Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Track and Field sa Pilipinas

Nagpapasalamat tayo sa mga atletang


nagbibigay karangalan sa ating bansa sa
larangan ng track and field. Isa itong
napakapangkaraniwang pangyayari na
pampalakasan sa buong mundo. Kabilang sa
mga kaganapan ng pagtakbo ang mga maraton,
mga karerang may "nilulundagang harang" o
hurdle, mga kaganapan ng pagtakbong may
malayong distansiya at malapitang layo. Ilan sa
mga kaganapan ng pagtalon ang mataas na
pagtalon, mahabang pagtalon, tatluhang pagtalon, at pagtaluon o pagtalon sa ibabaw
ng baras sa pamamagitan ng isang mahabang tikin o tukod. Kabilang sa mga
kaganapan ng paghagis ang pag-iitsa ng habelina, diskus, martilyo, at pagpupukol ng
bolang-bakal o shot-put. Lahat ng mga kalahok ay inoorasan at sinusukat ang layo ng
kanilang nagagawa sa mga kaganapang panlaro. Sa mga hindi kilalang mga palaro,
ang track and field ay isang malawak na kategorya ng palakasan na kinabibilangan ng
iba’t ibang uri ng paligsahan tulad ng pagtakbo, pagtalon, pag-akyat ng mga
obstakulo, at iba pa.

Sa Pilipinas , ang Philippine Track and Field Association(PATAFA)Ang namamahala sa


pambansang samahan sa larangan ng atletiks. Ang layunin nito ay isulong ang track
and field bilang isang amateur isports sa bansa at upang magbigay ng teknikal na
tulong sa samahan sa mga manlalaro.

Ilan sa mga Pilipinong nagwagi at nagbigay ng karangalan sa bansa ay ang mga


sumusunod;Elma Muros Posadas SEA Games Heptathlon Queen, Mary Joy Reyes
Tabal isang marathon runner. Siya ang kauna -unahang babaeng Pilipino na
mananakbo sa marathon na makapasok sa Olympics. Lydia de Vega-Mercado isang
Pilipinong atleta na tinaguriang Asia's Fastest Woman noong 1980.

Isang halimbawa ng atletang nagpapakita ng kahusayan sa track and field ay si EJ


Obiena, ang ating Pinoy pole vaulter. Kamakailan lamang, siya ay nagtagumpay sa
World Indoor Championships sa Scotland. Bagamat hindi siya nakakuha ng medalya,
ang kanyang paglahok ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon at husay sa larangan
ng pole vaulting.
Sa track and field, mahalaga ang pagbibigay-pansin sa mga atletang nagdadala ng
karangalan sa ating bansa. Sila ay mga bayani na nagpapakita ng husay, dedikasyon,
at pagsisikap sa kanilang larangan. Mabuhay ang mga atletang Pilipino!

You might also like