Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang araw sa lahat nais ko lang magbigay ng maikling talumpati patungkol sa mga POLUSYON at

BASURA.

Ito ang dalawa sa mga problema na ating nararanasan sa ating kapaligiran. Palagi nating
sinasabi na ang polusyon at basura ay nakakasama sa kalikasan, ngunit bakit hindi ito naaksyonan, alam
kong pabawas-bawas na ang basura ngayon pero, hindi naman nilalagay sa tamang lalagyan katulad ng
sa larawan. Base sa larawan at naoobserbahan ko sa ating paaralan, may iilang mga bata na maski
pagpulot ng maliit na basura ay hindi magawa, tapon dito, tapon doon, tapon kahit saan. Dahil sa
paunti-unting basura sa paligid, ito na ang dahilan kung bakit nagtumbok-tumbok na parang bundok.

Bukod pa rito, ang polusyon ay may masamang epekto sa ating kalusugan lalo na sa mga
kabataan na wala pang kamuwang-muwang na nakaranas ng asthma, dengue, at marami pang ibang
sakit na pwede pang makuha dahil sa nagtambak-tambak na basura at sa mga maitim na usok na ating
nalalanghap. Pero paano natin ito masosolusyonan kung ang kabataan na mismo ay tapon kung saan-
saan. Ano pang saysay ng ating magandang salita, kung hindi naman natin ito ginagawa. Kaya tayo'y
magtulongan inang kalikasan, ating pangalagaan.

You might also like