Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 2

Alternative Delivery Mode


April 30, 2024

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang.

1.Pangarap ni Mila na maging isang guro paglaki. Gusto niyang maturuan ang mga batang magbasa,
magsulat, at magbilang. Kaya nag-aaral siya nang mabuti at hindi siya lumiliban sa klase. Anong
karapatan ang ipinakikita rito?
A. Karapatang makapag-aral
B. Karapatang magkaroon ng tirahan
C. Karapatang magkaroon ng masayang pamilya
D. Karapatang magkaroon ng ligtas na komunidad

2. Si Rico ay may sakit. Dinala siya sa health center ng kanilang barangay upang matingnan at
mabigyan ng libreng gamot. Anong karapatan ang ipinakikita sa sitwasyon?
A. Karapatang ipagamot
B. Karapatang makapag-aral
C. Karapatang makapaglibang
D. Karapatang makakain ng masarap na pagkain

3. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing dapat gampanan sa tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan


katumbas ng mga karapatang tinatamasa. Ano ang inilalarawan sa pangungusap?
A. karapatan B. pangangailangan
C. kayamanan D. tungkulin

4. Ako ay isinilang na malusog. Binigyan ng pangalan at ipinarehistro. Tungkulin kong alagaan ang
aking pangalan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Bata at matanda ay walang mga tungkulin.
B. Hindi kasali ang mga bata sa mga tungkulin.
C. Mga matatanda lang ang mayroong tungkulin.
D. Bawat tao ay may may tungkuling dapat gampanan sa karapatang kaniyang tinatamasa.

5. Inaalagaan at minamahal si Jay ng kaniyang mga magulang. Bilang isang bata, tungkulin ni Jay
na ___. Alin sa sumusunod ang tungkuling dapat gawin ni Jay katumbas ng karapatang kaniyang
nararanasan?
A. Pagdabugan ang kaniyang mga magulang.
B. Makipagkulitan sa kaniyang mga magulang.
C. Sumunod sa lahat ng payo ng kaniyang mga magulang.
D. Magkunwaring hindi naririnig ang utos ng mga magulang.
Piliin ang ang kung ito ay nagpapakita ng pagtutulungan o pagkakaisa kung hindi.

Lagyan ng kung ang isinasaad ay tama at X naman kung hindi.

1.Tumulong sa mga biktima ng baha.


2.Hayaan na lamang ang kapwa na nasunugan.
3.Magbigay ng tulong pinansiyal sa mga nasalanta ng bagyo.
4.Baliwalain ang mga pagtitipon sa komunidad katulad ng pasko.
5.Sisihin ang kapwa sa pagkakaroon ng sunog sa inyong komunidad

You might also like