Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

NOLI ME TANGERE

Kasanayang Pampagkatuto Nabibigyang patunay na may pagkakatulad/pagkakaiba ang binasang


akda sa ilang napanood na telenobela. F9PD-IVa-b-55
Pagkatapos ng animnapung minutong pag-aaral ng paksa, 80% ng mga
I. LAYUNIN mag-aaral ay inaasahang:

a. naihahambing ang pagkakatulad/pagkakaiba ng binasang akda


sa ilang napanood na telenobela; at
b. nakapagtatanghal ng kanta o tula base sa katangian ng mga
tauhan sa kabanata

II. PAKSA Noli Me Tangere Kabanata 2- Si Crisostomo Ibarra

Ang Pinaikling Bersyon ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal pahina 8-10


Sanggunian Noli Me Tangere ng C&E Publishing,Inc
https://www.youtube.com/watch?v=g_zpQPmPnaI&list=PPSV
https://www.youtube.com/watch?v=uHknCC60O98
Kagamitan Visual Aids, Laptop

Kasanayan Pakikinig, Pagsasalita, Pagsusulat, Pagguhit, Panonood

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa tao at pagbibigay galang at respeto anuman ang


antas sa lipunan.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

 Panalangin

 Pagbati

 Pagtala ng liban sa klase

 Pagkolekta ng takdang-aralin

 Pagbabalik-aral

B. Pagganyak

Gawain: Ang guro ay magpaparinig ng isang awitin ni Gary Valenciano na may pamagat na
“Babalik Ka Rin”. Pagkatapos mapakinggan ay may mga katanungan ang guro tungkol sa mensahe
ng awitin. Pagkatapos magbigay ng kanilang mga opinion, maglalagay ng 2 larawan ng mga lalaki
sa pisara at tatawag ng mga mag-aaral upang ipasuri ang mga katangian ng mga ito.

Ano sa inyong palagay ang paksa natin sa araw na ito?

C. Paglalahad

 Presentasyon ng layunin

 Ang mga mag-aaral ay manonood ng video mula sa youtube “Si Crisostomo Ibarra”
D. Pagtatalakay

Bago talakayin ang ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere, alamin muna ang kahulugan ng ilang
piling salita na makikita sa loob ng kabanata upang mas mapadali ang pag-unawa.

Talasalitaan

Yumaong ama ni Crisostomo

N_mat_y (Namatay)

Dumating si Ibarra na nakapangluksang kasuotan

Nakasuot ng ___ na damit (itim)

Ang sinabi ng tinyente ay pumapawi sa kanyang hinala

B_m_b_ra (Bumubura)

Sa kanyang mukha ay mababanaag ang dugong kastila

M_k_k_t_ (Makikita)

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino si Crisostomo Ibarra?

2. Ilarawan ang mga katangian ni Crisostomo Ibarra. Alin sa mga katangian niya ang lubos
mong hinahangaan?

3. Bakit kaya hindi tinanggap ni Padre Damaso ang pakikipagkamay ni Ibarra?

4. Ano ang aral na mapupulot sa kabanatang ito?

E. Paglalapat

Annotation

KRA 1 Objective 1 Applied Knowledge of content across the curriculum


teaching areas

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling talento


at kakayahan. (EsP7ps-le-3.1)

Pangkatang Gawain: GUHIT MO, KANTA O TULA MO!

Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.

Panuto: Gumuhit ng isang simbolo na nagpapakita ng katauhan ng mga sumusunod na karakter:

Pangkat 1- Crisostomo Ibarra

Pangkat 2- Don Rafael Ibarra

Pangkat 3- Padre Damaso

Pagkatapos ng pagguhit ay ipaliwanag sa harap ng klase sa pamamagitan ng pagkanta o pagtula.

PAMANTAYAN:

Pagkamalikhain 50%

Presentasyon 30%

Organisasyon 20%

Kabuuan 100%
F. Paglalahat

 Bilang isang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang iyong panauhin sa tahanan?

 Makikita pa ba ang kaugaliang malugod na pagtanggap sa panauhin hanggang sa


kasalukuyan?

IV. PAGTATAYA

Annotation

KRA 1 Objective 1 Applied knowledge of content within the curriculum teaching


areas

Integrasyon sa nakaraang baitang (Filipino 7), Nagagamit nang maayos ang


mga pahayag sa paghahambing.(F7WG-llcd-8)

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isulat ang ipinakitang pagkakatulad at pagkakaiba ng akdang
binasa sa ilang napanood na telenobela. Patunayan (20 puntos)

V. KASUNDUAN

Panuto: Basahin ang ikatlong kabanata.

Inihanda ni: Bb. JOYLYN M. COQUILLA

Teacher 1 Applicant

You might also like