’t-
ibang uri
ng metal. Halos lahat ng ginagamit para mabuo ang isang
bahay ay mula sa likas na yaman.
Paglinang sa Kabihasan
Panuto: Bilugan ang mga pangunahing pangangailangan ng
tao na makikita sa kahon.
C. Pangwakas na Gawain
Paglalahat
Tandaan
Napakaraming pangangailangan ng tao. Sa pagdaan ng
panahon ay lalo pa itong nadaragdagan. May mga
pagkakataong ang dating kagustuhan lamang ay nagiging
pangangailangan. Pero may isang bagay ang hindi natin
mababago, mula sa kalikasan o mula sa likas na yaman ang
ating komunidad.
Paglalapat
Itanong
Ano-ano ang mga naibibigay na pangangailan sa atin ng
mga likas na yaman sa ating paligid?